Tanong 6: Sa Kapanahunan ng Biyaya, naging tao ang Diyos para magsilbing handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, na tumutubos sa kanila mula sa kasalanan. Sa mga huling araw muling naging tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol upang lubos na dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? At ano ang tunay na kabuluhan ng dalawang beses na pagkakatawang-tao ng Diyos?

Sagot:

Tungkol sa kung bakit kailangang dalawang beses magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, linawin muna natin: Tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan, ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may malalim at malawak na kahulugan. Dahil ang gawain ng kaligtasan, ito man ay tungkol sa pagtubos o sa paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, ay hindi maisasagawa ng tao. Kailangan na magkatawang-tao ang Diyos at Siya Mismo ang gumawa nito. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesus, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ay Mismong nagkaroon ng banal at walang kasalanang laman, at ipinako sa krus para magsilbi bilang handog para sa kasalanan, tinutubos ang tao sa kanyang pagiging makasalanan. Nauunawaan nating lahat ito. Ngunit tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, bakit Siya nagkatawang-tao bilang Anak ng tao upang magpakita at gumawa? Marami ang nahihirapang unawain ito. Kung hindi ipinaliwanag ng Makapangyarihang Diyos ang aspetong ito ng katotohanan at ibinunyag ang hiwagang ito, wala sanang nakaunawa sa katotohanang ito.

…………

Sa Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao sa unang pagkakataon para lamang gawin ang gawain ng pagtubos, gamit ang pagpapako sa krus bilang isang handog para sa kasalanan upang tubusin tayong mga tao mula sa ating pagkamakasalanan, upang alisin sa atin ang mga sumpa at paghatol ng batas. Kailangan lamang nating ipagtapat ang ating mga kasalanan at magsisi at ang ating mga kasalanan ay patatawarin. Pagkatapos ay matatamasa natin ang saganang biyaya at katotohanan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ito ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus, at ito ang tunay na kahulugan ng pagiging ligtas sa pananampalataya sa Panginoon. Bagama’t pinatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, kailangan pa nating makibaka sa mga tanikala ng pagkamakasalanan, dahil taglay pa rin natin ang ating likas na pagkamakasalanan at makademonyong disposisyon. Kahit inamin na natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon at nakamit ang Kanyang kapatawaran, wala tayong alam tungkol sa ating likas na pagkamakasalanan, at mas kaunti ang alam tungkol sa ating tiwaling disposisyon, isang kondisyon na mas malala kaysa sa pagkamakasalanan. Kaya lang nating kilalanin ang sarili nating kasalanan na mga paglabag sa batas, at ang mga bunga ng pagkakonsensya. Nguni’t di natin nakikilala ang mas malalalim na mga kasalanan, ang kasalanan ng pagkalaban sa Diyos. Halimbawa, wala tayong alam tungkol sa pinag-ugatan ng pagkalaban natin sa Diyos, o kung paano naipapakita ang ating makademonyong disposisyon, o paanong umiral ang ating kalikasan na makademonyo, anong mga lason ni Satanas ang umiiral sa ating likas na pagkatao, saan nagmumula ang makademonyong pilosopiya at makademonyong katwiran at mga patakaran. Kaya nga, bakit kaya wala tayong alam tungkol sa mga makademonyong bagay na ito? Yamang pinatawad na ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao, bakit hindi niya kayang agawin ang kanyang sarili mula sa mga tanikala ng pagkamakasalanan, at bakit patuloy niyang ginagawa ang mga kasalanan ding iyon? Talaga bang dalisay na siya kapag napatawad ang kanyang mga kasalanan? Ito ay talagang isang praktikal na isyu na tila hindi naunawaan ninuman sa Kapanahunan ng Biyaya. Bagama’t sa paniniwala natin sa Panginoon, pinatatawad ang ating mga kasalanan, hindi pa rin natin batid na nagkakasala tayo, kinakalaban at pinagtataksilan ang Diyos. Alam nating mga mananampalataya ang tungkol dito. Halimbawa, kahit sumasampalataya na sa Panginoon, patuloy tayong nagsisinungaling, mapaghangad, naiinis sa katotohanan at tinatangkilik ang masama. Tayo’y mapagmataas, taksil, makasarili at ganid pa rin; wala tayong magawa at bihag pa rin tayo ng tiwaling maka-satanas na disposisyon. Tayo’y walang pagod na gumagawa para sa Panginoon, nguni’t ginagawa natin ito sa pag-asang magagantimpalaan at makapapasok sa kaharian ng langit. Kapag tinatamasa natin ang biyaya ng Panginoon masaya tayo at tapat sa ating pananampalataya sa Panginoon; nguni’t kapag nahaharap tayo sa kalamidad, o may trahedya sa pamilya, mali na ang ating pang-unawa, sinisisi at itinatatwa pa at pinagtataksilan ang Panginoon. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa ating mga pagkaintindi at ilusyon, tulad tayo ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo, kinakalaban at kinokondena ang Diyos. Nararanasan natin mismo ito. Ano ang pinatutunayan ng lahat ng ito? Ipinakikita nito na kahit tinanggap natin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus at pinatawad ang ating mga kasalanan, hindi ito nangangahulugan na lubusan nating naalis ang kasalanan at nadalisay na ngayon, lalong hindi ibig sabihin nito na naging sa Diyos na tayo at nakamit na ng Diyos. Kaya, sa muling pagdating ng Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, marami sa mga relihiyosong mundo ang dumarating para hatulan, ikondena at lapastanganin ang Diyos, sinasabi sa mga tao na Siya ay kanilang kalaban at muli Siyang ipinapako sa krus. Ang mga tao bang hayagang nagkokondena at kumakalaban sa Diyos ay madadala sa kaharian ng langit dahil lamang sa pinatawad ang kanilang mga kasalanan? Papayagan ba ng Diyos ang masasamang puwersang ito na kumakalaban sa Diyos na makapasok sa kaharian ng langit? Dadalhin ba ng Diyos ang mga anticristong ito, na mga napopoot sa katotohanan, sa kaharian ng langit? Gaya ng nakikita natin, bagama’t pinapatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pagsampalataya sa Panginoon, hindi pa natin lubusang naalis sa ating sarili ang pagkamakasalanan, ang makademonyong mga impluwensya, at lalong hindi pa nakamit ng Diyos at naging sa Diyos. Kaya nga, kung nais nating alisin sa ating sarili ang kasalanan at makamit ang pagdadalisay, upang lubusang makamit ng Diyos, kailangang lubusan tayong madalisay at maligtas ng gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.

Masyadong simple ang pananaw natin sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, na para bang sa sandaling patawarin ang mga kasalanan ng tao ay wala nang ibang isyu, at ang gagawin na lamang ay maghintay na dalhin ng Panginoon sa kaharian ng langit. Napakawalang muwang at parang bata tayong tiwaling mga tao! Lubhang katawa-tawa ang mga pagkaintindi at ilusyon ng tiwaling sangkatauhan! Kasalanan ba ang tanging problema na nagpapahirap sa tao matapos gawing tiwali ni Satanas? Ano ang ugat ng kasalanan ng tao? Ano ang kasalanan? Bakit kinamumuhian ito ng Diyos? Hanggang sa araw na ito, wala ni isang may wastong pang-unawa. Ang tao ay lubusang ginawang tiwali ni Satanas, gaano katindi ang kanilang katiwalian? Walang malinaw. Ang realidad ng lubusang katiwalian ng tao ay nakita noong ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Ang katotohanan na kayang ipako sa krus ng mga tao ang maawaing Panginoong Jesus, na nagpahayag ng napakaraming katotohanan, ay talagang nagpapakita na ang tao ay naging inapo ni Satanas, lahi ni Satanas, at lubusang nawala ang kanilang pagkatao, ni hindi nila tinaglay ang pinakamaliit na uri ng pagkamakatuwiran o konsensya. Sino sa mga tao ang nagtataglay pa rin ng normal na pagkatao? Hindi ba’t ang paglaban at matinding pagkapoot sa Diyos ng tao ay tanda na dumating na ang tao sa punto kung saan tanging sila lang o Siya, kung saan hindi na sila maaaring makipagkasundo sa Diyos? Malulutas ba talaga ang problemang ito sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan? Sino ang makagagarantiya na sa pagkapatawad ng ating mga kasalanan, hindi tayo lalaban sa Diyos o ituturing Siya na kaaway natin? Walang makakagarantiya! Mapapatawad ang ating mga kasalanan, nguni’t mapapatawad ba ng Diyos ang ating kalikasan, isang kalikasan na kumakalaban sa Diyos? Mapapatawad ba ng Diyos ang ating makademonyong disposisyon na pumupuno sa atin? Paano nilulutas ng Diyos ang mga bagay na ito na kay Satanas? Walang duda na ang Diyos ay gumagamit ng paghatol at pagkastigo. At para sa mga hindi kailanman nagsisisi, wawasakin sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga kalamidad. Ayos lang na sabihing, kung wala ang matuwid na paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tiwaling tao ay hindi malulupig, lalo pa silang mababaon sa lupa sa matinding panghihinayang. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol. Marami ang nagdududa at may mga pagkaintindi tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit kaya ganito? Ito’y dahil sa hindi natin nakikita ang katunayan ng lubos na katiwalian ng tao. Kaya, ang resulta, wala tayong kahit kaunting pang-unawa sa kahulugan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Hindi natin hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, paano natin tatanggapin at susundin ang gawain ng Diyos?

…………

Ang pagkakatawang-tao ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na nagkaroon ng katawan at naging isang karaniwan at normal na tao para gawin ang gawain ng Diyos Mismo. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magkaroon ng normal na pagkatao, kailangang gumawa at magsalita ayon sa normal na pagkatao. Kahit kapag gumagawa Siya ng mga himala, dapat isagawa ang mga ito ayon sa normal na pagkatao. Sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang normal. Tila ginagawa Niya ang Kanyang gawain tulad ng isang normal, na katamtamang tao. Kung wala Siyang normal na pagkatao at gumawa sa Kanyang normal na pagkatao, hindi Siya magiging pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagkakatawang-tao ay naging tao ang Espiritu ng Diyos. Sa loob ng normal na pagkatao, ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo, tinutubos at inililigtas ang sangkatauhan. Ito ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Ngayon, ano ang kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang ibig sabihin lamang nito ay na ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagkumpleto sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao, nagsagawa sa gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao at kinumpleto ang plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dapat malinaw sa ating lahat na ang layunin ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay para gawin ang gawain ng pagtubos at ihanda ang daan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya’t, ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi kumumpleto sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Ang layunin ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw at lubusang palayain ang tao mula sa pagsakmal ni Satanas, para maalis sa tao ang kanilang makademonyong disposisyon, palayain sila mula sa impluwensya ni Satanas upang makabalik sila sa Diyos at makamit Niya. Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay ipinahayag ang kabuuan ng katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, kinumpleto ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, at ipinahayag ang lahat ng kailangang ipahayag ng Diyos sa Kanyang katawang-tao. Sa paggawa lamang nito Niya nakumpleto ang gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. … Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kumumpleto sa lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, ibig sabihin, ang buong gawain ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya’t, sa hinaharap, ang Diyos ay hindi na muling magkakatawang-tao. Wala nang ikatlo o ikaapat na beses. Dahil ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubusan nang naisakatuparan. Iyan ang ibig sabihin ng pahayag na ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.

Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Para sa mga daranas pa lang sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, mahirap itong maunawaan. Iyon lamang mga taong nakaranas sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya ang nakaaalam na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Ngunit kaunti lamang ang nakauunawa na ang gawain ng Panginoong Jesus ay limitado sa pagtubos lamang at hindi Niya isinakatuparan ang gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Na ibig sabihin, hindi ipinahayag ng Panginoong Jesus ang kabuuan ng katotohanan ng kumpletong pagliligtas sa sangkatauhan ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t sabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Ngayon ang Panginoong Jesus ay bumalik na sa laman bilang Anak ng tao. Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Narito Siya ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, ipinapahayag dito ang kabuuan ng katotohanan na magdadalisay at magliligtas sa sangkatauhan, ang katotohanang nasa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsasalita sa unang pagkakataon sa pagkakakilanlan ng Diyos sa buong sansinukob, ipinapahayag ang Kanyang salita. Ipinapahayag Niya ang mga detalye ng plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ipinapahayag Niya ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang ipinapagawa sa sangkatauhan at ang patutunguhan ng tao.

Tingnan natin kung paano ito ipinapaliwanag ng Makapangyarihang Diyos: “Makatarungang sabihin na ito ang unang pagkakataon mula noong paglikha ng mundo na nangusap ang Diyos sa buong sangkatauhan. Hindi kailanman nangusap ang Diyos sa nilikhang sangkatauhan nang ganito kadetalyado at napakaayos. Siyempre pa, ito rin ang unang pagkakataon na marami Siyang sinabi, at napakatagal, sa buong sangkatauhan. Wala pang nakagawa nito kailanman. Bukod pa riyan, ang mga pagbigkas na ito ang bumubuo sa unang tekstong ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan kung saan inilalantad Niya ang mga tao, ginagabayan sila, hinahatulan sila, at nagsasalita Siya nang tapatan sa kanila at ito rin ang unang mga pagbigkas kung saan ipinaaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar na Kanyang pinaghihimlayan, ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang Kanyang pag-aalala sa sangkatauhan. Masasabi na ito ang mga unang pagbigkas na sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa ikatlong langit simula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na nagamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan sa gitna ng mga salita” (Panimula sa Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ito ay dahil inihahatid Ko sa mundo ang katapusan ng sangkatauhan, at mula ngayon, inilalantad Ko ang buo Kong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakikilala sa Akin at ang lahat ng hindi ay lubos na mapagmamasdan at makikita na tunay ngang dumating na Ako sa daigdig ng tao, dumating na sa lupa kung saan nagpaparami ang lahat ng bagay. Ito ang plano Ko, at ang tangi Kong ‘pangungumpisal’ mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Maipagkaloob nawa ninyo ang buong pansin sa bawat galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang tungkod Ko sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin” (“Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Tungkol sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, may mga taong hindi makaunawa dito, dahil kulang sila sa karanasan. Kapag narinig nila ito, hindi nila ito nauunawaan. Ngayon alamin natin ang mga detalye ng gawaing isinagawa sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, isinagawa Niya ang gawain ng pagtubos, nagpapakita ng maraming himala: Pinakain Niya ang limang libo sa limang tinapay at dalawang isda lamang. Pinayapa Niya ang hangin at mga alon sa isang salita lamang. Binuhay Niya si Lazaro. At, ang Panginoong Jesus ay nag-ayuno at tinukso sa ilang sa loob ng apatnapung araw. Lumakad Siya sa ibabaw ng dagat. At marami pang iba. Dahil ang katawang-tao ng Panginoong Jesus ay gumawa ng mga himala, at Siya ay nagbagong-anyo sa tuktok ng bundok, sa mga mata ng mga tao, bagama’t ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao, Siya ay nagtaglay pa rin ng pambihirang mga elemento. Kaiba Siya sa karaniwang tao, may mga himala saan man Siya magpakita. At, isang yugto lamang ng gawain ang ginawa ng Panginoong Jesus, ang gawain ng pagtubos. Ipinahayag lamang Niya ang katotohanan ng gawain ng pagtubos, ipinakikita lamang ang disposisyon ng habag at pag-ibig ng Diyos. Hindi Niya ipinahayag ang lahat ng katotohanan tungkol sa gawain ng paghatol at kaligtasan, at hindi Niya ipinahayag sa tao ang matuwid, banal at di nasasaktang disposisyon ng Diyos. Kaya hindi masasabing nakumpleto ng unang pagkakatawang-tao ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tinupad lamang ng yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus ang diwa ng ‘ang Verbo ay sumasa Dios’: Ang katotohanan ng Diyos ay sumasa Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa katawang-tao at hindi maihihiwalay mula sa katawang-taong iyon. Ibig sabihin, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay sumasa Espiritu ng Diyos, na mas malaking katunayan na si Jesus na nagkatawang-tao ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos” (“Pagsasagawa 4” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ay kaiba sa unang pagkakatawang-tao. Sa ikalawang pagkakatawang-tao, ang Diyos ay hindi nagsagawa ng mga himala, hindi Siya pambihira. Sa panlabas na anyo Siya’y mukhang isang normal at karaniwang tao, ginagawa ang Kanyang gawain at binibigkas ang Kanyang salita nang praktikal at makatotohanan sa mga tao. Naipahayag Niya ang katotohanan upang hatulan, dalisayin, at gawing perpekto ang tao. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ipinakita ang matuwid at banal na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng kung ano ang Diyos at anong mayroon Siya, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang ipinapagawa sa mga tao. At, hinatulan at inilantad rin Niya ang makademonyong kalikasan ng tao at ang tiwaling mga disposisyon na kumakalaban sa Diyos, at sa paggawa nito, nilupig, ginawang perpekto, inilantad at inalis ang tao, bawat isa sa kanyang sariling uri. Lahat ng katotohanang ipinagkakaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw ay ipinapahayag sa loob ng normal na pagkatao ng Kanyang katawang-tao, walang pambihira tungkol dito. Ang nakikita lamang natin ay isang normal at karaniwang taong bumibigkas ng Kanyang salita at gumagawa ng Kanyang gawain, ngunit ang salitang binibigkas ni Cristo ay pawang katotohanan. Ito ay may awtoridad at kapangyarihan, kaya nitong dalisayin at iligtas ang tao. Mula sa salita ni Cristo, na humahatol at naglalantad sa katotohanan at diwa ng katiwalian ng tao, nakikita natin kung paano napapasok ng Diyos ang kaibuturan ng tao sa Kanyang pagmamasid sa kanya, kung paano lubos na nauunawaan ng Diyos ang tao. Nalalaman din natin ang matuwid, banal, at di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos. Mula sa panghihikayat at panghihimok ni Cristo, nauunawaan natin ang habag at malasakit ng Diyos sa tao. Mula sa maraming paraan kung saan nagsasalita at gumagawa si Cristo, napapahalagahan natin ang pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos, ang marubdob na mga balakin kung saan gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at ang tunay na pagmamahal ng Diyos at kaligtasan ng tao. Batay sa paraan ng pagtrato ni Cristo sa lahat ng tao, mga isyu, at mga bagay, nauunawaan natin kung paanong ang kasiyahan, galit, lungkot, at kaligayahan ng Diyos ay mga realidad lahat ng bagay na positibo, at kung paanong ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at likas na pagpapakita ng diwa ng buhay ng Diyos. Batay sa salita at gawain ni Cristo, nakikita natin kung gaano kasukdulan at kadakila ang Diyos at kung paano Siya mapagpakumbabang nagkukubli ng Kanyang Sarili, nagkakaroon tayo ng tunay na kaunawaan at kaalaman sa orihinal na disposisyon at tunay na mukha ng Diyos, kaya nagkakaroon tayo ng pagkauhaw sa katotohanan at paggalang sa Diyos sa ating mga puso, upang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Ito ang epekto sa atin ng salita at gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Hindi lamang itinutulot ng salita at gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos na makita natin na nagkatawang-tao ang Diyos kundi tinutulutan din tayong makita ang katunayan ng pagpapakita ng salita ng Diyos sa katawang-tao. Isinasagawa ng salita ng Diyos ang lahat ng bagay. Itong normal, karaniwang katawan ay ang sagisag ng Espiritu ng katotohanan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Siya ang pagpapakita ng tanging tunay na Diyos! Tanging sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos nakumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.

…………

Ngayon ang bawat isa sa atin ay may dagdag na pagkaunawa kung paano kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Alam na natin ngayon ang katotohanan na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay isinasagawa sa pamamagitan ng gawain ng pagkakatawang-tao. Ang yugto ng gawain na isinagawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos. Ang ipinahayag Niyang mga katotohanan ay masyadong limitado, kaya’t, sa pagdanas sa gawain ng Panginoong Jesus, ang kaalaman natin tungkol sa Diyos ay limitado pa rin noon. Ang Makapangyarihang Diyos ay naparito para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at ipinahayag ang buong katotohanan tungkol sa matuwid na paghatol ng Diyos sa katiwalian ng tao. Itinutulot nito na makita natin ang likas na disposisyon ng Diyos at malaman ang Kanyang matuwid at banal na diwa. Kaya’t, ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay lubusang kinumpleto ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ipinahayag Niya ang kabuuan ng katotohanan na ipapahayag ng Diyos sa katawang-tao, sa gayon ay isinasakatuparan ang katotohanan na ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Ganitong kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangang-kailangan, at suplemento at kapupunan ng isa’t isa. Kaya hindi maaaring sabihin ng isang tao na ang Diyos ay minsan lamang magkakatawang-tao, o na Siya ay magkakatawang-tao nang tatlo o apat na beses. Dahil nakumpleto na ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at ipinahayag ang buong katotohanang nagliligtas sa sangkatauhan na dapat ipahayag ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa gayon, nakumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao.

mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sinundan: Tanong 5: Bakit sinabi na ang tiwaling sangkatauhan ay dapat maligtas ng nagkatawang-taong Diyos? Ito ang isang bagay na hindi nauunawaan ng karamihan sa mga tao—mangyaring magbahagi tungkol dito.

Sumunod: Tanong 7: Ang dalawang beses na pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapatotoo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Paano natin dapat unawain si Cristo bilang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 16: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Sagot: Espiritu ang Diyos. Hindi Siya nakikita o nahahawakan ng tao. Pero maraming ginagawa ang Espiritu ng Diyos, at nagsasabi ng mga...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito