Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

176 Lubos na Inihayag ang Paghatol ng Diyos

1 Isang makulog na tinig ang lumalabas, niyayanig ang buong sansinukob, binibingi ang mga tao, ginagawa silang huli na para umalis sa daan, at ang ilan ay napapatay, ang ilan ay winawasak, at ang ilan ay hinahatulan. Ito ay talagang isang tanawin na hindi pa nakita ng sinuman noong una. Makinig na mabuti, ang mga pagputok ng kulog ay may kasamang mga tunog ng pagtangis, at ang tunog na ito ay nagmumula sa Hades, ang tunog na ito ay nagmumula sa impiyerno. Ito ang mapait na daing ng mga anak ng paghihimagsik na nahatulan Ko na. Yaong mga hindi nakikinig ng Aking sinasabi at hindi isinasagawa ang Aking mga salita ay mahigpit na hinahatulan at tumatanggap ng sumpa ng Aking poot. Ang Aking tinig ay paghatol at poot, at wala Akong pinalilibring sinuman at hindi nagpapakita ng habag kaninuman, sapagka’t Ako ang matuwid na Diyos Mismo at Ako ay puno ng poot, Ako ay nagsusunog, Ako ay naglilinis, at Ako ay nagwawasak.

2 Sa Akin ay walang natatago, walang emosyonal, bagkus lahat ay bukas, matuwid, at walang-kinikilingan. Dahil ang Aking mga panganay na anak ay kasama Ko na sa trono, namumuno sa lahat ng bansa at lahat ng bayan, yaong di-makatarungan at di-matuwid na mga bagay at mga tao ay nagsisimulang mahatulan. Sisiyasatin Ko sila nang isa-isa, walang nalilisan, ibinubunyag sila nang ganap. Sapagka’t ang Aking paghatol ay lubusan nang nabunyag at lubusan nang bukas, at walang anumang natitira na kahit kailan; itatapon Ko sa labas ang anupamang hindi nakaayon sa Aking kalooban at hahayaan itong mapahamak nang walang-hanggan sa walang-hanggang kalaliman; hahayaan Ko itong masunog nang walang-hanggan sa walang-hanggang kalaliman. Ito ang Aking pagkamakatuwiran; ito ang Aking pagiging matuwid. Walang sinumang makapagbabago nito, at ito ay dapat na nasa Aking pag-uutos.

Hango sa “Kabanata 103” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Muling Tumutunog ang Pitong Trumpeta ng Diyos

Sumunod:Nadala Kami sa Harap ng Luklukan

Baka Gusto Mo Rin