Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mayroon Bang Anumang Batayan sa Biblia Para sa Pahayag na “Minsang Iniligtas, Palaging Ligtas”

114

Ni Yang Xin, Lalawigan ng Shandong

Mayroon Bang Anumang Batayan sa Biblia Para sa Pahayag na “Minsang Iniligtas, Palaging Ligtas”

Ang araw ay lumubog sa kanluran, at ang huling liwanag ng papalubog na araw ay lumaganap sa buong mundo habang papauwi ako pagkatapos ng isang pagtitipon, iniisip ang sinabi ng pastor: “Minsang iniligtas, kung gayon tayo ay palaging ligtas, sapagkat sinasabi ng Biblia, ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:9-10). Habang naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, hangga’t naniniwala tayo sa ating mga puso at kinikilala Siya gamit ang ating mga bibig, kung gayon tayo ay ligtas, at kung tayo ay minsang iniligtas kung gayon tayo ay palaging ligtas. Hangga’t namamalagi tayong gumagawa at ginugugol ang ating mga sarili para sa Panginoon at magtitiis hanggang sa wakas, kung gayon kapag bumalik ang Panginoon, tayo ay kaagad na dadalhin sa kaharian ng langit!” Sumagot ako ng Amen sa mga salita ng pastor: “Oo! Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tayo ay matubos, kaya hangga’t tumatawag tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, nagkukumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon ang ating mga kasalanan ay aakuin at tayo ay ililigtas ng Kanyang biyaya—minsang iniligtas, palaging ligtas, at pagkatapos tiyak na tayo ay dadalhin sa kaharian ng langit.” Sa nakaraang mga taon sa aking paniniwala sa Panginoon, palagi kong matatag na pinaniwalaan na ang pananaw na ito ay wasto, at kahit minsan hindi ko ito pinagdudahan.

Isang araw, gayunpaman, habang sinasangguni ko ang mga kasulatan, nabasa ko ang mga salitang ito na sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko” (Juan 8:31). Pinag-isipan kong mabuti ang mga salitang ito, at nakita ko na sinasabi ng Panginoong Jesus na ang mga taong tumutupad lamang sa kalooban ng Diyos at nagsasagawa sa mga salita ng Diyos ang karapat-dapat pumasok sa kaharian ng langit; hindi Niya sinasabi na ang mga tao ay maliligtas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya, o dahil lamang sa ang mga tao ay minsang iniligtas kung gayon ay palagi na silang ligtas, o ang mga tao ay kaagad na aakyat sa kaharian ng langit sa sandaling bumalik ang Panginoon. Parang ang aking mga pananaw ay nagmukhang hindi kaayon sa mga salita ng Panginoon! Maaari kayang mali ang pinanghawakan kong mga pananaw sa loob ng maraming taong ito? Ginugol ko ang nakalipas na mga taon sa paniniwala sa Panginoon, bagamat naniniwala ako nang walang bahid ng pagdududa na tinubos tayo ng Panginoong Jesus, madalas na hindi ko naisasagawa ang mga turo ng Panginoon sa aking buhay; na parang hindi ako ang taong tumutupad sa kalooban ng Diyos, paano kung gayon ako makapapasok sa kaharian ng langit? Sa pag-iisip nito, hindi ko maiwasang mangamba, ngunit naisip ko pagkatapos: “Dahil ang Panginoong Jesus ay naging handog para sa kasalanan para sa ating kapakanan at inako ang ating mga kasalanan, ligtas na tayo sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, kaya bakit hindi tayo makapapasok sa kaharian ng langit? Ang pagiging ligtas ba sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay hindi nangangahulugan ng walang hanggang kaligtasan?” Talagang nalito ako, at kaya tinanggap ko ang pagkalitong ito at naghangad at nanalangin nang madalas sa Panginoon, at sinangguni ko rin ang maraming espirituwal na mga aklat, ngunit ang sagot ay hindi matagpuan.

Kalaunan, sa isang pagtitipon ng mga katrabaho, nasalubong ko si Kapatid na Zhang na hindi ko nakita sa mahabang panahon. Siya ay isang pastor at mayroong napakadalisay na pagkaunawa sa Biblia. Sa bawat pagtitipon, naibabaghagi niya ang ilang bagong liwanag, at nakikinabang ako nang husto dito. Nang makita ko siya sa pagkakataong ito, masaya ko siyang binati, at habang kami ay nag-uusap, nabanggit ko ang suliranin na bumabagabag sa akin sa mahabang panahon. Ngumingiti, sinabi sa akin ni Kapatid na Zhang: “Kapatid na Yang, ang suliraning ito na binabanggit mo ay may kaugnayan sa mahalagang usapin kung tayo ba ay makapapasok o hindi sa kaharian ng langit. Binagabag din ako nito noong nakaraan, ngunit salamat sa paggabay ng Panginoon at sa paghahangad sa loob ng ilang panahon, mayroon na ako ngayong simpleng pagkaunawa tungkol sa kung ano ang kaligtasan.” Kaagad kong sinabi sa kanya, “Dalian mo at sabihin sa akin!” Tumawa siya, at sinabing, “Kagaya ng nalalaman nating lahat, sinasabi sa kabanata 2 talatang 32 sa aklat ni Joel: ‘Sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’ Sa mga unang araw na iyon, ipinahayag ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang mga kautusan at inutusan ang mga tao ng Israel na sundin ang mga ito. Ang mga tao ay naniniwala na hangga’t pinamamalagi nila ang mga kautusan ay hindi sila hahatulan, kung gayon sila ay maliligtas, ngunit nang magwakas ang Kapanahunan ng kautusan, sapagkat ang sangkatauhan ay lalo pang mas pinasama ni Satanas, hindi mapanatili ng mga tao sa Israel ang mga kautusan at mas lalo pa silang nakagawa ng mga kasalanan; hindi na sila makagagawa pa ng handog para sa kasalanan na makasasapat upang bayaran ang kanilang mga kasalanan, at kaya sila ay nahaharap sa isang panganib ng pagiging hinatulan at sinintensyahan ng kamatayan ng mga kautusang iyon. Ang Diyos ay nahabag sa sangkatauhan, gayunpaman, at upang ang sangkatauhan ay maligtas at makatakas sa paghatol ng mga kautusan, ang Diyos ay naging tao sa pangalang Jesus at ginampanan ang gawain ng pagtubos, ipinako sa krus bilang isang tao na walang kasalanan, at malayang tinubos tayong mga tao sa mga kautusan. Mula sa sandaling iyon, hangga’t tinatanggap natin at tumatawag sa pangalan ng Panginoong Jesus, lalapit sa harap Niya at ikukumpisal ang ating mga kasalanan, kung gayon ang ating mga kasalanan ay aakuin at hindi na tayo hahatulan o parurusahan ng mga kautusang iyon—nakamit natin ang kaligtasan dahil tinubos tayo ng Panginoong Jesus.”

Pagkatapos marinig na sinasabi ni Kapatid na Zhang ang ganito, bigla akong niliwanagan, at sinabi ko sa pagkamangha: “Ang ibig mong sabihin, sa Kapanahunan ng Kautusan, hangga’t pinanatili ng mga tao ang mga kautusan ng Diyos na si Jehovah, kung gayon sila ay ligtas, at sa Kapanahunan ng Biyaya, hangga’t nagtitiwala ang mga tao sa Panginoong Jesus, ikinukumpisal ang kanilang mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon sila ay ligtas din.”

Sinabi ni Kapatid na Zhang, “Oo. Kailanma’t ang Diyos ay gumagawa ng isang bagong yugto ng gawain, nakasasabay tayo sa bilis ng gawain ng Diyos, namamalagi sa kinakailangan ng Diyos sa bagong kapanahunan, nagsasagawa alinsunod sa mga salita ng Diyos, at kung gayon ay maliligtas at hindi na hahatulan ng Diyos. Sa katunayan, ang pagkakaligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus sa ating pananampalataya sa Kanya ay nangangahulugan lamang na ang ating mga kasalanan ay inako, at hindi na tayo hahatulan o sisintensyahan ng kamatayan ng mga kautusan; hindi ito nangangahulugan, gayunpaman, na sinusunod natin ang landas ng Diyos at itinakwil na natin ang lahat ng kasalanan, mas lalong hindi ito nangangahulugan na ang minsang pagkakaligtas kung gayon tayo ay palagi ng ligtas. Bagamat naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, at tayo ay Kanyang tinubos at inako ang ating mga kasalanan, may kakayahan pa rin tayong madalas na magkasala at lumaban sa Diyos, at tayo ay nabubuhay sa isang malupit na paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan sa araw at pagkatapos ay pagkukumpisal ng mga ito sa gabi, hindi napapalaya ang ating mga sarili sa mga gapos at pamimilit ng kasalanan. Halimbawa, kapag nakasasagupa tayo ng isang usapin, upang protektahan ang ating katauhan at katayuan, at upang tumaas ang tingin ng mga tao sa atin o tingalain tayo, madalas tayong nagpapanggap, nagsasabi ng mga kasinungalingan at nakikibahagi sa pandaraya, gusto nating magyabang sa paggawa ng mga bagay, at nagpapakana rin tayo laban sa iba at nakikipaglaban sa kanila para sa posisyon; kapag nakikita natin ang mga kapatid na nagiging negatibo at mahina, at nawawala ang kanilang pananampalataya, maraming beses tayong nagpupunta upang tulungan at alalalayan sila ngunit nakikita nating wala itong bisa, at kaya tayo mismo ay nawawalan ng pagmamalasakit at tiyaga, at sinisimulan nating subukang iwasan ang ating mga kapatid, at hindi natin magawang ibigin ang iba kagaya ng pag-ibig natin sa ating mga sarili. Lalo na kapag dumating ang mga pagsubok sa atin, nagrereklamo tayo at sinisisi at hinahatulan ang Panginoon, kung kaya nagsisimula tayong magtaglay ng mga saloobin at mga ideya tungkol sa pagtataksil sa Panginoon; hindi natin talaga maisagawa ang mga salita ng Panginoon, at wala tayong tunay na pananampalataya sa Panginoon at hindi tayo tunay na masunurin sa Kanya. Marami ding mga kapatid ang sumusunod sa mga kalakaran ng mundo, na pinagnanasaan ang makasalanang mga kasiyahan, at isinasabuhay ang mga buhay ng pagkain, pag-inom at paglalaro, kagaya lamang ng ginagawa ng mga hindi mananampalataya. Sinabi ng Diyos: ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man’ (Juan 8:34-35). ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal’ (Levitico 11:45). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos: Ang Diyos ay banal at ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at hindi maaaring labagin, at kung gusto ng isang tao na makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon dapat nilang alisin sa kanilang mga sarili ang kanilang makasalanang kalikasan at maging malinis, at hindi na nagkakasala o lumalaban sa Diyos; tanging ang mga ganitong tao lamang ang karapat-dapat na magmana ng pangako ng Diyos. Paano tayo, na nagkakasala sa araw at nangungumpisal ng ating mga kasalanan sa gabi, at nabubuhay sa hindi matatakasang kasalanan, ay magiging karapat-dapat kailanman na pumasok sa kaharian ng langit? Kung hindi natin malulutas ang ating mga kasalanan sa pinakaugat nito, kahit na akuin pa ang ating mga kasalanan ng isanlibong beses, sampung libong beses, mapapabilang pa rin tayo kay Satanas at kakalabanin ang Diyos. Isip-isipin na lamang—kung hahayaan ng Diyos ang mga taong kagaya natin, na puno ng ating mala-satanas, masasamang disposisyon, at nagagawang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos, makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon paano pa matatawag na banal na kaharian ang kaharian ng Diyos? Magiging imposible ito!”

Sumang-ayon talaga ako sa pagbabahagi ni Kapatid na Zhang. Oo, paano tayo, na nabubuhay sa kasalanan araw-araw at malinaw na nalalaman na tayo ay nagkakasala gayunma’y hindi maiwasang magkasala, magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit? Sa sandaling iyon, nadama ko na ang sarili kong paniniwala sa Diyos ay isang nakalilitong paniniwala; ang mga salita ng Panginoon ay sinalita nang malinaw, at gayunma’y hindi ako nagsikap kahit kaunti na hangarin ang Kanyang mga salita. Sa kabaligtaran, nabuhay ako sa gitna ng aking sariling mga pagkaintindi at mga imahinasyon, ganap na naipagkamali ang kalooban ng Diyos at kinakanlong ang kakatwang paniniwala na hangga’t naniniwala ako sa Diyos sa aking puso at kinikilala ang Panginoon sa aking bibig, kung gayon ako ay maliligtas, at patutuluyin sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Naging hangal ako! Nananaginip talaga ako nang gising! Kung hindi ko malulutas ang kakatwang pananaw na ito at magpapatuloy sa paniniwala sa Diyos na umaasa sa aking sariling mga pagkaintindi at imahinasyon, kung gayon sa bandang huli ako ay tiyak na kasusuklaman, itatakwil at aalisin ng Panginoon. Kaya nga, tinanong ko ang Kapatid na Zhang: “Ano ba talaga ang tunay na kaligtasan?”

Kinuha ni Kapatid na Zhang sa kanyang bag ang isang aklat, at sinabi na malulutas ng mga salita sa loob ng aklat na ito ang aking suliranin. Noon ay nagpatuloy siya sa pagbabasa: “Kapag iniwan ng tao ang karumihan, mga tiwaling mga bagay ni Satanas, nakakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit kung manananatili silang walang kakayahan na alisin sa kanilang mga sarili ang karumihan at katiwalian, kung gayon mananatili pa rin sila sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ang pakikipagsabwatan ng mga tao, panlilinlang, at pandaraya ay mga bagay ni Satanas; sa pagliligtas sa iyo, ihihiwalay ka ng Diyos mula sa mga bagay na ito at ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkamali, at ang lahat ay upang iligtas ang mga tao mula sa kadiliman. Kung naniniwala ka sa ilang panahon at magagawang alisin sa iyong sarili ang katiwalian ng laman, at hindi na nakatanikala sa katiwaliang ito, ikaw ay hindi ba sana maliligtas? Kung ikaw ay nabubuhay sa ialim ng sakop ni Satanas wala kang kakayahan na maipakita ang Diyos, ikaw ay isang bagay na marumi, at hindi makatatanggap ng pamana ng Diyos. Sa sandaling ikaw ay malinis at gawing perpekto, ikaw ay magiging banal, at ikaw ay magiging normal, at ikaw ay pagpapalain ng Diyos at kalugud-lugod sa Diyos” (“Pagsasagawa (2)”). “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, nguni’t hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maiwaksi at hindi na muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)”).

Pagkatapos ay nagbigay si Kapatid na Zhang ng pagbabahagi, na nagsasabing: “Salamat sa Panginoon, nilinaw nang husto ng mga salitang ito kung ano ang tunay na kaligtasan! Ang tunay na kaligtasan ay nangangahulugang, sa sandaling makamit ng tao ang katotohanan at nilinis at ginawang perpekto ng Diyos, ganap nilang itatakwil ang kasalanan at itatakwil ang madilim na impluwensya ni Satanas, at hindi na sila magkakasala o lalaban sa Diyos. Ang gawain na totoong ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at hindi na tayo nabibilang pa sa kasalanan. Ngunit ang mala-satanas na kalikasan sa loob natin ay nakaugat nang malalim, at bagamat tinanggap ng ating mga kasalanan ang pagpapatawad ng Panginoon, kapag tayo ay nakasasagupa ng mga usapin, may kakayahan pa rin tayong sumailalim sa pangingibabaw ng mala-satanas na mga disposisyon, kagaya ng kayabangan at pagmamataas, kabaluktutan at panlilinlang, pagkamakasarili at kawalang-dangal, at pagiging masama at pagiging malisyoso, at madalas na hindi natin maiwasang magkasala at labanan ang Diyos, at talagang hindi naisasagawa ang mga salita ng Panginoon. Ito ay kagaya lamang ng pagiging isang magnanakaw na nahuli ng pulis sa pagnanakaw ng mga gamit ng ibang tao. Hindi matagalan ng kanyang magulang ang pag-iisip na ang kanilang anak ay magdurusa sa kulungan, at kaya magbabayad sila ng napakalaking halaga upang hindi makulong ang kanilang anak. Ngunit ang pagiging likas na magnanakaw ay nasa loob pa rin niya, at kung ang isang magandang pagkakataon ay dumating, muli siyang pangingibabawan ng kanyang kalikasan at patuloy na magnanakaw ng mga gamit. Kung kaya, kung nauunawaan natin ang lahat ng mga aspeto ng katotohanan, sa pagiging ganap na pinalaya sa nasasakupan ni Satanas, sa paglilinis sa ating mala-satanas, masasamang disposisyon, pagwawaksi sa mga gapos ng kasalanan, at paghahangad sa kalooban ng Diyos, pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at tunay na paggalang at pagsunod sa Diyos maging anuman ang kapaligiran, kung gayon tayo ay palaging ligtas, at sa gayon lamang tayo magiging mga taong ganap na nakamit ng Diyos.”

Masaya kong sinabi, “Salamat sa pagliliwanag at paggabay ng Diyos sa pagpapaunawa sa akin na mali ang pananaw ng ‘minsang iniligtas, palaging ligtas, at pagkatapos ang isang tao ay makapapasok sa kaharian ng langit. Nauunawaan ko rin na ang walang hanggang kaligtasan ay nangangahulugang pag-aalis sa ating mga sarili ng makasalanang kalikasan at pagiging nilinis, at na ito ay lubos na magkaiba sa pagiging minsang iniligtas at pag-ako sa ating mga kasalanan. Talagang nililinaw ng aklat na ito kung ano ang tunay na kaligtasan, kaya mayroon bang paraan sa loob ng mga pahina nito na matutulutan tayong maiwaksi ang kasalanan sa ating mga sarili at maligtas? Kung makakahanap tayo ng paraan upang maiwaksi ang kasalanan sa ating mga sarili, at magsasagawa alinsunod sa paraang iyon, hindi ba natin makakamit kung gayon ang tunay na kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit?”

Masayang sinabi ng Kapatid na Zhang, “Kapatid na Yang, tama ka talaga! Salamat sa Panginoon, kung makakahanap tayo ng paraan upang maitakwil ang kasalanan sa ating mga sarili at malulutas ang suliranin ng ating makasalanang kalikasan, makakamit natin kung gayon ang tunay na kaligtasan at papasok sa kaharian ng langit. Malinaw na sinasabi ng aklat na ito ang tungkol sa aspetong ito ng katotohanan, kaya patuloy nating basahin …”

Pansin ng Patnugot: Salamat sa Diyos para sa Kanyang pagliliwanag at paggabay. Ang mga kalagayan ng bawat isa sa atin na naniniwala sa Panginoon ay talagang kagaya ng binabanggit sa artikulong ito: Paggawa ng mga kasalanan sa araw at pagkukumpisal sa mga ito sa gabi, at pagkalubog nang malalim sa kasalanan na hindi na natin magawang makalaya. Kung ang paniniwala natin sa Panginoon ay isang pagpapatunay sa pamamagitan ng pananampalataya at naniniwala tayo na, minsan tayong iniligtas, kung gayon palagi tayong ligtas, paano sa gayon ipahahayag ang matuwid, banal at hindi maaaring labagin na disposisyon ng Diyos? Kung nais nating makamit ang papuri ng Diyos at pumasok sa kaharian ng langit, kung gayon dapat nating hangarin ang paraan upang alisin sa ating mga sarili ang kasalanan—tanging ito ang matalinong pagpili ng matatalinong dalaga! Inirerekomenda ng patnugot na ito na panoorin ang mga clips ng pelikulang Masasakit na Alaala, nang upang mahanap nating magkakasama ang landas papasok sa kaharian ng langit!

Kaugnay na Content