Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

592 Kapag Dumating ang Araw ng Diyos

1 Karamihan sa mga tao ay naghahayag pa ng mga kundisyon sa kanilang paglilingkod sa Diyos: Wala silang pakialam kung Siya man ay Diyos o isang tao, at sila’y nagsasalita lang ng kanilang sariling mga kundisyon, at ang pinagsisikapan lang ay ang pagkakamit ng kanilang sariling mga hangarin. Kapag nagluluto kayo para sa Akin, humihingi kayo ng bayad para sa tagaluto, kapag tumatakbo kayo para sa Akin, humihingi kayo ng bayad para sa pagtakbo, kapag kayo ay gumagawa para sa Akin humihingi kayo ng bayad para sa paggawa, kapag nilalabhan ninyo ang Aking mga damit humihingi kayo ng bayad para sa paglalaba, kapag nagbibigay kayo para sa iglesia humihingi kayo para sa mga pagbawi ng gastos, kapag nagsasalita kayo humihingi kayo ng bayad para sa tagapagsalita, kapag namimigay kayo ng mga libro humihingi kayo ng bayad para sa pamamahagi, at kapag nagsusulat kayo humihingi kayo ng bayad para sa pagsusulat. Yaong Aking mga pinakitunguhan na ay nanghihingi pa ng kabayaran mula sa Akin, Sa gayong pagkatao, at sa gayong konsensya, paano ninyo magagawang naisin pa na matamo ang buhay? Kayo ay mga kasuklam-suklam na sawing-palad!

2 Ang araw na talikuran Ko kayo ay ang araw na kayo ay mamamatay, ito ang araw na darating sa inyo ang kadiliman, at ang araw na kayo ay pinabayaan ng liwanag! Pagdating ng Aking araw, ibubuhos Kong parang ulan ang Aking nakapapasong apoy hanggang sa walang hanggan sa mga anak ng pagsuway na minsan ay pumukaw sa Aking matinding galit, ipapataw Ko ang Aking walang hanggang kaparusahan sa mga hayop na iyon na minsa’y pumukol ng pagtuligsa sa Akin at pinabayaan Ako, susunugin Ko magpakailanman sa pamamagitan ng mga apoy ng Aking galit ang mga anak ng pagsuway na minsan ay nakasama Kong kumain at nakipamuhay kasama Ko nguni’t hindi naniwala sa Akin, at ininsulto at pinagtaksilan Ako.

3 Isasailalim Ko sa Aking kaparusahan ang lahat na pumukaw ng Aking galit, ibubuhos kong parang ulan ang kabuuan ng Aking galit sa mga hayop na minsa’y nagnais gumawa kasama Ko subalit hindi sumamba o sumunod sa Akin, ang tungkod na Aking hinahataw sa tao ay babagsak sa mga hayop na dating nagpasasa sa Aking kalinga at mga misteryong Aking sinabi at nagtangkang tumanggap ng makalupang kasiyahan mula sa Akin. Hindi Ako magiging mapagpatawad sa sinumang tao na nagtatangkang kunin ang Aking posisyon; wala Akong paliligtasin sa mga nang-agaw ng pagkain at mga damit sa Akin.

Hango sa “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Nasaan ang Katibayan na Kayo ay Magkasundo ng Diyos?

Sumunod:Isang Pananampalatayang Hindi Pinupuri ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin