176 Ang Diyos ay Nagkatawang-tao Upang Gumawa Dahil sa Pangangailangan ng Tao
I
Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay napatungo sa laman ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao, hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga sakripisyo at paghihirap ay alang-alang sa sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Para sa Diyos, walang nakakamit, nawawala o mga gantimpala; hindi Siya gagapas ng anumang ani sa hinaharap, kundi ng mga dati nang sa Kanya talaga. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga sakripisyo para sa sangkatauhan ay hindi upang makapagkamit Siya ng malalaking pabuya, kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan. Bagama't sangkot sa gawain ng Diyos sa katawang-tao ang mga paghihirap na di-mailarawan sa isip, ang mga bunga na nakakamit nito sa huli ay labis na lampas sa mga gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu.
II
Ang gawain ng katawang-tao ay nagdudulot ng maraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi makapagtataglay ng katulad na dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi Siya maaaring magsagawa ng mga katulad na kahima-himalang mga gawa tulad ng Espiritu, at higit na hindi Siya maaaring magtaglay ng katulad na awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing ginagawa ng hamak na katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na tuwirang ginagawa ng Espiritu, at ang katawang-taong ito Mismo ang kasagutan sa mga pangangailangan ng buong sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagkaantig o inspirasyon, at isang pagkaramdam ng pagkamangha na ang gawaing ito ay hindi maipaliliwanag at hindi lubusang maisip, at isang pagkaramdam na ito ay dakila, nakahihigit, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maa'ring makamit at matamo ng lahat.
III
Ang gawain ng katawang-tao ay nag-aalok sa tao ng praktikal na mga layunin upang hangaring matamo, malinaw na mga salita, at isang pakiramdam na Siya ay praktikal at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at karaniwan. Bagama't maa'ring matakot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao Siya ay madaling makaugnay: Maa'ring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at marinig ang Kanyang tinig, at hindi niya Siya kailangang tingnan mula sa malayo. Nararamdaman ng tao na madaling lapitan ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, bagkus ay nakikita at nahahawakan, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa kaparehong mundo ng tao. Bagama't sangkot sa gawain ng Diyos sa katawang-tao ang mga paghihirap na di-mailarawan sa isip, ang mga bunga na nakakamit nito sa huli ay labis na lampas sa mga gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao