109 Ang Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos Para sa Pagliligtas sa Sangkatauhan

I

Tatlong yugto ng gawain ng Diyos

ay tala ng mga gawain Niya,

pa’no Niya nililigtas ang tao,

at ito’y ‘di kathang-isip.

Upang malaman ang buong disposisyon Niya,

dapat mong malaman ang bawat yugto.

Iyon ang pinakamaliit upang makamit

ang pagkilala sa Diyos.


Tao’y ‘di makagawa ng kaalaman sa Diyos,

‘di ito kayang isipin,

ni pagkakaloob ng Banal na Espiritu

sa isang taong espesyal.

Sa halip ito’y kaalamang nakakamit

‘pag naranasan ang gawain ng Diyos,

kaalamang nalalaman lang sa

pagdanas ng gawain Niya sa personal.


Gayong kaalama’y ‘di makakamtan

nang basta-basta,

ni hindi isang bagay na kayang ituro.

Ito’y kaugnay sa inyong karanasan sa Kanya,

sariling karanasan niyo sa Kanya.


Ang tatlong yugto ng gawai’y

Kanyang pagliligtas sa tao.

Tao’y dapat alam ang gawai’t disposisyon Niya

sa gawain ng pagliligtas;

kung wala ito, kaalaman mo

sa Diyos ay walang saysay,

mga hungkag na salita’t

walang kwentang usapan,

mga hungkag na salita’t

walang kwentang usapan.


II

Pagliligtas Niya sa tao’ng buod na gawain,

ngunit ‘to’y may maraming

paraan sa paggawa’t

paghahayag sa Kanyang disposisyon.

Ito’y mahirap sa taong maintindihan.

Pagbabago sa gawain Niya, lokasyon,

at sa tatanggap nito’t

paghihiwalay ng mga kapanahunan—

ito’y bahagi lahat ng tatlong yugto.


Pagbabago sa paraan ng paggawa ng Espiritu,

sa disposisyon Niya, wangis,

pangalan at katayuan,

ay parte lahat ng tatlong yugto ng gawain,

tatlong yugto ng gawain.


Ang tatlong yugto ng gawai’y

Kanyang pagliligtas sa tao.

Tao’y dapat alam ang gawai’t disposisyon Niya

sa gawain ng pagliligtas;

kung wala ito, kaalaman mo

sa Diyos ay walang saysay,

mga hungkag na salita’t

walang kwentang usapan,

mga hungkag na salita’t

walang kwentang usapan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos

Sinundan: 108 Ang Tatlong Yugto ng Gawain ay Lubos na Nagpapahayag ng Pagliligtas ng Diyos

Sumunod: 110 Ang Kuwentong Nakapaloob sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito