9 Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono

1 Ang matagumpay na Hari ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating luklukan. Natapos na Niya ang pagtubos at naakay na ang lahat ng Kanyang tao upang magpakita sa kaluwalhatian. Hawak Niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay at sa Kanyang banal na karunungan at kapangyarihan ay naitayo at napatatag Niya ang Sion. Sa Kanyang kamahalan hinahatulan Niya ang makasalanang sanlibutan; hinatulan na Niya ang lahat ng bansa at lahat ng bayan, ang lupa at ang mga dagat at lahat ng bagay na nabubuhay roon, gayundin sila na lasing sa alak ng kalaswaan. Tiyak na hahatulan sila ng Diyos.

2 Tiyak na magagalit ang Diyos sa kanila at sa ganito mahahayag ang kamahalan ng Diyos, na ang paghatol ay agad-agad at ipinatutupad nang walang pagkaantala. Tiyak na susunugin ng apoy ng Kanyang poot ang kanilang karumal-dumal na mga krimen at sasapit sa kanila ang kalamidad anumang sandali; wala silang landas na matatakasan at walang lugar na mapagtataguan, sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin at magdadala sila ng pagkawasak sa kanilang sarili. Ang matagumpay na mga anak, na pinakamamahal ng Diyos ay tiyak na lalagi sa Sion, at hindi na lilisanin ito kailanman. Ang maraming bayan ay makikinig na mabuti sa Kanyang tinig, uunawain nilang mabuti ang Kanyang mga kilos, at hindi sila titigil sa pagpuri sa Kanya kailanman. Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos! Ang katapusan ng mundo ay nalalantad sa ating harapan. Ang paghatol sa mga huling araw ay nagsimula na.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 3

Sinundan: 8 Namamahala ang Makapangyarihang Diyos Bilang Hari

Sumunod: 10 Ang Kaharian ng Diyos ay Nagpakita na sa Lupa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito