Nagdulot ng Krisis sa Pamilya ang Kaso ng Zhaoyuan na Naganap Noong Mayo 28

Disyembre 31, 2019

Ni Enhui, Tsina

Isa akong ordinaryong babae sa aming bansa, at ang mabibigat na pasanin sa mga responsibilidad ko sa aming tahanan ay palaging nagdudulot sa akin ng labis na pagod na halos hindi na ako makahinga. Dahil dito, talagang naging mainitin ang ulo ko, at araw-araw kaming nagsisigawan ng asawa ko. Hindi na talaga namin matiis na mamuhay nang gayon. Sa tuwing nahihirapan ako, magsusumamo ako, “Mahabaging Langit! Maaari po bang iligtas Mo ako!” At pagkatapos noong 2013, dumating sa akin ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdalo sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid na lalaki at babae, natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang Isa na hinihingan ko ng tulong sa aking pagdurusa, at dahil dito malugod kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Simula nang likhain ang mundo, nasimulan Ko nang paunang itadhana at piliin ang grupong ito ng mga tao, na ngayon nga ay kayo. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, pamilya kung saan kayo isinilang, ang iyong trabaho at pag-aasawa—ang kabuuan mo, maging ang kulay ng iyong buhok at balat, at ang oras ng iyong kapanganakan—ay isinaayos lahat ng Aking mga kamay. Maging ang mga bagay na ginagawa mo at ang mga taong nasasalubong mo bawat araw ay isinaayos ng Aking mga kamay, pati na rin ang katunayang ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya ngayon sa totoo lang ay Aking pagsasaayos. Huwag mong guluhin ang iyong sarili; dapat magpatuloy ka nang mahinahon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 74). Mula sa mga salitang ito ng Diyos natanto ko sa wakas na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at na ang pagiging mapalad ko na makalapit sa harapan ng trono ng Diyos, matanggap ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, at matamo ang pagdidilig at pagpapalakas ng Kanyang mga salita ay naordenan na noon pa man libu-libong taon na ang nakararaan. Kung anong uri ng asawa at pamilya mayroon ako ay inordenan din ng Diyos noon pa man. Alam ko na dapat kong tanggapin ang anumang isinagawa at isinaayos ng Diyos at magpasakop dito. Mula noon, anumang bagay na dumating na hindi kasiya-siya, hindi na ako nagrereklamo tulad noon. Sa halip, nanampalataya ako na ito ay isinaayos ng Diyos at handa akong magpasakop nang sa gayon ay maaaring gabayan at maakay Niya ako na matutuhang mamuhay nang may pagkakasundo sa aking pamilya. Sa pagdaan ng panahon, natigil ko na ang pakikipag-away sa aking asawa. Nang makita niya ang mga pagbabagong nangyari sa akin simula nang manampalataya ako sa Diyos, naging napakasuportado na rin ang aking asawa sa aking pananampalataya. Kapag pumupunta ang mga kapatid na lalaki at babae sa aming bahay para magtipon napakagalang niya sa kanila, at kung minsan ay masayang nakikipag-usap sa kanila. Sa panahong iyan nagbabasa ako araw-araw ng salita ng Diyos at madalas na dumadalo sa mga pagtitipon at pagbabahagi ng mga karanasan kasama ang iba pang mga kapatid na lalaki at babae. Nadama kong nanagana ang aking espiritu at natamasa ang uri ng kapayapaan at kagalakan na hindi ko kailanman nadama noon. Naramdaman ko na talagang isang napakagandang bagay ang pananampalataya sa Diyos.

Ngunit ang lahat ng mabubuting bagay ay may hangganan, at pagkatapos ng insidenteng nangyari sa Zhaoyuan, Shandong noong Mayo 28, 2014, naglaho ang payapa at matiwasay na mga araw na iyon sa aming tahanan. Ito sa una ay karaniwang krimen lamang, ngunit pagkaraan ng tatlong araw nagkaroon ito ng bagong anyo—tinawag ito ng pamahalaang Chinese Communist Party na isang bagay na isinagawa dahil sa mga motibong panrelihiyon. Sa dahilang ito, pinagbuntunan ng sisi ng pamahalaang CCP ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; gumamit ito ng media para walang pakundangang magtanim ng maling ebidensya, gumawa ng mga maling paratang, at siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi nagtagal, inulan ang mga tao ng lahat ng uri ng kasinungalingang maaaring maisip tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ito ng asawa ko na iniulat sa mga balita at ginamit sa propaganda ng pamahalaang CCP. Tila ba bigla na lang nagkaroon ng pagbabago sa kanya. Nagsimulang gawin niya ang lahat ng bagay sa abot ng kanyang makakaya para salungatin ang aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos.

Isang gabi, galit na galit na umuwi ng bahay ang aking asawa at pasigaw na pinagalitan ako: “Ano ba talaga ang relihiyong ito na pinaniniwalaan mo?” Talagang nagulantang ako na nagbalik na naman ang kakaiba niyang ugali noon at bilang sagot sinabi ko sa kanya, “Ang pinaniniwalaan ko ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos, na tinatawag natin na ‘Langit.’” Sinabi niya, “Naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos! Tingnan mo kung ano ang sinasabi nila sa TV!” Sinasabi ito, binuksan niya ang TV, at naroon sa lahat ng balita ang Kaso ng Sadyang Pagpatay sa Zhaoyuan, Shandong noong Mayo 28. Nagsasabi sila ng lahat ng uri ng bagay na nagkukundena sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinabi pa nila na ang mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay mga taong nanggugulo sa kaayusan ng publiko, at handa ang Public Security Department sa Shandong para maglunsad ng malakas na pag-atake laban dito at tutuligsain sila nang walang awa. Dahil dito nadama ko na matuwid lang na magalit ako, at kaagad kong sinabi sa aking asawa, “Paninirang-puri at mga kasinungalingan lamang ang mga ito. Ang mamamatay-taong ito ay hindi mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos! Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mayroong mga prinsipyo sa gawaing pang-ebangheliko, na ibabahagi lamang ito sa mabubuting tao na naniniwala na mayroong Diyos at sa mga taong may mabubuting puso. Hindi namin ito ibinabahagi sa masasamang tao. Ang masasamang tao na gaya ni Zhang Lidong ay hindi angkop sa mga prinsipyong ito ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para mabahaginan ng ebanghelyo, kaya tiyak na hindi sila maaaring maging mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Ang isa pa—nang hingin ni Zhang Lidong sa babaeng iyon ang kanyang numero ng telepono at tumanggi ito, napahiya si Zhang kaya siya nagalit at pinatay ang babae. Kami, na mga kapatid na lalaki at babae ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay hindi kailanman namimilit ng mga tao para tanggapin ang gawain ng Diyos kapag nagbabahagi kami ng ebanghelyo, dahil malinaw na ipinahayag ng Diyos sa ‘Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian’ na ‘Ang kaanak na iba ang pananampalataya (ang iyong mga anak, ang iyong asawa, iyong mga kapatid o magulang, at iba pa) ay hindi dapat piliting sumapi sa iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang pataasin ang bilang nito ng mga taong walang silbi. Hindi na dapat akayin sa iglesia ang lahat ng hindi malugod na nananalig. Ang kautusang ito ay para sa lahat ng tao. Dapat ninyong siyasatin, subaybayan at paalalahanan ang isa’t isa sa bagay na ito, at walang sinumang maaaring lumabag dito.’ Kapag nagbabahagi ng ebanghelyo ang mga kapatid na lalaki at babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hindi sila kailanman namimilit—ito ang isang bagay na hindi maaaring labagin ng sinuman. Ang mga balitang ito ay paninirang-puri, at gawa-gawa lamang. Ang nagkakalat lamang ng mga kasinungalingang ito at naninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay walang iba kundi ang pamahalaang CCP.” Ngunit sino ang makakapagsabi—pagkatapos marinig ito, nanlaki ang mga mata ng aking asawa at binulyawan ako, “Hindi na mahalaga kung totoo ito o hindi. Hanggang salungat ang CCP dito, hindi ka maaaring masangkot dito! Hindi ko gustong halughugin ng pamahalaan ang ating bahay. Hindi pa nga naikakasal ang ating anak na lalaki!” Nakitang nalinlang ang aking asawa ng mga maling kuwento at mga kasinungalingang iyon sa TV nang walang basehan, napuno ng galit ang aking puso. Hindi titigil ang pamahalaang CCP para supilin at usigin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagsalungat lamang sa paniniwala sa relihiyon. Ginamit nito ang kaso ng Zhaoyuan para masilo at makagawa ng mga maling paratang laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—isang napakasamang taktika!

Wala ni isa sa amin ang nakatulog nang mahimbing nang gabing iyon. Hinikayat ako ng asawa ko na magtago at itago rin ang aklat ng mga salita ng Diyos, o ibalik ito sa iglesia sakaling lusubin ng kapulisan ng CCP ang aming tahanan. Pagkarinig ng lahat ng sinabi niyang ito naalala ko ang tungkol sa mga karanasan ng mga kapatid na lalaki at babae na narinig ko, na mga dinakip, na hinalughog ang kanilang mga tahanan, at na pinagmulta o ibinilanggo; Naisip ko rin ang sarili kong pinsan. Nakaalitan niya ang isang lokal na hepe ng istasyon ng pulis dahil hindi niya matiis ang pagyayabang sa lugar ng isang lalaki, at pananakot sa mga karaniwang tao, at humantong iyon sa pagkasentensya sa kanya ng isang taon na reeducation sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nahirapan din ang lahat sa aming pamilya, ang mga bata at matatanda. Ang CCP ay isang demonyo na hindi ka makakapangatwiran. Kung madakip at mabilanggo ako dahil sa aking pananampalataya, at kung hahalughugin ang aming bahay, makatuwiran ba iyon sa aking asawa at anak? Nagpabiling-biling ako sa higaan, hindi makatulog, paulit-ulit na inisip ang senaryong nadakip ako at hinalughog ng mga pulis ng CCP ang aming bahay, at nadamay ang aking asawa at anak…. Hindi ko mapigilang hindi makadama ng lungkot at takot sa aking puso. Naramdaman ko kung gaano kahirap ang manampalataya sa Diyos, maging isang mabuting tao, at tahakin ang tamang landas sa Tsina, at na palaging nasa panganib ang aking buhay. Ngunit kung ipagkakanulo ko ang Diyos dahil sa takot sa pang-uusig ng pamahalaang CCP, uusigin ako ng aking konsiyensiya habang buhay. Kahit magpagala-gala ako, mamumuhay nang walang layunin, ako ay magiging tila isang buhay na bangkay at pagkatapos mamatay wala akong mukhang maihaharap para makita muli ang Diyos. Nabalisa ako at nakadama ng pighati sa aking puso; naramdaman kong lubos akong nawalan ng lakas, napakanegatibo at napakahina.

Sa gitna ng aking pighati, naalala ko ang mga salitang ito ng Panginoong Jesus: “At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y Siyang makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impiyerno(Mateo 10:28). “Sapagka’t ang sinumang mag-ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay makakasumpong niyaon(Mateo 16:25). Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas, at pinawi ang pagkabalisa at takot sa aking puso. Naisip ko: “Ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat ng bagay at sa lahat ng nabubuhay na nilalang, at nasa ilalim din ng kapangyarihan ng Diyos ang aking buhay at ang aking pamilya. Lahat ng mayroon ako ay nagmula sa Diyos, at hindi ko Siya maaaring ipagkanulo sa mapanganib na panahong ito.” Pagkatapos ay naisip ko ang tungkol sa mga ari-arian ng pamilya ni Job na ninakaw at kinuha sa kanya ang mga anak niya; walang naiwan sa kanya, gayunman napanatili niya ang kanyang katapatan sa Diyos. Binigyang-papuri niya ang banal na pangalan ng Diyos na si Jehova at tumayong saksi sa Diyos. Subalit heto ako, nahaharap pa lamang sa mga kasinungalingan at gulong gawa-gawa ng pamahalaang CCP, nang hindi pa nadarakip o nahahalughog ang aking tahanan, ay naging mahina at negatibo na. Nakita ko na talagang kalunus-lunos ang aking katayuan, at wala ako ni katiting na tunay na pananampalataya sa Diyos. Nang maisip ko ito napuno ng kahihiyan ang aking puso sa harap ng Diyos at tahimik akong nagpasiya: Anuman ang mangyari, hindi ko dapat ipagkanulo ang Diyos, at pananatilihin ko ang aking pananampalataya gaano mang pagdurusa o hirap ang maaaring maranasan ko!

Umuwi nang tanghali sa bahay ang aking asawa nang sumunod na araw, inihagis sa harapan ko ang diyaryo na nasa kanang kamay niya, at sinabing, “Tingnan mong mabuti! Sinasabi riyan na sinuman ay maaaring dakpin kapag natuklasang naniniwala sila sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ang bilangguan ang lugar na gugustuhin mong kapuntahan anumang oras. Hindi lamang binubugbog ang mga tao roon, kundi nagsisiksikan pa sa iisang higaan ang maraming tao. Kung pupunta sa banyo ang isang tao sa kalagitnaan ng gabi, wala na siyang lugar na mahihigaan doon pagbalik niya. Kung madarakip ka, hindi makakaya ng pamilya natin na piyansahan ka, kaya kapag hinuli ka nila at nasentensyahan ka ng ilang taon, magiging mas handa ka nang sumunod!” Ang marinig ang gayong walang pakundangang pananalita mula sa aking asawa ay nagdulot ng matinding kirot sa aking puso, at mas lalo kong kinamuhian ang demonyong pamahalaang CCP. Kung hindi dahil sa panlilinlang, mga kasinungalingan, pang-aapi, at pang-uusig nito, masusuportahan ako ng aking asawa sa aking pananampalataya. Hindi niya ako mapupwersa sa gayong paraan. Sa aking kawalan ng pag-asa, ang tanging magagawa ko ay magsumamo sa Diyos sa aking puso: “Makapangyarihang Diyos! Alam ko po na nagpapakalat lamang ang pamahalaang CCP ng mga gawa-gawang kuwento, paninirang-puri, kasinungalingan, at kalapastanganan laban sa Iyo. Ang pamahalaang CCP ay walang iba kundi si Satanas, ang Iyong kaaway. Ngunit nakadarama ako ngayon ng kahinaan sa aking puso, at hiling ko po na pangalagaan Mo ako, na pagkalooban ako ng karunungan, at pahintulutan ako na makita ang mga panlilinlang at panloloko ni Satanas nang sa gayon ay matatag akong makatatayo sa Iyong tabi at hindi matakot ng masasamang puwersa ng pamahalaang CCP.” Pagkatapos manalangin, wala na akong anumang hangaring talikuran ang Diyos, at pumasok sa isipan ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “Nang gumawa ang Panginoong Jesus ng mga bagay gaya ng pagbuhay muli kay Lazaro mula sa kamatayan, ang Kanyang layunin ay upang magbigay ng katunayan para sa mga tao at para makita ni Satanas, at upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng tungkol sa sangkatauhan, ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay tinutukoy ng Diyos, at na bagaman Siya ay nagkatawang-tao, nananatili Siyang may kapangyarihan sa pisikal na mundo na nakikita at gayundin sa espirituwal na daigdig na hindi nakikita ng mga tao. Ito ay upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng tungkol sa sangkatauhan ay hindi nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ito ay isang paghahayag at isang pagpapakita ng awtoridad ng Diyos, at ito ay isa ring paraan para sa Diyos na makapaghatid ng mensahe sa lahat ng bagay, na ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang pagbuhay muli ng Panginoong Jesus kay Lazaro ay isa sa mga paraan kung paano tinuturuan at binibigyang-tagubilin ng Lumikha ang sangkatauhan. Ito ay isang kongkretong pagkilos na kung saan ay ginamit Niya ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad upang bigyang-tagubilin at tustusan ang sangkatauhan. Ito ay isang paraan, na hindi gumagamit ng mga salita, para sa Lumikha na tulutan ang sangkatauhan na makita ang katotohanan na Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ito ay isang paraan upang masabi Niya sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos na walang kaligtasan maliban sa pamamagitan Niya. Ang ganitong tahimik na pamamaraan na ginamit Niya upang bigyang-tagubilin ang sangkatauhan ay walang hanggan, di-napapawi, nagdulot sa mga puso ng tao ng isang pagkagimbal at kaliwanagan na hindi kailanman kukupas. Nakaluwalhati sa Diyos ang pagkabuhay na mag-uli ni Lazaro—may malaking epekto ito sa bawa’t isang tagasunod ng Diyos. Matatag nitong pinananatili sa bawa’t tao na nauunawaang mabuti ang pangyayaring ito ang pagkaunawa, ang pananaw na ang Diyos lang ang may kapangyarihan sa buhay at kamatayan ng sangkatauhan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III). Ang katotohanang ito tungkol sa Diyos na tinulutan si Lazaro na magbangon mula sa mga patay ay lalong naghikayat sa akin. Muli akong nagkaroon ng lakas sa aking puso at matatag na tumayong muli: Oo! Ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay sa sansinukob, nasa palad ng kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan ng mga tao. Alam ko na walang sinuman ang makakapigil dito, at kung ako man ay madakip o hindi ay nasa mga kamay rin ng Diyos. Muli akong pinangalagaan ng mga salita ng Diyos, at muli pang lumakas ang pananampalataya ko sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso. Lubos ding napawi ang sindak at takot sa kaibuturan ng aking puso.

Winasak ng mga kasinungalingan ng pamahalaang CCP ang kapayapaan at kaligayahan na nadama naming minsan sa aming tahanan. Kailangan kong maging mapagmasid, maging napakaingat sa pagdalo sa pagtitipon at paggawa ng aking tungkulin para maiwasan ang anumang kaguluhan pa sa aming pamilya; talagang mahirap ito para sa akin. At kalaunan pa nang marinig ng aking ama ang tungkol sa insidente sa Zhaoyuan noong Mayo 28, nagsimula rin siyang pigilan ako. Sinabi niya, “Maaari kang maniwala sa kung anong gusto mong paniwalaan, pero hindi ka maaaring lumabas at magpalaganap ng ebanghelyo sa sinuman o umalis para dumalo ng mga pagtitipon. Sa edad kong ito, hindi ko na makakaya pang harapin ang anumang problema. Dapat mong palaging isaisip ang buong pamilya, bata man at matanda! Mabuting bagay ang manampalataya sa Diyos, pero hindi ka isinilang sa isang bansa na may kalayaan sa relihiyon. Hindi maibabagsak ng isang kamay ang isang binti—ang CCP, ang ‘binti,’ ay itinuturing ang mga taong nananampalataya na mga bilanggo ng pamahalaan. Alam mo ang lahat ng ito, kaya huwag mong ipadama sa amin ang uri ng takot na nadarama mo.” Ang panggigipit mula sa aking sariling pamilya at kawalan nila ng pang-unawa ay talagang nagpahirap ng aking kalooban. Sa panahong iyon, para akong nakabitin sa alanganin, namumuhay nang may takot na baka madakip ako ng pamahalaang CCP at magdulot ito ng problema sa aking pamilya kapag nakagawa ako ng kahit kaunting pagkakamali. Kaya sa tuwing lumalabas ako, itinatago kong mabuti ang aklat ng mga salita ng Diyos at ang anumang bagay na may kaugnayan sa paniniwala sa Diyos. Kapag pumupunta ako sa mga pagtitipon takot na takot ako na baka isumbong ako ng isang tao at madamay ang aking pamilya, palagi akong alisto at nakamasid; sa tuwing may makikita ako na isang sasakyan ng pulis o isang opisyal sobra ang kaba ng dibdib ko. Ito ay hindi mailarawang pagdurusa, at nadama ko na ang pananampalataya sa Diyos sa Tsina ay parang pamumuhay sa bingit ng kamatayan. Mas matinding pagkapoot ang tanging nadama ko para sa masamang ateistang grupong ito. Ano ba ang mali sa pagkakaroon ng pananampalataya at pagtahak sa tamang landas? Bakit hindi na lang nila hayaan ang mga tao na manampalataya sa Diyos? Bakit matindi nilang pinagmamalupitan, dinarakip, at inuusig ang sinumang nananampalataya? Bakit kinamumuhian nila nang husto ang mga taong nananampalataya sa Diyos? Talagang napakasama nila!

Kalaunan, naunawaan ko sa wakas ang katotohanan ng bagay na iyon nang basahin ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi rito: “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at mga panahong ito ay binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinuman ang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din siya ni Satanas, at binubuntutan ito sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang ginagawa ng Diyos, ang lahat ng ito ay upang makamit ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na makuha ng Diyos ang sinuman; nais nito para sa sarili nito ang lahat ng nais ng Diyos, gusto nitong sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? … Ginawang napakaliwanag ng usaping ito ang nakasusuklam na mukha at diwa ni Satanas. Sa pakikipagdigma sa Diyos at pagsunud-sunod sa likuran Niya, ang layunin ni Satanas ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, ang sakupin at kontrolin ang mga nais na makuha ng Diyos, ang ganap na puksain ang mga nais na makuha ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa, sila kung gayon ay aangkinin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, bigla kong nakita ang liwanag: Minasdan ang panlabas na anyo nito, ang pamahalaang CCP ang siyang nagmamalupit sa amin na mga mananampalataya, ngunit sa likod nito nangyayari ang isang espirituwal na digmaan; si Satanas ang yaong nakikidigma sa Diyos para maagaw ang mga tao. Dahil si Satanas ang nangungunang kaaway ng Diyos at ang demonyo na nagtaksil at nakipaglaban sa Diyos, simula pa noong ginawang tiwali nito ang sangkatauhan ay gusto na nitong kontrolin sila; hindi nito tinutulutan ang mga tao na sambahin ang Diyos o hinahayaan ang Diyos na makuha ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Kaya, mula noong magsimula ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyan, ginagawa ni Satanas ang lahat ng kanyang makakaya para makagawa ng kaguluhan at mawasak ang gawain ng Diyos. Ginagamit ni Satanas ang lahat ng uri ng masasamang paraan para mahadlangan ang mga tao sa pagbalik sa Diyos. Dahil dito nalaman ko na, upang mahadlangan ang aking pananampalataya, si Satanas ay gumagamit ng mga kasinungalingan para maghasik ng kaguluhan sa aking pamilya. Ginagamit nito ang damdamin ko para sa aking pamilya at ang mga taktikang sikolohikal para takutin, tuksuhin, bantaan, at atakihin ako. Ang mithiin nito sa paggawa ng lahat ng ito ay para talikuran ko, ipagkaila, at pagtaksilan ang Diyos, at tangka nitong bihagin ako at gawin akong alipin, nang sa gayon sa huli ay wawasakin ako ng Diyos na kasama nito. Talagang napakasama ng mga hangarin ng pamahalaang CCP, matindi nitong kinakalaban ang Diyos at kaaway ito ng Diyos. Talagang isang demonyo ito na lumalamon ng mga kaluluwa ng mga tao. Tulad ng sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Binubuo ni Satanas ang reputasyon nito sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao, at madalas nitong ipinakikita ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamakatuwiran. Sa ilalim ng pagpapanggap na ito ay nagbabantay sa pagkamakatuwiran, pinipinsala nito ang mga tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng uri ng paraan upang pamanhirin, linlangin, at buyuin ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang sumama rito ang tao sa paglaban sa awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayunman, kapag naging malinaw na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong anyo nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay nitong mukha, na masama, malisyoso, pangit at mabagsik. Wala itong ibang nais kundi lipulin yaong lahat ng tumatangging sundin ito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Dahil sa mga pahayag sa mga salita ng Diyos nakita ko ang tunay na anyo ng pamahalaang CCP, nakita ko na ito ay tunay na kinatawan ni Satanas, at na ito ang pinakamasamang rehimeng satanista na kumakalaban sa Diyos. Ginagamit nito ang kaso ng Zhaoyuan na naganap noong Mayo 28 para magpalaganap ng mga kasinungalingan at paratangan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa tangkang linlangin ang mga tao at pagalitin sila, at udyukan ang mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan ng mga bagay-bagay para pumanig sa kanila at kalabanin ang Diyos kasama nito. Ang mithiin ng pamahalaang CCP sa pag-imbento ng kaso ng Zhaoyuan at ibunton ang sisi sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay para makahanap ng maibibintang at mga dahilan para sa pagdakip at pag-usig sa mga Kristiyano. Walang saysay ang pagtatangka nilang pabagsakin ang mga Kristiyano nang minsanan lang, at puksain ang ugat at sanga nito, at lipulin ang buong Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gusto rin nilang maisakatuparan ang kanilang masamang ambisyon na magtayo ng isang sona ng ateismo sa Tsina. Ang adhikain ng pamahalaang CCP ay talagang napakatuso at napakasama!

Nang matanto ko ang realidad tungkol sa espirituwal na digmaan at ang masamang adhikain ng pamahalaang CCP, isa pang tanong ang naisip ko: Hindi ba’t lubos na makapangyarihan ang Diyos? Bakit tutulutan ng Diyos ang pamahalaang CCP na usigin kami? Hindi malutas ang kalituhang ito na nasa aking puso, binasa ko ang mga salitang ito mula sa Makapangyarihang Diyos: “Nasabi Ko minsan na ang Aking karunungan ay ginagamit batay sa mga pakana ni Satanas. Bakit Ko sinabi iyon? Hindi ba iyon ang katotohanan sa likod ng Aking sinasabi at ginagawa ngayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1). “Sinasadya ng Diyos na gamitin ang isang bahagi ng gawain ng masasamang espiritu upang perpektuhin ang isang bahagi ng sangkatauhan, binibigyang-kakayahan ang mga taong ito na lubusang makita ang mga kasamaan ng demonyo, upang ang buong sangkatauhan ay maaaring tunay na makilala ang kanilang ‘mga ninuno’. Tanging sa ganitong paraan ganap na makakalaya ang mga tao, na hindi lamang tinatalikdan ang pamana ng mga diyablo, kundi pati ang mga ninuno ng mga diyablo. Ito ang tunay na hangarin ng Diyos sa ganap na paggapi ng malaking pulang dragon, upang makilala ng buong sangkatauhan ang tunay na anyo ng malaking pulang dragon, upang lubusang mapunit ang maskara nito at makita ang tunay nitong anyo. Ito ang ninanais ng Diyos na makamit, ito ang huling layunin ng lahat ng gawain Niya sa lupa, at ito ang hinahangad Niyang maisakatuparan sa buong sangkatauhan. Ito ay tinatawag na pagpapakilos sa lahat ng bagay para mapagsilbihan ang layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 41). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na ginagamit Niya ang pagmamalupit ng masama at satanistang puwersa ng pamahalaang CCP para magawang perpekto ang mga taong Kanyang hinirang. Sa pamamagitan ng pagtuligsa, pagkundena, at paggawa ng kasinungalingan ng pamahalaan para sirain ang pangalan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagmamalupit at mga pagdakip nito sa mga Kristiyano, tinulutan kami ng Diyos na makita ang mala-satanas, mala-demonyong adhikain ng pamahalaang CCP bilang isang bagay na napopoot sa katotohanan at napopoot sa Diyos. Dahil dito nagkaroon kami ng kakayahang makahiwatig, para tanggihan ito, at hindi kailanman maakit nito. Sa halip, magagawa naming makalabas sa nasasakupan ni Satanas at makabalik sa presensya ng Diyos. Higit sa lahat, ginagamit ng Diyos ang mga pagdakip at pag-uusig ng mga demonyong CCP para ilantad ang mga tao kung sino talaga sila, upang maihiwalay ang mga tao ayon sa kanilang uri. Yaong mga duwag, ay hindi tapat sa kanilang pananampalataya, o ang mga Judas ay inilalantad at inaalis sa pamamagitan ng malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP. Gayunpaman, yaong tunay na nananampalataya sa Diyos, naghahangad ng katotohanan at mga tapat sa Diyos ay tumatayong saksi para sa Diyos sa ilalim ng matinding pang-uusig ng pamahalaang CCP at ginawa ng Diyos na maging mga mananagumpay. Nang maunawaan ko ang lahat ng ito, nalutas lahat ang mali kong pagkaunawa, mga hinaing, at kalituhan tungkol sa Diyos. Bukod pa rito, nakita ko kung gaano katalino at kung gaano ang kapangyarihan ng Diyos, at na ang karunungan ng Diyos ay hindi mapapantayan ng masasamang balak ni Satanas.

Nabasa ko rin ang mga salitang ito ng Diyos: “Nagtitiwala kami na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Ang mga humahadlang sa gawain ng Diyos, lumalaban sa salita ng Diyos at nanggugulo at sumisira sa plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mabubura sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang Kanyang matuwid at maringal na disposisyon, at nakita ko rin na walang puwersa ang makahihigit sa pagka-makapangyarihan sa lahat at awtoridad ng Diyos. Bagama’t palaging kinakalaban nang matindi ng pamahalaang CCP ang Diyos, at pinagmamalupitan, dinadakip, at inuusig nito ang mga taong Kanyang hinirang at nagpapakalat din ng lahat ng uri ng kasinungalingan para linlangin ang mga tao at hadlangan sila na makabalik sa Diyos, ang gawain ng Diyos ay patuloy pa ring lumalaganap sa buong Tsina. Bukod pa rito, nagkaroon na ng isang grupo ng mga mananagumpay sa Tsina, at ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay kasalukuyang lumalaganap sa iba’t ibang dako ng mundo. Walang sinuman ang makahahadlang sa gawain ng Diyos. Yaong kumakalaban sa Diyos, na humahadlang at sinisira ang gawain ng Diyos, ay nakatakdang magdanas ng Kanyang matuwid na kaparusahan at malilipol. Ipinasiya ito ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Dahil sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, biglang pumasok sa aking isipan ang isang kaalaman at kagyat akong naliwanagan. Hindi ko napigilang mamangha ang aking puso at papurihan ang mahimalang gawain ng Diyos. Ang karunungan ng Diyos ay talagang mas mataas kaysa sa kalangitan; ang paggamit ng Diyos sa pamahalaang CCP para subukin ang tao ay talagang napakahusay. Napakapraktikal ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan—lubos akong nakumbinsi at patuloy na pinapurihan Siya! Tahimik akong nanalangin sa Diyos sa aking puso, “Diyos ko! Ayaw kong maging ipa na Iyong itatapon mula sa pinaggapasan, at ayaw kong maihip ng masamang hangin ng pamahalaang CCP. Gusto kong maging trigo na Iyong gagapasin! Hindi ako nakapagbigay sa Iyo ng lubos na kaluguran, ngunit sa gitna ng matinding pagmamalupit ng pamahalaang CCP, nawa’y maipakita ko ang aking katapatan, tunay na hangarin ang katotohanan, at huwag sumuko sa harap ng masasamang puwersa ng pamahalaang CCP. Nawa’y maging mabuting tao ako na nauuhaw sa katarungan at naghahangad ng liwanag, makatayong saksi para sa Iyo upang matamo Mo ang kaluwalhatian….”

Gamit ang kaalamang ito, napalakas ang aking puso. Naunawaan ko na kapag naharap ako sa mga di-pagkakaunawaan sa mga miyembro ng aking pamilya at sa mga problema, lahat ng ito ay itinulot ng Diyos, at ang Diyos ang siyang maingat na nagsasaayos ng lahat ng ito para gawing perpekto ang aking pananampalataya, katapatan, at pagsunod. Hindi na ako nagreklamo pa tungkol sa mga nangyayari sa aking kapaligiran, ni napilit ng mga nasa paligid ko. Sa halip, naging mapagpasalamat ako sa Diyos, at tahimik na nagpasiya na anumang uri ng kapaligiran ang isinasaayos ng Diyos para sa akin, dapat lagi akong tumayong saksi para sa Kanya at maging tapat sa aking tungkulin; talagang hinding-hindi ko ipagkakanulo ang Diyos! Kalaunan nakita ko ang mga gawa ng Diyos—hindi na ako sinalungat o hinigpitan ng asawa ko gaya noon. Sa halip, sinabi niya sa akin: “Hindi dahil sa ayaw kong hindi ka magkaroon ng pananampalataya. Inaamin ko na nagbago ka mula noong manampalataya ka sa Diyos; ang sinasabi ko ay mag-ingat ka sa paglabas-labas mo, palagi kang maging mapagmasid kapag nasa labas ka para dumalo ng mga pagtitipon.” Napaluha ako nang marinig ko ang sinabi niyang ito. Nagpasalamat ako at nagbigay-papuri sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso para sa Kanyang mga gawa, dahil nakita ko na kayang madaig ng katotohanan at katarungan ang lahat ng kadiliman at kasamaan. Ang masasamang puwersa ni Satanas ay malilipol sa huli sa pamamagitan ng gawain ng Diyos! Bagama’t dumanas ako ng ilang paghihirap para mapino sa pamamagitan ng karanasang ito, nagtamo ako ng ilang kaalaman sa matalinong gawain ng Diyos. Nagtamo rin ako ng ilang kakayahan na makilala ang positibong mga bagay at ang negatibong mga bagay—lahat ng ito ay isang uri ng kayamanan sa aking buhay na nagpaningas sa aking determinasyon at pananampalataya na hangarin ang katotohanan at kamtin ang liwanag.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...