Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

672 Sa Pagpipino, Nagkakaroon ng Pananampalataya ang Tao

1 Iyon ay, mula lamang sa loob ng iyong pananampalataya makakaya mong makita ang Diyos, at kapag mayroon kang pananampalataya gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung walang pananampalataya, hindi Niya magagawa ito. Kapag mayroon kang pananampalataya at nahihipo mo ang Kanyang mga pagkilos sa iyong praktikal na karanasan, magpapakita ang Diyos sa iyo, at liliwanagan at gagabayan ka Niya mula sa loob. Kung wala ang gayong pananampalataya, hindi makakayang gawin ng Diyos ang gayon. Kung nawala na ang iyong pag-asa sa Diyos, paano mo magagawang maranasan ang Kanyang gawain? Kung gayon, kapag mayroon ka lamang pananampalataya at hindi ka nagkikimkim ng anumang mga pagdududa tungo sa Diyos, kung mayroon ka lamang tunay na pananampalataya sa Kanya maging anuman ang Kanyang ginagawa liliwanagan ka Niya at paliliwanagin ang iyong mga karanasan, saka mo pa lamang maaaring makita ang Kanyang mga pagkilos. Ang mga bagay na ito ay nakakamtan lahat sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang pananampalataya ay nakakamtan lamang sa pamamagitan ng pagpipino—hindi malilinang ang pananampalataya kung wala ang pagpipino.

2 Kung nahihipo mo ang mga pagkilos ng Diyos sa iyong aktuwal na karanasan, magpapakita Siya sa iyo, at liliwanagan at gagabayan ka mula sa loob. Kung hindi mo makakayang sumunod sa Kanyang mga salita, hindi Niya makakayang gawin ito. Kung may totoo kang pananampalataya sa Kanya at walang mga pag-aalinlangan, kung bubuksan mo ang iyong puso sa Kanya, gagawin ka Niyang perpekto. Liliwanagan ka Niya sa iyong praktikal na karanasan at sa iyong buhay. Sa praktikal na mga buhay ng mga tao, mayroon silang maraming personal na mga paghihirap, at higit pa rito, hindi nila malinaw na nakikita ang lawak ng gawain ng Diyos, kaya kinakailangan dito ang pananampalataya. Nanggagaling lamang ang pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagpipino—hindi ito mabubuo nang hindi nagiging pino. Kung mayroon kang mga pagkaunawa na hindi mo mapakawalan at nabubuo sa iyo ang mga pagdududa sa Diyos, lulubog ka sa mga pagpipino, at sa mga panahong ito pananampalataya ang lubos mong kailangan.

Hango sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Dapat Panghawakan ng Tao sa Oras ng mga Pagsubok

Sumunod:Walang Sinumang Nakakakilala sa Diyos na Nagkatawang-tao

Baka Gusto Mo Rin