437 Ibaling Nang Lubusan ang Puso Mo sa Diyos Upang Magawa Mong Mahalin Siya

1 Kapag kinakausap ng mga tao ang Diyos gamit ang kanilang mga puso, kapag nagagawa ng kanilang mga puso na ganap na bumaling sa Kanya, ito ang unang hakbang sa pag-ibig ng tao para sa Diyos. Kung nais mong ibigin ang Diyos, kailangan mo munang magawang ibaling ang iyong puso sa Kanya. Ano ang pagbaling ng iyong puso sa Diyos? Ito ay kapag ang lahat ng iyong hinahangad sa iyong puso ay para sa kapakanan ng pag-ibig at pagkakamit sa Diyos. Maliban sa Diyos at sa Kanyang mga salita, halos wala nang ibang nasa iyong puso. Kung mayroon man, hindi makakapanahan ang gayong mga bagay sa iyong puso, at hindi mo iniisip ang mga inaasahan mo sa iyong hinaharap kundi hinahangad lamang ang pag-ibig sa Diyos. Sa gayong pagkakataon ay naibaling mo na nang ganap ang iyong puso sa Diyos.

2 Kung ikaw ay nananalangin sa Diyos at kinakain at iniinom mo ang Kanyang mga salita araw-araw, palaging iniisip ang gawain ng iglesia, at kung nagpapakita ka ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, ginagamit ang iyong puso upang ibigin Siya nang tunay at bigyang-kaluguran ang Kanyang puso, ang iyong puso ay magiging pag-aari ng Diyos. Ang paraan para matamo ng tao ang tunay na pag-ibig sa Diyos at malaman ang disposisyon ng Diyos ay ang ibaling ang kanyang puso sa Diyos. Kapag ibinibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos, nagsisimula siyang pumasok sa karanasan ng buhay. Sa ganitong paraan, ang kanyang disposisyon ay nagsisimulang magbago, ang kanyang pag-ibig sa Diyos ay unti-unting lumalago, at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay unti-unti ring nadaragdagan.

3 Ang pagbaling ng puso ng isang tao sa Diyos ay isang paunang kondisyon para makapunta siya sa tamang landas, para maunawaan ang Diyos, at para matamo ang pag-ibig sa Diyos. Hindi ito isang pananda ng pagkumpleto ng tungkulin ng isang tao na ibigin ang Diyos, ni isang pananda ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig sa Kanya. Ang tanging paraan para makamit ng isang tao ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang ibaling ang kanyang puso sa Kanya, na siya ring unang bagay na dapat gawin ng isang tao bilang isa sa Kanyang mga nilikha. Yaong mga umiibig sa Diyos ay pawang mga tao na naghahangad ng buhay, iyon ay, mga taong naghahanap sa katotohanan at tunay na ninanais ang Diyos; taglay nilang lahat ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at naantig na Niya. Nakakamit nilang lahat ang paggabay ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa

Sinundan: 436 Bumaling Na Ba ang Puso Mo sa Diyos?

Sumunod: 438 ‘Pag Binuksan Mo’ng Puso Mo sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito