2 Awit ng Kaharian
(II) Dumating na ang Diyos at Naghahari

Sa maganda at napakasayang sandaling ito,

sa langit at sa lupa, lahat ay nagpupuri.

Sino’ng ‘di natutuwa? Sino’ng ‘di nagagalak?

At sino’ng ‘di naluluha?

Langit ay napanibago, langit ng kaharian.

Lupa ay napanibago, lugar ng kabanalan.

Masamang mundo’y nabago,

matapos ang malaking unos.


Bundok, tubig, nagbabago. Nagbabago pati tao.

Lahat ng nilalang nagbabago.

Payapang bundok, sumayaw para sa Diyos!

Tahimik na tubig, malayang dumaloy!

Taong nangangarap, bangon at humabol!

Ang Diyos ay narito na at naghahari.

Makikita nila ang Diyos ng mukhaan,

tinig N’ya’y kanilang maririnig,

at mamumuhay ng buhay sa kaharian.

Kay inam, kay ganda, hindi malilimutan.


Ang Diyos ay nagngingitngit,

pulang dragon ay namimilipit.

Sa paghatol ng Diyos, kademonyoha’y nalalantad.

Sa ilalim ng salita ng Diyos,

tao’y napapahiya, walang mataguan.

Pagka’t ang Diyos ay kanyang kinutya,

sa tuwina’y sarili ay ipinagmamalaki,

kanyang sinusuway kalooban ng Diyos palagi.

Masdan mo ngayon sino’ng ‘di naluluha?

Sino’ng ‘di nagsisisi?

Sa buong sansinukob, lahat lumuluha,

puno ng kagalakan, puno ng tuwa.

Ang saya’y walang hanggan.


Umaambon, niyebe ay pumapatak.

Sa langit, lumilipad ang mga ulap.

Sa dagat, ang alon ay humahampas.

Ang tao’y nabalot ng lungkot at galak.

Ang ila’y nagsasaya, ila’y umiiyak,

ila’y natutuwa. Lahat tila nakalimot na.

Ambon sa tagsibol? O mabulaklak na tag-init?

O magandang ani sa taglagas?

Maginaw na taglamig? Walang makapagsasabi.


Mga anak ng Diyos, sumayaw sa tuwa.

Bayan ng Diyos, tumalon sa galak.

Mga anghel ay gumagawa. Namamastol ng tupa.

Mga tao sa lupa ay sadyang abala,

lahat ng nilalang, nagpaparami na.

Langit ay napanibago, langit ng kaharian.

Lupa ay napanibago, lugar ng kabanalan.

Masamang mundo’y nabago,

matapos ang malaking unos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Awit ng Kaharian

Sinundan: 1 Awit ng Kaharian
(I) Bumababa ang Kaharian sa Mundo

Sumunod: 3 Awit ng Kaharian
(III) Lahat ng Tao, Sumigaw sa Galak

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito