383 Sino ang Makakatakas sa Pagdating ng Liwanag ng Diyos?

1 Habang nakahigang walang-malay ang sangkatauhan, sa mga dagundong lamang ng Aking kulog sila nagigising mula sa kanilang mga panaginip. At kapag idinilat nila ang kanilang mga mata, marami ang nasasaktan ang mga mata rito sa mga pagsabog ng malamig na liwanag, kaya nawawalan sila ng direksyon, at hindi nila alam kung saan sila nanggaling ni kung saan sila patungo. Karamihan sa mga tao ay tinatamaan ng mga sinag na parang laser at bumabagsak sa isang tumpok sa ilalim ng bagyo, inaanod ng bumubulusok na mga agos ang kanilang katawan, na walang iniiwang bakas. Sa liwanag, sa wakas ay malinaw na nakikita ng mga nakaligtas ang Aking mukha, at saka lamang sila nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Aking panlabas na anyo, kaya hindi na sila nangangahas na tumingin nang diretso sa Aking mukha, sa sobrang takot na baka minsan pang dumalaw ang Aking pagkastigo at pagsumpa sa kanilang laman.

2 Kaya napakaraming taong sumisigaw at umiiyak nang buong kapaitan; napakaraming nahuhulog sa kabiguan; napakaraming nakakabuo ng mga ilog gamit ang kanilang dugo; napakaraming nagiging bangkay, na inaanod kung saan-saan nang walang direksyon; napakaraming tao, na nakatagpo ng sarili nilang lugar sa liwanag, ang nakadarama ng biglang matinding kirot ng sakit sa puso at napapaluha dahil sa mahahabang taon ng kanilang kalungkutan. Napakaraming tao, na napilit ng liwanag, ang nangungumpisal ng kanilang karumihan at nagpapasiyang baguhin ang kanilang sarili. Napakaraming tao, dahil nabulag, ang nawalan na ng siglang mabuhay at dahil dito ay wala nang interes na pansinin ang liwanag, at sa gayon ay patuloy na hindi gumagalaw, naghihintay sa kanilang wakas. At napakaraming tao ang nagtataas ng mga layag ng buhay at, sa ilalim ng patnubay ng liwanag, sabik na inaasam ang kanilang kinabukasan. … Ngayon, sino sa sangkatauhan ang hindi umiiral sa ganitong kalagayan? Sino ang hindi umiiral sa loob ng Aking liwanag? Kahit malakas ka, o bagama’t maaaring mahina ka, paano mo maiiwasan ang pagdating ng Aking liwanag?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 13

Sinundan: 382 Ano ang Magiging Katapusan Mo?

Sumunod: 384 Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito