Madalas na mga Sakuna—Paano Maging Matatalinong Dalaga Para Salubungin ang Panginoon

Setyembre 8, 2021

Nakita mo na ba? Ang buong mundo ay binalot na ng mga sakuna.

Noong umaga ng Hulyo 30, 2025, isang malakas na lindol na may magnitude na 8.8 ang biglang tumama sa Kamchatka Peninsula ng Russia, na nagdulot ng tsunami at nagbunsod ng mga emergency tsunami warning sa maraming bansa. Naging sanhi rin ang lindol ng unang pagsabog ng bulkang Krasheninnikov sa loob ng 600 taon, na may haligi ng abo na umabot sa taas na 6 na kilometro. Naging aktibo ang ilang bulkan, na humantong sa biglaang pagtaas ng aktibidad ng mga bulkan sa rehiyon.

Sa pagitan ng Hulyo 23 at 29, 2025, nakaranas ang Beijing, China, ng ilang araw ng malakas na pag-ulan, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 44 na katao.

Noong Hulyo 4, 2025, isang flash flood na minsan lang sa isang siglo ang tumama sa Texas, USA, na nagpalubog sa mga nayon at tinangay ang mga tulay sa loob lang ng isang gabi. Mahigit 100 ang nasawi dahil sa baha.

Sa pagitan ng huling bahagi ng Hunyo at unang bahagi ng Hulyo 2025, isang heat dome ang nanalasa sa Europa, kung saan pumalo sa mahigit 40°C ang temperatura sa France, Spain, at Portugal. Lumagpas sa 42°C ang temperatura sa maraming lugar, at ang matinding init ay nagdulot ng mahigit 2,000 pagkamatay at pagsasara ng maraming pasyalan ng mga turista.

Noong Marso 28, 2025, tinamaan ang Myanmar ng isang malakas na lindol na may magnitude na 7.7, na ikinamatay ng mahigit 3,000 katao.

Noong Enero 7, 2025, isang malawakang wildfire ang sumiklab sa Los Angeles sa Southern California, USA, na sumira o puminsala sa mahigit 18,000 istruktura at ikinasawi ng 29 na katao.

Ang mga sakuna tulad ng mga digmaan, mga lindol, mga baha, mga pananalasa ng insekto, mga taggutom, mga pandemya, at matitinding lagay ng panahon ay palala nang palala at padalas nang padalas, at madalas ding nangyayari ang iba’t ibang penomenon sa kalangitan. Nagkataon lang ba ang mga ito? Hinding-hindi. Dalawang libong taon na ang nakalipas, nagbigay ng babala ang Panginoong Jesus: “Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan. … Sapagka’t kung magkagayo’y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo’y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. … Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga(Mateo 24:7–8, 21, 33).

Natutupad ang lahat ng mga tandang ito sa harap mismo ng ating mga mata. Tumunog na ang kampana ng babala ng mga huling araw—nakatayo na sa ating pintuan ang Panginoong Jesus, kumakatok! Sa huling sandaling ito, paano tayo magiging matatalinong dalaga at sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon para matanggap ang pagliligtas ng Diyos? Ito ay isang paksang mahalaga para sa lahat ng nananabik sa pagbabalik ng Panginoon. Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sampung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan(Mateo 25:1–4). Mula sa mga kasulatan, makikita natin na ang matatalinong dalaga ay naghanda ng langis ng ilawan at mapagbantay na naghintay sa pagdating ng Panginoon. Sa huli, sinalubong nila ang Panginoon, at dumalo sila sa piging sa kaharian ng langit. Maraming kapatid ang naniniwala na hangga’t patuloy tayong nagbabasa ng mga kasulatan, dumadalo sa mga pagtitipon, masigasig na isinasagawa ang gawain ng Panginoon, at mapagbantay na naghihintay, nangangahulugan ito na naihanda natin ang langis ng ilawan at tayo ay matatalinong dalaga, at na tayo ay madadala paitaas sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Maraming taon na tayong nagsasagawa sa ganitong paraan, at ngayon lahat ng uri ng sakuna ang nagdaratingan, ngunit hindi pa natin nasasalubong ang Panginoon. Dahil dito ay wala tayong ibang magawa kundi ang magnilay-nilay, at tanungin ang ating mga sarili: Ang masigasig bang pagsasagawa ng gawain ng Panginoon sa ganitong paraan ay tunay na nangangahulugan ng pagiging matalinong dalaga? Masasalubong ba natin ang Panginoon at madadala paitaas bago ang mga kalamidad sa ganitong paraan?

