Pang-Araw-Araw na Babasahin: Ang Karunungan ng Babaeng Samaritana

Agosto 5, 2021

Ni Zhang Yiping

Marahil marami sa atin na mga mananampalataya ay pamilyar sa kwento ng babaeng Samaritana na naitala sa Biblia. Nang umigib siya ng tubig, nakilala niya ang Panginoong Jesus, na humiling sa kanya ng inumin. Mula sa kanyang pakikipagpalitan sa Panginoong Jesus, nakilala niya na Siya ang Mesiyas na inihula sa mga propesiya.

Isa lamang siyang ordinaryong babae at walang kaalaman sa Biblia, ngunit nagawa niya ito. Talagang kamangha-mangha ito. Alam nating lahat na, sa loob ng tatlo’t kalahating taon na ang Panginoong Jesus ay gumawa sa mundo, maraming tao ang minsang nakipag-ugnay sa Kanya sa isang maikling panahon, at saka, maraming nakarinig sa Kanya na magsalita. Gayunpaman, masyadong kaunti ang nakakilala na Siya ang Mesiyas. Kung gayon, paano ito nagawa ng babaeng Samaritana? Basahin natin ang kanyang kwento upang maghanap ng mga sagot sa mga katanungang ito nang magkasama.

Nakatala ito sa Biblia: “Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya’y sinabi ni Jesus, Painumin mo Ako. Sapagka’t napasa bayan ang Kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain. Sinabi nga sa Kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang Ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako’y babaing Samaritana? (Sapagka’t hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano.) Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyo’y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay. Ang bawa’t uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw: Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan. Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig na ito, upang ako’y huwag mauhaw, ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa, at pumarito ka. Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, Wala akong asawa. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Mabuti ang pagkasabi mo, Wala akong asawa: Sapagka’t nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito’y sinabi mo ang katotohanan. Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, napaghahalata kong ikaw ay isang propeta. Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao. Sa kaniya’y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama. Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka’t ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio. Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga. … Sa gayo’y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao, Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?” (Juan 4:7-10, 13-26, 28-29).

Mula sa nabanggit na mga banal na kasulatan makikita natin na mayroong dalawang pangunahing mga kadahilanan kung bakit nakilala ng babaeng Samaritana na ang Panginoong Jesus ang darating na Mesiyas.

1. Pagkilala sa Tinig ng Diyos sa Pagbigkas ng Panginoong Jesus

Noong una, nang humingi ng tubig ang Panginoong Jesus sa babaeng Samaritana, nagbabantay siya laban sa Kanya sapagkat Siya ay isang Judio, dahil ang mga Judio ay walang pakikitungo sa mga Samaritana. Ngunit pagkatapos magsalita ang Panginoong Jesus ng ilang mga salita sa kanya, napagtanto niya na Siya ay wala sa karaniwan, kaya tinawag niya Siya na Ginoo. Nang marinig ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang bawa’t uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw: Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan,” naramdaman niya na ang Kanyang mga salita ay may awtoridad at kapangyarihan at hindi masasabi ng mga ordinaryong tao. Pagkatapos, ipinahayag ng Panginoong Jesus ang kanyang pinakanatatagong mga lihim, na sinasabi, “Sapagka’t nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa.” Namangha siya rito dahil walang nakakaalam ng mga bagay na ginawa niya sa lihim. Ngunit ang Panginoong Jesus, na hindi pa nakakilala sa kanya dati, ay alam ang lahat tungkol sa kanya. Sigurado siya na hindi iyon maaabot ng mga ordinaryong tao, kaya’t itinuring niya ang Panginoong Jesus na isang propeta. Samakatuwid, sinabi niya ang tungkol sa kanyang sariling pagkalito at tinanong Siya kung pupunta sa bundok o sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.” Malinaw rin Niyang sinabi sa kanya na, “Na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.” Matapos marinig ang lahat ng ito, nakilala niya na ang Panginoong Jesus ang Mesiyas. Ito’y dahil sa nalutas ng Panginoong Jesus ang kanyang pagkalito sa salita lamang, at itinuro din sa kanya ang daan ng kasanayan upang sumamba sa Diyos. Nagpahintulot ito sa kanya na maunawaan na kapag sinasamba ang Diyos, ang mga mananampalataya ay hindi dapat mahigpit na sumunod sa panlabas na mga pormalidad, ngunit dapat sumamba sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan, at ang pagdarasal lamang ng totoo at taos-puso ang ayon sa puso ng Diyos. Lalo na nang marinig ang Panginoong Jesus na nagsasabi, “Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga,” siya ay natuwa at naging mas sigurado na Siya ang Mesiyas. Sa gayon, dali-dali siyang pumunta sa lungsod at ibinalita ang mabuting balita sa mga tao roon. Bagaman maikli ang palitan ng Panginoong Jesus sa kanya, ang pangalan na itinawag niya sa Kanya ay napakabilis na nagbago. Dahil ito sa nakita niya na ang mga salita ng Panginoon ay may awtoridad at kapangyarihan, at naihayag Niya ang kanyang pinakanatatagong mga lihim at katiwalian, nalutas ang kanyang suliranin at pagkalito, at itinuro sa kanya ang malinaw na daan upang magsanay. Sa kadahilanang ito, nakilala niya na ang Panginoong Jesus ang darating na Mesiyas.

2. Pagsantabi ng Kanyang Sarili at Mapagpakumbabang Paghahanap

Sa katunayan, ang mga Samaritano ay palaging minamaliit ng mga Judio, at wala silang pakikitungo sa bawat isa. Kaya, nang marinig ang Panginoong Jesus na humihingi sa kanya ng tubig, laking gulat niya. Ngunit hindi siya tumanggi na kausapin ang Panginoon dahil dito, bagkus mapagkumbabang nakikinig sa Kanya na nagsalita. Nang marinig na ang Panginoong Jesus ay nagtataglay ng buhay na tubig, nagawa niyang isantabi ang sarili at hilingin sa Kanya na bigyan siya ng tubig na maaaring magdala sa kanya ng buhay na walang hanggan. Nang isiwalat ng Panginoong Jesus ang kanyang hindi masasabi na mga lihim, kahit na hindi niya nais na banggitin ang mga ito, hindi ito nakapigil na makipag-usap siya sa Kanya at sa halip ay nagpatuloy siyang maghanap mula sa Kanya. Matapos malutas ng Panginoong Jesus ang kanyang pagkalito, at pahintulutan siyang maunawaan kung paano sumamba sa Diyos upang maging ayon sa puso ng Diyos, kinilala niya na ang Panginoong Jesus ay ang darating na Mesiyas. Dito makikita natin na ang iba pang dahilan kung bakit ang babaeng Samaritana ay maaaring makatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya ay dahil nagawa niyang magpakumbaba upang hanapin ang katotohanan. Sa gayon, natanggap niya ang biyaya ng Diyos, naririnig ang tinig ng Diyos at sinasalubong ang Mesiyas.

Nasa mga huling araw na tayo ngayon, ang pinakasusing sandali kung kailan babalik ang Panginoon. Sa gayon, paano natin tataglayin ang mga lakas ng babaeng Samaritana upang masalubong natin ang pagdating ng Panginoong Jesus?

1. Pagbibigay-Pansin sa Pagdinig sa Tinig ng Diyos

Sabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12-13). At maraming beses na naipropesiya sa Pahayag, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2-3). Makikita natin mula sa mga salitang ito na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, muli Siyang magsasalita upang sabihin sa atin ang mga katotohanan na hindi natin nauunawan. Hinihiling Niya na tayo’y maging matatalinong dalaga at bigyang pansin ang pakikinig sa Kanyang tinig. Sa ganitong paraan, maaari nating masundan ang mga yapak ng Kordero, pumunta sa piging ng kasal, at matanggap ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Samakatuwid, kung nais nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, kailangan nating aktibong hanapin ang mga salitang sinasabi ng Banal na Espiritu sa lahat ng iglesia. Kapag may nagpapatotoo sa atin na ang Panginoon ay dumating upang bigkasin ang Kanyang salita, dapat nating sundin ang halimbawa ng babaeng Samaritana, at pakinggan kung ang salita ay may awtoridad at kapangyarihan, at kung ito ay maaaring maghayag ng ating mga katiwalian na walang nakakaalam, malulutas ang ating mga suliranin at mga paghihirap, at magtuturo sa atin ng daan upang magsanay. Naniniwala ako na sa pagdinig ng mga salita ng bumalik na Panginoon, lahat ng may puso at espiritu ay makakarinig na tinig ito ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin(Juan 10:27).

2. Pagiging Isang Tao Na Aba sa Espiritu at Aktibong Naghahanap

Sabi ng Panginoong Jesus, “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan: Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan(Mateo 7:7-8). “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3).

Ang mapagpakumbabang paghahanap ang hinihiling sa atin ng Panginoon, at ito rin ang susi sa kung magagawa nating masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Ngayon, sa paghihintay sa pagdating ng Panginoon karamihan sa atin ay may maraming kalituhan at problema. Halimbawa, nasabi na sa taong 2000 magbabalik ang Panginoon, ngunit bakit hindi pa rin natin nasalubong ang Kanyang pagbabalik ngayon? Bukod pa, lahat ng mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang natupad na, kaya’t lahat ng mga kapatid na tunay na naniniwala sa Panginoon ay may pakiramdam na maaring nakabalik na ang Panginoon, iniisip kung nagpakita na Siya saanman upang gumawa. Kaya, hindi ba dapat tayo ay aktibong naghahanap sa Kanyang mga yapak? Matapat ang Panginoon. Pinagpapala Niya ang salat/mapagpakumbaba sa espiritu, at kinakaawaan ang mga nauuhaw sa katotohanan. Kung mapagpakumbaba tayong naghahanap, higit na nagdarasal sa Panginoon, at aktibong hinahanap ang Kanyang mga yapak, tiyak na gagabayan at papatnubayan tayo ng Diyos, at tutulutan tayo na masalubong ang pagpapakita ng Panginoon sa mga huling araw.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 6:9–10: Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Maraming kapatid na lalaki at babae ang naniniwalang ang kaharian ng Diyos ay nasa langit, ngunit sinasabi sa Panalangin ng Panginoon, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na ang kaharian ng Diyos ay darating sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay masusunod sa lupa. Bakit ganito? Ang kaharian ba ng Diyos ay nasa langit o nasa lupa?