3 Awit ng Kaharian
(III) Lahat ng Tao, Sumigaw sa Galak

I

Sa liwanag ng Diyos, kita muli ng tao’ng liwanag.

Sa salita ng Diyos, tinatamasa’y natatagpuan.

Diyos ay mula sa Silangan,

at ‘pag luwalhati Niya’y nagniningning,

bawat bansa’y nililiwanagan,

walang nananatili sa dilim.

Buhay sa kaharian kasama’ng Diyos

ay lubhang masaya.

Nagdidiwang ang tubig sa buhay ng tao.

Kabunduka’t tao’y nakikibahagi sa biyaya Niya.

Sila’y tapat sa kaharian, nagsusumikap.


II

Sa kaharian, walang paghihimagsik,

wala nang paglaban.

Diyos at tao’y magkalapit,

nagsasalo sa saya ng buhay.

Lupa’t langit ay umaasa sa isa’t isa’t

sinisimulan ng Diyos makalangit na buhay,

nang wala si Satanas, tao’y nagpapahinga.

Sa buong sansinukob, mga hinirang Niya’y

nabubuhay sa luwalhati Niya.

Buhay nila’y ‘di yaong tao kasama’ng tao,

ngunit ang Diyos.

Sila’y pinagpapala nang walang katulad.


III

Lahat ng tao’y tiniis ang katiwalian ni Satanas,

tinikman ang tamis at pait ng buhay.

Ngayong nabubuhay sa liwanag ng Diyos,

pa’no’ng tao’y ‘di magagalak?

Paano pinapalagpas ng tao

ang sadyang magandang sandali?

Mga tao, umawit, sumayaw,

at tugtugin ang mga tambol para sa Diyos!

Ialay ang pusong tapat sa Diyos!

Diyos ay nagniningning ng galak sa sansinukob,

at ‘pinapakita sa tao’ng

maluwalhati Niyang mukha.


IV

Diyos ay kukulog,

mangingibabaw sa sansinukob.

Diyos ay naghahari sa mga tao, dinakila.

Siya’y gumagala sa bughaw na langit,

at tao’y sumasama sa Kanya.

Diyos ay lumalakad kasama’ng

mga tao Niya’t nagtitipon-tipon sila.

Puso ng tao’y nagagalak; awit nila’y humahayo,

niyayanig ang sansinukob, binibitak ang langit.

Wala nang hamog o putik sa sansinukob,

wala nang pag-iipon ng maruming tubig dito.


V

Banal na tao ng sansinukob,

sa pagsusuri ng Diyos,

‘pinapakita ang tunay nilang mukha.

Sila’y ‘di marurumi,

kundi santong kasing-puro ng jade.

Lahat sila’y pinakamamahal

at kasiyahan ng Diyos.

Lahat ay nabubuhay muli;

santo ngayo’y nagsisilbi sa Diyos,

sa langit sa mainit na yakap Niya.

Wala nang pag-iyak, wala nang pagkabalisa.

Iniaalay ang sarili nila sa Kanya.


VI

Ang mga banal

na bumabalik sa tahanan ng Diyos,

ngayo’y namumuhay sa tinubuang-bayan nila.

Dito, mamahalin nila ang Diyos

nang walang hanggan, walang pagbabago.

Wala nang luha’t lungkot, at nasaan ang laman?

Wala nang lupa, langit ay magpakailanman.

Diyos ay nagpapakita sa tao’t pinupuri Siya.

Ang buhay at gandang ito’y

kailanma’y ‘di magbabago.

Ito ang buhay sa kaharian, kaharian.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Magalak Kayong Lahat na mga Tao!

Sinundan: 2 Awit ng Kaharian
(II) Dumating na ang Diyos at Naghahari

Sumunod: 4 Dumako sa Sion na may pagpupuri

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito