Ang Tunay na Kulay ng Isang Pastor

Hunyo 1, 2022

Ni Yangmu, Malaysia

Talagang tinitingala ko dati si Pastor Li sa dati kong simbahan. Isinuko niya ang kanyang pamilya at karera at naglakbay sa kung saan-saan upang magtrabaho para sa Panginoon. Akala ko siya ay talagang mapagmahal at isang mabuting alagad. Tinulungan ko siya sa mga gastusin sa transportasyon at pinagmaneho ko siya at ng asawa ko sa maraming lugar kung saan ibinahagi niya ang ebanghelyo. Ibinibigay ko rin ang sampung porsiyentong ikapu ng aking kinikita sa kanya. Tumutuloy siya sa amin tuwing bumibisita siya sa simbahan at tuwing gabi ay tatalakayin niya ang Biblia at nagdarasal kasama namin kapag mayroon siyang oras. Ibinibigay niya sa amin ang kanyang mga pagpapala at para talaga siyang isang kapamilya. Noong panahong iyon naramdaman kong tiyak na aaprubahan ng Diyos ang pagsunod ko kay Pastor Li sa aking pananampalataya, na hindi ako maaaring magkamali. Ngunit pagkatapos ay tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at unti-unting nagsimulang makita ang kanyang tunay na kulay nang naibunyag ang mga katotohanan.

Limang taon ang nakararaan, nagkaroon ako ng magandang kapalaran na marinig ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nakilala ko ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at natukoy na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus na inaasahan ko. Masayang tinanggap ng buong pamilya namin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sabik akong ibahagi ang kagila-gilalas na balitang ito kay Pastor Li, iniisip kung gaano ito kaganda kung tatanggapin din niya ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, at aakayin ang lahat sa mga yapak ng Cordero. Ngunit pagkatapos ay naalala ko na maraming beses niyang sinabi sa amin na huwag siyasatin ang Kidlat ng Silanganan o magkaroon ng anumang kinalaman sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Palagi niyang sinasabi na paparito ang Panginoon na nakasakay sa ulap at anumang patotoo na dumating Siya sa katawang-tao ay talagang mali. At sinabi niya, “Huwag na huwag tanggapin kailanman ang anumang pagsasaad na hindi paparito ang Panginoong Jesus na nakasakay sa ulap.” Nabahala ako rito. Tatanggapin ba niya ang ebanghelyo kung ibahagi ko ito sa kanya? Ngunit pagkatapos ay naisip ko ito sa ibang paraan: Matagal na at masipag siya na mananampalataya. Paniguradong inaasam niya ang pagbabalik ng Panginoon? Naisip ko na makikilala niya ang tinig ng Diyos kung babasahin ko lamang sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Makalipas ang mga isang buwan ay nagpunta upang tumuloy sa amin si Pastor Li at sinabi ko sa kanya, “Pastor Li, nagkaroon ako ng ilang bagong pagkaunawa sa mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Sinasabi sa Lucas 17:24-25, ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ At sinasabi sa Mateo 24:27, ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.’ Malinaw na binabanggit ng mga bersikulo na ito ang pagparito ng Anak ng tao. Ipinapakita nito na babalik sa mga huling araw ang Panginoon upang magpakita at gumawa bilang Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay ipinanganak ng tao at nagtataglay ng normal na pagkatao. Iyon ay isang pagtukoy sa Diyos na nagkatawang-tao. Hindi matatawag na ‘Anak ng tao’ ang espiritu o espirituwal na katawan ng Diyos. ‘Ang pagdating ng Anak ng tao’ ay tumutukoy sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw sa katawang-tao upang gumawa.” Sa puntong ito ng aking pagbabahagi inakala ko na pag-iisipan ito ni Pastor Li o nanaisin niya na malaman pa ang tungkol dito, ngunit sa aking pagkagulat ay kinontra niya lang ako. Sabi niya, “Imposible iyan! Malinaw na ipinropesiya ng Pahayag, ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Paparito ang Panginoon na nakasakay sa ulap upang makita ng lahat. Paano Siya paparito sa katawang-tao?” Tumugon ako, “Pastor Li, hindi lamang iyon ang propesiya sa Biblia tungkol sa Kanyang pagparito. Marami ring mga propesiya na paparito Siya sa katawang-tao nang lihim. Halimbawa, ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). Nariyan din ang Pahayag 3:20: ‘Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.’ Binabanggit ng mga ito ang ‘pagkahating gabi ay may sumigaw,’ ‘ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw,’ at ‘ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok.’ Lahat ng ito ay nagsasabing tahimik Siyang paparito nang lihim. Kapag pinagsama-sama ang mga bersikulo tungkol sa Kanyang pagparito bilang Anak ng tao, maaari nating makita na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, paparito Siya sa katawang-tao nang palihim bilang ang Anak ng tao. Kung hayagan Siyang pumarito upang makita ng lahat, bakit sisigaw ang mga tao ng ‘Narito, ang kasintahang lalake’? Kung ang Panginoon ay pumarito na nakasakay sa ulap, bakit Siya kakatok sa pinto? Kung pumarito Siya na nakasakay sa ulap at hindi sa anumang ibang paraan, paano matutupad ang mga propesiyang ito ng pagparito ng Panginoon nang palihim? Malinaw na ang Kanyang pagparito ay sa dalawang yugto. Una ay palihim Siyang pumaparito sa katawang-tao at pagkatapos ay hayagan Siyang magpapakita na nakasakay sa ulap. Ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay tumutupad sa mga propesiya tungkol sa pagparito ng Diyos nang palihim.” Pagkasabi ko pa lamang niyon ay labis nang nagbago ang ekspresyon ni Pastor Li. Galit siyang sumabat, sinasabing, “Sumali ka sa Kidlat ng Silanganan, hindi ba?” Deretsahan kong sinabi sa kanya, “Oo. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Palihim Siyang pumarito sa katawang-tao sa piling ng tao noon pa. Nagpahayag Siya ng milyun-milyong mga salita at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Malapit nang matapos ang lihim na gawain ng Diyos at gumawa Siya ng isang grupo ng mananagumpay sa China. Malapit nang dumating dito ang malalaking sakuna at titingnan ng Diyos ang mga kilos ng mga tao upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Pagkatapos niyon, magpapakita Siya habang nakasakay sa ulap sa lahat ng bansa at lahat ng tao. Sa pagkakataong iyon lahat ng kumondena at sumalungat sa Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ay mahuhulog sa mga sakuna, tumatangis at pinagngangalit ang kanilang mga ngipin. Ang mga tao ng lahat ng bansa ay mapait na sisigaw, na tutupad sa Pahayag 1:7: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.’” Nabigla ako nang sigawan ako ni Pastor Li na manahimik ako. Sabi niya, “Gaano man kamakatwiran ang sinasabi mo, hindi ko paniniwalaan ang kahit ano maliban sa pagparito ng Panginoong Jesus na nakasakay sa ulap. Mas gugustuhin kong mamatay muna!” Natigilan ako nang makita ang ugaling ito mula sa kanya. Paanong ito ang pastor na nakita kong tumatangis sa panalangin, inaasam ang pagbabalik ng Panginoon? Bakit wala siya ni katiting na pagnanasang maghanap, ngunit sa halip ay labis na lumalaban sa balita ng pagparito ng Panginoon? Ibinigay ko sa kanya ang taos-pusong mungkahi na ito: “Pastor Li, hindi ba’t inaasam nating bumalik ang Panginoon? Ngayon na talagang pumarito na Siya, dapat natin itong mahinahon at taimtim na siyasatin at tingnan kung ang mga salita ba ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos. Pagkatapos ay malalaman mo kung Siya ang Panginoong Jesus na nagbalik o hindi. Kung titingnan lamang natin ang mga propesiya tungkol sa Kanyang pagparito na nakasakay sa ulap habang binabalewala ang iba pa, malamang na mapalagpas natin ang ating pagkakataong salubungin Siya. Kung gayon hindi natin magagawang makapasok sa kaharian ng Diyos! Isa pa, tayo ay mga gatuldok na alikabok lamang sa harap ng Diyos. Paano natin maaaring maarok ang gawain ng Diyos? Kung kakapit lamang tayo sa ating mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip na paparito lamang ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hindi sa katawang-tao bilang Anak ng tao, hindi ba natin nalilimitahan ang gawain ng Diyos? Hindi ba iyon talagang mapagmataas?” Ni hindi pa ako tapos magsalita nang biglang tumayo si Pastor Li, pulang-pula ang mukha niya, at pabalik-balik siyang nagpalakad-lakad, iwinawasiwas ang mga kamay. Inangilan niya ako, “Mapagmataas ako? Nangaral ako at nagbinyag ng libu-libong tao. Sigurado akong mayroong hindi bababa sa limang korona na naghihintay sa akin sa langit. Paanong hindi ako maaaring makapasok sa kaharian?” Pagkatapos ay patuloy lamang niyang siniraan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at sinabi niyang, “Pinapahayag mong ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik sa katawang-tao na dumating sa China nang palihim. Kaya maaari ko ba Siyang puntahan para makita? Maniniwala ako kapag nakita ko ito.” Pagkatapos ay paismid siyang bumalik sa kanyang silid.

Naghalo-halo ang lahat ng naramdaman ko, kaya mabilis akong lumuhod sa harap ng Diyos sa panalangin, hinihiling sa Kanyang gabayan ako para malampasan ito. Naging mas mahinahon ang pakiramdam ko matapos manalangin at pagkatapos ay nanood ako ng isang video ng isang pagbasa ng mga salita ng Diyos. Kasama rito ang siping ito na talagang nakaantig sa akin: “Kung sumusunod ka sa Diyos, nguni’t gaya ni Tomas, na laging ninanais na mahawakan ang tadyang ng Panginoon at madama ang Kanyang mga bakas ng pako upang makatiyak, upang mapatunayan, upang magpalagay kung umiiral ba o hindi ang Diyos, tatalikdan ka ng Diyos. Kaya, hinihingi ng Panginoong Jesus sa mga tao na huwag maging gaya ni Tomas, pinaniniwalaan lang kung ano ang kanilang nakikita sa kanilang sariling mga mata, bagkus ay maging dalisay, tapat na tao, na huwag magkimkim ng mga pagdududa tungo sa Diyos, bagkus ay manampalataya at sumunod lang sa Kanya. Pinagpala ang mga taong gaya nito. Isang napakaliit na kahilingan ito ng Panginoong Jesus sa mga tao, at isang babala ito para sa Kanyang mga tagasunod(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III). Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, narinig Siya ni Tomas na nagpapahayag ng maraming katotohanan at nakita Siyang gumagawa ng maraming himala. Ngunit hindi niya pa rin Siya nakilala kahit nang muli Siyang mabuhay at magpakita sa Kanyang mga disipulo. Iginiit niyang hawakan ang mga pilat sa mga kamay ni Jesus bago siya naniwala. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya(Juan 20:29). Pinaniwalaan lamang ni Tomas ang sarili niyang mga mata, at hindi inaaprubahan ng Diyos ang ganoong klase ng paniniwala. Nang tiningnan ko ang asal ni Pastor Li, kahit na nagpahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, hindi pa rin niya ito tinitingnan, iginigiit na kailangan niyang makita ang Diyos sa katawang-tao gamit ang sarili niyang mga mata upang paniwalaan ito. Hindi ba iyon tulad ni Tomas? Wala ni isang tagasunod ng Panginoong Jesus na naniniwala sa Kanya pagkatapos lamang makita ang Kanyang mukha. Natukoy namin na Siya ang nag-iisang tunay na Diyos at ganap namin Siyang sinusunod dahil sa mga katotohanang ipinahayag Niya at dahil nagawa Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Nagkatawang-tao muli ang Diyos sa mga huling araw at nagpapahayag ng lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan. Maraming tao mula sa lahat ng denominasyon ang nakarinig ng tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at ibinaling ang tingin sa Makapangyarihang Diyos. Malinaw na ang susi kung maaaring tanggapin ng isang tao ang tunay na daan ay kung mahal niya ang katotohanan at naririnig niya ang tinig ng Diyos. Kung pagbabatayan ang sinabi ni Pastor Li, hindi maniniwala ang mga tao sa Diyos na nagkatawang-tao maliban kung makita nila Siya. Ngunit nakita ng mga Fariseo ang mukha ng Panginoong Jesus, kaya bakit hindi nila Siya tinanggap? Bakit nila nahihibang na sinalungat, hinatulan, at nilapastangan Siya, at sa huli ay ipinako Siya sa krus? Bigla kong nalaman ang sagot sa aking puso. Si Pastor Li ay hindi talaga tunay na hinahanap ang Diyos. Ang inaasahan niya para sa pagparito ng Panginoon ay makita lamang Siya na nakasakay sa ulap at madala siya diretso sa kaharian. Hindi niya minahal ang katotohanan o totoong inasam ang pagpapakita ng Diyos.

Ngunit hindi pa rin ako mapanatag nang maisip ko kung paanong si Pastor Li na naging parang isang kapamilya, ay naging tila estranghero, isang kaaway. Hindi ko rin maunawaan kung bakit labis siyang lumalaban sa gawain ng Diyos ng mga huling araw at kinokondena pa ito. Wala talaga siyang anumang paggalang sa Diyos. Nagpatuloy ako sa pananalangin sa Diyos at paghahangad, at pagkatapos ay sa kaliwanagan ng Diyos, naisip ko ang isang sipi ng paglalantad ng Diyos sa diwa ng mga Fariseo. Nagmadali akong hanapin ito. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Pariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Pariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Pariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Ganap na inilalantad ng mga salita ng Diyos ang lumalaban sa Diyos na diwa ng mga Fariseo sa kanilang pananampalataya. Matigas ang kanilang ulo at sila’y mapagmataas. Hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi nila talaga hinangad ang katotohanan. Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, napakalinaw nilang nakita na ang Kanyang gawain at mga salita ay makapangyarihan at may awtoridad, ngunit hindi nila ito siniyasat. Sa halip, kumapit sila sa literal na kahulugan ng Kasulatan. Hindi tinawag na Mesiyas ang Panginoong Jesus at hindi Niya ipinangilin ang Sabbath, kaya ipinalagay nila ang mga bagay na iyon bilang mga kasalanan at walang pakundangang hinusgahan, nilapastangan, at kinondena Siya. Sa huli ay ipinapako nila Siya sa krus. Inihambing ko ang lahat ng ito kay Pastor Li. Kumikilos siya na katulad na katulad ng mga Fariseo na nailantad ng Diyos. Bihasa siya sa Biblia at tumangis at nanalangin siya para sa pagbabalik ng Panginoon sa kanyang mga sermon, ngunit nang magpatotoo ako na nagbalik na ang Panginoon ay wala siyang anumang pagnanasang tingnan ito. Sinalungat at kinondena lamang niya ito at sinabi pa na hindi niya tatanggapin ang anuman maliban sa kung ito ay si Jesus na paparito na nakasakay sa ulap, na mas gugustuhin pa niyang mamatay muna! Ipinakita ng pagsasabi niyon na hindi niya tunay na inaasam ang pagparito ng Panginoon. Akala ko na hangga’t ang patotoo ko ay may sapat na linaw at binasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa kanya, tiyak na tatanggapin niya ito. Hindi mapabubulaanan ang sinabi ko sa kanya ngunit kumapit pa rin siya sa kanyang mga kuru-kuro at imahinasyon, nang walang pahiwatig ng pagnanais na siyasatin ito. Iniwasan niya itong pag-usapan, kasintigas ng ulo at mapagmataas siya gaya ng mga Fariseo. Nagpakita siya ng poot para sa katotohanan at para kay Cristo at inilantad bilang isang Fariseo ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Akala ko dati na makararating ako sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsunod kay Pastor Li, ngunit ngayon nakikita ko kung gaano iyon kahangal. Isa lamang siyang bulag na umaakay sa bulag, inaakay ang lahat sa pagkawasak. Alam ko na kailangan kong lumakad palayo mula sa ganoong klase ng huwad na pastol.

Nang umalis si Pastor Li kinabukasan, hindi ko siya binigyan ng aking ikapu o pera para sa kanyang transportasyon. Umalis siya na talagang hindi nasisiyahan. Nagpadala siya kaagad ng mensahe sa aking nakababatang kapatid, na puno ng pagkondena, sinasabing maling landas ang tinahak ko at inililigaw ko ang buong pamilya. Nagpakalat din siya ng ilang kasinungalingan at kamalian sa isang WeChat group na kinokondena at sinisiraan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, tinatangkang pigilan ang mga tao mula sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Ang lalo pang nakakagulat, nagpunta siya sa bahay-bahay, sinasabi sa mga kapatid na putulin ang ugnayan sa aking pamilya. Bunga nito, nagsimula kaming layuan ng lahat ng aming kapwa mananampalataya, mga kamag-anak at mabubuting kaibigan sa aming baryo. Kahit ang matalik kong kaibigan ay nagsisikap na iwasan ako kapag nakita niya ako sa kalye. Noong panahong iyon, sa sandaling humakbang ako palabas ay may mga tao sa likuran ko na nakaturo sa akin. Kahit ang aking nakababatang kapatid at ang kanyang mga anak ay hinuhusgahan ako sa likuran ko. Naapektuhan din nito ang iba pang miyembro ng pamilya ko, at nagsimula silang manghina. Napakahirap na panahon talaga iyon para sa akin, kaya maraming beses akong lumuhod at nanalangin sa Diyos.

Isang araw ay sumagi sa isip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. … Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). At sinabi rin ng Panginoong Jesus, “Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka’t malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka’t gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo(Mateo 5:11–12). Ang pag-iisip-isip sa mga salitang ito mula sa Diyos ay nagdala sa akin ng ilang kaginhawaan. Tinanggihan ako at kinondena ng mga pastor at nilayuan ng mga kamag-anak at kaibigan, ngunit sumasabay ako sa mga yapak ng Diyos at nararanasan ang paghatol at paglilinis ng mga salita ng Diyos. Isa iyong kamangha-manghang pagpapala. Nakita ko na anuman ang harapin ko o gaano ako nagdurusa, ang pagiging tiyak na ito ang tunay na daan at ito ay gawain ng Diyos, kailangan kong patuloy na sumunod sa Diyos. Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nabawi ko ang aking pananampalataya upang harapin itong lahat. Nagkamit din ang iba pang kapamilya ko ng pagkaintindi sa diwang lumalaban sa Diyos ng mga pastor sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi na nila naramdaman na sila ay pinipilit.

Makalipas ang ilang panahon, nakakuha ako ng mensahe mula kay Pastor Li nang hindi inaasahan. Sabi nito, “Sister Zhang, nag-i-ikapu ka ba? Iniipon mo ba ang iyong mga handog? Magdaraos ako ng isang malaking evangelical rally. Maaari ka bang mag-ambag ng anuman?” Naalibadbaran at nagalit ako nang makita ko ang mensaheng ito mula sa kanya. Humindi ako. Ngunit ilang araw lamang ang lumipas, pinadalhan niya ako ng mga kasinungalingang kumokondena at naninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinatangka na naman niyang harangan ang daan ng aking pananampalataya, kaya hindi ko siya pinansin. Ang pagkakita sa kanyang umaasal sa ganoong paraan ay nagpapaalala sa akin ng sinabi ng Panginoong Jesus noong kagalitan Niya ang mga Fariseo: “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili(Mateo 23:15). Hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos ang mga pastor, at sinusubukan nila ang lahat ng posibleng pandaraya upang manatili rin kami sa labas niyon. Desidido silang hilahin kaming lahat sa impiyerno, upang gawin kaming mga anak ng impiyerno. Hindi ba iyon masama? Pagkatapos ay naisip ko ang isang bagay na sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakatotoo! Alam ni Pastor Li ang Biblia sa loob at labas, ngunit palagi niyang ipinapaliwanag ang kanyang kaalaman sa Kasulatan at teolohiya upang iligaw ang mga mananampalataya. Akala nila ay minahal at naunawaan ni Pastor Li ang Panginoon higit kaninuman. Ngunit sa katunayan, hindi niya nauunawaan ang gawain ng Diyos nang kahit kaunti at walang pasubaling kinapootan niya ang katotohanan. Sa pagharap sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, hindi talaga niya nais na maghanap, kundi nagwawalang sinalungat at kinondena lamang ito. Hindi niya ito matanggap at nagpakalat din siya ng mga kasinungalingan upang iligaw ang mga mananampalataya. Tinangka niyang bakuran ang iglesia at pigilan ang mga miyembro ng iglesia mula sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Matapos naming tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, tinangka niya muna kaming iligaw sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, at pagkatapos ay nakuha niya ang iba na tanggihan at layuan kami. Ganoon niya kami tinangkang pilitin na talikdan ang tunay na daan. Sa wakas ay napagtanto ko na ang lahat ng pangaral ni Pastor Li ay hindi upang magtaas o magpatotoo sa Diyos o upang magdala sa mga mananampalataya sa harap ng Diyos, kundi ito ay para lamang idolohin at sundin siya ng mga tao. Nais niyang kontrolin ang mga tao sa loob ng hangganan ng relihiyon at mabuhay sa perang ibinigay nila. Itinuon niya ang kanyang sarili sa pagkondena at pagsalungat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at pagnanakaw ng mga tupa ng Diyos upang mapanatili ang kanyang katayuan at pinagkakakitaan. Hindi ba siya gumaganap na isang anticristo? Hindi ba siya gumaganap na isang masamang demonyo, pinipinsala ang mga tao at sinisila ang kanilang kaluluwa? Nararapat talaga siyang masumpa ng Diyos!

Sa pamamagitan ng karanasang iyon ay nakita ko ang diwa ng mga pastor na pagkapoot sa katotohanan at pagiging mga kaaway ng Diyos at ganap silang tinanggihan. Naranasan ko rin na sa daan patungo sa kaharian, ang pikit-matang labis na pamumuri at pagsunod sa isang tao nang hindi naghahangad ng katotohanan ay ginagawang madali na magapos at malinlang ng mga kasinungalingan at kamalian, at maiwala ang kaligtasan ng Diyos at maalis mula sa kaharian. Ang pagiging malaya ngayon sa mga anticristong masasamang alagad ng relihiyosong mundo at pagtungo sa harap ng Diyos ay ganap na dahil sa pagkakilala na naibigay sa akin ng mga salita ng Diyos. Ito ang kaligtasan ng Diyos para sa akin. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nawala at Natagpuang Muli

Ni Xieli, Estados Unidos Nagpunta ako sa U.S.A. upang magtrabaho nang husto hanggang sa abot ng makakaya ko sa paghahangad ng isang...