963 Walang Pinalalagpas na Kasalanan ang Diyos

1 Upang maunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kailangang maunawaan muna ng isang tao ang mga damdamin ng Diyos: kung ano ang Kanyang kinamumuhian, kung ano ang Kanyang kinasusuklaman, kung ano ang Kanyang minamahal, kung kanino Siya nagpaparaya at naaawa, at sa anong uri ng tao Niya ipinagkakaloob ang awang iyon. Ito ay isang pangunahing punto. Dapat ding malaman ng isang tao na gaano man kamapagmahal ang Diyos, gaano man karami ang habag at pagmamahal na mayroon Siya para sa mga tao, hindi tinutulutan ng Diyos ang sinuman na nagkakasala sa Kanyang katayuan at posisyon, ni hindi Niya tinutulutan ang sinuman na nagkakasala sa Kanyang dignidad. Kahit mahal ng Diyos ang mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti. Ibinibigay Niya sa mga tao ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at ang Kanyang pagpapaubaya, nguni’t hindi Niya kailanman pinamihasa sila; ang Diyos ay mayroong Kanyang mga prinsipyo at Kanyang mga hangganan.

2 Gaano man kalaki ang naramdaman mo nang pagmamahal sa iyo ng Diyos, gaano man kalalim ang pagmamahal na iyon, kailanma’y hindi mo dapat tratuhin ang Diyos sa paraan ng pagtrato mo sa isa pang tao. Bagaman totoo na itinuturing ng Diyos ang mga tao na sukdulang malapit sa Kanya, kung itinuturing ng isang tao ang Diyos bilang ibang tao lamang, na parang Siya ay isa lamang ding nilalang, gaya ng isang kaibigan o isang bagay ng pagsamba, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa kanila at tatalikdan sila. Ito ang Kanyang disposisyon, at dapat pag-isipang mabuti ng mga tao ang isyung ito.

3 Madalas nating nakikita ang mga salitang gaya nito na sinasabi ng Diyos tungkol sa Kanyang disposisyon: Gaano man karami ang mga daan na iyong nalakbay, gaano man karami ang gawain na iyong nagawa o gaano man karami ang iyong tiniis na, sa sandaling magkasala ka sa disposisyon ng Diyos, gagantihan Niya ang bawa’t isa sa inyo batay sa inyong nagawa. Kapag nagkakasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, nguni’t sa halip ito ay sanhi ng isang saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang kalagayan na kinaroroonan nila. Ito ay isang bagay na sobrang nakakatakot. Kaya, hindi mo dapat malimutan na, paano man tratuhin ng Diyos ang mga tao, ni anuman ang pagtingin Niya sa mga tao, ang posisyon, awtoridad, at katayuan ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Para sa sangkatauhan, ang Diyos ay palaging ang Panginoon ng lahat at ang Lumikha.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII

Sinundan: 962 Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Hindi Nagpapahintulot ng Paglabag

Sumunod: 964 Ang Lahat ng Ginagawa ng Diyos ay Matuwid

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito