Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. Ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!

Sagot: Tungkol sa kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit: Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa atin na ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Mga kapatid, kahit nagsasakripisyo ang mga tao na ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, na tinatalikuran ang iba pa, hindi natin maikakaila na madalas din silang magkasala. Ang katotohanan na nagkakasala sila ay nangangahulugan na kampon sila ni Satanas at marumi at tiwali pa rin. Maaari pa rin nilang kalabanin at ipagkanulo ang Diyos. Ibig sabihin, hindi pa sila tunay na nalinis. Kung ginawa silang mga hari, magtatayo sila ng sarili nilang kaharian na kontra sa Diyos. Sapat ito para patunayan na hindi pa sila tunay na nalinis at nagawang banal. Pa’no magiging marapat na makapasok sa kaharian sa langit ang mga taong kumakalaban nang ganito sa Diyos? Sa pagsasakripisyo para sa Panginoon, pangangaral ng ebanghelyo, pagtatatag ng iglesia, pagsuporta sa matatapat, atbp., lahat ng ito ay mabubuting ugali ng tao. Pag isinabuhay ng mga tao ang mga ugaling ito dahil sa pagmamahal sa Diyos, pag tunay silang nagsakripisyo para sa Diyos, pag sadya nilang sinunod at pinalugod ang Diyos, pag hindi nila hinangad na bigyang-kasiyahan ang sarili nilang mga layunin o makipagkasundo sa Diyos, mabubuti ngang gawa ang mga ito; aalahanin ng Diyos ang mga ginawa nilang ito at pagpapalain sila. Pag ginawa nila ito para makipagkasundo sa Diyos, pag hinangad nilang bigyang-kasiyahan ang mga nasa ng kanilang katawan, pag ginawa nila ito para makapasok sa kaharian ng langit at magantimpalaan, ang mga ito ay pagtatangka lamang na lansihin ang Diyos; kinakalaban nila ang Diyos! Kung gayon, ang katotohanan ba na ginagawa ito ng tao ay nagpapatunay na ginagawa nila ang kalooban ng Ama sa langit? Ibig bang sabihi’y banal sila? Hindi talaga! Ang mabubuting gawa nila ay udyok ng kanilang pagiging likas na makasalanan. Ginagawa lang nila ito dahil gusto nilang makipagkasundo sa Diyos, para bigyang-kasiyahan ang kanilang luho. Katunayan ’yan na napakaraming dumi sa puso ng mga tao. Pa’no tunay na mamahalin at susundin ng mga taong ito ang Diyos? Ang mga tao ay kontrolado ng kanilang pagiging likas na makasalanan. Pag may ginawa at sinabi ang Diyos na hindi naaayon sa sarili nilang mga pagkaintindi, hinuhusgahan, tinatanggihan at isinusumpa nila Siya. Pag binigyan sila ng mga pagsubok ng Diyos, hindi nila ito nauunawaan, sinisisi at tinatalikuran nila ang Diyos. Sinasamba at sinusunod nila ang tao habang nananalig sa Diyos. Pinakikinggan muna nila ang tao bago nila pakinggan ang Diyos. Madalas pa rin silang kumilos ayon sa sarili nilang pagkaintindi habang naglilingkod sa Diyos, pinupuri ang kanilang sarili, pinatototohanan ang kanilang sarili, at itinuturing na kaaway ang Diyos. Ang mga tao ay kontrolado ng kanilang pagiging likas na makasalanan. Kapag nagkaroon na sila ng kapangyarihan, kinokontra nila ang Diyos at nagtatatag sila ng sariling kaharian. Gaya lang ito ginawa ng mga punong saserdoteng Judio, eskriba, at Fariseo; nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, pikit-mata nila Siyang isinumpa at kinalaban para hindi sila maalis sa puwesto. Dahil dito, hindi tinanggap ng mga Judio ang pagliligtas ng Panginoong Jesus kailanman. Hindi ba nagtatatag sila ng sarili nilang kaharian para kontrahin ang Diyos? Kung gayon, kahit ang mga taong sa tingin ay nagsusumikap at gumagawa ng tama, kung hindi nagawan ng paraan ang kanilang pagiging likas na makasalanan at hindi nalinis ang kanilang makademonyong disposisyon, pa’no nila talaga masusunod ang kalooban ng Diyos, ga’no man sila nahihirapan o anuman ang kanilang ginagawa? Walang duda na ang mga gumagawa ng kalooban ng Diyos ay yaong mga lubos na sumusunod sa Diyos. Siguradong iisa ang iniisip nila ng Diyos. Tiyak na hindi sila maghihimagsik o kumalaban sa Diyos. Sila ang mga karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit at tumanggap ng mga pangako ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan: Tanong 6: Talikuran natin ang iba pa, ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon, at patnubayan ang iglesia. Ganitong pagsusumikap ang paraan para maisagawa ang kalooban ng Ama sa langit. May mali ba sa ginagawa nating ito?

Sumunod: Tanong 8: Simula nang manalig tayo sa Panginoon, naibigay na natin ang lahat para sairin ang ating lakas at nagsumikap tayo para sa Panginoon, at sumailalim na tayo sa pagpapahirap at kapighatian. Nabilanggo pa tayo para sa Kanya at mas gusto pa nating mamatay kaysa ikaila ang pangalan ng Panginoon o pagtaksilan Siya. Palagay ko ito ang pagsasagawa ng kalooban ng Diyos. Sa pagdurusa para sa Panginoon at pagpapatotoo magkakamit tayo ng kabanalan, at magiging marapat na makita ang Panginoon. Basta’t patuloy natin itong ginagawa, pagbalik Niya ay dadalhin tayo sa kaharian ng langit.

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger