145 Sana Makasama Ako sa Iyo sa Gitna ng Hangin at Ulan

1 Tinatamasa ko ang Iyong mga salita araw-araw; nakita ko, praktikal na Diyos, na Ikaw ay pinakakaibig-ibig. Nagpakumbaba Ka upang magtago sa katawang-tao, ipinahahayag ang mga katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan. Naglalakad Ka bawat araw sa mga iglesia, matiyaga kaming pinapakain, inaalagaan, at dinidiligan. Tahimik Mong tinitiis ang pagtanggi at paninira. Isa Kang halimbawa para sa tao sa bawat liko. Nasisiyahan ang puso ko sa Iyong pamumuno; tinatanglawan ng mga salita Mo ang daan pasulong. Malapit akong sumusunod sa Iyong mga yapak. Sana makasama ako sa Iyo sa gitna ng hangin at ulan.

2 Tinatamasa ko ang Iyong mga salita araw-araw; nakita ko, praktikal na Diyos, na Ikaw ay pinakakaibig-ibig. Ibinubunyag ng Iyong paghatol at pagkastigo ang buong pagmamahal Mo. Nililinis Mo kami, napapanibago at binabago kami, nagiging mga bagong tao kami. Napakaganda ng Iyong pagiging matuwid at kabanalan. Ganap Mong pinamamahayan ang puso ko. Nagawa kaming ganap ng mga salita Mo, at kaisa Mo kami sa puso, lubhang napapalapit kami sa Iyo. Malapit akong sumusunod sa Iyong mga yapak. Sana makasama ako sa Iyo sa gitna ng hangin at ulan.

3 Tinatamasa ko ang Iyong mga salita araw-araw; nakita ko, praktikal na Diyos, na Ikaw ay pinakakaibig-ibig. Kahit lubha kaming nagdusa sa mga paghihirap at pag-uusig, ginagabayan kami ng pagmamahal at mga salita Mo, kaya mayroon kaming pananampalataya at lakas at nagpapatotoo kami sa Iyo sa gitna ng mga paghihirap. Lagi Ka naming mamahalin at susuklian ang pagmamahal Mo; ipapalaganap namin ang katotohanan at magpapatotoo sa Iyo. Sa mga taon ng pagiging magkasama at pagmamahalan sa isa’t isa, lumalim ang ating pagmamahal sa gitna ng malalakas na hangin at malalakas na ulan. Malapit akong sumusunod sa Iyong mga yapak. Sana makasama ako sa Iyo sa gitna ng hangin at ulan.

Sinundan: 144 Ang Aking Taos-pusong Naisin ay ang Mahalin ang Diyos

Sumunod: 146 Magkasama sa Hangin at Ulan, Matapat Hanggang sa Kamatayan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito