348 Ano ang Halaga sa Pagpapahalaga sa Katayuan?

Tao’y ‘di marunong mangalaga

sa kalooban ng Diyos.

‘Di makakita sa kilos Niya,

ni makagalaw sa loob ng liwanag,

o masinagan sila ng liwanag.


I

Kahit mahalaga sa tao’ng mga salita ng Diyos,

‘di siya makaaninag sa pakana ni Satanas.

Sa sobrang baba ng kanyang tayog,

‘di niya magawa’ng nais ng puso niya.

‘Di kailanman tapat na minahal ng tao ang Diyos.

‘Pag ‘tinataas siya ng Diyos,

ramdam niya’y ‘di siya karapat-dapat,

ngunit ‘di sinusubukang palugurin ang Diyos,

sinusuri lang ang katayuang bigay Niya.


Tao’y patuloy na nagpapakabundat

sa biyaya ng katayuan niya.

Tao’y ‘di ramdam

ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.

‘Di ba ‘to ang kakulangan ng tao?


‘Pag gumagalaw ang bundok,

makakalihis ba sila para sa katayuan ng tao?

‘Pag dumadaloy ang tubig, ‘to’y makakahinto ba?

Langit at lupa’y mababaligtad ba?


II

Minsan ang Diyos ay naging maawain sa tao,

maawain nang paulit-ulit,

ngunit walang nagpapahalaga rito.

Pinakinggan lang nila ito bilang kwento

o binasa na parang ito’y nobela.

Mga salita Niya ba’y

‘di nagpapaantig sa puso ng tao?

Mga pagbigkas Niya ba’y walang bisa?

Marahil walang naniniwala sa pag-iral Niya?


‘Di mahal ng tao’ng sarili;

nakikiisa siya kay Satanas

at inaatake nila ang Diyos.

Ginagamit ng tao si Satanas

upang paglingkuran ang Diyos.


Papasukin ng Diyos ang pakana ni Satanas,

at pipigilan ang tao sa lupa

na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas,

upang sila’y ‘di tumutol sa Kanya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 22

Sinundan: 347 Ang Likas na Pagkakakilanlan ng Tao at ang Kanyang Halaga

Sumunod: 349 Ito ang Isang Klasikong Larawan ni Satanas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito