Sino ang Nagbigay sa Akin ng Aking Kalayaan?

Enero 10, 2022

Ni Ruizhi, Tsina

Noong una akong maakay, sinabi ng asawa ko na maganda ang pagkakaro’n ng pananampalataya at sumasama siya sa’kin sa mga pagtitipon minsan. Tapos noong Mayo 28, 2014, ginawa ng Partido Komunista ang Zhaoyuan Case at itinanim ’yon sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ibinalita ng media ang tungkol sa mga tsismis na ’yon—sa TV, radyo, at mga diyaryo. Grabe ang panahong ’yon. Maraming mga kapatid ang inaresto. Isang tanghali, habang pauwi ako galing sa isang pagtitipon, balisang sinabi ng asawa ko, “O, nankabalik ka na! Isinumbong ka dahil sa paniniwala sa Diyos.” Bigla akong kinabahan at mabilis ko siyang tinanong, “Sino’ng nagsabi sa’yo?” Hininaan niya ang boses niya at sinabi, “Kaninang umaga tinawag ako ng lider ng work unit at ng kalihim ng Discipline Inspection Commission para sa isang pulong na halos lahat ay tungkol sa relihiyon mo. Sabi nila matagal nang itinalaga ng Central Committee ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang isang ‘kulto’, at talagang sinusugpo nila ’yon. Sa buong bansa, taas hanggang baba, mula sa mga nayon, pabrika at minahan hanggang sa mga negosyo at institusyon, lahat ay naghahanap ng mga naniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Lahat sila ay pinatatalsik. At sinabi nila na hindi pinapayagan ang mga miyembro ng Partido na magkaro’n ng relihiyon, at kung malaman na meron sila, patatalsikin sila sa serbisyong sibil, hindi makakapasok sa unibersidad ang mga anak nila, makakapagtrabaho sa serbisyong sibil, o makakapasok sa paaralang military.” Sinabi niya na isang mananampalataya ang kasamahan niyang si Miss Zhao, kaya hindi lang siya pinaalis, pero pinatalsik din sa serbisyong sibil pati ang asawa niya at kahit na mataas ang iskor ng anak nila sa college entrance exam, hindi siya natanggap. Sinabi niya nasa’kin na kung ipagpapatuloy ko ang pananampalataya ko, maaapektuhan no’n ang buong pamilya namin. Tapos ay matagal siyang tumahimik at malungkot na sinabi sa’kin, “Matagal na panahon ko nang pinag-iisipan ito. Siguradong hindi makakabuti para sa’yin ang patuloy na paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, kaya alang-alang sa kapakanan ng pamilya natin, nagdesisyon akong sumuko. Kung patuloy kang maniniwala, sa bahay mo na lang isagawa. Hindi ka puwedeng gumawa ng anoman sa labas ng bahay. Kapag isinumbong ka uli dahil sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, maghihirap ang buong pamilya natin kasama mo.” Alam niyo, hindi ko talaga ’yon inaasahan. Noong una hindi ko talaga alam kung ano’ng gagawin, at talagang nabalisa ako. Nakita kong matibay ang paninindigan ng asawa ko rito, at dahil natakot sa mga pagbabanta ng Partido, hindi na siya nangahas na maniwala pa. At ayaw niya na rin na maniwala ako o gawin ang tungkulin ko. Pero hindi puwedeng hindi ako maniwala sa Diyos. Tiyak akong ito ang tunay na daan, na ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos, nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Talagang kailangan kong maniwala. Pero naisip ko, naisumbong na ako at wala na akong suporta mula sa asawa ko. Kung patuloy kong gagawin ang tungkulin ko, tiyak na haharap ako sa mga balakid, at kung maaresto ako, madadamay ang pamilya ko. Naisip kong titigil ako sa pagdalo sa mga pagtitipon at paggawa ng tungkulin ko, at magsagawa na lang sa bahay. Magiging mas ligtas ’yon at baka mailigtas no’n ang pamilya ko. Pero nakonsiyensya naman ako sa ideyang ’yon. Nadadala ang ilang mga bagong mananampalataya sa mga tsismis at kasinungalingan na ikinakalat ng Partido Komunista, kaya kailangan nila ng fellowship sa katotohanan para tulungan at suportahan sila. Kung hindi ako lalabas at gagawa ng tungkulin ko, hindi ba isa akong taksil na tumatakas sa gitna ng labanan? Hindi ’yon naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ko mapapabayaan ang konsiyensya ko. Naisip ko na hindi kasing-simple ang mga bagay gaya ng iniisip ko at hindi ako pwudeng magpadalus-dalos. Nagpasya akong kausapin ang lider ko, si Sister Li, para maghanap kasama niya.

Patuloy ko ’yong pinag-isipang mabuti habang papunta ro’n. Sinasabi noon ng asawa ko na maganda ang pananampalataya, at suportado niya ako sa paggawa ng tungkulin ko, pero ngayon, hindi inaasahang nakikinig na siya sa lider niya at tumigil na sa paniniwala. Ayaw niya na rin na maniwala ako. Isa ’yong biglaang pagbabago. Matapos ang maraming pag-iisip, napagtanto kong natatakot siya sa kung pa’no nito maaapektuhan ang posisyon niya, ang pamumuhay niya. Pangangalaga ’yon sa sarili. Talagang hindi ako naging komportable rito, at naisip ko, “Nilikha ng Diyos ang tao, at tama at natural ang pagkakaro’n ng pananalig at pagsamba sa Diyos, kaya bakit ayaw ng Partido na magkaro’n ng pananampalataya ang mga tao? Bakit magdudulot ng problema para sa kinabukasan ng buong pamilya mo ang pagkakaro’n ng pananampalataya? Hindi ba ginagaratiya ng Pambansang Konstitusyon ang kalayaan ng paniniwala? Kung gano’n bakit gigil na pinipigilan ng Partido ang mga mananampalataya?” Napuno ako ng pagkalito. Pinagbasa ako ni Sister Li ng isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinutugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa gitna ng mga tao? Bakit nagdudulot ng gayon katinding pananabik sa Diyos? Bakit patatawagin ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit pinipilit ang Diyos na mag-alala para sa Kanyang minamahal na Anak? Sa madilim na lipunang ito, bakit hindi hinahayaan ng nakakaawang mga asong-bantay nito na malayang dumating at umalis ang Diyos sa gitna ng mundong nilikha Niya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Matapos naming basahin ’yon, ibinahagi ni Sister Li ang fellowship na ito: “Dumating ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw para magpahayag ng mga katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Maraming mga tunay na mananampalataya ang nakarinig sa tinig ng Diyos at tinanggap ang Makapangyarihang Diyos, pero takot ang Partido na magkakamit ng pananampalataya ang mga tao, tapos ay susunod sa Diyos at tatanggihan sila. Gumagamit ’yon ng lahat ng uri ng taktika para ikondena at lapastanganin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, parang baliw na inaaresto at inuusig ang mga Kristiyano, at dinadamay ang napakaraming henerasyon ng mga pamilyang Kristiyano. Nag-imbento sila ng lahat ng uri ng mga tsismis para lapastanganin at siraan ang Iglesia, para lokohin ang mga tao na makiisa sa kanila laban sa Diyos, para makamit ang malupit nilang layunin na mapanatili ang mapandikta nilang pamumuno. Ang Partido ay isang grupo ng mga galit sa Diyos, lumalaban sa Diyos na masasamang demonyo. Sa ibang bansa, nagpapahayag sila ng suporta sa kalayaan ng relihiyon, pero para lang ’yon magsinungaling at manipulahin ang mga tao ng mundo. Ngayon, itong Mayo 28 Xhaoyuan Case ay ang CCP na gumagawa ng maling kaso para kondenahin at dungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ito palagi ang taktika nila para puksain ang sinumang hindi sumasang-ayon. Pero gaano man kalupit ito, ang Partido ay isang bagay na sumeserbisyo sa mga kamay ng Diyos. Tinutulutan sila ng Diyos na kumilos sa ganitong paraan para magkamit kayo ng pagkaunawa sa kanila, para makita niyo ang kanilang masamang diwa at hindi na mapaniwala pa nila. Sa huli magagawa niyong lubos na tanggihan si Satanas at bumaling sa Diyos. Ito ang pagliligtas ng Diyos.” Ang paliwanag ni Sister Li ang tumulong sa’kin na maunawaan ang masamang diwa ng CCP na pagkapoot sa Diyos at ppagkamuhi sa katotohanan. Ginagamit nito ang kinabukasan ng asawa at anak ko para pagbantaan ako para ipagkanulo ko ang Diyos. Hindi ako kailanman makikipag makikipagkasundo kay Satanas! Kahit gaano man ako pigilin ng Partido o gaano man ako hadlangan ng asawa ko, kailangan kong magkaro’n ng pananalig at sundin ang Diyos, at gawin ang tungkulin ko.

Gabi-gabi ko ’yong ginawa, pero walang naging epekto sa kanya. Sinabi niya pa, “Nagtrabaho ako sa loob ng sistemang ito sa loob ng maraming taon at nakita ko na ang CCP na nag-imbento ng hindi mabilang na hindi patas, maling kaso. Hindi ba mas marami akong alam kaysa sa’yo? Pero isang awtokratikong bansa ang Tsina, at sa Tsina tayo ipinanganak. Kailangan mong sumunod sa mga polisiya ng Partido Komunista. Kung hindi, parurusahan ka. Ang mahina ay hindi matatalo ang malakas. Ang akala ko dati isang magandang bagay ang pananampalataya mo, na hinihikayat lang nito ang mga tao na kunin ang tamang daan. Hindi ko kailanman inakalang parurusahan ’yon ng Partido at maaaring humantong sa pagkawala ng mga trabaho, pag-aresto at pagkakakulong, o maging pangbubugbog hanggang kamatayan. Napakaseryoso ng mga kahihinatnan. Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos, hindi lang ikaw ang puwedeng maaresto. Hindi ko magagawang panatilihin ang trabaho ko, pagkatapos ano’ng kakainin natin? Ano’ng iinumin natin? Hindi kailanman makakatungtong sa kolehiyo ang anak natin, makakapagtrabaho sa serbisyo sibil, o makakapasok sa military school. Talaga bang sisirain mo ang buong kinabukasan ng anak mo para sa Diyos mo?” Nakakagalit na marinig na sabihin niya ang lahat ng ito, at kasabay no’n, talagang napakasakit. kung patuloy kong isasagawa ang pananampalataya ko, mahaharap ako sa pagkatanggal sa trabaho ko, hindi magiging ligtas ang trabaho ng asawa ko, at hindi kailanman makakapasok sa kolehiyo ang anak namin. Ang buhay namin bilang isang pamilya at ang kinabukasan ng asawa at anak ko ang magdurusa. Wawasakin no’n ang pamilya namin at ako ang magiging kontrabida. Pa’no ko sila mahaharap matapos ’yon? Nahiga ako sa kama noong gabing ’yon, nanatiling gising, hindi makatulog kahit kaunti. Noong sandaling ’yon, tahimik akong nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bantayan ang puso ko, na gabayan ako, na ipakita sa’kin ang daan.

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos kalaunan: “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Matapos basahin ito, pakiramdam koi sang napakalaking kalawakan ang bumukas sa loob ko. Napagtanto kong naghahari ang Diyos sa lahat ng bagay, at ang puso ng mga tao at mga espiritu ay hawak Niyang lahat, pati na ang tadhana ng asawa at anak ko. Kung mawawalan man ng trabaho ang asawa ko o hindi at ang pagpasok ng anak ko sa kolehiyo—hindi ba ang Diyos ang may huling salita ro’n? Hindi ’yon mapaplano ng sinumang tao. Bukod do’n, ang pagkakaro’n ng pananalig ay pagtakahak sa tamang landas ng buhay at at wala pa ’kong ginagawang kahit isang bagay na labag sa batas. Kapag nadamay ang pamilya ko rito, kagagawan ’yon ng Partido Komunista, ’yon ay dahil sa kasamaan ng Partido. Nang maunawaan ko ito Nanalangin ako sa Diyos, inilalagay sa mga kamay Niya ang kinabukasan ng asawa at anak ko. Medyo mas bumuti ang pakiramdam ko matapos ’yon. Pagkatapos sinabi ko sa asawa ko, lubos na kalmado, “Nilikha ng Diyos ang tao at tama na maniwala tayo at sambahin Siya. Hindi ko mabibitawan ang pananampalataya ko para maingatan ang pamilya natin. Pagtataksil ’yon sa Diyos. Hindi ako puwedeng lumaban sa Diyos at saktan Siya. Hindi ka na naniniwala dahil sa takot sa Partido, sa pagkawala ng trabaho mo, ng pamumuhay mo. Kagustuhan mo ’yan. Pero sigurado ako na ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos at nagtamasa ako ng napakaraming biyaya Niya, pagpapala Niya, at mga probisyon Niya ng katotohanan. Hindi ako puwedeng mawalan ng utang ng loob at talikuran Siya. At saka, ang Diyos ang namamahala sa tadhana ng sangkatauhan, at lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung itiwalag man ako, kung tanggalin ka man, kung makapasok man sa kolehiyo ang anak natin nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng ’yon, at wala sa tao ang huling salita.” Dahil hindi niya nagustuhan na hindi ko ginagawa ang gusto niya, nagtaas ng boses ang asawa ko at sinabing, “Wala akong pakialam sa sinasabi mo—hindi ka na puwedeng lumabas para sa mga pagtitipon. Isagawa mo ang pananampalataya mo sa bahay.” Sabi ko, “Pa’no ’yon naging pananampalataya kung hindi pupunta sa mga pagtitipon o ginagawa ang tungkulin ko? Paraan ba ’yon para makamit ang katotohanan? Ang pananampalataya sa pangalan lang ay pagiging isang di-mananampalataya. Maaaring ikaw ang namamahala sa lahat ng usapin nating pampamilya, pero hindi ko magagawa ang sinasabi mo pagdating sa pananampalataya ko.” Nang makita niya kung ga’no ako disidido, lumayo siya, galit at padabog na sinara ang pinto, at nawala.

Pagkauwi ko mula sa isang pagtitipon isang gabi, nakita kong puno ng mga tao ang salas namin. Yung tatay ko, na nasa 80s na, nando’n, yung tiyuhin ko, kapatid na babae, bayaw, at kapatid na lalake ay nakaupo ro’ng lahat at nakatitig sa’kin. Nang makita ako, talagang nagalit ang tatay ko at sinabi, nang nakaturo sa’kin ang isang kamay habang ang isang kamay ay sumusuporta sa sarili niya sa sofa, “Pumunta ka sa isang pagtitipon, ano? Pa’no mo nagawa ’yon? Parang baliw na hinuhuli ng Partido ang mga Kristiyano. Hindi ka ba natatakot na maaresto? Ano’ng mangyayari sa anak mo kapag inaresto ka? Pa’no makakaraos ang lahat? Simula bukas, hindi ka na puwedeng lumabas sa bahay na ito. Dito lang ako at magbabantay sa’yo.” Bumuntong-hininga ang tiyuhin ko at nanghihinang nagsabi, “Talagang seryoso ang pagbira laban sa mga Kristiyano sa Tsina ngayon. Ano’ng mabuti ang idudulot sa’yo ng pagpapanatili sa pananampalataya mo? Madadamay ang lahat sa pamilya natin kapag inaresto ka. Hindi ka ba puwedeng gumawa ng tama para sa pamilya mo?” Sumabat ang kapatid kong lalake, habang nanglalaki ang mata: “Gusto ng Partido na lubos na lipulin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Trabaho ko ang bantayan ang mga pagkilos ng lahat ng mga empleyado at hindi mapalagay ang lahat. Pa’no ka pa nagkaro’n ng lakas ng loob na lumabas sa ganitong panahon? Wala ka man lang bang takot? Hindi ka ba natatakot na maaresto? Simula bukas, hindi ako magtatrabaho. Didito muna ako para bantayan ka.” At idinagdag ng bayaw ko, “Palagi mo kaming iniisip sa lahat ng bagay na gawin mo. Palagi kong hinahangaan ang maingat mo, at malaki ang respeto ko sa’yo. Parang ibang tao ka na ngayon. Bakit hindi ka na nakikinig kanino man? Kung hindi mo man iniisip ang sarili mo, isipin mo naman kami. Kapag may kung ano’ng nangyari sa’yo, makakaapekto ’yon sa buong pamilya. Hindi ko puwedeng hayaan ka na sirain ang buong pamilya natin. Simula bukas, susundan kita gamit ang kotse saan ka man magpunta.” Nagsalitan silang lahat. Para ’yong isa sa mga pampublikong pagtutuligsa noong Cultural Revolution. Nang makita ko ang pinatutunguhan no’n, matigas at patas akong nagsalita: “Makikinig ako sa inyong lahat sa kahit na anong bagay, pero sa anuman patungkol sa pananalig ko, mayroon akong layunin at hindi ko magagawa ’yon. Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos sa mga huling araw, nagpahayag Siya ng mga katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Isa ’tong pagkakataon sa buhay. Ang sinumang walang pananampalataya, hindi tumatanggap sa katotohanan, ay hahantong sa pagbagsak sa malaking sakuna sa mga huling araw. Ibinahagi ko sa inyo ang ebanghelyo at alam niyo na isang mabuting bagay ang pananampalataya, Kaya bakit hindi lang kayo hindi naniniwala, kundi sumusunod sa Partido, hinahadlangan ako para pagtaksilan ko ang Diyos? Talaga bang para ’to sa sarili kong kabutihan? Hindi niyo malaman ang mabuti sa masama, tama sa mali. Sumusunod lang kayo sa Partido Komunista, gumagawa ng masama at sumasalungat sa Diyos. Kung hindi kayo magsisisi, pupunta kayo sa impiyerno at mapaparusahan kasama silang lahat.” Wala silang anomang sinabi bilang sagot. Umalis silang lahat kalaunan nung gabing ’yon, puwera sa matanda kong tatay, na nagpaiwan para bantayan ako. Kinaumagahan, pasakay na ako sa bisikleta ko para umalis, pero hinawakan ng tatay ko ang bisikleta ko, ayaw akong payagang umalis. Nagsimula ring pumunta araw-araw yung kapatid kong lalake para siguruhing hindi ako lumabas. Isang umaga habang sinusubukan kong umalis, kumuha siya ng bangko at ihahampas niya sana sa’kin ’yon, pero humantong siya sa paghampas no’n sa sahig dahil sa galit, dahilan para mahati ’yon sa dalawa. Labis na nakakadismaya para sa’kin na makitang kumikilos nang ganito ang pamilya ko. Anong klaseng mga “mahal sa buhay” sila? Dati kaming isang malaki, masayang pamilya, pero tinulak sila ng pangsisiil ng Partido Komunista sa punto na tinatrato na nila akong parang isang kaaway. Nagsisimula nang talagang manghina ang puso ko, at naisip ko, “Kailan ba matatapos ang masasamang araw na ’to? Kung ititigil ko lang ang pagpunta sa mga pagtitipon, hindi na nila ako tatratuhin nang ganito.” Sa puntong ’yon, napagtanto kong nahuhulog ako sa isa sa mga panglalansi ni Satanas. Sinamantala ni Satanas ang mga pagmamahal ko para pagtaksilan ko ang Diyos. Alam kong hindi ako puwedeng magpalinlang. Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako na maunawaan ang kalooban Niya para tumayong saksi para sa Kanya.

Sa isang pagtitipon, nakahanap ang lider ng isang sipi na nagpapatungkol sa problema kong ’yon. “Kapag hindi nailigtas ang mga tao, ang mga buhay nila ay madalas na pinanghihimasukan, at maaaring pinamamahalaan, ni Satanas. Sa madaling salita, ang mga tao na hindi pa naililigtas ay mga bilanggo ni Satanas, sila ay walang kalayaan, hindi pa sila binibitawan ni Satanas, sila ay hindi naaangkop at walang karapatan na sumamba sa Diyos, at sila ay labis na tinutugis at nilulusob nang matindi ni Satanas. Ang ganitong mga tao ay walang kaligayahan na masasabi, wala silang karapatan sa isang normal na pag-iral na masasabi, at higit pa rito, wala silang dangal na masasabi. Tanging kung ikaw ay maninindigan at makikipaglaban kay Satanas gamit ang iyong pananampalataya at pagsunod sa Diyos, at takot sa Diyos, bilang iyong mga sandata na gagamitin para sa isang buhay-at-kamatayan na pakikipaglaban kay Satanas, kung saan sukdulan mong matatalo si Satanas na magiging dahilan ng pag-urong ng buntot nito at pagiging duwag sa tuwing makikita ka, upang tuluyan na nitong itigil ang mga paglusob at paratang laban sa iyo—saka ka lang maililigtas at magiging malaya. Kung ikaw ay determinadong lumaya nang lubusan mula kay Satanas, ngunit wala kang mga sandatang tutulong sa iyo upang talunin si Satanas, ikaw ay manganganib pa rin; at sa paglipas ng panahon, kapag ikaw ay lubhang napahirapan na ni Satanas na wala nang natitirang lakas sa iyo, ngunit hindi mo pa rin magawang magpatotoo, hindi pa rin tuluyang napapalaya ang iyong sarili sa mga paratang at paglusob ni Satanas laban sa iyo, magiging maliit lamang ang pag-asa na maililigtas ka. Sa huli, kapag ipinapahayag na ang konklusyon ng gawain ng Diyos, nasa mahigpit na pagkakahawak ka pa rin ni Satanas, kung saan hindi mo magawang palayain ang iyong sarili, at dahil dito hindi ka na kailanman magkakaroon ng pagkakataon o pag-asa. Kung gayon, ang ipinapahiwatig nito ay magiging ganap na mga bihag ni Satanas ang ganitong mga tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Tungkol sa fellowship niya, naunawaan ko na ginagawa ng CCP ang lahat sa kapangyarihan nito na abalahin at gambalain ang gawain ng Diyos, pati na ang linlangin ang mga miyembro ng pamilya ko gamit ang lahat ng uri ng tsismis para sumuporta sila ro’n, inaatake at sinisiil ang pananampalataya ko. Gusto ako nitong mahigpit na kontrolin sa ilalim ng sakop nito para hindi ko masunod ang Diyos at matahak ang tamang landas sa buhay, na hahantong sa pagpaparusa sa impiyerno kasama nito. Kung sinunod ko si Satanas, nababalisa dahil sa pamilya ko, binibitawan ang pagsasagawa ko ng pananampalataya ko at paggawa sa tungkulin ko, mahuhulog ako sa mga pangdaraya ni Satanas. Susunggaban ako ni Satanas at mawawala ako ng pagkakataon sa kaligtasan. Ang katotoohan na trinato ako ng asawa at mga kamag-anak ko na gaya ng kaaway nila dahil lang sa naniniwala ako sa Diyos ay nangangahulugan na mga tagasunod sila ng malaking pulang dragon at ganap silang mga tau-tauhan nito. Hindi ko puwedeng hayaan si Satanas na magawa ang balak niya, pero kailangan kong umasa sa Diyos, tumayong saksi para sa Kanya, at ipahiya si Satanas. Matapos ’yon, nang makita nila kung ga’no ako kadeterminadong sumunod sa Diyos, naisip ng pamilya ko na wala na akong pag-asa at lumuwag na sila. Patuloy akong gumawa ng tungkulin ko.

Noong Agosto 2018 ’yon. May tungkulin ako sa labas ng bayan nung panahong ’yon. Isang araw pag-uwi ko sa bahay, galit na sinabi sa’kin ng asawa ko, “Si Xiaoyu, na binahaginan mo ng ebanghelyo noon, ay inilista bilang wanted dahil sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Dumating ang mga pulis para sa ilang tanong sa trabaho. Dumating ang boss ko at hinahanap ako, tinatanong kung may koneksyon ba tayong dalawa sa kanya at kung alam ko ba kung nasa’n siya ngayon. Araw-araw akong tinatawagan ng asawa niya at nagtatanong tungkol sa kanya, sinasabing ang tanging dahilan kaya nasira ang pamilya nila ay dahil ipinangaral mo sa kanya ang ebanghelyo. Buong magdamag akong gising, kamakailan, gabi-gabi akong kinakabahan at nag-aalala tungkol sa’yo. Takot akong isang araw magiging wanted ka at maaaresto. Tapos pa’no na ang anak natin? Pa’no kami makakaraos?” Nagsimula rin akong mabalisa nang marinig kong sabihin niya ’yon. Pagkatapos, lumuha siya at sinabi sa’kin, “Talaga bang kailangan mong maniwala sa Diyos? Talaga bang gano’n ’yon kaimportante sa’yo? Kailangan mong mamili ngayon. Pipiliin mo ba ang Diyos, o pipiliin mo ako, ang pamilya natin?” Talagang nawasak ang puso ko dahil dito, at noong sandaling ’yon, pakiramdam ko hindi ko kakayaning mahiwalay sa alinman. Sa isang panig ang asawa ko, na nakasama ko nang mahigit sa dalawang dekada, at nasa kabilang panig naman ang Diyos, na nagbigay ng buhay sa akin. Sa isang sandali hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Nanalangin ako agad sa Diyos, hinihiling sa Kanya na protektahan ang puso ko. Matapos ang panalangin ko, sinabi ko sa kanya, “Kung pinupuwersa mo ’kong mamili sa dalawa, Diyos ang pinipili ko.” Sabi niya, “Dahil pinipili mo ang Diyos, kailangan nating mag-diborsyo. Kung gusto mo ’ko, kailangan mong bitawan ang pananampalataya mo, pagkatapos puwede na tayong magkaro’n ng isang masayang buhay nang magkasama.” Sabi ko sa kanya, “Nilikha ng Diyos ang tao, kaya dapat sundin at sambahin ng tao ang Diyos. Dahil pinili kong magkaro’n ng pananampalataya, Susundin ko ang Diyos hanggang sa huli. Malaya kang piliin na hindi magkaro’n ng pananampalataya sa Diyos at hindi ko susubukang puwersahin ka, pero kalayaan ko rin na piliing magkaro’n ng pananampalataya sa Diyos. Tungkol sa pakikipag-diborsyo o hindi, nirerespeto ko ang desisyon mo.” Nang marinig niyang sabihin ko ’to, sumimangot siya at hindi na nagsalita ng anoman sa’kin.

Pagbalik ng anak namin mula sa winter break niya, sinabi niya sa’kin, “Sinabi ni papa na kung titigil ka sa paniniwala sa Diyos, hindi ka niya ididiborsyo, pero kung patuloy kang maniniwala, wala siyang magagawa kundi ang makipag-diborsyo. Mula sa kaibuturan ng puso ko, ayokong mag-diborsyo kayong dalawa. Ang gusto ko yung buo, masayang pamilya.” Parang kutsilyong tumarak sa puso ko ang pagkarinig ko nito mula sa kanya. Naisip ko ang tungkol sa asawa ko na talagang dumaranas ng diborsyo, na hindi na magkakasama kaming tatlo, na hindi magkakaro’n ng ama o hindi magkakaro’n ng ina ang anak namin—magiging napakalaking dagok no’n sa kanya. Walang paraan para panatilihin naming buo ang pamilya namin kung patuloy kong isasagawa ang pananampalataya ko. Labis na nakakabalisa ang ideyang ito para sa’kin. Pagkatapos, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang pumasok sa isip ko. “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na mapagtanto na para bang hinihiling sa’kin ng anak ko na gumawa ako ng paraan para mabigyan siya ng isang buo’t masayang pamilya, pero nasa likod no’n si Satanas na tinutukso ako. Pinaglalaruan ni Satanas ang mga emosyon ko bilang isang paraan para atakihin ako, para ipagkanulo ko ang Diyos, pero ginagamit ito ng Diyos para subukin ang pananalig ko sa Kanya, para makita kung ito ba ay tunay, at kung kaya ko bang tumayong saksi sa panig ng Diyos. Sa paghahanap ko, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananalig at kalakasan. Alam kong kailangan kong maghirap para sa katotohanan, na makabuluhan ito. Kung tatalikuran ko ang Diyos dahil sa nararamdaman ko para sa pamilya ko at mamuhay ng isang walang kabuluhang buhay sa ilalim ng dominyo ni Satanas, mabubuhay ako na walang ni katiting na dignidad. Naisip ko ang tungkol sa kung pa’nong ginamit ng Partido Komunista ang asawa ko at pamilya para paulit-ulit akong pilitin, sinusubukang hikayatin akong bitawan ang pananampalataya ko. Ilang beses akong nakaramdam ng pagiging negatibo at mahina, iniisip ang tungkol sa pagbitaw sa tungkulin ko, pagpapanatili ng nagkakasundong pamilya namin at pakikipagkompromiso kay Satanas, pero nanatili sa tabi ko ang Diyos bilang puwersang pangsuporta ko, Nililiwanagan at inaakay ako gamit ang mga salita Niya, ginagabayan ako para maunawaan ang katotohanan at maunawaan ang laban sa Diyos, masama, mala-demonyong diwa ng CCP, para hindi na ako maligaw at mapaglaruan nito. Ito ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos. Alam kong hindi ko maipagkakanulo ang Diyos para sa’king sentimentalidad, pero kailangan kong hanapin at makamit ang katotohanan, at magsabuhay ng isang makabuluhang buhay. Kaya sinabi ko sa anak ko, “Gusto ng papa mo na makipag-diborsyo dahil takot siyanng maapektuhan ng pananampalataya ko ang pag-asa niyo sa hinaharap. Ayokong madamay kayo, pero ang pagkakaro’n ng pananampalataya ang tamang landas at sigurado ako sa pananampalataya ko. Hinding-hindi ko ’to puwedeng bitawan. Pero dapat mong malaman na hindi ako ang sumisira sa pamilya natin—’yon ay ang Partido Komunista.” Wala na siyang sinabing anoman bilang sagot do’n.

Matapos ang ilang araw, inuwi na ng asawa ko sa bahay ang mga papeles para sa diborsyo at hiniling niya sa’king pirmahan ko ’yon. Habang nakikita ko ang lahat ng binuo namin sa 25 na taong pagsasama na matapos nang gano’n lang, naramdaman ko ang sakit na nabubuo sa puso ko… Nanalangin ako sa Diyos, Sinasabing, “Diyos ko, alam kong nangyari ang lahat ng ito nang may pahintulot Mo. Bantayan Mo po ang puso ko para makatayong saksi ako.” Kalaunan, pumasok sa isip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa.” “Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay malademonyo at, higit pa rito, wawasakin sila. … Sinumang hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; ibig sabihin, sinumang hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao—nasa loob man sila o nasa labas ng daloy na ito—ay isang anticristo! Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Paulit-ulit akong pinigil ng asawa ko para hindi siya mawalan ng katayuan, ng pamumuhay, at ginamit niya ang anak namin at ang pamilya ko laban sa’kin, para pigilin ako sa paniniwala. Ginusto niyang makipag-diborsyo nang makita niyang hindi niya ako makukumbinsi, Pinupuwersa akong gumawa ng pinal na gusto sa pagitan ng Diyos at ng pamilya namin. Nagpasya siyang sundin ang Partido Komunista para protektahan ang mga personal niyang interes. Nasa landas siya ng pagkawasak. Pinili kong sumunod sa Diyos, para makamit ang katotohanan at buhay, na siyang landas sa kaharian ng langit. Nasa lubos na magkaibang landas kami. Nasa magkaiba kaming mundo—imposibleng patuloy na maging masaya ang gano’ng pagsasama. Sa pag-iisip nito sa ganitong paraan, naramdaman kong ang tama lang ang diborsyo at pareho kaming palalayain no’n. Hindi niya na kailangang mag-alala na magkakaproblema siya dahil sa’kin, at makakapagtuon na ’ko sa paggawa ng tungkulin ko. Pinirma ko ang pangalan ko sa kasunduang pang-diborsyo.

Nasa tungkuling pang-ebanghelyo ng iglesia ako sa buong panahong ’yon, at bagaman inuusig kami ng Partido dahil sa pagkakaro’n ng pananampalataya at paggawa ng tungkulin namin sa Tsina, at palagi kaming nasa panganib na maaresto o mamatay, ni minsan, hindi ako kailanman nagsisi na ginawa ko ang desisyon kong ito. Gusto kong patuloy na ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo, at sundin ang Diyos hanggang sa huli!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagtakas sa mga Usap-usapan

Ni William, USANoong Oktubre ng 2016, dumating ako sa New York, at kalaunan ay bininyagan sa ngalan ng Panginoong Jesus sa isang simbahang...

Nasa Bingit ng Kapahamakan

Ni Zhang Hui, Tsina Noong 2005, kakatanggap ko pa lang no’n ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, nag-ebanghelyo ako sa kapatid sa dati...