542 Ang Katotohanan Ngayon ay Ibinibigay sa mga Nasasabik at Naghahanap Dito

1 Marami ang naranasan mo sa gawain ng Diyos, gayunman hindi ka nabago o nalinis. Ikaw ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas, at hindi pa rin nagpapasakop sa Diyos. Ito ang isang taong nalupig ngunit hindi pa nagawang perpekto. Ang gayong tao ay hindi hinahangad ang buhay o kaalaman sa gawain ng Diyos, at walang higit na iniimbot kundi ang mga kasiyahan ng laman at panandaliang kaginhawahan. Bilang bunga, walang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, at hindi nila muling natamo ang orihinal na larawan ng tao na nilalang ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mga naglalakad na bangkay, sila ang mga patay na walang espiritu! Yaong mga hindi naghahabol sa kaalaman sa mga bagay-bagay sa espiritu, na hindi naghahabol ng kabanalan, at hindi naghahabol na maisabuhay ang katotohanan, anupa’t sapat na sa kanila ang malupig sa negatibong panig, at hindi kayang isabuhay ang mga salita ng Diyos at maging mga taong banal—sila yaong mga taong hindi nailigtas.

2 Ang nais Ko ay mga taong tulad ni Pedro, mga taong nagsisikap na magawang perpekto. Ang katotohanan sa ngayon ay ipinagkakaloob sa mga nananabik at naghahanap dito. Ang pagliligtas na ito ay iginagawad sa mga yaong mahigpit na nagnanais na mailigtas ng Diyos, at hindi lamang ito itinakda upang makamit ninyo. Ang layunin nito ay upang maaaring makamit din kayo ng Diyos; nakakamit ninyo ang Diyos upang maaari kayong makamit ng Diyos. Ngayon ay winika Ko ang mga salitang ito sa inyo, at narinig ninyo ang mga yaon, at dapat kayong magsagawa ayon sa mga salitang ito. Sa huli, ang oras na isinagawa ninyo ang mga salitang ito ay magiging sandali kung kailan ay nakamit Ko kayo sa pamamagitan ng mga salitang ito; kasabay nito, ay inyo ring makakamit ang mga salitang ito, na ibig sabihin, ay makakamit ninyo ang pinakamataas na kaligtasang ito. Kapag kayo ay nalinis, kayo ay magiging isang tunay na tao na.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Sinundan: 541 Sundin ang mga Salita ng Diyos para Maalis ang mga Impluwensya ng Kadiliman

Sumunod: 543 Saka Mo Lamang Maisasagawa ang Katotohanan Kung Mahal Mo ang Katotohanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito