70. Ang Pagpapakita at Paggawa ng Diyos sa Tsina ay Napakamakabuluhan

Ni Alisha, Timog Korea

Isang araw, nanood ako ng isang video ng himno na pinamagatang “Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan,” na talagang umantig sa akin. Ito ang lyrics: “Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay binawi Ko ito, sa paraang ito ay dinadala ang mga Israelita sa Silangan at ang buong sangkatauhan sa Silangan. Dinala Ko na silang lahat sa liwanag para muli nila itong makasama, at makasalamuha, at hindi na nila kailangan pang hanapin ito. Ipapakita Kong muli ang liwanag sa mga naghahanap dito at ang kaluwalhatiang tinaglay Ko sa Israel; ipapakita Ko sa kanila na matagal na Akong bumaba sakay ng puting ulap sa gitna ng sangkatauhan, ipapakita Ko sa kanila ang napakaraming puting ulap at kumpul-kumpol na saganang mga bunga, at, bukod pa rito, ipapakita Ko sa kanila ang Diyos na si Jehova ng Israel. Ipapakita Ko sa kanila ang Guro ng mga Hudyo, ang pinakahihintay na Mesiyas, at ang buong anyo Ko na pinag-uusig ng mga hari sa lahat ng panahon. Gagawa Ako sa buong sansinukob at magsasagawa Ako ng dakilang gawain, na inihahayag ang Aking buong kaluwalhatian at ang lahat ng Aking gawa sa tao sa mga huling araw. Ipapakita Ko ang kabuuan ng Aking maluwalhating mukha sa mga naghintay nang maraming taon para sa Akin, sa mga nanabik na pumarito Ako sakay ng puting ulap, sa Israel na nanabik na muli Akong magpakita, at sa buong sangkatauhan na umuusig sa Akin, para malaman ng lahat na matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, at wala na ito sa Judea. Sapagkat sumapit na ang mga huling araw!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob). Namangha talaga ako sa video na ito. Inihahatid ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel hanggang sa Silangan sa mga huling araw. Sa Tsina, ang pinaka-lumalaban sa Diyos sa lahat ng bansa, nagpakita na Siya, nagsasagawa ng Kanyang gawain at nagpapahayag ng katotohanan upang lupigin at iligtas ang lahat ng tao sa buong sansinukob. Ito ang walang hanggang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Dati-rati, hindi ako pamilyar sa gawain ng Diyos. Batay sa aking mga haka-haka, inakala ko na magpapakita ang Panginoon sa Israel sa Kanyang pagbabalik. Nang mabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, saka ko lamang naunawaan ang kagila-gilalas na kahalagahan ng pagpapakita at gawain ng Diyos sa Tsina.

Nanampalataya ako sa Panginoon noong 1997, at masigasig akong magsaliksik. Tuwing may oras ako ay nagboboluntaryo ako sa simbahan, at nagbigay ako palagi ng ikapu bawat buwan. Noong Abril ng 2011, pumunta ako sa South Korea para sa isang trabaho, at gaano man ako kaabala sa trabaho, dumadalo pa rin ako sa samba tuwing Linggo. Pero paulit-ulit lang palagi ang mga sermon ng pastor. Tatangu-tango lang ang mga miyembro ng kongregasyon o kaya naman ay nagdadaldalan na lang sa huli. Wala man lang kasiyahan o matutuhan. Sa paglipas ng panahon, ayaw ko nang pumunta sa mga samba. Pero dahil Kristiyano ako, hindi lang tama sa pakiramdam ko ang hindi dumalo. Kaya pinilit ko ang sarili ko na patuloy na dumalo.

Tapos, nagkataon isang araw, nakasalubong ko ang isa sa mga dati kong kaibigan sa simbahan. Inimbitahan niya ako sa bahay niya at sumama rin ang kaibigan niyang si Audrey. Iyon ang unang pagkakataong nagkakilala kami, pero nagkasundo kami kaagad. Nagkuwentuhan kami tungkol sa aming mga sitwasyon at tungkol din sa kapanglawan sa iglesia. Ibinahagi sa akin ni Audrey kung paanong kadalasan ay mapanglaw sa iglesia dahil gumagawa ng bagong gawain ang Diyos, at nagbago na ang gawain ng Banal na Espiritu, at na kailangan kaming tumulad sa matatalinong dalaga, na naghahangad sa pagpapakita at gawain ng Diyos, at nakikinig sa Kanyang tinig, upang sumalubong sa Panginoon at magtamo ng panustos ng tubig na buhay. Natuklasan ko na lubhang nagbibigay-liwanag ang kanyang sinabi. Tapos, sabi ni Audrey: “Nakabalik na ang Panginoong Jesus, Siya ay nagkatawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos, at nagpakita na upang gampanan ang Kanyang gawain sa Tsina, nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos para lubos na dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Sinimulan na ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Lahat ng tumatanggap sa Kanyang gawain sa mga huling araw ay matatalinong dalaga na dinala sa harap ng luklukan ng Diyos; tumatanggap sila ng panustos ng salita ng Diyos at dumadalo sa piging ng kasal ng Kordero.” Nabigla talaga ako sa sinabi ni Audrey at nahirapan akong paniwalaan siya: “Nagbalik na ang Panginoon? At naparito Siya sa Tsina? Sa panahon ng Luma at Bagong Tipan, ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Israel, at ang sabi sa Bibliya: ‘At ang Kanyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kanluran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan(Zacarias 14:4). Sa mga huling araw, dapat dumating ang Panginoon sa Israel sa Bundok ng mga Olivo. Paano Siya napunta sa Tsina?” Sinabi ko kay Audrey ang aking pagkalito.

Ngumiti lang siya at sinabing: “Mahiwagang lahat ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Hindi natin naiintindihan ang kahulugan ng mga iyon hangga’t hindi natutupad ang mga iyon at nakikita natin kung paano naisagawa ng Diyos ang Kanyang gawain—saka lamang mauunawan ng sinuman ang ibig sabihin ng mga propesiya. Hindi natin dapat limitahan ang gawain ng Diyos gamit ang literal na kahulugan ng mga propesiya, batay sa ating mga haka-haka at imahinasyon, dahil malamang na labanan natin ang Diyos sa paggawa niyon. Ipaghalimbawa na natin ang mga Pariseo. Tiningan nila ang propesiya tungkol sa pagparito ng Mesiyas, na nakakapit sa literal na kahulugan nito, iniisip na kapag dumating ang Panginoon kailangang tawagin Siyang Mesiyas. Dahil dito, nang dumating ang Panginoong Jesus at hindi Siya tinawag na Mesiyas, inakala nila na hindi tugma iyon sa mga salita ng propesiya, at ginawa nila ang lahat para tanggihan at labanan ang Panginoong Jesus. Hindi mahalaga kung gaano katindi ang awtoridad at kapangyarihan ng ipinangaral ng Panginoong Jesus—ayaw lang nilang tanggapin iyon, at sa huli ay ipinapako nila Siya sa krus. Isinumpa at pinarusahan sila ng Diyos. Kung lilimitahan natin ang gawain ng Diyos batay sa mga salita ng mga propesiya sa Bibliya, at hindi natin sisiyasatin ang mga katunayan ng pagpapakita at gawain ng Diyos, malamang na ulitin natin ang pagkakamali ng mga Pariseo. Sa mga huling araw, isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, ipinapahayag ang lahat ng katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, tulad ng isang maningning na liwanag na lumilitaw sa Silangan. Sa loob lang ng 20 taon, lumaganap na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa buong Tsina, at umabot na ngayon sa ibang mga bansa sa buong mundo. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, isang koleksyon ng mga salita ng Mapangyarihang Diyos, ay isinalin na sa mahigit 20 wika, at nakalathala online para mahanap at masiyasat ng mga tao sa buong mundo. Lumaganap na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos na parang kidlat, na kumikislap mula sa Silangan hanggang sa Kanluran, yumayanig sa buong mundo at ganap na tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). At natupad din nito ang propesiya sa Aklat ni Malakias 1:11: ‘Sapagkat mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang Aking pangalan sa mga Hentil…, sabi ni Jehova ng mga hukbo.’” Nang marinig ko ito, bigla kong natanto: Nagbalik na ang Panginoon sa Tsina, hindi sa Israel, at matagal na itong ipinropesiya sa Bibliya.

Tapos, binasahan ako ni Audrey ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa totoo lang, ang Diyos ang Panginoon ng lahat ng bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha. Hindi lamang Siya Diyos ng mga Israelita, ni ng mga Hudyo; Diyos Siya ng lahat ng nilikha. Ang naunang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, na nakalikha ng ilang kuru-kuro sa mga tao. Naniniwala sila na ginawa ni Jehova ang Kanyang gawain sa Israel, na si Jesus Mismo ang nagsakatuparan ng Kanyang gawain sa Judea, at, bukod pa rito, na Siya ay naging tao upang gumawa—at ano’t anuman, ang gawaing ito ay hindi na lumagpas pa sa Israel. Hindi gumawa ang Diyos sa mga taga-Ehipto o sa mga Indiano; gumawa lamang Siya sa mga Israelita. Sa gayon ay nakabuo ng iba-ibang kuru-kuro ang mga tao, at inilarawan ang gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sinasabi nila na kapag gumagawa ang Diyos, kailangan Niyang gawin iyon sa mga taong hinirang, at sa Israel; maliban sa mga Israelita, hindi na gumagawa ang Diyos sa iba, ni wala nang anumang mas malawak na saklaw ang Kanyang gawain. Napakahigpit nila pagdating sa pagpapasunod sa Diyos na nagkatawang-tao, at hindi nila Siya pinapayagang kumilos nang lagpas sa mga hangganan ng Israel. Hindi ba mga kuru-kuro lamang ng tao ang lahat ng ito? Ginawa ng Diyos ang buong kalangitan at lupa at lahat ng bagay, ginawa Niya ang lahat ng nilikha, kaya paano Niya lilimitahan ang Kanyang gawain sa Israel lamang? Kung magkagayon, ano ang silbi ng paglalang Niya sa lahat ng nilikha? Nilikha Niya ang buong mundo, at naisakatuparan Niya ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala hindi lamang sa Israel, kundi sa bawat tao sa sansinukob. … Kung kikilos ang Diyos ayon sa mga kuru-kuro ng tao, magiging Diyos lamang Siya ng mga Israelita, at sa gayon ay hindi Niya makakayang paabutin ang Kanyang gawain sa mga bansang Hentil, sapagkat magiging Diyos lamang Siya ng mga Israelita, at hindi Diyos ng lahat ng nilikha. Isinaad sa mga propesiya na ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Hentil, na kakalat ito sa mga bansang Hentil. Bakit ito ipinropesiya? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa Israel lamang Siya gagawa. Bukod pa riyan, hindi Niya palalaganapin ang gawaing ito, at hindi Siya gagawa ng ganitong propesiya. Dahil ginawa nga Niya ang propesiyang ito, siguradong ipapaabot Niya ang Kanyang gawain sa mga bansang Hentil, sa bawat bansa at lahat ng lupain. Dahil sinabi Niya ito, kailangan Niyang gawin ito; ito ang Kanyang plano, sapagkat Siya ang Panginoon na lumikha sa kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilikha. Gumagawa man Siya sa mga Israelita, o sa buong Judea, ang gawaing Kanyang ginagawa ay ang gawain ng buong sansinukob, at ang gawain ng buong sangkatauhan. Ang gawaing Kanyang ginagawa ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Hentil—ay gawain pa rin ng buong sangkatauhan. Maaaring ang Israel ang himpilan ng Kanyang gawain sa lupa; gayundin, maaaring ang Tsina ay himpilan din ng Kanyang gawain sa mga bansang Hentil. Hindi ba natupad na Niya ngayon ang propesiya na ‘ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Hentil’?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha).

Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ibinahagi ni Audrey: “Ang Diyos ang Panginoon ng lahat ng nilikha, Siya ang naghahari sa buong sansinukob at namumuno sa mga kapalaran ng lahat ng tao. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga Israelita, kundi higit pa roon ay Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha. May karapatan ang Diyos na isagawa ang Kanyang gawain kahit saang bansa at sa sinumang lahi. Pero saang bansa man Siya nagpapakita at gumagawa, ang Kanyang gawain ay nakatuon sa buong sangkatauhan, at upang magabayan sila sa kanilang pag-unlad. Sa Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, gumawa si Jehova sa Israel, ipinahayag ang Kanyang kautusan at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kautusan. Tapos, gamit ang lupaing ito bilang sentro, unti-unti Niyang pinalawak ang Kanyang gawain sa ibang mga lupain, upang ikarangal ng lahat ng bansa at tao na dakila ang Kanyang pangalan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Judea. Pero hindi lang tinubos ng Panginoong Jesus ang mga Hudyo, tinubos Niya ang buong sangkatauhan. Ngayon, makalipas ang dalawang libong taon, lumaganap na ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa lahat ng sulok ng mundo. Sa mga huling araw, naparito ang Makapangyarihang Diyos at Siya ay nagpakita at nagsimulang gumawa sa Tsina bago ito palawakin sa buong sansinukob. Ngayon ay parang kumikinang na liwanag na nagniningning mula sa Silangan ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, na lumalaganap at pinatototohanan sa maraming bansa sa Kanluran. Narinig na ng napakaraming tao ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at humarap na sa luklukan ng Diyos para tanggapin ang paghatol at pagdadalisay ng Kanyang mga salita. Nakikita natin na sa anumang kapanahunan, kapag ipinapasya ng Diyos na magpakita at gumawa sa isang lahi o sa isang bansa, lagi muna Siyang pumipili ng isang lugar para gumawa at pagkatapos, gamit ang lugar na ito bilang isang halimbawa, ay unti-unting pinalalawak ang Kanyang gawain sa iba pang mga lugar upang kumpletuhin ang Kanyang gawaing iligtas ang tao. Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng Diyos. Kung susundin natin ang ating mga haka-haka at imahinasyon, na iniisip na dahil gumawa ang Diyos sa Israel sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, malamang na ang Diyos ay Diyos lamang ng Israel, ang ebanghelyo ay maaari lamang lumabas sa Israel, ang mga tao ng Israel ang tanging tunay na hinirang na mga tao ng Diyos at ang tanging karapat-dapat sa Kanyang mga pagpapala, at hindi magpapakita at gagawa ang Diyos sa mga bansang Hentil, kung gayon ay hindi ba natin nililimitahan ang Diyos? Sabi ng Diyos: ‘Ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bansang Hentil,’ kaya paano ito maisasagawa at matutupad? Nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at ginagawa ang Kanyang gawain sa Tsina, isang bansang pinaghaharian ng ateismo, sinisira ang mga haka-haka ng mga tao. Naipakita Niya na hindi Siya gumagawa ayon sa mga tuntunin, kundi ayon sa Kanyang sariling plano. Naipakita rin Niya sa atin na hindi lang Niya inililigtas ang mga tao ng Israel, kundi pati ang mga Hentil, at na hindi lang Siya ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos ng buong sangkatauhan. Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha. Saan man nagpapakita at gumagawa ang Diyos, lagi itong makabuluhan, at lagi Niyang pinipili ang lugar kung saan higit na magkakaroon ng silbi ang layuning iligtas ang tao.”

Labis akong nakaramdam ng hiya sa pagbabahagi ni Audrey. Hindi ko talaga naunawaan ang Diyos. Batid na isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya sa Israel, akala ko ay sa Israel lang magpapakita at gagawa ang Diyos. Kung sa Israel ulit isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga huling araw, nalimitahan ko pa rin sana Siya bilang Diyos ng mga Israelita, at magiging pagtanggi sana iyon sa Diyos bilang Pinuno ng buong sangkatauhan! Kung saan nagpapakita at gumagawa ang Diyos ng Kanyang gawain ay laging isang paglalarawan ng Kanyang plano at Kanyang karunungan. Hindi tayo karapat-dapat na magbigay ng mga komento tungkol sa gawain ng Diyos, lalo nang hindi natin dapat limitahan ang Kanyang gawain. Pero mayroon pa rin akong ilang pasubali. Ang Tsina ay isang bansang pinatatakbo ng isang pamahalaang ateista. Ito ang pinakamasamang bansa dahil sa pagtanggi at paglaban sa Diyos. Kung hindi layon ng Diyos na magpakita at gumawa sa Israel, bakit hindi Siya gumagawa sa mga bansang tulad ng US o UK, kung saan Kristiyanismo ang pangunahing relihiyon? Bakit Niya pinipiling isagawa ang Kanyang gawain sa Tsina sa lahat ng lugar? Ipinarating ko ang mga katanungang ito kay Audrey. Sabi ni Audrey, “Malinaw nang nagsalita ang Makapangyarihang Diyos tungkol dito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, iyon ang simula; ang yugto na ito ng gawain ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga taong hinirang sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at wakasan ang kapanahunan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, ang liwanag ay papapasukin, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar na ito ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilala nang mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katotohanang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay mayroong isinasagisag: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay ganap nang magwawakas. Sa oras na ang mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Kung gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang pagsasagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng sa laman, kay Satanas, at sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang pinakaginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng lahat ng tiwaling pagkatao. … Sa mga tao sa Tsina naipapamalas nang pinakabuong-buo at nabubunyag ang katiwalian, karumihan, pagiging hindi matuwid, pagtutol, at pagiging suwail sa lahat ng iba’t ibang mga anyo nito. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay salat at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay may isinasagisag, at matapos maisagawa ang kabuuan ng gawain ng pagsusuri na ito, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na madali. Kung matatapos ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na magawa na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang nakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob ay ganap nang nagwakas. Sa katunayan, kapag nagtagumpay na ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakikilos Ko kayo bilang modelo at huwaran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at pagiging hindi matuwid—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kinakatawan ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang namumukod-tangi. Kaya nga sila ay itinuturing na pinakamahirap na malupig, at sa oras na sila ay nalupig na, sila ay natural na magiging mga huwaran at modelo para sa iba(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2). Makikita natin sa mga salita ng Diyos na pinipili ng Diyos ang lokasyon at puntirya ng Kanyang gawain sa bawat yugto batay sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain. Lagi itong may partikular na kahulugan, at laging para sa mas ikaliligtas ng sangkatauhan. Halimbawa, isinagawa ng Diyos ang unang dalawang yugto ng gawain sa Israel dahil ang mga Israelita ang mga taong hinirang ng Diyos. Pinaniwalaan at sinamba nila ang Diyos, mayroon silang takot sa Diyos na puso at sila ang pinaka-hindi gaanong tiwali sa buong sangkatauhan. Sa gayon ay napakadali para sa Diyos na lumikha ng isang ulirang grupo ng mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa sa kanila. At sa ganitong paraan, maaaring lumaganap nang mas mabilis at maayos ang gawain ng Diyos upang malaman ng buong sangkatauhan ang pag-iral at gawain ng Diyos at mas marami pang taong makakalapit sa harapan ng Diyos at tatanggap sa Kanyang pagliligtas. Ang unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos na isinagawa sa Israel ay tunay na simboliko. Ganap na pinili ng Diyos ang Israel ayon sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain. Sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagdadalisay. Nagpapahayag Siya ng katotohanan para hatulan at ilantad ang katiwalian at kasamaan ng sangkatauhan, ipinapakita ang Kanyang matuwid, mabagsik at hindi malalabag na disposisyon para makita ng buong sangkatauhan. Kaya kailangan Niyang piliin ang pinakatiwali at pinaka-lumalaban sa Diyos bilang halimbawa. Sa paggawa lang nito makakamit ng gawain ng Diyos ang pinakamagandang resulta. Tulad ng alam ng lahat, sa buong sangkatauhan, ang mga Chinese ay pinaka-nagawang tiwali ni Satanas. Sila ang lahing pinakapaurong, marumi, aba, tumatanggi sa Diyos, at lumalaban sa Diyos sa buong sangkatauhan. Sila ang tipikal na halimbawa ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Sa paggawa ng gawain ng paghatol sa Tsina, at pagpuntirya sa tiwaling disposisyon ng mga Chinese, lubusan at malinaw na inilalantad ng Diyos ang sangkatauhan at ang katotohanang Kanyang ipinapahayag ang pinaka-kumpleto at ang pinaka-may kakayahang ibunyag ang Kanyang banal at matuwid na disposisyon. Ginagamit ng Diyos ang katotohanang ipinahayag sa pamamagitan ng Kanyang gawain sa mga taong hinirang sa Tsina upang lupigin at iligtas ang buong sangkatauhan at tulutan silang makita ang Kanyang banal at matuwid na disposisyon, upang lahat sila ay lumapit sa harap ng Diyos para purihin Siya. Ito ang karunungan ng gawain ng Diyos. Kung magagawang ganap ng Diyos ang mga pinakatiwaling tao, natural lang na magawang ganap ang iba pa at sa gayon ay lubusang matatalo si Satanas. Sa paggawa sa Tsina, tatanggapin ng Diyos ang pinakamatunog na patotoo at ang pinakadakilang kaluwalhatian. Kung ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ginawa sa Israel o sa mga bansang nakararami ang mga Kristiyano tulad ng US o UK, hindi matatamo ang resultang malupig at mailigtas ang buong sangkatauhan. Kaya ayon sa mga pangangailangan ng gawain ng paghatol, nagpakita at gumagawa ang Diyos sa Tsina, na pinakamakabuluhan. Mula sa puntirya at lokasyon ng gawain ng Diyos at sa epekto nito sa huli sa bawat yugto, makikita natin na ang gawain ng Diyos ay tunay na matalino at kamangha-mangha!” Nang marinig ko ito, tuwang-tuwa kong sinabi, “Oo, ang Israel ay isang bansang sumasamba sa Diyos at ang mga tao roon ang pinaka-hindi gaanong nagawang tiwali sa buong sangkatauhan. Kung nagbalik ang Panginoon para gumawa sa Israel, hindi magiging maganda ang kalalabasan ng gawain ng paglupig ng Diyos. Ang Tsina ang pinaka-paurong at lumalaban sa Diyos sa lahat ng bansa, kaya sa paglupig sa mga Chinese, hindi lang magiging pinakamaganda ang kalalabasan ng Kanyang gawain ng paglupig, mas naipapamalas din Niya ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan, Kanyang karunungan at Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Nakikita ko na ngayon kung gaano talaga kahalaga ang paggawa ng Diyos sa Tsina sa mga huling araw! Hindi ko alam ang gawain ng Diyos pero nilimitahan ko ang Kanyang gawain gamit ang aking mga haka-haka at imahinasyon—napakayabang ko noon!”

Tapos ay sinabi ni Audrey: “Paano man o saan man gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, laging may hiwaga at katotohanang hahanapin. Tungkol naman sa kung paano tayo sasalubong sa pagbalik ng Panginoon, sinabi sa atin ng Panginoong Jesus: ‘At pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya”(Mateo 25:6). ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig(Juan 10:27). May ganitong propesiya rin sa Pahayag: ‘Pagmasdan, Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Kaya, sa pagsalubong sa pagparito ng Panginoon at paghahanap ng Kanyang pagpapakita, ang pinakamahalaga ay ang makinig sa tinig ng Diyos. Kung marinig natin ang patotoo na nagbalik na ang Panginoon, kailangan nating hanapin iyon at siyasatin, para makita kung may pagpapahayag ng katotohanan at kung iyon ang tinig ng Diyos. Sapagkat saan man ipinapahayag ang katotohanan, naroon din ang tinig ng Diyos, gayundin ang Kanyang pagpapakita at gawain. Totoo talaga ito. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; habang mas lampas sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Niya ipinakikita ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang diwa ay hindi kailanman magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito ay ang nag-iisa at natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagpapahayag, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at ang Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay bukas sa sangkatauhan sa lahat ng sandali(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan).” Lubusang nilutas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang aking pagkalito. Isiniwalat ng mga ito ang mga hiwaga ng pagpapakita at gawain ng Diyos, na ganap na pinabulaanan ang dati kong mga haka-haka. Maraming taon ko nang hinangad na sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, pero hindi ko kailanman natanto na nililimitahan ko noon ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa kung ano ang inisip ko at sa literal na mga salita ng Bibliya. Napakamangmang at napakabulag ko! Nang matapos ang pagtitipon, kusa akong humingi kay Audrey ng isang kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos.

Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko kung paano Niya isinisiwalat ang marami sa mga hiwaga ng Bibliya, tulad ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan, ang kuwentong nakapaloob sa Bibliya at tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang kahulugan ng mga pangalan ng Diyos, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, ang kabuluhan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kung paano itinatakda ng Diyos ang kalalabasan at patutunguhan ng lahat ng uri ng tao, kung paano maisasakatuparan dito sa lupa ang kaharian ni Cristo, at iba pa. Naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang napakaraming hanay ng katotohanan, at lahat ng iyon ay mga hiwaga at katotohanang noon ko lang narinig. Wala nang iba maliban sa Diyos ang makasisiwalat sa mga hiwagang ito. Ang mga salitang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng awtoridad, kapangyarihan at pagiging maharlika. Tunay ngang mga pahayag ng Diyos ang mga iyon—tinig ng Diyos ang mga iyon. Lubos kong natiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos nang walang pag-aatubili, at ngayon ay sinusundan ko ang mga yapak ng Kordero.

Sinundan: 69. Bakit Ayaw Kong Magdala ng Pasanin?

Sumunod: 71. Ang Pagsubok ng Isang Mahirap na Sitwasyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

70. Hindi Na Isang Pasikat

Ni Mo Wen, SpainNaalala ko noong taong 2018, nasa tungkuling ebanghelyo ako sa iglesia, at pagkatapos ay ginawang tagapamahala ng gawaing...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito