78 Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

I

Maraming tao'ng naniniwala,

ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,

paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.

Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"

ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.

Kaya pananalig nila'y bulag.

Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.

Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.

Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,

angkop ka bang gamitin N'ya?

Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

II

Di sapat ang paniniwalang umiiral ang Diyos.

Napakasimple at relihiyoso n'yan.

Iba sa tunay na pananalig sa Kanya.

Tunay na pananalig sa Diyos ay pagranas sa

mga gawa't salita Niya

batay sa pananalig na nangingibabaw Siya sa lahat.

Para makakalaya sila sa tiwaling disposisyon

at matupad mga hangarin ng Diyos at Siya'y makilala.

'Yan ang daan tungo sa tunay na pananalig sa Diyos.

III

Maraming nag-aakalang paniniwala'y simple't mababaw.

Ganyang paniniwala'y walang saysay. Pa'nong malulugod ang Diyos?

Sila'y nasa maling landas.

Silang naniniwala sa mga sulat,

hungkag na aral ay di pa rin alam

pananalig nila'y di tunay, di kalulugdan ng D'yos.

Samo pa rin nila'y biyaya't kapayapaan.

Pananalig ba'y paghingi lang ng biyaya't kapayapaan?

Matutupad ba'ng nais Niya,

kung Siya'y nilalabanan mo pa rin, at di kinikilala?

IV

Di sapat ang paniniwalang umiiral ang Diyos.

Napakasimple at relihiyoso n'yan.

Iba sa tunay na pananalig sa Kanya.

Tunay na pananalig sa Diyos ay pagranas sa

mga gawa't salita Niya

batay sa pananalig na nangingibabaw Siya sa lahat.

Para makakalaya sila sa tiwaling disposisyon

at matupad mga hangarin ng Diyos at Siya'y makilala.

'Yan ang daan tungo sa tunay na pananalig sa Diyos.

'Yan ang landas sa tunay na pananalig sa Kanya.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 77 Punuin ang Iyong Buhay ng Salita ng Diyos

Sumunod: 79 Ang Dapat Hanapin ng mga Naniniwala sa Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messnger

Kaugnay na Nilalaman

102 Tularan ang Panginoong Jesus

ITinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito