416 Dalanging Tunay

Ang dalanging tunay ay mula sa puso.

Ito ay batay sa kalooban at salita ng Diyos.

Pakiramdam mo’y napakalapit mo sa Kanya,

at tila Siya ay kaharap mo.

Ibig sabihin nito’y marami kang masasabi sa Diyos,

puso mo’y umaalab na parang araw,

ika’y napupukaw ng kariktan ng Diyos,

ang mga nakakarinig ay naluluguran.

Ang dalanging tunay ay magdadala

ng kapayapaa’t kagalakan,

ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,

ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;

at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay.


Ang dalanging tunay ay

walang pormalidad at di lang pagbibigkas.

Ito ay hindi panggagaya ng iba.

Sambitin mo ang nasa iyong puso

at nang pukawin ka ng Diyos.

Upang maging mabisa ang mga dalangin mo,

salita ng Diyos ay dapat mong basahin.

Makikita lamang ang kaliwanagan

kung salita Niya’y batayan ng dalangin.


Dalanging tunay ay napapakita ng pusong

nagnanais ng nais ng Diyos,

kagustuhang ito’y mangyari,

at pagkamuhi sa mga ayaw Niya.

At batay sa alam mo, malinaw

lahat ang katotohanang sinasabi ng Diyos,

may matibay na pananampalataya

at paraan upang ito’y isabuhay.

Ito lamang ang dalanging tunay.

Oo, ito lamang ang dalanging tunay.

Ang dalanging tunay ay

magdadala ng kapayapaa’t kagalakan,

ang pagmamahal sa Diyos ay palakas ng palakas,

ang halaga ng pag-ibig na iyon ay madarama;

at lahat ito’y magiging patunay na dalangin mo’y tunay.

Oo, ang mga dalangin mo ay tunay.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Sinundan: 415 Ang Tagumpay o Kabiguan ay Nakasalalay sa Paghahabol ng Tao

Sumunod: 417 Ibinibigay ng Diyos sa Tao ang Kailangan Nila Ayon sa Kanilang mga Pagsamo

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger