892 Yaong mga Ililigtas ng Diyos ay Nangunguna sa Puso Niya

I

Ga’no kahalaga ang pagliligtas ng Diyos,

higit na mahalaga kaysa sa anumang bagay.

Ginagawa Niya’ng lahat para sa tao

nang may plano’t kalooban,

‘di lang sa mga kaisipan at salita.

O, ang pagliligtas ng Diyos ay mahalaga,

kapwa sa tao’t sa Kanya.


Ga’no kaabala ang Diyos,

ang pagsisikap na ginugugol Niya.

Namamahala Siya sa gawain Niya,

sa lahat ng bagay at tao.

‘Di pa ‘to naisagawa noon,

nagbayad Siya ng malaking halaga.

Sa gawain Niya,

unti-unting inihahayag ng Diyos sa tao

kung ano Siya’t ano’ng mayro’n Siya,

ang halagang binayaran na Niya,

karunungan, kapangyariha’t disposisyon Niya.


Ga’no man kahirap ang gawain,

anuman ang mga hadlang,

ga’no man kahina’t kasuwail ang tao,

walang makakapigil sa Diyos, walang mahirap,

walang mahirap para sa Kanya.


II

Ga’no kalapit ang Diyos, ga’no katalik

para sa yaong pinipili Niyang pamahalaan at iligtas.

Sa sansinukob na ito, sino pa ang nagkaro’n ng

gayon katalik na relasyon sa Diyos?

Sa puso Niya, sila ang pinakamahalaga’t

pinahahalagahan Niya higit sa lahat.


Pa’no nila sinasaktan at sinusuway ang Diyos.

Kahit nagbayad na Siya ng malaki

para sa kanila,

walang pagod na gumagawa’ng Diyos,

walang reklamo o pagsisisi,

batid na balang araw

tao’y maaantig ng mga salita Niya.

Sila’y magigising sa tawag Niya,

makikilalang Siya ang Panginoon ng lahat,

magbabalik sa piling Niya.


Ga’no man kahirap ang gawain,

anuman ang mga hadlang,

ga’no man kahina’t kasuwail ang tao,

walang makakapigil sa Diyos, walang mahirap,

walang mahirap para sa Kanya.

Wow, wow, wow, wow. Wow, wow, wow, wow.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 891 Pinakamahalaga sa Diyos Yaong mga Taong Ililigtas Niya

Sumunod: 893 Malayang Ipinagkakaloob ng Diyos ang Katotohanan at Buhay sa Sangkatauhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito