893 Malayang Ipinagkakaloob ng Diyos ang Katotohanan at Buhay sa Sangkatauhan

1 Natamo na ng mga tao ang pinakamahalagang bagay. Bakit Ko sinasabing ito ang pinakamahalagang bagay? Ibinigay na ng Diyos sa mga tao ang Kanyang buhay at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya para maipamuhay nila ang mga ito, para mabago nila kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos at ang katotohanang ipinagkakaloob Niya sa kanila at magawa ang mga ito na direksyon at landas na susundan nila sa buhay, magawa ang mga ito na mismong buhay nila, upang makapamuhay sila ayon sa buhay na ito. Dagdag pa sa pagkakaloob ng buhay sa mga tao, ang isang ipinagagawa Niya sa kanila ay na kunin nila ang buhay na ito na ipinagkaloob ng Diyos, gawin itong sarili nilang buhay, at ipamuhay ito. Kapag nakikita ng Diyos na namumuhay ang mga tao sa ganitong paraan, nasisiyahan Siya.

2 Habang tinatanggap ang buhay ng Diyos bilang sarili nilang buhay, nauunawaan din ng mga tao ang katotohanan, natatamo ang mga prinsipyo kung ano ang maging tao, tinutubuan ng mga ugat na kailangan nila para maging tao, at natatamo ang direksyong kailangan nilang tahakin para maging tao. Hindi na sila nalilinlang at nagagapos ni Satanas, hindi na nalilinlang at nagagamit ng masasamang tao, at hindi na narurumihan, nadudungisan, nagagapos, o natutukso ng masasamang uso. Malayang nabubuhay ang mga tao sa pagitan ng langit at lupa, at lumalaya sila. Nagagawa nilang mamuhay nang tunay sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, hindi na mapapahamak sa anumang kasamaan o mga puwersa ng kadiliman. Kaya, sa pagdanas ng gawain ng Diyos, ang mga tao ang umaani ng pinakamalaking pakinabang; sila ang may pinakamaraming pakinabang.

3 Habang namumuhay sila nang ganito, na itinuturing ang buhay na ito na sarili nilang buhay, hindi na sila dumaranas ng anumang sakit, bagkus ay namumuhay sila nang masaya at walang paghihirap; namumuhay sila nang malaya at may normal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Hindi na sila makapaghihimagsik o makakakontra sa Diyos; bagkus, maaari silang mamuhay nang tunay sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos. Namumuhay sila nang tama at wasto, mula sa loob palabas, at nagiging tunay na mga tao. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap ng buhay na nagmumula sa Diyos mo naililigtas ang sarili mong buhay. Kung natatamo mo ang buhay na ito, magiging walang-hangganan ang buhay mo; ito ang walang-hanggang buhay.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaki ang Pakinabang sa Plano ng Pamamahala ng Diyos

Sinundan: 892 Yaong mga Ililigtas ng Diyos ay Nangunguna sa Puso Niya

Sumunod: 894 Dumarating ang Diyos sa Gitna ng Tao Upang Iligtas Sila

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito