769 Yaong Mahal ang Diyos ay May Pagkakataong Maperpekto

Pineperpekto ng Diyos ang tao

ayon sa tungkulin niya.

Hangga’t kaya mo’ng lahat sa’yong kalakasan,

magpasakop sa gawain ng Diyos,

kayo’y mapeperpekto Niya.

Walang perpekto sa inyo ngayon.

Gampanan niyo man isa o dalawang tungkulin,

gamitin lang lakas niyo’t gumugol sa Diyos,

sa huli’y peperpektuhin Niya kayo.

Maging bata o matanda man,

ang nagmamahal nang tunay sa Diyos

may pagkakataong maperpekto Niya.

Isapuso ang pagsunod sa Diyos

at gumalang din sa Kanya,

at kayo’y mapeperpekto Niya sa huli.


Alam niyo’ng tungkuling dapat niyong gampanan,

matanda o bata man sa simbahan.

Kabataa’y ‘di mapagmataas,

matanda’y ‘di umuurong, ‘di walang-kibo.

Walang pagkiling, sa isa’t isa’y naglilingkod,

natututo nang sarili’y pagbutihin.

Nabubuo’ng tulay ng samahan.

Sa pag-ibig ng Diyos nagkakaunawaan.

Sa magkakapatid sa simbahan,

mga mas bata’y ‘di hinahamak mas matatanda,

mas matatanda’y ‘di mapagmagaling.

‘Di ba ‘to maayos na samahan?

Maging bata o matanda man,

ang nagmamahal nang tunay sa Diyos

may pagkakataong maperpekto Niya.

Isapuso ang pagsunod sa Diyos

at gumalang din sa Kanya,

at kayo’y mapeperpekto Niya sa huli.

Kung ito’ng inyong pagpapasiya,

matutupad kalooban ng Diyos.

Oo, ito’y matutupad sa inyong henerasyon.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagganap ng Bawat Isa sa Kanilang Tungkulin

Sinundan: 768 Ang Pamumuhay Upang Isagawa ang Kalooban ng Diyos ang Pinakamakabuluhan

Sumunod: 770 Inaasam ng Diyos na Mahalin ng Tao ang Diyos Nang Buong Puso, Isipan at Lakas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito