648 Kapag Isinagawa Mo ang Katotohanan, Maaari Kang Magbago

1 Ang isang problema o kalagayan ay laging malulutas ng katotohanan, anumang uri ng problema o kalagayan ito. Hangga’t tinatatanggap mo ang katotohanan at mula sa pagiging teorya ay ginagawa itong realidad at isinasagawa ito at pinapasok ito, anong uri ka man ng tao, dadaan ka sa pagbabago at paglago. Ang diin ay nasa puso ng mga tao at nasa kanilang mga pagpili, at kung tumatalikod sila sa Diyos o sumusunod sa Kanya at nagpapasakop sa Kanyang mga salita kapag nahaharap sila sa isang problema. Tungkol din ito sa kung pinipili ng mga tao na bigyang-kasiyahan ang kanilang pisikal na pagnanasa kapag nahaharap sa kung ano, o kung sa halip ay kaya nilang talikdan ang kanilang laman at isagawa ang katotohanan, kumilos nang alinsunod sa mga salita ng Diyos.

2 Pagdating naman sa mga tao na laging pinipili ang pagbibigay-kasiyahan sa kanilang laman at mga pagnanasa, at pagsunod sa kanilang kagustuhan at hangad ng katawan, hindi nila kailanman mararanasan ang kahulugan o halaga ng pagsasagawa ng katotohanan. Ang mga tao na kayang talikdan ang laman, bitawan ang pansariling mga plano at pagnanasa, na nakagagawa ayon sa katotohanan at nakapapasok sa katotohanang realidad ay unti-unting makararanas kung ano ang kahulugan ng pagsasagawa ng katotohanan, mapagtatanto ang saya at lugod sa pagsasagawa ng katotohanan, at unti-unting magagawang makamit ang pagkaunawa sa kabuluhan ng mga salita ng Diyos at kung ano ang kahulugan at halaga ng paghingi ng Diyos na kumilos ang mga tao sa ganitong paraan.

3 Kung ganito sila madalas magsagawa, magkakaroon sila ng pagkamuhi, pagkasuklam at pagkainis sa kanilang diwang kalikasan. Samantala, mararamdaman din nila ang pag-ayaw sa mga negatibong bagay na kanilang makakaugnay sa kanilang paligid. Magsisimula silang maghangad na magkaroon ng tayog at sapat na kagustuhan na isagawa ang katotohanan, at umaasa sila na makapasok sa katotohanang realidad, mapalugod ang kalooban ng Diyos, at maging nilalang na may budhi, may katinuan, at may katotohanang realidad. Nauuhaw rin sila na magawang magpasakop sa Diyos, magpasakop sa lahat ng kapaligirang isinaayos ng Diyos, at pigilan ang sarili na maghimagsik laban sa Kanya; hinahangad nilang mapalugod ang kalooban ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 647 Tayo ay Nailigtas Dahil Pinili Tayo ng Diyos

Sumunod: 649 Hindi Mo Maaaring Biguin ang Kalooban ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito