Tanong 6: Sabi mo naparito ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, pero sabi ng Panginoong Jesus: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Napaghiganti na ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang mga tao para sa kanilang mga kasalanan, para sa katuwiran, at para sa paghatol. Sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon at pagsisisi, sumailalim na tayo sa Kanyang paghatol, kaya ano talaga ang kaibhan sa pagitan ng sinasabi mong gawain ng paghatol sa mga huling araw at ng gawain ng Panginoong Jesus?

Sagot: Sabi ng Panginoong Jesus, “Gayon ma’y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol(Juan 16:7–8). Maraming relihiyosong taong naniniwala na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya. Naniniwala sila na sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos; ang proseso ng pagtanggap ng mga tao sa Panginoong Jesus at pangungumpisal at pagsisisi sa harap ng Panginoon ay na dumating ang Banal na Espiritu, sinabi sa mga tao ng mundo na pagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan, alang-alang sa katuwiran, sa paghatol, at pinagkumpisal at pinagsisi ang mga tao sa Panginoon. Ito ang paghatol ng Diyos. Sa tingin ng mga tao, ang pananaw na ito ay lubhang naaayon sa kanilang mga haka-haka, pero kailangan nating malinawan na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at ang ibinigay lang Niya sa sangkatauhan ay isang paraan para makapagsisi. Sabi nga ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Hindi niya ginawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao; ang Kanyang mga salita na naghahatid ng diwa ng paghatol ay napaamin sa mga tao sa harap ng Panginoon ang nagawa nilang mga kasalanan at magsisi. Gayunman, ang naging resulta lang ng Kanyang gawain at mga salita ay nagkumpisal at nagsisi ang mga tao; hindi nito nagawang hatulan at lubos na padalisayin ang sangkatauhan. Kaya para maging tumpak, nang sabihin ng Panginoong Jesus na: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol,” tumukoy ito sa pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw at paggawa ng gawain ng paghatol. Sabi nga ng Panginoong Jesus: “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Ang nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay hindi lang para pagkumpisalin at pagsisihin ang mga tao, kundi para mawala ang pinagmumulan ng mga kasalanan nila, ang kanilang likas na kademonyohan at masamang disposisyon, para lubos nilang maiwaksi ang impluwensya ni Satanas at magkaroon sila ng kabanalan. Ito ang gawain ng pagliligtas, pagdadalisay, at pagpeperpekto sa sangkatauhan. Ito rin ang gawain na gantimpalaan ang kabutihan at parusahan ang kasamaan, at wakasan ang kapanahunan. Kaya hindi natin masasabi na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng paghatol, at lalo nang hindi natin maituturing ang gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya na gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, at ipinangaral lang ang landas ng pagsisisi. Ito ay para lang makamtan ang resulta na mangumpisal, magsisi, at bumaling na muli ang sangkatauhan sa Panginoon, kaya napakalimitado ng mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus—mas kaunti pa sa mga ipinahayag sa mga binigkas ng Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Gaano man karami ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ay nalalaman sa diwa ng gawaing ginagawa Niya, samantalang nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming salita sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw dahil ang Kanyang gawain ay para lubos na padalisayin, iligtas, at gawing perpekto ang sangkatauhan. Ito ang gawaing magwawakas sa kapanahunan, kaya ang Kanyang mga salita ay kailangang mas malikhain; nalalaman ito sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain. Naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para mapadalisay, maligtas, at maperpekto ang sangkatauhan. Ang mga salitang ito ng paghatol ay hindi lang nailantad ang kasamaan ng sangkatauhan at katotohanan ng ating kasamaan, kundi nailantad din ng mga ito ang kasamaan ng lahat ng lahat ng relihiyon at ng buong mundo. Hindi lang nila nabigyan ang lahat ng tao ng isang landas sa isang pagbabago ng disposisyon at pag-unlad sa buhay, kundi nabuksan din ng mga ito ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga ipinagagawa sa sangkatauhan. Hindi lang naihayag ng mga ito ang lahat ng hiwaga ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos kundi ang mas mahalaga pa, naihayag sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang angking disposisyon, kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, gayundin ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa. Ang mithiin ng Makapangyarihang Diyos sa pagpapahayag ng napakaraming katotohanan ay para maiwaksi ng mga tao ang impluwensya ni Satanas at magkamit ng kabanalan, at para din makilala, sundin, at mahalin ng mga tao ang Diyos. Bukod pa rito, iyon ay para ihayag ang kahihinatnan at huling hantungan ng bawat uri ng tao. Ito lang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga salitang sinasambit Ko ngayon ay upang hatulan ang mga kasalanan ng tao, upang hatulan ang hindi pagiging matuwid ng tao, upang isumpa ang pagsuway ng tao. Ang kabuktutan at panlilinlang ng tao, ang mga salita at gawa ng tao—lahat ng hindi naaayon sa kalooban ng Diyos ay kailangang isailalim sa paghatol, at tuligsain ang pagsuway ng tao bilang kasalanan. Umiikot ang Kanyang mga salita sa mga prinsipyo ng paghatol; ginagamit Niya ang paghatol sa hindi pagiging matuwid ng tao, ang sumpa sa pagkasuwail ng tao, ang paglalantad sa mga pangit na mukha ng tao upang ipakita ang Kanyang sariling matuwid na disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig). “Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at pagiging di-matuwid. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Sa mga huling araw, ang gawain ng Diyos ay una sa lahat ay ang paghatol at pagkastigo ng mga salita. Nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong salita, higit pa sa kabuuan ng mga salita ng Diyos kapwa sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Nasa gitna ng lahat ng salitang ito ang paghatol at pagkastigo, at lubos nitong inihahayag ang disposisyon ng katuwiran, pagkamaharlika, galit, paghatol, at pagsumpa ng Diyos. Sa pagtataglay lang ng ganitong klaseng disposisyon Niya nagagawang padalisayin at iligtas ang sangkatauhan, gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama, at wakasan ang kapanahunan. Ang gawain lang ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang tunay na gawain ng paghatol. Ibang-iba ito sa gawain ng pagtubos na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Totoo ito na kailangang malinaw na makita ng bawat isang tao na naghihintay sa pagpapakita ng Panginoon.

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinundan: Tanong 5: Nagpatotoo kayo na ang Diyos ay nagkatawang-tao muli bilang Anak ng tao at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos. Ganap nga itong alinsunod sa propesiya ng Biblia, pero di ko maintindihan: Ang paghatol na nagmula sa tahanan ng Diyos pareho ba ng sa dakilang puting trono ng paghatol na nasa Aklat ng Pahayag? Sa aming palagay ay pinatatamaan ng puting trono ng paghatol ang mga hindi mananampalataya na pag-aari ng diyablo na si Satanas. Pag dumating na ang Panginoon, ang mga mananampalataya ay dadalhin sa langit, at saka Siya magpapadala ng kalamidad upang malipol ang mga hindi mananampalataya. Iyan ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono. Nagpatotoo kayo sa simula ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pero di pa namin nakita na nagpadala ng kalamidad ang Diyos upang malipol ang mga hindi mananampalataya. Kaya papaano ito maging paghatol ng dakilang puting trono? Ano ba talaga ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Maaari mo bang sabihin sa amin ito ng mas malinaw.

Sumunod: Tanong 7: Maraming mga kapatid ang nag-iisip na ang ating paniniwala sa Panginoong Jesus ay nangangahulugan na napatawad na ang ating mga kasalanan, at na tinamasa nating mabuti ang biyaya ng Panginoon at lahat ay nakaranas ng habag at awa ng Panginoon. Hindi na mga makasalanan ang tingin sa atin ng Panginoon Jesus, kaya dapat maaari tayong madala nang diretso sa kaharian ng langit. Kung gayon bakit hindi tayo dinala ng Panginoon sa kaharian ng langit noong dumating Siya, ngunit kailangan pa ring gawin ang Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw? Ang paghatol ba ng Diyos sa mga huling araw ay upang linisin at iligtas ang sangkatauhan o upang kondenahin at sirain? Maraming tao ang hindi nakakaunawa dito. Mangyaring i-fellowship ito sa amin nang mas tiyak.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito