Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

341 Ang Diyos na Nagkatawang-tao Lamang ang Makapagliligtas sa Sangkatauhan

1 Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay naparito sa katawang-tao ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Para sa mga ililigtas, ang nagsisilbing halaga ng Espiritu ay higit na mas mababa kaysa sa katawang-tao: Ang gawain ng Espiritu ay nagagawang masakop ang buong sansinukob, lahat ng bundok, ilog, lawa, at karagatan, nguni’t ang gawain ng katawang-tao ay mas mabisang may kinalaman sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na mayroong nasasalat na anyo ay maaaring mas maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at higit pang mapalalim ang kaalaman ng tao sa Diyos, at maaaring mag-iwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktwal na mga gawa ng Diyos.

2 Ang gawain ng Espiritu ay nababalutan ng misteryo, ito ay mahirap para sa mga may kamatayan na nilalang upang arukin ang lalim, at mas mahirap para sa kanila upang makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na pagpapalagay. Ang gawain ng katawang-tao, sa kabilang banda, ay karaniwan, at batay sa realidad, at nagtataglay ng mayamang karunungan, at ito ay isang katotohanan na maaaring makita ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng mga gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao.

3 Ang Espiritu ay maaari lamang gumawa ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang isipin, halimbawa ang kaliwanagan ng Espiritu, ang paggalaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, nguni’t para sa tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Sila ay nagbibigay lamang ng isang makabagbag-damdamin, o isang malawak na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin na mga salita. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, sa kabilang banda, ay lubos na naiiba: Ito ay may tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw na kalooban, at may malinaw na kinakailangang mga layunin.

4 Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon.

Hango sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Mas Angkop sa Gawain ng Pagliligtas

Sumunod:Ang Pinakamainam Tungkol sa Gawain ng Diyos na Nagkatawang-tao

Baka Gusto Mo Rin