Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

656 Hindi Mo Maaaring Biguin ang Kalooban ng Diyos

1 Na nagagawa mong tanggapin ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng mga salita ng Diyos, at, higit sa rito, nagagawang tanggapin ang mga tagubilin ng Diyos, ay itinalaga ng Diyos sa pasimula ng panahon, at kaya hindi ka dapat masyadong mabagabag kapag ikaw ay kinakastigo. Walang sinuman ang makakaagaw sa gawain na ginawa sa inyo, at sa mga pagpapala na ipinagkaloob sa inyo, at walang sinuman ang makakaagaw sa lahat ng mga ibinigay na sa inyo. Ang mga tao ng relihiyon ay hindi papayag na ihambing sa inyo. Hindi ninyo taglay ang malaking kahusayan sa Biblia, at hindi nasasangkapan ng relihiyosong teorya, ngunit dahil ang Diyos ay gumawa sa inyo, nagkamit na kayo nang higit sa kaninuman sa kabuuan ng mga kapanahunan—at kaya ito ang inyong pinakamalaking pagpapala.

2 Dahil dito, lalo kayong dapat magtalaga sa Diyos, at lalo pang maging tapat sa Diyos. Sapagkat itinataas ka ng Diyos, dapat mong patibayin ang iyong mga pagsisikap at dapat ihanda ang iyong katayuan upang tanggapin ang mga tagubilin ng Diyos. Dapat kang manindigan sa dako na ibinigay sa iyo ng Diyos, hangarin ang pagiging isa sa sambayanan ng Diyos, tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, makamit ng Diyos at sa bandang huli ay maging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Kung taglay mo ang gayong mga paninindigan, kung gayon sa bandang huli tiyak kang makakamtan ng Diyos, at magiging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Dapat mong maunawaan na ang pangunahing tagubilin ay pagiging nakamtam ng Diyos at pagiging isang maluwalhating patotoo sa Diyos. Ito ang kalooban ng Diyos.

Hango sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Nagpasya na ang Diyos na Buuin ang Grupong Ito

Sumunod:Yaong mga Tunay na Sumusunod sa Gawain ng Diyos ay Maaari Niyang Matamo

Baka Gusto Mo Rin