Ang Pagbabasa ba ng mga Kasulatan, Pagdarasal, at Masigasig na Pagsasagawa ng Gawain ng Panginoon ay Makakapagdulot na Maging Matalinong Dalaga ang Isang Tao?

Isipin nating muli ang mga eskriba, punong pari at Fariseo. Lahat sila ay nabasa nang mabuti ang mga banal na kasulatan, at ang kanilang mga pamilya ay naglingkod sa Diyos sa buong henerasyon. Mahigpit nilang sinunod ang batas, sumunod sa mga kautusan, masigasig na nagtrabaho, at naglakbay pa sa buong mundo upang ikalat ang ebanghelyo ng Diyos. Maaaring sabihin na maraming gawain ang ginawa nila, tiniis ang hindi mumunting pagdurusa, at mapagbantay na hinintay ang pagdating ng Mesiyas. Ayon sa ating mga kuru-kuro at imahinasyon, dapat sila ang matatalinong dalaga na naghanda ng langis ng ilawan, at dapat ay naging kalipikado sila nang higit sa sinuman na salubungin ang Panginoon at na matanggap ang Kanyang kaligtasan. Ngunit ano ang mga katunayan? Nang ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao at dumating upang gumawa, hindi lamang nabigo ang mga taong ito na makilala ang Panginoong Jesus, ngunit sila pa ay naniwala, batay sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, na “ang sinumang hindi tinawag na ‘Mesiyas’ ay hindi ang Diyos.” Malinaw nilang naririnig na ang mga salita ng Panginoon ay may awtoridad at kapangyarihan, ngunit sa batayan ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, kinondena nila ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus na lumalabas sa mga banal na Kasulatan. Ginamit nila ito bilang katwiran upang itanggi na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, at ginamit din nila ito upang hatulan ang Panginoong Jesus at maglapastangan laban sa Kanya. Wala silang may-takot-sa-Diyos na puso kahit kaunti. Wala silang pagkaunwa at hindi sila naghanap o nagsiyasat. Nakipagtulungan pa sila sa pamahalaang Romano upang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, at sa huli, pinarusahan sila ng Diyos. Kaya, masasabi na ang mga Pariseo ay matatalinong dalaga? Ang inalala lang nila ay ang pagsisikap at ang pagtataguyod sa mga kautusan ng Lumang Tipan, pero wala sila ng kahit katiting na kaalaman sa Diyos. Hindi nila nagawang marinig ang tinig ng DiyosMasasabing sila ang mga pinakamangmang na dalaga. Kung gayon, ano ba talaga ang bumubuo sa isang matalinong dalaga? Ipagpatuloy ang pagbabasa para malaman ang higit pa.

Ano ang Isang Matalinong Dalaga?

Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “At pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Mula sa mga kasulatan, maaari nating makita na sa pangunahin ay magagawang salubungin ng matatalinong dalaga ang kasintahang lalaki sa kadahilanan na tumututok sila sa pakikinig ng tinig ng Diyos. Kapag narinig nila ang isang tao na sumisigaw na ang kasintahang lalaki ay dumarating, ang matatalinong dalaga ay nanguna upang lumabas para salubungin siya, at sila ay naghahanap at nagsisiyasat. Sa huli, nakikilala nila ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Diyos, at sa gayon ay sinasalubong nila ang Panginoon. Ito ay tulad ng kung kailan, tulad ng naitala sa kasulatan, narinig ng babae ng Samaria ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito’y sinabi mo ang katotohanan(Juan 4:18). Pagkatapos ay napagtanto niya na tanging ang Diyos lamang ang makakaalam at makakapagsabi ng mga bagay na nakatago sa kanyang puso. Namangha, sinigaw niya sa ibang mga tao: “Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?” (Juan 4:29). Nakilala niya mula sa mga salita ng Panginoong Jesus na siya ang darating na Mesiyas. At pagkatapos ay nariyan si Pedro—sa panahon na kasama niya ang Panginoon, nakita niya na ang mga salitang binigkas at ang gawaing ginawa ng Panginoong Jesus ay hindi mga bagay na kayang sabihin at gawin ng isang ordinaryong tao. Mula sa mga salita at gawain ng Panginoon, nakilala niya na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, ang Anak ng Diyos. Nariyan din sina Nathanael, Juan, Andres, at ang iba pa na nakilala ang tinig ng Diyos mula sa mga salita ng Panginoong Jesus. Nakatiyak sila na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, at iniwan nila ang lahat upang sumunod sa Kanya. Ang mga taong ito ang matatalinong dalaga.

Ang mga katunayan sa itaas ay ginagawang malinaw na hindi lahat ng taong nagbabasa ng mga kasulatan, dumadalo sa mga pagtitipon, masigasig na isinasagawa ang gawain ng Panginoon, at mapagbantay na naghihintay ay matatalinong dalaga. Higit sa lahat, ang matatalinong dalaga ay ang mga nakatuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, at kapag naririnig nila ang iba na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos, nagagawa nilang ibaba ang kanilang sariling mga kuru-kuro at mga imahinasyon, at siyasatin ang gawain ng Diyos nang may kababaang loob, at mapaghanap na mga puso. Sa huli, natatamo nila ang kaliwanagan ng Diyos, nakikilala ang tinig ng Diyos, at nasasalubong ang Panginoon. Para naman sa mga hindi tumututok sa pakikinig sa tinig ng Diyos, na hindi naghahanap kahit na narinig na nila ang katotohanan na ipinahayag, walang pagkilatis, na matigas ang ulo na patuloy na kumakapit sa literal na mga salita ng mga kasulatan, at naniniwala na sa pamamagitan ng pagtatrabaho, paggugol ng kanilang sarili at paghahandog, magagawa nilang salubungin ang pagpapakita ng Diyos—lahat ng taong ito ay mga hangal na dalaga, at sa huli ay mawawala sa kanila ang kaligtasan ng Diyos.

Upang maiwasan nating maging mga mangmang na dalaga at maabandona at matiwalag ng Diyos sa gitna ng mga kalamidad, sa kritikal na sandaling ito para salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong maging matatalinong dalaga at magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Nakasulat sa Aklat ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Ipinapakita ng mga propesiyang ito na sa pagbabalik ng Panginoom sa mga huling araw, magbibigkas Siya ng mga salita. Kaya, paano natin makikilatis ang tinig ng Diyos? Magpatuloy tayo sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng ilang prinsipyo.

1. Ang mga Salitang Ipinahayag ng Diyos ay Nagtataglay ng Awtoridad at Kapangyarihan, at ang mga Ito ay mga Pagpapahayag ng Disposisyon ng Diyos

Tulad ng alam nating lahat, sa simula, ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para likhain ang mundo. Ang mga salita ng Diyos ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan. Sa sandaling ang isang salita ng Diyos ay binigkas, ito ay natutupad. Gaya na lamang ng sinabi ng Diyos sa Aklat ng Genesis: “Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3). “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon” (Genesis 1:9). Sinabi ni Jehova kay Moises, “Salitain mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Kayo’y magpakabanal; sapagka’t Ako si Jehova ninyong Diyos ay banal(Levitico 19:2). Isa pa, sinabi ng Panginoong Jesus ang sumusunod na siyang naglantad sa mga Pariseo: “Datapuwat sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13).

Kapag narinig natin ang mga salita ng Diyos, nagkakaroon tayo ng kamalayan na walang ordinaryong tao ang makakabigkas ng mga ito. Ang mga salita ng Diyos ay kayang atasan ang lahat ng bagay, idinudulot na ang mga ito ay mapanindigan at matupad. Ang Kanyang mga salita ay kayang isumpa ang lahat ng lumalaban at naghihimagsik laban sa Kanya. Ang pakikinig sa mga ito ay kamangha-mangha, at madarama natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi nalalabag ng sa sinumang tao. Ang mga salita ng Diyos ay ganap na kumakatawan sa Kanyang pagkakakilanlan at awtoridad. Sa mga huling araw, kung gusto nating makilala kung ang naririnig natin ay ang tinig ng nagbalik na Panginoon o hindi, ito ang paraan para makilatis ito.

2. Ang mga Salita ng Diyos ay Kayang Magsiwalat ng mga Misteryo at Maglantad sa Katiwalian at mga Lihim ng Sangkatauhan

Tulad ng alam nating lahat, ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay nagsiwalat ng maraming mga misteryo sa panahon ng Kanyang gawain. Mayroong “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17) pati na rin ang “Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, ‘Panginoon, Panginoon’, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Ito ay dahil lamang sa isiniwalat ng Panginoon ang mga misteryo tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit na nalaman natin na tanging ang mga tunay na nagsisisi at ang mga taong sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ito ay isang bagay na hindi natin malalaman kung hindi isiniwalat ng Panginoong Jesus ang misteryong ito sa atin.

Bukod dito, sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Ang Diyos ay may lubusang pag-unawa sa atin, at ang Diyos lamang ang maaaring maglantad ng ating katiwalian at ng mga bagay na nananahan sa ating puso. Halimbawa, binanggit ng Panginoong Jesus ang tungkol kay Nathanael sa ilalim ng puno ng igos, na pinahihintulutan si Nathanael na makilala na ang Panginoong Jesus ay ang darating na Mesiyas. Nariyan din si Mateo na maniningil ng buwis, na nakilala na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos dahil binanggit ng Panginoong Jesus ang nilalaman ng kanyang mga panalangin. Sa mga usaping ito, makikita natin na ang mga salita ng Diyos ay hindi lamang nagsisiwalat ng mga misteryo, ngunit inilalantad din ang katiwalian at mga lihim ng sangkatauhan. Ito rin ay isang paraan upang makilala natin kung ang isang bagay ay tinig ng Diyos.

3. Ang mga Salita ng Diyos ay Nakakapaibigay ng Buhay at Nakakapagbigay ng Landas Pasulong

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: sinuman ay hindi makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko(Juan 14:6). Ang Diyos Mismo ang siyang katotohanan. Nagagawang ipahayag ng Diyos ang katotohanan para tustusan ang sangkatauhan alinsunod sa kanilang mga pangangailangan, sa anumang oras at sa anumang lugar. Sa Kapanahunan ng Kautusan, hindi alam ng sangkatauhan kung paano mabuhay o kung paano sumamba sa Diyos, kaya ipinahayag ng Diyos ang kautusan sa pamamagitan ni Moises upang akayin ang mga tao sa kanilang buhay. Tulad lang ng sinabi sa Sampung Utos: “Ako si Jehova mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap Ko(Deuteronomio 5:6–7). “Huwag kang papatay. Ni mangangalunya. … Ni sasaksi sa di katotohanan laban sa iyong kapuwa. Ni huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa …(Deuteronomio 5:17–21). Matapos marinig ang mga salita ng Diyos, nalaman ng mga tao noong panahong iyon kung paano sila dapat mabuhay at kung paano nila dapat sambahin ang Diyos. Pagkatapos, nang ang Panginoong Jesus ay dumating upang gumawa at ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, sinimulan Niyang turuan ang mga tao na dapat nilang ipagtapat ang kanilang mga kasalanan at magsisi, na dapat silang maging mapagparaya at matiyaga, na dapat nilang mahalin ang kanilang mga kapwa tulad ng kanilang sarili, na sila dapat ang asin at ang ilaw ng lupa, at higit pa. Tulad lamang noong tinanong ni Pedro ang Panginoong Jesus: “Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito?” (Mateo 18:21), direktang sinabi ni Jesus kay Pedro, “Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito(Mateo 18:22). Matapos marinig ang mga salitang ito mula sa Panginoon, naunawaan ni Pedro na ang kapatawaran ay isang bagay na dapat nating sundin, at na hindi ito kondisyunal o limitado sa isang partikular na bilang. Kaya, nagkamit ng landas ng pagsasagawa si Pedro.

Kaya, kung may isang tao na ipinapangaral sa atin ang ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon at nagpapatotoo sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, puwede tayong makinig at kilatisin natin kung ang ipinapangaral nila ay makapagtutustos sa ating mga kasalukuyang pangangailangan. Namumuhay tayo sa kalagayan ng pagkakasala at pangungumpisal, isang kalagayan kung saan hindi natin mapalaya ang ating mga sarili. Kung ang landas na ipinapangaral nila ay makapagbibigay sa atin ng isang landas para maiwaksi ang kasalanan at malinis, nangangahulugan ito na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na. Maaari nating kilatisin ang tinig ng Diyos batay sa prinsipyong ito.

Ang pagbabahaginan bang ito ay nagbihay sa inyo ng landas para maging isang matalinong dalaga at salubungin ang Panginoon? Kung naging kapaki-pakinabang ito sa inyo ay umaasa akong ibabahagi niyo ito sa iba. Ang aking hiling ay sana lahat tayo ay maging matatalinong dalaga, at na tayong lahat ay magbuhos ng ating mga puso sa paghahanap at pakikinig nang mabuti sa tinig ng Panginoon. Nawa’y masalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon at makadalo sa piging kasama Siya!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nakamit mo Ba ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan?

Ang Diyos ang bukal kung saan dadaloy ang tubig ng buhay, at nasa Kanya ang buhay na walang hanggan. Nguni’t bilang mga mananampalataya sa Panginoon, nasa atin ba ang daan patungo buhay na walang hanggan? Magpatuloy sa pagbasa upang mas matuto…