Pag-unawa sa Layunin ng Diyos Mula sa Kuwento ng Pagsasakripisyo ni Abraham kay Isaac
Ikinukuwento ng Biblia ang istorya ni Abraham. Nang si Abraham ay isang daang taon, binigyan siya ng Diyos ng isang anak na lalaki, si Isaac. Gayunpaman, nang lumaki si Isaac, inutusan ng Diyos si Abraham na ialay ito bilang sakripisyo. Ngunit nang ilagay ni Abraham sa altar ng Diyos ang kanyang nag-iisang anak at itinaas ang kanyang punyal na handa nang patayin ang batang lalaki, pinatigil siya ng Diyos. Sa katunayan, hindi lamang pinatigil ng Diyos si Abraham sa pagsasakripisyo kay Isaac, ngunit nagkaloob din Siya sa kanya ng malalaking pagpapala at ginawang dakilang angkan ang kanyang mga inapo.
Sa tuwing binabasa ko dati ang kwentong ito, palagi akong may taos-pusong paghanga kay Abraham, sapagkat nararamdaman kong mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos. Nagawa niyang magsumite sa plano ng Diyos at ihandog ang kanyang nag-iisang anak na lalaki, na mahal na mahal niya, bilang isang sakripisyo. Sa gayon pinatunayan niya ang kanyang sarili na karapat-dapat siya sa titulong “ama ng pananampalataya.” Gayunpaman, ang hindi ko maintindihan ay ito: Bakit binigyan ng Diyos si Abraham ng isang anak na lalaki noong siya ay isang daang taong gulang, at pagkatapos ay inutusan siyang isakripisyo ang batang lalaki? Ano, sa huli, ang layunin ng Diyos?
Sa mahabang panahon, hindi ko maunawaan. Nito lamang, nang mabasa ko ang isang teksto sa online na, “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”, na naunawaan ko na ang gawain ng Diyos kay Abraham ay may malalim na kahulugan at mayroon ding layunin ang Diyos dito. Ngayon ay nais kong gumawa ng naisulat na tala ng mga pagkakaunawa na natanggap ko.
1. Walang Tao o Bagay ang Makakapag-impluwensiya sa Desisyon ng Diyos na Gawin ang Isang Bagay
Sa Biblia, sabi sa Aklat ng Genesis sa kabanata 17, bersikulo 15-17: “At sinabi ng Diyos kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan. At Akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya’y bibigyan kita ng anak: oo, siya’y Aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya. Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, ‘Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyamnapung taon na?’”
Sabi sa kabanata 17, bersikulo 21, “Nguni’t ang Aking tipan ay pagtitibayin Ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.”
Sabi sa kabanata 21, bersikulo 2-3, “At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan, sa tadhanang panahong sinabi ng Diyos sa kaniya. At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya, na siyang ipinanganak ni Sara.”
Nang sinabi ng Diyos kay Abraham na bibigyan Niya siya ng isang anak na lalaki, hindi Siya pinaniwalaan ni Abraham, sa pag-aakalang siya at ang asawang si Sara ay lumipas na sa edad ng pagkakaroon ng anak at posibleng hindi magkaroon ng anak. Pagkatapos sa kanilang pagkabigla, talagang nanganak ng isang lalaki si Sara. Sa tuwing babasahin ko ang mga bersikulong iyon ng banal na kasulatan, lagi kong iniisip: Kung ako iyon, katulad rin ng kay Abraham ang magiging reaksyon ko.
“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” ay ipinapaliwanag ito sa ganitong paraan: “Kung ano ang ginagawa o iniisip ng tao, kung ano ang nauunawaan ng tao, ang mga plano ng tao—wala sa mga ito ang may kinalaman sa Diyos. Ang lahat ay nagpapatuloy ayon sa plano ng Diyos, alinsunod sa mga panahon at yugtong itinalaga Niya. Ito ang prinsipyo ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay hindi humahadlang sa kahit anong iniisip o nalalaman ng tao, ngunit hindi rin Niya tinatalikuran ang Kanyang plano, o iniiwan ang Kanyang gawain, dahil lamang sa hindi naniniwala o nakauunawa ang tao. Sa gayon, ang mga katunayan ay naisasagawa nang ayon sa plano at pag-iisip ng Diyos. Ito mismo ang nakikita natin sa Biblia: Ang Diyos ang dahilan kung bakit ipanganak si Isaac sa panahong itinakda Niya. Ang mga katunayan ba ay nagpapatunay na humahadlang sa gawain ng Diyos ang asal at pag-uugali ng tao? Hindi humadlang ang mga ito sa gawain ng Diyos! Ang maliit na pananampalataya ba ng tao sa Diyos, at ang kanyang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos ay nakaapekto sa gawain ng Diyos? Hindi, walang naging epekto ang mga ito! Wala kahit maliit man lamang! Hindi naaapektuhan ng sinumang tao, o anumang bagay, o kapaligiran ang plano ng pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang pinagpapasiyahang gawin ay makukumpleto at matatapos sa itinakda Niyang oras at nang naayon sa Kanyang plano, at ang Kanyang gawain ay hindi maaaring hadlangan ng sinumang tao. Binabalewala ng Diyos ang ilang aspeto ng kahangalan at kamangmangan ng tao, at maging ang ilang aspeto ng paglaban at kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya, at ginagawa Niya ang gawaing dapat Niyang gawin anuman ang nangyayari. Ito ang disposisyon ng Diyos, at ito ay nagpapakita ng Kanyang pagkamakapangyarihan sa lahat.”
Matapos basahin ang siping ito, naintindihan ko: Tayong mga tao ay hindi nauunawaan ang pagiging makapangyarihan at pagkakaroon ng soberanya ng Diyos; ang ating pananampalataya sa Diyos ay hindi sapat. Tulad ng naturan, kapag ang mga salita ng Diyos o ang gawain ng Diyos ay hindi umaangkop sa ating mga ideya, o lumampas sa ating kakayahang tanggapin, ang ating mga saloobin ay nagiging mapaghinala, at sa palagay natin ay hindi maaaring magawa ng Diyos ang nais Niyang gawin. Gayunpaman, ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat—na ang itinakda Niyang kamtin ay hindi napapasailalim sa impluwensya ng sinumang tao o bagay, at tiyak na hindi Siya maaaring hadlangan ng anumang kapangyarihan na umiiral. Noon ko nakita na ang pagiging makapangyarihan at ang karunungan ng Diyos ay tunay na mapaghimala, tunay na hindi maaarok. Ang gawain ng Diyos ay lumalampas sa imahinasyon ng tao; wala talaga tayong ganap na paraan upang maunawaan ito.
2. Pinapahalagahan at Minamahal ng Diyos ang Katapatan ng Tao; Pinagpapala ng Diyos ang mga Nakikinig sa Kanyang mga Salita at Sumusunod sa Kanya
Sabi ng Biblia, “At Kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na Aking sasabihin sa iyo” (Genesis 22:2).
“At sila’y dumating sa dakong sa kaniya’y sinabi ng Diyos; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak” (Genesis 22:9–10).
“Sa Aking sarili ay sumumpa Ako, anang Jehova, sapagka’t ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa Akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak; Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin Ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang Aking tinig” (Genesis 22:16–18).
Mula sa mga talata ng kasulatan ay makikita natin na noong iniutos ng Diyos na Jehova kay Abraham na ihandog ang kanyang anak bilang isang susunuging handog, sinunod ni Abraham ang Kanyang utos nang may ganap na pagkamasunurin. Gayunpaman, sa huli ay hindi hiniling ng Diyos kay Abraham na patayin talaga si Isaac. Sa halip ay nangako ang Diyos na gagawin Niyang dakilang angkan mga inapo ni Abraham. Dati, hindi ko maintindihan: Bakit hiniling ng Diyos kay Abraham na isakripisyo si Isaac, para lamang pigilan si Abraham nang itaas niya ang kanyang kutsilyo upang patayin ang kanyang anak? Bukod dito, bakit nagkaloob ng mga pagpapala ang Diyos kay Abraham?
Ang dalawang seksyon na ito ng tekstong, “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II,” ay sinasabing, “Nang iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak, nakita ba ng Diyos ang kanyang mga pagkilos? Oo, nakita Niya. Ang buong proseso—mula sa simula, nang hingin ng Diyos kay Abraham na ialay si Isaac, hanggang sa aktwal na pagtaas ni Abraham ng kanyang sundang upang patayin ang kanyang anak—ay nagpakita sa Diyos ng puso ni Abraham, at anuman ang kanyang dating kahangalan, kamangmangan, at hindi pagkakaunawa sa Diyos, noong sandaling iyon, ang puso ni Abraham para sa Diyos ay totoo, at tapat, at tunay ngang ibabalik niya si Isaac, ang anak na ibinigay sa kanya ng Diyos, pabalik sa Diyos. Sa kanya, nakita ng Diyos ang pagsunod, ang mismong pagsunod na nais Niya.”
“Sa tao, marami ang ginagawa ng Diyos na hindi kayang unawain at ni hindi kapani-paniwala. Kapag nais ng Diyos na pangasiwaan ang isang tao, ang pangangasiwang ito ay madalas na salungat sa mga kuru-kuro ng tao, at hindi niya kayang unawain, gayon pa man ito mismong di-pagkakatugma at kawalan ng kakayahang maunawaan ay mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Samantala, si Abraham ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa sarili niya mismo, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. … Noong sandaling itinaas ni Abraham ang kanyang sundang upang patayin si Isaac, pinigilan ba siya ng Diyos? Hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, dahil walang intensyon ang Diyos na bawiin ang buhay ni Isaac. Kaya pinigilan ng Diyos si Abraham sa tamang oras. Para sa Diyos, nakapasa na sa pagsubok ang pagkamasunurin ni Abraham, sapat na ang kanyang ginawa, at nakita na ng Diyos ang kalalabasan ng Kanyang binalak gawin. Kasiya-siya ba ang kinalabasang ito para sa Diyos? Maaaring sabihin na ang kinalabasan na ito ay kasiya-siya sa Diyos, na ito ang nais ng Diyos, at ito ang nais Niyang makita. Ito ba ay totoo? Kahit na, sa iba’t ibang konteksto, ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya, nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham at walang kondisyon ang kanyang pagsunod. Ito mismong ‘kawalan ng kondisyon’ na ito ang ninais ng Diyos.”
Matapos pagnilayan ang dalawang seksyon na ito, naunawaan ko: Ang nais ng Diyos mula umpisa ay maging matapat sa Kanya ang mga tao. Inutusan ng Diyos si Abraham na isakripisyo si Isaac, tiyak na hindi dahil nais Niyang patayin ni Abraham ang kanyang anak, ngunit dahil nais Niyang gamitin ang utos na ito upang subukin si Abraham, upang makita kung tunay na magtitiwala si Abraham at susundin ang Diyos. Ang anak ni Abraham na si Isaac ay ibinigay sa kanya noong siya ay isang daang taong gulang, kaya maaari nating maisip kung gaano niya siya kamahal. Maaari rin nating sabihin na isinasaalang-alang ni Abraham ang buhay ni Isaac na mas mahalaga kaysa sa kanyang sariling buhay. Gayunpaman nang utusan ng Diyos si Abraham na isakripisyo si Isaac, hindi nagreklamo si Abraham sa Diyos, ni hindi niya hiniling sa Kanya na ipaliwanag ang Kanyang mga kadahilanan, kahit na nasasaktan ang kanyang puso. Alam ni Abraham na si Isaac ay isang regalo mula sa Diyos. Kung nais ngayon ng Diyos na magsakripisyo siya, alam ni Abraham na dapat siyang sumunod. Kaya’t walang pag-aalinlangan, dinala ni Abraham si Isaac sa lugar kung saan nag-aalay ng mga sinusunog na handog. Itinaas niya ang kanyang kutsilyo na handa nang ibalik si Isaac sa Diyos. Gayunpaman, nakita na ng Diyos ang katapatan at pagsunod ni Abraham, kaya sa sandaling iyon, pinahinto Niya siya, binigyan Siya ng Kanyang mga pagpapala, at ipinangako na ang kanyang mga inapo ay magiging isang dakilang angkan. Nakita ko sa pagpapala at pangako ng Diyos kay Abraham na pinahahalagahan ng Diyos ang katapatan ng mga tao. Ang nais ng Diyos ay lumapit sa Kanya ang mga tao nang walang mga kondisyon, at sumamba at sumunod sa Kanya nang hindi humihingi ng isang bagay bilang kapalit.
3. Paghahanap ng Kabatiran sa Kwento ni Abraham
Nakikita kung paano natanggap ni Abraham ang isang anak na lalaki sa edad na isang daang taon, talagang naintindihan ko ang isang bagay tungkol sa pagiging makapangyarihan ng Diyos at pagkakaroon ng soberanya; Naintindihan ko na kapag nagpasya ang Diyos na gawin ang isang bagay, walang sinumang tao o bagay ang maaaring ilihis o hadlangan Siya. Ganoon din, nakilala ko rin ang ilang mga alituntunin na dapat isagawa: Kahit na ang mga salita o gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa ating mga ideya, o kapag hindi natin ito naiintindihan o hindi ito matanggap, hindi pa rin natin dapat tratuhin ang mga salita o gawain ng Diyos ayon sa ating sariling mga konsepto at pag-iisip. Sa halip, dapat nating panatilihin ang paggalang sa Diyos sa ating mga puso at hangarin na malaman ang Kanyang layunin. Dapat nating tanggapin ang gawain ng Diyos at magsumite sa Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos. Iyon ang uri ng katwiran na dapat mayroon tayo bilang mga tao.
Nakikita kung paano inutusan ng Diyos si Abraham na isakripisyo si Isaac, naintindihan ko rin ang taimtim na layunin ng Diyos sa likod ng mga pagsubok. Sa mga kapaligiran na hindi umaangkop sa ating mga kuru-kuro ay sinusubukan ng Diyos kung tayo ay matapat sa Kanya, binabago ang ating maling pananaw sa pagpupursige sa ating pananampalataya, at pinapahintulutan tayong tunay na magsumite sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos at tumayo at magpatotoo sa Diyos. Sa gayon ay maaari tayong lumapit sa harapan ng Diyos at taimtim na pagnilayan ang ating sarili. Palagi nating sinusundan ang Diyos, ngunit anong uri ng pag-uugali ang mayroon tayo sa Kanya? Sa ating buhay, ano ang naging saloobin natin kapag sumasailalim tayo sa Kanyang mga pagsubok?
Habang iniisip ko ang aking sarili at ang mga kapatid na nasa paligid ko, kapag ang aming buhay pampamilya ay mapayapa at ang aming trabaho ay maayos, madalas kaming kumakanta ng mga himno upang papurihan ang Diyos, nananalangin sa Kanya at nagpapasalamat sa Kanya at lumalabas upang ipangaral ang kaligtasan ng ating Panginoong Jesus. Ngunit kapag ang trabaho ay hindi maayos, at ang aming buhay pampamilya ay hindi mapayapa, nagrereklamo kami sa Diyos at sinisisi Siya dahil hindi Niya kami inaalagaan at pinoprotektahan. Kapag nahaharap kami sa karamdaman, nagdarasal kami sa Diyos at habang lumilipas ang oras na walang palatandaan ng paggaling, nawawalan kami ng pananalig sa Kanya. Ni hindi namin nais na basahin ang banal na kasulatan o manalangin…. Dito ay makikita natin na kapag nahaharap sa mga paghihirap, hindi natin tinatanggap at sinusunod ang Diyos tulad ng ginawa ni Abraham. Sa halip, nagrereklamo tayo sa Diyos, at sinisikap na mangatwiran sa Kanya. Walang paghahambing sa pagitan natin at ni Abraham. Nang sumailalim si Abraham sa kanyang pagsubok, kusang-loob siyang sumunod sa Diyos. Hindi siya nagreklamo. At hindi siya kumilos sa ganitong paraan dahil nais niya ang mga pagpapala o gantimpala bilang kapalit—ang nais lang niya ay mapalugod ang Diyos. Ngunit kami’y hindi—kapag may pananampalataya kami sa Diyos, ito ay dahil nais naming makatanggap ng mga pagpapala at biyaya ng Diyos. Kapag nahaharap kami sa ilang pagsubok o kahirapan, hindi kami lumalapit sa Diyos nang may tunay na paggalang o pagsunod. Masyadong magulo ang aming pananampalataya sa Diyos. Kahit na isinuko namin ang mga bagay na mahalaga sa amin at gumawa ng mga mahirap na pangako para sa kapakanan ng Diyos, sinusubukan pa rin naming makipagtawaran sa Kanya. Paano matatamo ng ganitong uri ng “pananampalataya” ang pag-apruba ng Diyos?
Noon ko lamang napagtanto, sa paniniwala sa Diyos, dapat nating sundin ang halimbawa ni Abraham—igalang ang kadakilaan ng Diyos at lumapit sa mga salita ng Diyos at sa lahat ng Kanyang mga pagsasaayos sa lupa nang may dalisay, matapat at masunuring puso. Kapag sumasailalim sa mga pagsubok sa Diyos, hindi tayo dapat magreklamo sa Kanya. Sa halip ay dapat tayong humalili bilang mga nilikhang nilalang sa harapan ng Panginoon ng paglikha at tumayo at magpatotoo sa Diyos. Sa ganitong paraan lamang tayo makakatanggap ng pag-apruba ng Diyos.
Salamat sa direksyon ng Diyos at sa pamamagitan ng pagbabasa ng, “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II”, nakilala ko sa gawain ng Diyos kay Abraham ang kaunti sa awtoridad ng Diyos at layunin ng Diyos. Amen!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.