34 Matuwid na Paghatol ng Diyos Papalapit na sa Buong Sansinukob

I

Mat’wid na paghatol parating sa sansinukob.

Lahat natatakot, nanghihina ang loob,

dahil mundong kanilang tirahan

hindi kilala ang katuwiran.


‘Pag lumitaw Araw ng katuwiran,

sansinukob liliwanag kasunod ng Silangan.

Kung magagawa ng tao ang katuwiran ng Diyos,

wala silang dapat katakutan.


Panahon ay sumapit na.

Gawai’y isasagawa Niya,

sa mundo’y maghahari Siya.

Pagbalik ng Diyos malapit na,

at Siya ay papaalis na.

Lahat nag-aasam para dito.

Pagdating ng araw Niya’y makikita ng tao,

hayaan silang salubungin ‘to.


II

Mga tao ng Diyos sabik

sa pagdating ng araw Niya.

Hinihintay nila’ng ganting hatid Niya,

oo, at pagtatakda ng hantungan ng tao

bilang Araw ng katuwiran.


Kaharian Niya’y nahuhubog na

sa ibabaw ng sansinukob, luklukan N’ya’y

may kapangyarihan sa puso ng tao.

Sa tulong ng anghel, gawain Niya’y matatapos.


Panahon ay sumapit na.

Gawai’y isasagawa Niya,

sa mundo’y maghahari Siya.

Pagbalik ng Diyos malapit na,

at Siya ay papaalis na.

Lahat nag-aasam para dito.

Pagdating ng araw Niya’y makikita ng tao,

hayaan silang salubungin ‘to.


III

Mga anak at tao ng Diyos, naghihintay,

sabik na Siya’y muli nilang makasama.

Pigil ang hiningang naghihintay,

nang hindi na muling magkawalay.


Bakit ba hindi magyayakapan

mga tao ng kaharian ng Diyos

sa pagdiriwang dahil Siya’y kapiling?

Pagtitipong ito ba’y walang kapalit?


Panahon ay sumapit na.

Gawai’y isasagawa Niya,

sa mundo’y maghahari Siya.

Pagbalik ng Diyos malapit na,

at Siya ay papaalis na.

Lahat nag-aasam para dito.

Pagdating ng araw Niya’y makikita ng tao,

hayaan silang salubungin ‘to.


IV

Diyos ay marangal sa paningin ng tao.

Siya’y ipinahayag sa salita nila.

Sa huli ‘pag nagbalik ang Diyos,

puwersa ng kaaway, lulupigin Niyang lubos.


Panahon ay sumapit na.

Gawai’y isasagawa Niya,

sa mundo’y maghahari Siya.

Pagbalik ng Diyos malapit na,

at Siya ay papaalis na.

Lahat nag-aasam para dito.

Pagdating ng araw Niya’y makikita ng tao,

hayaan silang salubungin ‘to,

hayaan silang salubungin, salubungin ‘to.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 27

Sinundan: 33 Ang Paghatol ng Diyos ay Lubos na Naihayag

Sumunod: 35 Bukas na mga Atas Administratibo ng Diyos sa Sansinukob

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito