Ang Nakamit Ko sa Pagsasalita nang May Katapatan

Hulyo 9, 2022

Ni Qiu Guo, USA

Ilang panahon na ang nakalilipas, nabasa ko ang isang talata sa salita ng Diyos, na nagsasabing, “Ang pagsisipsip, pambobola, at pagsasabi ng kung ano ang iniisip mong gustong marinig ng mga tao: malamang na alam naman ng lahat kung ano ang literal na kahulugan ng mga salitang ito. Pangkaraniwan na rin ang mga taong gumagawa nito. Ang pagsisipsip, pambobola, ang pagsasabi ng iniisip mong gusto ng mga taong marinig: karaniwan nang ang ganitong paraan ng pagsasalita ay upang makuha ang pabor o papuri ng mga tao, o para makakuha ng isang uri ng pakinabang. Ito ang pinakakaraniwang nakikitang paraan ng pagsasalita ng mga sipsip, at tama lang na sabihing namamalas ang gayong mga bagay sa lahat ng tiwaling sangkatauhan sa mas malala o mas mababaw na paraan, at nabibilang ito na isa sa mga paraan ng pagsasalita ng mga satanikong pilosopiya(“Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Hinahamak ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikalawang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Noong panahong iyon, nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos na naghahayag ng ganoong uri ng mga tao, hindi ko ginamit ang mga ito sa aking sarili. Kinaiinisan ko ang ganoong mga tao, at hindi ko sila gusto o nais na makasama, kaya naisip ko na mas magaling ako kaysa sa ganoong mga tao. Hindi inaasahan, nang maibunyag ako ng mga katunayan, nakita ko na para sa sarili kong mga interes, sinubukan kong magpalugod ng mga tao, makatanggap ng pabor, at magsabi ng mga magagandang bagay, na napakatuso at mapanlinlang din.

Ilang araw na ang nakalilipas, dumalo ako sa isang pangkatang pagtitipon. Pagkatapos ng pagtitipon, nagpadala ng mensahe ang pinuno, tinatanong ako kung kumusta ang pagbabahagi ni Brother Zhang. Nang makita ko ang mensahe, bahagya akong kinabahan, “Bakit bigla na lamang akong tinatanong ng lider ng ganitong tanong? Paano ko ito dapat sagutin? Kung mali ang sagot ko, ano ang iisipin ng lider sa akin? Iisipin ba ng aking lider na hindi ko man lang matukoy kung gaano kahusay ang pagbabahagi ng ibang tao, na ako ay may mahinang kakayahan, at walang praktikal na karanasan? Kung gayon, pagkakatiwalaan pa ba ako ng lider at gagamitin pa ba ako para sa mga mahahalagang tungkulin sa hinaharap? Baka hindi magtagal ay maalis pa sa akin ang posisyon ko bilang lider ng grupo.” Upang mapanatili ko ang aking imahe at posisyon at mapaisip siya na nakakikilala ako ng mga bagay-bagay, nagsimula akong mag-isip kung ano ang ibig niyang sabihin. Dahil itinanong niya, maaaring naramdaman niyang may problema sa pagbabahagi ni Brother Zhang, kaya paano ko makukuha ang pagsang-ayon ng pamunuan? Sa katunayan, nadama ko na bagama’t ang ilan sa ibinahagi ni Brother Zhang ay mga salita ng doktrina, sa ilang bahagi ay praktikal ito. Ngunit nag-alala ako na hindi ko nakita ang mga bagay-bagay nang tama, kung kaya’t hindi ko sinabi sa lider ang totoo kong naiisip. Sa halip, sinabi ko, “Si Brother Zhang ay nagbahagi ng maraming walang kabuluhang doktrina.” Sumagot ang aking lider, “Marami sa sinabi niya ay doktrina. Tiyakin mo na mas paaalalahanan at mas tutulungan mo pa siya sa hinaharap.” Matapos basahin ang sagot ng lider, naisip ko, “Mabuti na lamang at hindi ko sinabi ang totoo kong iniisip. Mapagmumukha ko kaya ang aking sarili na masama kung nagkataon? Kung gayon, mabubuking ako ng lider ko!”

Pagkatapos na pagkatapos nito, dumalo ako sa isa pang pagtitipon ng grupo. Pagkatapos ng pagtitipon, pinadalhan ako ng pinuno ng mensahe na nagtatanong, “Ano ang palagay mo sa pagbabahagi ni Sister Liu?” Nung nakita ko ang mensahe, bahagya akong natulala. Lumilipad ang isip ko sa pagtitipon, kung kaya’t hindi ko napakinggan ang pagbabahagi niya. Paano ako dapat sumagot? Kung ako ay magpapakatapat, ano ang iisipin ng lider sa akin? Naalala ko ang narinig kong sinabi dati ng lider na madalas magsalita si Sister Liu tungkol sa doktrina, kaya ba hinihiling ng lider na kumpirmahin ko ang isyung ito? Noong nakaraan, tinanong ako ng lider dahil sa tingin niya ay nagsasalita si Brother Zhang tungkol sa doktrina. Naisip ko na maaaring ito rin ang dahilan sa pagkakataong ito. Kaya, sumagot ako, “Mula sa kanyang pagbabahagi, hindi ko narinig kung ano ang kanyang kaalaman sa kanyang sarili, o kung alin sa kanyang mga pananaw ang nagbago.” Matapos basahin ang sagot ko, walang sinabi ang lider. Pagkatapos ay hindi ko mapakalma ang aking sarili, at nagsimula akong magtaka, “Hindi ba nasiyahan ang lider sa sagot ko? Mali ba ang sagot ko? Kung mali nga, iisipin ba ng lider na mahina ang kakayahan ko?” Noong mga araw na iyon, paminsan-minsan nitong ginambala ang pag-iisip ko.

Makalipas ang ilang araw, habang nasa isang pagtitipon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na parang tumatagos sa aking puso. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang mga mapanlinlang na mga taong kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at sa ibang paraan sa likuran nila ay hindi handang gawing perpekto. Lahat sila ay mga anak ng kapahamakan at pagkawasak; hindi sila pag-aari ng Diyos kundi ni Satanas. Hindi sila ang uri ng mga taong pinili ng Diyos!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari noong isang araw, nang tanungin ako ng lider kung ano ang tingin ko sa pagbabahagi ng mga kapatid. Hindi ako naglakas-loob na ipahayag ang aking tunay na opinyon dahil nag-alala ako na ang isang maling sagot ay makakaapekto sa aking imahe at katayuan sa puso ng lider, kaya’t mapanlinlang ang naging sagot ko. Hinulaan ko kung ano ang iniisip ng aking lider, at sinubukang sumagot sa paraang tutugma sa kanyang iniisip. Akala ko ay hindi ako gaanong makagagawa ng mga pagkakamaling tulad nito, na hindi niya ako mabubuking, at ang aking posisyon ay magiging mas matatag. Inakala kong matalino ako sa pamamagitan ng panlilinlang sa aking lider at pagtatago ng aking mga naiisip, ngunit ang Diyos ay matuwid, at nakikita ng Diyos ang lahat. Malinaw na nakita ng Diyos ang aking mga mapanlinlang na layunin at pandaraya, at kinondena ang mga ito ng Diyos. Nang mas pinag-isipan ko ang mga salita ng Diyos, mas lalo akong natakot. Naisip ko kung paano naging napakasama, kasuklam-suklam, at kahiya-hiya ang aking mga naiisip.

Naalala ko rin kung paano ipinahayag ng Diyos ang mga pagpapamalas ng mga anticristo ng “ang pagsisipsip, pambobola, at pagsasabi ng kung ano ang iniisip mong gustong marinig ng mga tao,” kaya hinanap ko ang ilan sa mga salita ng Diyos. “Ang mga anticristo ay bulag sa Diyos, wala Siyang puwang sa kanilang mga puso. Kapag nakakaharap nila si Cristo, itinuturing lang nila Siya bilang ordinaryong tao, palagi silang nakikiramdam sa Kanyang mga ekspresyon at tono, iniaangkop ang kanilang sarili batay sa hinihingi ng sitwasyon, hindi kailanman sinasabi kung ano talaga ang nangyayari, hindi kailanman nagsasalita ng anumang taos sa puso, nagsasalita lamang ng mga hungkag na salita at doktrina, at sinusubukang linlangin at lansihin ang totoong Diyos na nakatayo sa harapan ng kanilang mga mata. Wala silang ni bahagya mang takot sa Diyos. Sila ay lubos na walang kakayahang magsalita sa Diyos nang mula sa puso, o magsabi ng anumang totoo. Nagsasalita sila na parang isang gumagapang na ahas, ang galaw ay paliku-liko at hindi tuwiran. Ang paraan at gawi ng mga salita nila ay tulad ng isang baging ng melon na umaakyat sa isang poste. Kapag sinasabi mong ang isang tao ay may mahusay na kakayahan at maaaring itaas ng ranggo, kaagad silang nagsasalita tungkol sa kung gaano kahusay ang taong ito, at kung ano ang nakikita at naihahayag sa kanya; at kung sasabihin mong ang isang tao ay masama, mabilis sila sa pagsasalita kung gaano ito kasama at kamakasalanan, kung paano niya ginagambala at inaabala ang iglesia. Kapag ninanais mong malaman ang katotohanan tungkol sa isang bagay, wala silang masasabi; nagpapaliguy-ligoy sila, naghihintay na gumawa ka ng konklusyon, nakikinig para sa kahulugan ng mga salita mo, para masabi nila kung ano ang gusto mong marinig. Ang lahat ng sinasabi nila ay pambobola, pagpapakasipsip, at pagbibigay ng labis na papuri; wala kahit isang salitang may katotohanan ang lumalabas sa kanilang mga bibig(“Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Hinahamak ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikalawang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). “Mahal ng Diyos ang mga taong matapat, pero kinapopootan naman ang mga taong mapanlinlang at tuso. Kung kumikilos ka bilang taong taksil at nagtatangkang manloko, hindi ba mapopoot ang Diyos sa iyo? Hahayaan ka lang ba ng sambahayan ng Diyos na makalusot? Sa malao’t madali, papapanagutin ka. Gusto ng Diyos ang mga taong matapat at ayaw naman Niya ng mga taong taksil. Dapat malinaw itong maunawaan ng lahat, at huwag nang malito at gumawa ng mga kahangalan. Ang panandaliang kamangmangan ay maaaring unawain, pero ang talagang tumanggi na tanggapin ang katotohanan ay isang sutil na pagtangging magbago. Marunong humawak ng responsibilidad ang mga taong matapat. Hindi nila isinasaalang-alang ang sarili nilang mga pakinabang at kawalan, bagkus iniingatan nila ang gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos. Mayroon silang mabait at matapat na puso na gaya ng isang mangkok ng malinaw na tubig na makikita mo ang ilalim sa isang sulyap. Wala rin silang itinatago sa kanilang mga kilos. Ang isang taong mapanlinlang ay laging nanloloko, laging ikinukubli ang mga bagay-bagay, pinagtatakpan, at binabalot nang husto ang sarili para walang sinumang makahalata sa kanya. Hindi naaaninagan ng mga tao ang iyong mga saloobin, pero kaya ng Diyos na makita ang pinakamalalalim na bagay sa iyong puso. Kung nakikita ng Diyos na hindi ka isang matapat na tao, na tuso ka, na hindi mo kailanman tinatanggap ang katotohanan, na lagi mo na lang sinusubukang linlangin Siya, at na hindi mo ibinibigay ang iyong puso sa Kanya, kung gayon ay hindi ka mamahalin ng Diyos, kapopootan at tatalikuran ka Niya. Lahat ng umuunlad sa mga hindi mananampalataya—mga taong matamis ang dila at mabilis mag-isip—anong uri ng mga tao ang mga ito? Malinaw ba ito sa inyo? Ano ang diwa nila? Masasabi na lahat sila ay pambihira ang pagiging magulang, sobrang tuso at daya nilang lahat, sila ang tunay na diyablong si Satanas. Maaari bang iligtas ng Diyos ang isang taong gaya nito? Wala nang higit pang kinapopootan ang Diyos kundi ang mga diyablo—mga taong tuso at mapanlansi. Hinding-hindi ililigtas ng Diyos ang gayong mga tao, kaya anuman ang gawin ninyo, huwag kayong maging kagaya ng taong ito. Sila na laging maingat at isinasaalang-alang ang lahat ng anggulo sa kanilang pananalita, na nakikita kung ano ang opinyon ng nakararami at tuso sa pangangasiwa sa kanilang mga gawain—sinasabi Ko sa iyo, kinasusuklaman ng Diyos ang gayong mga tao higit sa lahat, hindi na matutubos pa ang mga taong gaya nito. Kapag tuso at hindi matapat ang mga tao, kahit gaano pa kabait pakinggan ang sinasabi nila, mga mapanlinlang na kasinungalingan pa rin ito. Habang lalong bumabait ang kanilang mga salita, lalo silang nagiging ang diyablong si Satanas. Kaya sila mismo ang klase ng mga tao na pinakakinamumuhian ng Diyos. Ano ang masasabi ninyo: Ang mga taong tuso, magaling magsinungaling, at madulas ang dila—matatanggap ba nila ang gawain ng Banal na Espiritu? Matatanggap ba nila ang pagtanglaw at pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu? Hinding-hindi. Ano ang saloobin ng Diyos ukol sa mga taong tuso at hindi matapat? Itinataboy Niya sila, isinasantabi Niya sila at hindi pinapansin, itinuturing Niya sila bilang kauri ng mga hayop. Sa paningin ng Diyos, ang gayong mga tao ay nakabihis lamang ng anyong tao; sa diwa, kauri sila ng diyablong si Satanas, sila ay mga naglalakad na bangkay, at hindi sila kailanman ililigtas ng Diyos(Pagkilala sa mga Huwad na Lider).

Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang mga anticristo ay may partikular na masamang disposisyon. Upang makamit ang sarili nilang mga mithiin, maging sa presensya ni Cristo, sila ay nambobola at bumabatay lang sa opinyon ng iba, at naniniwala sila na hindi makikita ni Cristo ang kanilang mga pandaraya, na maaari nila Siyang malinlang. Samakatuwid, nangahas silang hayagang linlangin ang Diyos at ituring ang Diyos na parang tao. Ang saloobing ito sa Diyos ay kasuklam-suklam at kamuhi-muhi sa Diyos. Bagama’t hindi ako tuwirang nakipag-ugnayan kay Cristo, ang disposisyong inilantad ko ay katulad ng sa anticristo. Tinanong ako ng aking lider kung ano ang naiisip ko tungkol sa pagbabahagi ng aking mga kapatid, na isang napakakaraniwang tanong, at maaari kong sabihin kung ano ang naiisip ko, ngunit ginawa kong kumplikado ang mga bagay-bagay, at paliko-liko ang isip ko. Inisip ko kung sinusubukan ba ng lider ang kakayahan kong makakilatis, at natakot ako na kapag nagkamali ako, hahamakin niya ako at hindi na niya ako pahahalagahan o tutulungang lumago. Upang mapanatili ang aking imahe at posisyon sa kanyang puso, itinago ko ang aking tunay na naiisip at sinadya kong subukan na makatugma ang kanyang pakahulugan. Ang pag-uugali ko ay tulad ng inihahayag ng salita ng Diyos, tulad ng isang madulas na ahas at isang umaakyat na baging ng melon, pihit nang pihit at paikot-ikot. Sa ganitong paraan ko tinatrato at pinakikisamahan ang mga tao, ang lahat ng ito ay upang dayain at paglaruan sila. Ako ay napakatuso at mapanlinlang. At nang sabihin ko ang mga salitang ito, hindi ito dahil sa hindi ko ito alam. Nagsalita ako pagkatapos kong mag-isip at magkalkula. Sinadya ko ito. Naisip ko pa nga na hindi alam ng Diyos ang tungkol sa aking mga pandaraya, kaya nangahas akong magsinungaling at manlinlang. Wala ako kahit katiting na paggalang sa Diyos. Nangahas akong magsinungaling at manlinlang ng ibang tao, kaya kung makakaugnayan ko man si Cristo, paniguradong lantaran kong lilinlangin ang Diyos, at lalabagin ang disposisyon ng Diyos. Lalo na noong nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa paningin ng Diyos, ang gayong mga tao ay nakabihis lamang ng anyong tao; sa diwa, kauri sila ng diyablong si Satanas, sila ay mga naglalakad na bangkay, at hindi sila kailanman ililigtas ng Diyos,” Bigla akong nakaramdam ng pagkaparalisa. Inihahayag ng Diyos ang aking kalikasan at inilalarawan ang aking mga kilos. Naalala ko na noong nakipag-ugnayan ako sa iba, karaniwan ay mayroon akong sariling motibo, at inoobserbahan ko ang kanilang mga salita at ekspresyon. Sa mga lider at manggagawa, sinubukan kong hulaan ang kanilang mga iniisip at mas makatugma ang kanilang pakahulugan, nagsasabi ng mga bagay na nakatutuwang pakinggan. Akala ko na ang pamumuhay nang ganito ay pagiging matalino, dahil walang nakakabuking sa akin. Ngunit nakita na ng Diyos ang totoong ako. Ngayon, naintindihan ko na rin kung bakit sinasabi ng Diyos na mahal Niya ang mga taong matapat at napopoot Siya sa mga taong mapanlinlang. Ito ay dahil sa ang puso ng mga tapat na tao ay dalisay tulad ng malinaw na tubig, tapat ang pagtrato nila sa mga tao at sa Diyos, at hindi nila kailanman sinasadyang itago ang kanilang mga pagkukulang o ikubli ang kanilang mga sarili. Ang ganitong mga tao ay hindi nabubuhay sa nakakapagod na paraan, nasisiyahan ang iba sa pakikitungo sa kanila, at gusto sila ng Diyos. Ngunit masalimuot ang isipan ng mga taong mapanlinlang, sila ay gumagawa ng mga plano at may sariling motibo sa lahat ng bagay, at ang mga bagay at salita na napakasimple ay nagiging labis na masalimuot sa kanila. Ang mga mapanlinlang na salita at kilos ng mga tao ay para lahat sa panlilito at panlilinlang ng iba upang makamit ang kanilang sariling mga mithiin. Ipinamumuhay nila ang kalikasan ng demonyo, at hindi kailanman inililigtas ng Diyos ang ganoong mga tao. Habang naiisip ito, bahagya akong natakot. Nakita ko na ang sarili kong kalikasan ay mapanlinlang at masama gaya ng kay Satanas, at kung hindi pa rin ako magsisisi, ako ay itataboy at parurusahan ng Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid, at ang mga mabubuhay sa kaharian ng Diyos ay pawang mga taong tapat na handang magsagawa ng katotohanan. Ang isang mapanlinlang na tao ay hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Habang iniisip ang mga bagay na ito, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi, at hindi ko na nais pang mamuhay ayon sa aking mapanlinlang at masamang disposisyon, kaya nagdasal ako sa Diyos upang sabihin na gusto kong maging matapat na tao at magbahagi tungkol sa buhay ko at magsalita nang tapat sa lahat, kahit sino pa sila. Pagkatapos noon, sa isang pagtitipon, nagbahagi ako tungkol sa aking mga kasuklam-suklam na layunin at sa katiwalian na ipinakita ko sa dalawang pagkakataong ito. Pagkatapos ko itong gawin, mas gumaan at naging maginhawa ang aking pakiramdam.

Pagkatapos nito, napaisip rin ako kung bakit lagi kong pinahahalagahan ang sinasabi ng lider tungkol sa akin, at kung bakit kaya kong magsinungaling at maging mapanlinlang upang maging maganda ang opinyon niya tungkol sa akin. Isang araw, sa salita ng Diyos, nabasa ko, “Anuman ang antas ng isang lider o manggagawa, kung sinasamba ninyo siya dahil sa kanyang pagkaunawa sa katotohanan at dahil sa kanyang mga kaloob, at naniniwala kayong taglay niya ang realidad ng katotohanan, at matutulungan niya kayo, at kung pinagpipitagan ninyo siya at umaasa sa kanya sa lahat ng bagay, at sinusubukang matamo ang kaligtasan sa pamamagitan nito, sa huli, ang lahat ng ito ay mauuwi lang sa wala, dahil ang pinagsimulan ay likas na mali. Kahit gaano pa karaming katotohanan ang nauunawaan ng isang tao, walang sinumang makahahalili kay Cristo, at kahit gaano pa siya kahusay, hindi ibig sabihin nito na taglay niya ang katotohanan—kaya ang mga sumasamba, nagpipitagan, at sumusunod sa mga tao ay palalayasin lahat sa huli, at kokondenahin silang lahat. Kapag ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, maaari lamang nilang ipagpitagan at sundan ang Diyos. Anuman ang kanilang ranggo sa pamunuan, karaniwang tao pa rin ang mga lider. Kung itinuturing mo sila bilang mga direktang nakatataas sa iyo, kung sa pakiramdam mo ay nakalalamang sila kaysa sa iyo, na mas magaling sila kaysa sa iyo, at na dapat ka nilang pamunuan, na lagi silang nakatataas sa lahat ng iba pa, mali iyon—kahibangan mo iyon. … Kung sinusundan mo ang Diyos, dapat kang makinig sa Kanyang salita, at kung may nagsasalita at gumagawa nang wasto, at umaayon ito sa mga prinsipyo ng katotohanan, hindi pa ba tama ang pagsunod sa katotohanan? Bakit napakasama mo? Bakit ka nagpupumilit na humanap ng isang taong sinasamba mo para sundin? Bakit mo ba gustong maging alipin ni Satanas? Bakit hindi ka na lang maging isang lingkod ng katotohanan? Ipinapakita nito kung may katinuan at dignidad ang isang tao. Dapat magsimula ka sa sarili mo: Sangkapan mo ang iyong sarili ng iba’t ibang uri ng katotohanan, magawa mong tukuyin ang sari-saring pagpapamalas ng iba’t ibang bagay at tao, alamin ang kalikasan ng kung ano ang naipapamalas sa iba-ibang tao at kung anong disposisyon ang nabubunyag sa kanila, matutuhang kilalanin ang pagkakaiba ng mga diwa ng iba’t ibang tao, maging malinaw tungkol sa kung anong uri ng mga tao ang nasa paligid mo, kung anong uri kang tao, at kung anong uri ng tao ang iyong lider. Sa sandaling makita mo ang lahat ng ito nang malinaw, magagawa mo nang pakitunguhan ang mga taong ito sa tamang paraan, ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan: Kung mga kapatid sila, dapat mo silang harapin nang may pagmamahal, at kung hindi naman, dapat mo silang talikuran at dapat kang dumistansya; kung sila ay mga taong nagtataglay ng realidad ng katotohanan, bagama’t maaaring iginagalang mo sila, hindi mo sila dapat sambahin. Walang sinumang makahahali kay Cristo, si Cristo lamang ang tunay na Diyos. Kung nakikita mo ang mga bagay na ito nang malinaw, nagtataglay ka ng tayog, at malamang na hindi ka maloko ng mga anticristo, ni hindi mo kailangang matakot na maloko ng mga anticristo(“Sila ay Kumikilos sa Kakaiba at Misteryosong mga Paraan, Sila ay Wala sa Katwiran at mga Diktador, Hindi Sila Kailanman Nakikipagbahaginan sa Iba, at Pinipilit Nila ang Iba na Sundin Sila” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Ang inihayag ng salita ng Diyos ay ang aking kalagayan. Bagama’t naniniwala ako sa Diyos sa loob ng maraming taon, walang lugar para sa Diyos sa aking puso. Ang pinagtuunan ko ng pansin ay ang kapangyarihan at katayuan ng mga tao, ang pinanindigan ko ay ang pilosopiya ni Satanas na “Hindi kayang utusan ng mga opisyal ng bayan ang mga tao sa paligid hindi gaya ng mga lokal na opisyal,” at lagi kong nararamdaman na malayo sa akin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, na ang lider sa aking harapan ang siyang nagpapasya ng lahat para sa akin, at kung ako man ay pahahalagahan, lilinangin, at may kakayahan man lang na gumanap sa aking tungkulin ay nakasalalay sa mga sasabihin ng lider. Hindi ba’t ito ang pananaw ng mga hindi mananampalataya? Upang makuha ang pagpapahalaga ng kanilang mga lider at mapanatili ang kanilang mga posisyon at trabaho, pinalulugod ng mga hindi mananampalataya ang kanilang mga lider sa lahat ng bagay at binbola sila saanman, tulad ng mga aso na walang karakter o dignidad. Ano ang ipinagkaiba nila sa akin? Upang makuha ang pagpapahalaga ng aking lider at mapanatili ang aking katayuan, lagi kong ninanais na mapalugod siya, at pinag-iisipan at ibinibigay ko ang kanyang mga kagustuhan. Naging kontrabida ako na nagbabatay lang sa opinyon ng iba. Para sa aking sariling kapakanan, nawala ang aking dignidad bilang tao at naging ganap na hindi makatao. Sa katunayan, ang sambahayan ng Diyos ay may mga prinsipyo sa pagpili at paglinang ng mga tao, hindi tulad sa mundo ng mga hindi mananampalataya. Ang mga hindi mananampalataya ay nagsasagawa ng “Walang natatapos ang isang tao nang walang pambobola.” Hangga’t kaya nilang sumipsip sa taong mas mataas sa kanila, kahit walang tunay na talento at kaalaman, kaya nilang maging kagustu-gusto at mapromote. Ngunit ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan ng Diyos. Ang mga tao ay pinipili at nililinang batay sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kung mayroon kang mabuting pagkatao, kaya mong tanggapin ang katotohanan, ang iyong puso ay nakabaling sa Diyos, at kaya mong protektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, hindi mahalaga na bahagyang mahina ang iyong kakayahan. Ang iglesia ay magsasaayos ng angkop na tungkulin para sa iyo. Kung ikaw ay may masamang pag-uugali, hindi naghahangad ng katotohanan, at gumagawa lamang ng mga pandaraya at pakana, kahit sumipsip ka pa sa iyong lider, hindi ka magkakaroon ng mahalagang tungkulin. Sa sandaling nakilatis at nakilala ka na nang husto ng iyong mga kapatid, ikaw ay kamumuhian at itatakwil. Kahit na ang ilang huwad na lider at anticristo ay sumasalungat sa mga prinsipyo at binibigyan ng mas mataas na posisyon ang mga nambobola at sumisipsip, hindi magtatagal, sila ay mabubunyag, kaya hindi sila kailanman makakapanatili sa sambahayan ng Diyos. Noong naintindihan ko ito, hindi na ako nag-alala kung paano ako tingnan ng lider. Hindi na mahalaga kung ano ang pananaw ng mga tao sa akin, at kung magpapatuloy pa ba ako sa aking tungkulin o hindi ay nakasalalay sa kung hahanapin ko ang katotohanan at gagampanan ko nang maayos ang aking tungkulin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang paggawa ng aking tungkulin nang maayos, at paghahanap ng katotohanan sa aking tungkulin upang lutasin ang aking mga problema at paghihirap. Ito ang aking tunay na responsibilidad.

Pagkatapos noon, naghanap ako ng landas ng pagsasagawa sa salita ng Diyos at natagpuan ko ang siping ito: “Alam ninyong lahat na kinasusuklaman ng Diyos ang mga nagsisipsip, nambobola, at nagsasabi sa iyo ng kung ano ang iniisip nilang gusto mong marinig. Kaya anong mga prinsipyo ang dapat sundin ng mga tao? ... Maging tapat: Ito ang prinsipyo na dapat sundin kapag nakikisalamuha sa Diyos. Huwag mo nang pag-isipang magsipsip sa Diyos o mambola; hindi kailangang magsipsip, sapat na ang maging tapat. At ano ba ang ibig sabihin ng maging tapat? Paano ba ito dapat isagawa? (Buksan lamang ang iyong puso sa Diyos, nang walang halong pagpapanggap o walang ikinukubling anuman o itinatagong anumang sikreto, makipag-usap sa Diyos nang may tapat na puso, at magsalita nang diretsahan, nang walang anumang panlilinlang o panloloko.) Tama iyan. Upang maging matapat, dapat mo munang isantabi ang iyong mga pansariling pagnanasa. Sa halip na magtuon ng pansin sa kung paano ka itinuturing ng Diyos, sabihin mo kung ano ang nasa puso mo, at huwag pag-isipan o isaalang-alang kung ano ang mga magiging kahihinatnan ng mga salita mo; sabihin kung anuman ang iniisip mo, isantabi ang mga motibasyon mo, at huwag magsalita ng mga bagay upang makamtan lamang ang ilang layunin. Kapag mayroon kang masyadong maraming mga personal na layunin, palagi kang nagtatantiya sa paraan ng iyong pagsasalita, isinasaalang-alang ang, ‘Dapat ko itong sabihin, hindi iyon, dapat akong mag-ingat tungkol sa aking sasabihin. Gagawin ko ito sa paraang nakikinabang ako, at natatakpan ang aking mga pagkukulang, at mag-iiwan ng magandang impresyon sa Diyos.’ Wala ka bang mga motibasyon? Bago mo ibuka ang iyong bibig, puno ang isip mo ng mga buktot na isipan, makailang beses mong binabagu-bago ang gusto mong sabihin, nang sa gayon kapag lumabas na ang mga salita mula sa iyong bibig hindi na napakadalisay ng mga ito, at hindi na tunay kahit bahagya man lamang, at naglalaman na ng sarili mong mga motibo at mga pakana ni Satanas. Hindi ganito ang ibig sabihin ng pagiging tapat. Ano ito? Ang tawag dito ay pagkakaroon ng mga maling intensyon, at masasamang motibo. Dagdag pa rito, kapag nagsasalita ka, lagi mong pinakikiramdam ang mga ekspresyon ng mukha at tingin ng mga mata ng ibang tao: Kung may positibong ekspresyon ang mukha ng tao, tuloy ka sa pagsasalita; kung hindi naman, sinasarili mo ito at wala kang sinasabi; kung hindi maganda ang tingin ng taong kausap mo, at tila baga ayaw nila ng kanilang naririnig, pinag-iisipan mo itong mabuti at sinasabi mo sa iyong sarili, ‘Sige, may sasabihin akong isang bagay na magiging interesado ka, na makapagpapasaya sa iyo, na magugustuhan mo, at kung saan kagigiliwan mo ako.’ Ganito ba ang pagiging tapat? Hindi(“Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Hinahamak ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikalawang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). “Ayaw ng Diyos ng mga taong nagsisipsip, o nambobola, o nagsasalita ng iniisip nilang gusto Niyang marinig. Kaya anong uri ng mga tao ang gusto ng Diyos? Paano nais ng Diyos na makipag-usap at makipagbahaginan ang mga tao sa Kanya? Gusto ng Diyos ang mga taong tapat at diretsahang magsalita. Hindi Niya kailangan na subukin at basahin mo Siya at pakiramdaman Siya; kailangan Niyang magpakatotoo ka, at magkaroon ka ng tapat na puso. Ayaw Niyang itago mo ang anumang bagay o magpanggap o magkunwari sa iyong puso, gusto Niyang kung ano ang nasa labas ganoon din ang nasa loob ng iyong puso(“Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Hinahamak ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikalawang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Ginagawang malinaw ng salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa. Sa pakikipag-ugnayan mo sa Diyos at sa mga tao, dapat kang maging prangka at matapat, walang personal na motibo, at dapat mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at maging isa kang matapat na tao. Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, Naisip ko ang pagtatanong ng Panginoong Jesus kay Pedro, “Simon Bar-Jonas, Minahal mo na ba Ako kahit minsan?” Matapat na sumagot si Pedro, “Panginoon! Minsa’y minahal ko ang Ama sa langit, ngunit inaamin ko hindi Kita minahal kailanman.” Si Pedro ay dalisay at tapat. Hindi niya inisip kung paano papalugurin ang Panginoong Jesus, sinabi lang niya kung ano ang naisip niya. Ang puso ni Pedro ay dalisay at walang itinatago, at kaya niyang maging tapat sa Panginoong Jesus, kung kaya’t natamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos. Sa sandaling naunawaan ko ang mga bagay na ito, nakita ko ang landas ng pagsasagawa nang mas malinaw, at kusa kong sinimulan sa aking buhay ang pagsasanay na maging isang matapat na tao.

Isang araw, pagkatapos ng isang pagtitipon, nagtanong ang aking lider sa akin at sa dalawang lider ng grupo tungkol sa ebalwasyon sa isang kapatid. Medyo kinabahan ako nang marinig ko ito, at nagsimula ulit akong mag-isip-isip, “Nais ng lider ko ang ebalwasyon sa isang kapatid, dahil ba sa naniniwala siyang ang kapatid na ito ay may problema? Tinatanong niya kami, dahil ba gusto niyang subukan ang aming kakayahang makakilatis? Sinabi ng lider noong huling beses na ang dalawang lider ng grupo ay may mahusay na kakayahan, at na nais niyang linangin sila, kaya kung hindi ko malinaw na nakikita ang mga bagay-bagay tulad nila, pahahalagahan at lilinangin pa rin ba ako?” Noon ko natanto na muntik na ulit akong gumawa ng haka-haka at manlinlang. Naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Ayaw ng Diyos ng mga taong nagsisipsip, o nambobola, o nagsasalita ng iniisip nilang gusto Niyang marinig. Kaya anong uri ng mga tao ang gusto ng Diyos? Paano nais ng Diyos na makipag-usap at makipagbahaginan ang mga tao sa Kanya? Gusto ng Diyos ang mga taong tapat at diretsahang magsalita. Hindi Niya kailangan na subukin at basahin mo Siya at pakiramdaman Siya; kailangan Niyang magpakatotoo ka, at magkaroon ka ng tapat na puso. Ayaw Niyang itago mo ang anumang bagay o magpanggap o magkunwari sa iyong puso, gusto Niyang kung ano ang nasa labas ganoon din ang nasa loob ng iyong puso.” Napanood ng Diyos kung ano ang naisip ko at kung ano ang plano kong gawin, at nais ng Diyos na maging matapat akong tao at sabihin kung ano talaga ang naiisip ko nang walang anumang pagbabalatkayo, pagtatago, o pagpapabagu-bago ng isip. Kailangan kong magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos at maging matapat sa iba. Kaya, sinabi ko ang aking mga pananaw sa lider. Nang matapos ako, nakahinga ako ng maluwag, at naramdaman ko na ang pagiging isang matapat na tao ay nagpagaan ng aking pakiramdam, at nakaramdam din ako ng katahimikan at katiyakan. Ito ay isang bagay na hindi ko pa kailanman naranasan. Ganito dapat ang maging pag-uugali ng mga tao. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman