Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

815 Ang Babala ng Patotoo ni Job sa Susunod na mga Henerasyon

1 Ang pananampalataya, at pagkamasunurin ni Job, at ang kanyang patotoo sa pagtatagumpay kay Satanas ay mapagkukunan ng malaking tulong at lakas ng loob ng mga tao. Kay Job, sila ay nakakakita ng pag-asa para sa kanilang sariling kaligtasan, at nakikita na sa pamamagitan ng pananampalataya, at pagsunod at takot sa Diyos, ganap na posibleng talunin si Satanas, at manaig laban kay Satanas. Nakikita nila na hangga’t hindi sila tumututol sa dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos, at tinataglay ang determinasyon at pananampalataya na hindi itakwil ang Diyos matapos mawalan ng lahat, sa gayon maaari silang magdala ng kahihiyan at pagkatalo ni Satanas, at kailangan lamang nilang taglayin ang determinasyon at tiyaga upang manindigan sa kanilang patotoo—kahit na ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanilang mga buhay—para maduwag at mabilisang sumuko si Satanas.

2 Isang babala ang patotoo ni Job sa mga sumusunod na henerasyon, at ang babalang ito ay nagsasabi sa kanila na kung hindi nila tatalunin si Satanas, sa gayon ay hindi nila kailanman magagawang makawala sa mga paratang at panghihimasok sa kanila ni Satanas, at hindi rin nila kailanman magagawang makatakas sa pag-aabuso at paglusob ni Satanas. Ang patotoo ni Job ay nagbigay ng kaliwanagan sa mga susunod na henerasyon. Ang kaliwanagang ito ang nagtuturo sa mga tao na tanging kung sila ay perpekto at matuwid ay saka nila makakayang matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan; itinuturo nito sa kanila na tanging kapag sila ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan ay saka nila makakayang magdala ng malakas at tumataginting na patotoo sa Diyos; tanging kung sila ay may malakas at tumataginting na patotoo sa Diyos ay saka hindi sila kailanman mapapamahalaan ni Satanas, at mabubuhay sa ilalim ng paggabay at pag-iingat ng Diyos—at doon lamang sila tunay na nailigtas.

Hango sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Natatamo ng Diyos ang mga Taong May Tunay na Kaalaman Tungkol sa Kanya

Sumunod:Yaon Lamang mga Tumatalo kay Satanas ang Maliligtas

Baka Gusto Mo Rin