146 Magkasama sa Hangin at Ulan, Matapat Hanggang sa Kamatayan

1 Nanggaling Ka sa langit patungo sa lupa, nakatago sa katawang-tao. Gumagawa Ka kasama ng tao, at sumuong na sa maraming taon ng mga bagyo. Naglalakad sa baku-bakong daan, naghatid Ka ng isang bagong panahon. Ipinapahayag Mo ang katotohanan upang hatulan ang sangkatauhan at lubusan silang iligtas. Sa loob ng maraming taon, napagtiisan Mo ang paghihirap, at dinanas ang sakit ng pagtanggi ng tao. Mapagpakumbaba at nakatago, nagtiis Ka hanggang ngayon.

2 Dinaranas ko ang sakit ng paghatol, at binabata ng aking puso ang buong puwersa ng pagpapahirap nito. Naituwid at nadisiplina, tila ako bumalik mula sa mga patay. Habang naaalala ang Iyong pangangalaga, lalo pa Kitang minamahal. Nagugunita ko ang nakaraan, at napupuno ang aking puso ng pagsisisi. Pagkatapos ng napakaraming pagsubok at pagpipino, mas dalisay na ang pagmamahal ko sa Iyo. Makakasama Mo ako sa hangin at ulan, matapat hanggang sa kamatayan.

3 Ipinapakita Mo ang Iyong habag, kinaaawaan ang aking kahinaan. Ipinapakita Mo ang Iyong poot, sinusumpa ang aking pagsuway. Napakalawak ng Iyong habag, kahit na malalim ang Iyong galit. Pinagmamasdan ko ang Iyong pagiging maharlika at pinahahalagahan ang Iyong karunungan. Pagkatapos ng napakaraming pagtatabas at pakikitungo, mas dalisay na ang pagmamahal ko sa Iyo. Makakasama Mo ako sa hangin at ulan, matapat hanggang sa kamatayan.

4 Nagsasalita at gumagawa Ka, nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng masakit na pagpipino, nalinis ang aking katiwalian. Natikman ko ang Iyong gawain, at nadama ang Iyong kabaitan. Naaalala ko ang pait at tamis, at magkasama ang pighati at galak. Pagkatapos ng napakaraming paghihirap at pagsubok, mas dalisay na ang pagmamahal ko sa Iyo. Makakasama Mo ako sa hangin at ulan, matapat hanggang sa kamatayan.

5 Ang nais ko ay isakripisyo ang aking sarili para sa Iyong kalooban. Sa harap ng mga pagsubok, mas matatag ako sa aking kapasyahan. Lumalalim ang pagmamahal ko para sa Iyo. Natatagpuan ko ang katamisan sa sakit. Sa piling ng Iyong mga salita, puno ng liwanag ang aking buhay. Pagkatapos mahampas at mawasak ng napakaraming beses, mas dalisay na ang pagmamahal ko sa Iyo. Makakasama Mo ako sa hangin at ulan, matapat hanggang sa kamatayan.

6 Binabalikat ko ang mabibigat na pasanin, hindi gusto na maantala pa. Tunay na mababa ang aking tayog, ngunit natatanggap ko ang Iyong pag-ibig. Tinatanggap ko ang Iyong atas, at ang buhay ko ay nagawang perpekto. Tutuparin ko ang Iyong kalooban at isasabuhay ang tunay na buhay ng tao. Mga taon ng hangin at ulan, isang magulong daan sa buhay—sa kapaitan at kaligayahan, o kahit na hanggang kamatayan, wala akong karaingan. Sa mga taon ng hangin at ulan, kasama ko ang Iyong pag-ibig sa aking pagsulong. Magiging matapat ako sa Iyo, at mamamatay nang walang mga pagsisisi.

Sinundan: 145 Sana Makasama Ako sa Iyo sa Gitna ng Hangin at Ulan

Sumunod: 147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito