322 Ano ang Napapala ng Diyos sa Tao?

Nililigtas ng Diyos ang tao dahil sa pagmamahal,

awa, at para sa Kanyang plano.

Dahil ang tao’y lugmok na,

Diyos ay dapat magsalita nang personal.


I

‘Pag dumating ang kaligtasan sa tao,

kaydakilang biyaya nito.

Kung ‘di dahil sa personal na tinig ng Diyos,

sangkatauha’y masasawi.

Habang kinamumuhian ng Diyos

ang sangkatauhan,

Siya’y handa pa ring magbayad

para sa kaligtasan ng tao.

Habang tao’y nilalaro

ang kanilang pag-ibig sa Diyos,

sumusuway, at nangingikil ng biyaya Niya,

habang Diyos ay sinasaktan at pinapasakitan.

‘Yan ang kaibahan ng makasarili’t ‘di makasarili

sa pagitan ng tao at Diyos!


Sa bawat salita ng Diyos,

tao’y nakakamit ang katotohanan,

nagbabago at direksyon sa buhay ay natutuklasan.

Ngunit naririnig lamang ng Diyos

ay mahinang papuri,

o mababaw na pagkilala

sa kanilang utang sa Kanya.

Ito ba ang gantimpalang

hinihingi ng Diyos sa tao?


II

Malamang na ituring ng tao ang Diyos

na isa sa kanila.

Nasasaktan ang Diyos sa pagtanggi ng tao

‘pag Siya’y nagpapakita o gumagawa.

Tinitiis ng Diyos ang kahihiyan

upang iligtas ang sangkatauhan.

Lahat ibinibigay Niya upang iligtas ang tao

at makamtan na ang kanilang pagkilala.

Ang naibayad na Niya sa lahat ng ito

ay nadarama ng mga may konsiyensya.

Nakamit na ng tao gawai’t salita ng Diyos,

at Kanyang pagliligtas.

Ngunit kasabay nito,

walang sino man ang nagtanong:

Ano na’ng napala ng Diyos sa tao?

Ano na’ng napala ng Diyos sa tao?


Sa bawat salita ng Diyos,

tao’y nakakamit ang katotohanan,

nagbabago at direksyon sa buhay ay natutuklasan.

Ngunit naririnig lamang ng Diyos

ay mahinang papuri,

o mababaw na pagkilala

sa kanilang utang sa Kanya.

Ito ba ang gantimpalang

hinihingi ng Diyos sa tao?

Sa bawat salita ng Diyos,

tao’y nakakamit ang katotohanan,

nagbabago at direksyon sa buhay ay natutuklasan.

Ngunit naririnig lamang ng Diyos

ay mahinang papuri,

o mababaw na pagkilala

sa kanilang utang sa Kanya.

Ito ba ang gantimpalang

hinihingi ng Diyos sa tao?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Panimula

Sinundan: 321 Paano Mapapatawad ng Diyos ang mga Taong Tumatalikod sa Kanyang mga Salita?

Sumunod: 323 Hindi Tinatrato ng mga Tao ang Diyos Bilang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito