Ano ang Nagdudulot ng Negatibong Kalagayan

Agosto 3, 2022

Ni Aliyah, Timog Korea

Dalawang taon na akong nagdidilig ng mga baguhan. Minsan, dumating ang lider para makipag-usap sa amin tungkol sa aming gawain, sinasabi na habang inoobserbahan niya ang gawain namin sa tagal ng panahong iyon, napapansin niya na ang ilang tagapagdilig ay hindi nakikita ang totoong diwa ng mga problema ng mga baguhan, at hindi nalulutas ang mga isyu ng mga ito, nagbibigay lamang ng pampatibay-loob at payo, ibig sabihin ay hindi nalulutas ang mga kalagayan at paghihirap ng ilang baguhan at hindi dumadalo ang mga ito nang regular sa mga pagtitipon, kaya nagiging di-epektibo ang gawain ng pagdidilig. Nangangahulugan ito na hindi tinutupad ng mga tagapagdilig ang kanilang tungkulin. Nasiraan ako ng loob pagkarinig sa sinabi ng lider. “Hindi epektibo,” “hindi tinutupad ang kanilang tungkulin,” ang mga salitang ito ay talagang mahirap pakinggan, at nanlumo at nalumbay ako dahil dito. Dinidiligan ko ang mga baguhan sa buong panahong iyon. Nang sabihin ito ng lider, siguradong tinutukoy rin niya ako. Naisip ko kung paanong mas higit na pagsisikap ang ibinuhos ko sa pagdidilig kaysa sa ibang trabaho, at kung gaano ako kasigasig kapag nakikitungo sa bawat baguhan. Tunay kong pinagsikapan ang pagninilay-nilay sa kalagayan at mga suliranin nila at pag-aalok ng pagbabahaginan. Minsan may ilang baguhan na nagiging sumpungin at hindi tumutugon sa mga mensahe. Kahit na mahirap tanggapin iyon, sa pamamagitan ng panalangin at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, handa akong talikdan ang aking sarili. Paano man ako tratuhin ng mga baguhan, tinulungan ko sila nang may pagmamahal at pasensiya. Bukod pa roon, hindi ako magaling magsalita, pero nagsikap akong malampasan ang mga balakid ko. Pakiramdam ko ay nagawa ko na ang lahat ng makakaya ko. Kahit na hindi mo masasabing napakaepektibo ko, kahit papaano ay nakagawa ako ng ilang pagpapabuti sa gawain, at sinabi ng mga baguhan na nakakatulong ako. Hindi ko naisip kahit kailan na ituturing ng lider ang lahat ng ginawa ko bilang hindi epektibo o hindi pagtupad sa aking tungkulin. Pagkatapos ng pagpupulong, gusto kong umiyak, at nadaig ako ng mga negatibong emosyon, iniisip na: “Inaamin ko na marami pa rin akong pagkukulang at may ibubuti pa ako sa tungkulin ko, pero hindi ako lubos na hindi epektibo. Nagawa ko na ang lahat ng makakaya ko, kaya bakit hindi kinikilala ang mga pagsisikap ko? Kung wala sa pagsisikap ko ang umeepekto, hindi ko na talaga alam kung paano pa harapin ang tungkulin ko. Siguro hindi lang ako angkop sa pagdidilig ng mga baguhan.” Kaya namuhay ako sa negatibong kalagayan, at walang motibasyon sa tungkulin ko. Noon, kapag nakikita kong hindi nakadalo sa pagtitipon ang ilang baguhan, talagang nababahala at nababalisa ako, at walang pag-aaksaya ng oras na magtatanong sa mga baguhan kung bakit wala sila roon. Matapos pakinggan ang kanilang mga problema at paghihirap, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para magbahagi at tumulong. Pero ngayon nang makita kong hindi dumadalo ang mga baguhan sa mga pagtitipon, hindi na ako masyadong nag-aalala, wala sa loob lang akong nakikipagtipon sa kanila, at hindi iniisip kung paano ko gagawing mas epektibo ang aking pakikipagbahaginan. Gusto kong ipasa sa ibang tao ang gawain ng pagdidilig ng mga baguhang may problema. Dahil hindi naman epektibo ang pagbabahaginan ko, at hindi nalutas ang kanilang mga problema, bakit pa ako mag-aabalang maging sobrang masipag at aktibo? Walang nakapansin sa lahat ng ideyang naiambag ko at mga sakripisyong nagawa ko. Kaya bakit pa mag-aabala? Sa panlabas, ginagampanan ko pa rin ang aking tungkulin, pero nasa kalagayan ako ng “walang pakialam,” at malayo ang puso ko sa Diyos. Wala akong gaanong masabi sa panalangin; wala akong lakas na magsikap.

Hanggang sa kalaunan, nang mabasa ko ang isang sipi mula sa salita ng Diyos, noon ko lang simulang naunawaan ang aking negatibong kalagayan. Sabi ng Diyos, “Kapag gumaganap ang maraming tao ng kanilang tungkulin, laging may mga motibasyon at karumihan, lagi nilang sinusubukang maitangi ang kanilang sarili, gusto nilang laging mapuri at mapalakas ang kanilang loob, at kapag may ginawa sila nang mabuti, gusto nilang lagi itong may kapalit o gantimpala; kung walang gantimpala, wala silang interes na gampanan ang kanilang tungkulin, at kung walang nagbabantay o nanghihimok sa kanila, nagiging pasibo sila. Sila ay gaya ng mga batang pabago-bago ang isip. Ano ang nangyayari dito—bakit ang gayong mga tao ay laging mayroong ganitong mga motibasyon at karumihan at hindi kailanman maisantabi ang mga ito? Ang pangunahing dahilan ay hindi nila tinatanggap ang katotohanan; bunga nito, kahit gaano mo pa ibahagi ang katotohanan sa kanila, wala silang kakayahan na isantabi ang mga bagay na ito. Kung hindi kailanman malulutas ang mga isyung ito, sa paglipas ng panahon, madali silang magiging pasibo, at lalong magiging walang interes sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Ang makita ang mga salitang mula sa Diyos tungkol sa pagiging napuri o pinagpala, nagiging masigla sila nang kaunti, at medyo nagkakaroon ng motibasyon; pero kung walang nagbabahagi sa kanila ng katotohanan, kung walang nagbibigay ng motibasyon o papuri sa kanila, nagiging walang interes sila. Kung malimit silang mahangaan, masabihan ng magagandang salita, at mapuri ng mga tao, pakiramdam nila ay maayos na maayos ang lahat, at sa kanilang mga puso, sigurado silang pinoprotektahan at pinagpapala sila ng Diyos. Sa gayong mga pagkakataon, natatamo at natutupad ang kanilang pagnanais na mamukod-tangi sa karamihan, pansamantalang napapawi ang kanilang motibasyong mapagpala, at nagagamit ang kanilang mga kasanayan at talento, na nagbibigay sa kanila ng karangalan. Napapalukso sila sa sobrang saya, napapangiti sila nang husto. Ito ba ang epekto ng paghahangad sa katotohanan? (Hindi.) Ito ay dahil lamang nabibigyang-kasiyahan ang kanilang mga ninanasa. Anong disposisyon ito? Isa itong mapagmataas na disposisyon. Wala silang kahit katiting na kabatiran sa sarili, pero may mga magagarbong ninanasa. Kapag nahaharap sa ilang paghihirap o suliranin, o kung hindi nabibigyang-kasiyahan ang kanilang pagpapahalaga sa sarili at banidad, o kung nakokompromiso kahit bahagya man ang kanilang mga interes, nagiging pasibo sila at nalulugmok. Dati, nakatayo silang kasingtaas ng higante, pero sa loob lamang ng ilang araw ay gumuho na sila at naging isang tumpok ng alikabok—sobrang laki ng pagkakaiba. Kung sila ay isang taong naghahangad ng katotohanan, paanong napakabilis nilang natumba? Malinaw na napakahina ng mga taong nakasandig sa kasigasigan, mga hangarin, at ambisyon; kapag may nasasagupa silang ilang balakid o kabiguan, natutumba sila. Ang makita ang kanilang mga imahinasyon na mauwi sa wala, hindi matupad ang kanilang mga hangarin, at wala silang pag-asang mapagpala, nabubuwal sila kaagad. Ipinapakita nito na kahit gaano pa sila naging masigasig sa kanilang tungkulin nang sandaling iyon, ito ay hindi dahil sa naunawaan nila ang katotohanan. Ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa pag-asang pagpapalain sila, at dahil sa kanilang kasigasigan. Kahit gaano pa kasigasig ang mga tao, o kahit gaano pa karaming salita ng doktrina ang magawa nilang maipangaral, kung wala silang kakayahang isagawa ang katotohanan, kung hindi nila kayang gampanan ang kanilang tungkulin nang ayon sa prinsipyo, kung umaasa lang sila sa kasigasigan, hindi sila makakatagal, at kapag naharap sila sa paghihirap o sakuna, hindi sila makakapanindigan, at mabubuwal sila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa Katotohanan Malulutas ng Tao ang Kanilang mga Kuru-kuro at Maling Pagkaunawa sa Diyos). Inilarawan ng salita ng Diyos ang aking tunay na kalagayan. Noon, pakiramdam ko ay napakasipag ko sa pagganap ng aking mga tungkulin; gaano man karaming paghihirap o pagkukulang ang mayroon ako, handa akong malampasan ang mga ito, at hindi takot sa pagsisikap. Nang maharap sa mga balakid, pinunasan ko ang mga luha ko at nagpatuloy. Kaya bakit hindi ako makahugot ng lakas ngayon? Iyon pala ay dahil ang “pasanin” at “sipag” na mayroon ako noon ay nakasalalay sa paunang kondisyon na mabigyang-kasiyahan ang aking pagnanais, sa halip na tuparin ang aking tungkulin para mapalugod ang Diyos. Nagkakaroon ako ng motibasyon na gawin ang tungkulin ko kapag pinupuri ako ng aking lider at ng mga kapatid, pero noong ako ay tinabasan at iwinasto, nasadlak ako sa pagkanegatibo. Naisip ko na walang anumang napala ang lahat ng pagsisikap ko, kaya naging pasibo ako at tamad, ibinubunton ang mga pagkadismaya ko sa aking tungkulin, at pinagsisihan pang tinanggap ko ang tungkulin na ito. Lubha akong walang konsensya! Sa totoo lang, marami akong natamo habang nagdidilig ng mga baguhan. Natuto akong hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga problema, natuto akong mag-isip nang husto, maging responsable, at mas nag-mature ako. Lahat ito ay mga tunay na pakinabang. Marami akong nakamit, pero isang masakit na salita mula sa lider, at naisip kong wala akong anumang napala. Hindi ko alam kung ano ang mabuti para sa akin. Matapos mapagtanto ito, sumama ang pakiramdam ko. Hindi ako pwedeng magpatuloy na maging napakalungkot; kailangan kong magmadali at hanapin ang katotohanan at ayusin ang aking negatibong kalagayan.

Pagkatapos, nagsimula akong magnilay sa sarili ko. Bakit ako nagkaroon ng matinding reaksyon nang sinabi ng lider ang isang bagay na hindi ko gusto? Nabasa ko ang ilang salita ng Diyos. “Sa normal na mga sitwasyon, umiiral ang isang uri ng mapagmatigas at mapaghimagsik na kalagayan sa kaibuturan ng puso ng mga tao—na ang pangunahing dahilan nito ay, sa kanilang mga puso, mayroon silang isang partikular na uri ng lohika ng tao at mga kuru-kuro ng tao, na ganito: ‘Hangga’t tama ang aking mga layunin, hindi mahalaga kung ano ang kalabasan nito, hindi mo ako dapat iwasto, at kapag ginawa mo iyon, hindi ko kailangang sumunod.’ Hindi sila nagninilay-nilay kung naaayon ba ang kanilang mga kilos sa mga prinsipyo ng katotohanan, o kung ano ang mga kahihinatnan ng mga ito. Ang lagi nilang pinaninindigan ay, ‘Hangga’t mabuti at tama ang aking mga layunin, dapat akong tanggapin ng Diyos. Kahit pa hindi maganda ang kalabasan, hindi mo ako dapat tabasan o iwasto, lalong hindi mo ako dapat kondenahin.’ Ganito ang katwiran ng tao, hindi ba? Mga kuru-kuro ito ng tao, hindi ba? Laging nakapako ang isip ng tao sa sarili niyang pangangatwiran—may pagsunod ba rito? Ginawa mong katotohanan ang sarili mong pangangatwiran at isinantabi ang katotohanan. Naniniwala ka na iyong umaayon sa iyong pangangatwiran ang siyang katotohanan, at iyong hindi umaayon ay hindi. Mayroon pa bang sinumang higit na katawa-tawa? Mayroon bang mas yayabang at lalabis pa ang pagtingin sa sarili? Aling tiwaling disposisyon ang dapat malutas upang matutuhan ang aral ng pagsunod? Ang disposisyon ng kayabangan at pagmamagaling, na siyang pinakamatinding hadlang sa mga taong nagsasagawa ng katotohanan at sumusunod sa Diyos. Ang mga taong may mapagmataas at mapagmagaling na disposisyon ang pinakamalamang na mangatwiran at sumuway, lagi nilang iniisip na tama sila, kaya naman wala nang mas apurahan pa kaysa sa paglutas at pagharap sa mapagmataas at mapagmagaling na disposisyon ng isang tao. Sa sandaling maging mapagpasakop ang mga tao at tumigil na sa sarili nilang pangangatwiran, malulutas ang problema ng paghihimagsik, at magkakaroon sila ng kakayahang sumunod. At para magawa ng mga taong makamit ang pagsunod, kailangan bang taglay nila ang isang partikular na antas ng pagkamakatwiran? Dapat taglay nila ang katinuan ng isang normal na tao. Halimbawa, sa ilang bagay: Kung ginawa man natin ang tamang bagay o hindi, kung hindi nasisiyahan ang Diyos, dapat nating gawin kung ano ang sinasabi ng Diyos, ang mga salita ng Diyos ang pamantayan para sa lahat ng bagay. Makatwiran ba ito? Gayon ang katinuan na dapat masumpungan sa mga tao bago ang anupaman. Kahit gaano pa tayo magdusa, at kahit ano pa ang ating mga layunin, pakay, at dahilan, kung hindi nasisiyahan ang Diyos—kung hindi natugunan ang mga hinihingi ng Diyos—kung gayon walang pag-aalinlangang hindi nakaayon ang ating mga kilos sa katotohanan, kaya dapat tayong makinig at sumunod sa Diyos, at huwag subukang magpalusot o mangatwiran sa Diyos. Kapag nagtataglay ka ng gayong pagkamakatwiran, kapag nagtataglay ka ng katinuan ng isang normal na tao, madaling lutasin ang iyong mga problema, at magiging tunay kang masunurin. Kahit ano pa ang sitwasyong kinalalagyan mo, hindi ka magiging suwail, at hindi mo sasalungatin ang mga hinihingi ng Diyos, hindi mo susuriin kung tama ba o mali, mabuti ba o masama ang mga hinihingi ng Diyos, magagawa mong sumunod—at dahil dito ay malulutas ang iyong kalagayan ng pangangatwiran, pagmamatigas, at pagrerebelde. May ganito bang mga mapaghimagsik na kalagayan ang lahat ng tao sa loob nila? Madalas lumilitaw ang mga kalagayang ito sa mga tao, at iniisip nila sa kanilang sarili, ‘Hangga’t makatwiran ang aking diskarte, mga panukala, at mga mungkahi, kahit labagin ko pa ang mga prinsipyo ng katotohanan, hindi ako dapat tabasan o iwasto, dahil hindi naman ako gumawa ng masama.’ Isang pangkaraniwang kalagayan ito sa mga tao. Ang pananaw nila ay na kung hindi sila nakagawa ng masama, hindi sila dapat tabasan at iwasto; ang mga taong nakagawa lamang ng masama ang dapat tabasan at iwasto. Tama ba ang pananaw na ito? Siyempre hindi. Pangunahing pinupuntirya ng pagtatabas at pagwawasto ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Kung may tiwaling disposisyon ang mga tao, dapat silang tabasan at iwasto. Kung natabasan at naiwasto lang sila matapos makagawa ng masama, huli na ito masyado, dahil nakagawa na sila ng pinsala. At kung nalabag ang disposisyon ng Diyos, mapaparusahan ka, maaaring hindi na gumawa pa sa iyo ang Diyos—kung magkagayon, ano pa ang silbi na iwasto ka? Wala nang ibang magagawa pa kundi ilantad ka at palayasin ka. Ang pangunahing problema na pumipigil sa mga tao na makasunod sa Diyos ay ang kanilang mapagmataas na disposisyon. Kung tunay na nagagawa ng mga taong tanggapin ang paghatol at pagkastigo, magagawa nilang epektibong lutasin ang sarili nilang mapagmataas na disposisyon. Kahit sa ano pang antas nila ito nagagawang lutasin, kapaki-pakinabang ito sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsunod sa Diyos. Ang pagtanggap ng paghatol at pagkastigo ay pinakapangunahin sa lahat upang malutas ang sariling tiwaling disposisyon, ito ay para mailigtas ng Diyos. At kung tunay ngang nagagawa ng mga taong makamit ang lubos na pagsunod sa Diyos, kailangan pa rin ba nilang maranasan ang paghatol at pagkastigo? Kailangan pa rin ba nilang maranasan ang pagtatabas at pagwawasto? Hindi na nila kailangan, dahil nalutas na ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Kapag nahaharap sa paghatol, pagkastigo, pagtatabas at pagwawasto ng Diyos, laging may mga dahilan ang mga tao, pero kahit gaano pa karaming dahilan ang maisip mo, hindi katotohanan ang mga ito, hindi ibig sabihin ng mga ito ay nalutas na ang tiwali mong disposisyon, lalong hindi ibig sabihin nito na tunay kang masunurin sa Diyos. Kaya walang silbi na magdahilan pa; ang pinakamahalaga ay ang lutasin ang problema(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, mas naging malinaw sa akin ang dahilan ng aking pagkanegatibo: Ang dahilan kung bakit ako naging negatibo matapos marinig ang sinabi ng lider na ang ilang tagapagdilig ay hindi epektibo ay dahil ang aking disposisyon ay mapagmatigas, mayabang, at mataas ang tingin ko sa sarili ko. Kapag hindi ko gusto ang opinyon ng isang tao sa akin, mahirap talaga para sa akin na tumanggap at magpasakop. Sa panlabas, hindi ako nangahas makipagtalo, pero tinanggihan ito ng puso ko. Akala ko, nagsumikap ako sa gawain ko bilang tagapagdilig at nagawa ko ang lahat ng aking makakaya. Anupaman, sa puso ko, gusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko. Hangga’t mayroon akong mabuting hangarin, nagsisikap, at nagsasakripisyo, walang makakapagsabi na hindi ako epektibo. Hindi iyon magiging patas sa akin. Pero hindi ko kailanman isinaalang-alang kung ang katwiran na ito ay ang katotohanan, at kung ang tungkulin ko ay talagang epektibo. Kahit na nagsumikap ako, dahil hindi ko naunawaan ang katotohanan at walang karanasan, kapag nahaharap sa totoong mga problema o mga suliranin ang isang baguhan sa kanyang buhay o trabaho, maraming beses na ang nagagawa ko lang ay magsabi ng ilang salita ng doktrina para hikayatin siya. Hindi ko nalutas ang kanyang mga problema sa pagbabahagi ng katotohanan, na magpapaunawa sa kanya sa kalooban ng Diyos, o magbibigay ng isang landas ng pagsasagawa. Isa pa, may mga pagkakataon na walang prinsipyo ang gawain ko dahil hindi ko nauunawaan ang katotohanan, at nagdulot ito ng pinsala sa gawain ng iglesia. Halimbawa, hindi ko itinuring ang mga tao at mga bagay ayon sa salita ng Diyos, o natukoy ang diwa ng mga tao, kaya pikit-mata akong naging mabuti sa ilang walang pananampalataya, palaging sinusuportahan at tinutulungan sila. Iyon pala ay pagtatrabaho iyon nang husto para sa wala. Ang mga walang pananampalatayang ito ay nanatili sa iglesia at nagkalat ng kanilang mga kuru-kuro, ginugulo ang ibang mga baguhan. Sa pagbabalik-tanaw, hindi talaga nagkaroon ng tunay na mga resulta ang gawain ko, at walang anumang makabuluhang silbi. Nang ilantad ng lider ang mga problema ko, bukod sa hindi ko ito tinanggap, naging negatibo pa ako, lumaban, at nagmatigas. Lubha akong hindi makatwiran! Kung titingnan kung paano ko pinangasiwaan ang aking trabaho, dapat ay nagpasalamat ako na tinulutan ako ng iglesia na magpatuloy sa pagdidilig ng mga baguhan. Dapat mas nagsikap pa ako sa katotohanan, at isinaalang-alang at pinagnilayan kung ang tungkulin ko ay may anumang praktikal na epekto, at kung ano ang mga isyu, paglihis o pagkakamali ang nananatili pa rin. Ito ang tanging paraan para lumago, at magampanan nang tama ang aking tungkulin.

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “May mga prinsipyo kung paano pinakikitunguhan ng Diyos ang mga taong madalas na negatibo. Kapag palaging negatibo ang mga tao, may problema rito. Napakarami nang sinabi ng Diyos, nagpahayag na Siya ng napakaraming katotohanan, at kung tunay na nananalig sa Diyos ang isang tao, pagkatapos niyang mabasa ang mga salita ng Diyos at maunawaan ang katotohanan, lalong mababawasan ang mga negatibong bagay na nasa kanya. Kung lagi na lang negatibo ang mga tao, tiyak na hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan, kaya naman sa sandaling may makaharap silang taliwas sa sarili nilang mga kuru-kuro, magiging negatibo sila. Bakit hindi nila hinahanap ang katotohanan sa mga salita ng Diyos? Bakit hindi nila tinatanggap ang katotohanan? Siguradong ito ay dahil mayroon silang mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, at higit pa rito, hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan. Kaya papansinin pa rin ba sila ng Diyos kapag ganito ang pagharap nila sa katotohanan? Hindi ba tinatablan ng katwiran ang gayong mga tao? Ano ang saloobin ng Diyos sa mga hindi tinatablan ng katwiran? Isinasantabi Niya sila at hindi sila pinapansin. Maniwala ka sa anumang paraan mo gusto; maniwala ka man o hindi, ikaw ang bahala; kung tunay kang naniniwala at naghahangad ng katotohanan, makakamit mo ang katotohanan; kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, hindi mo ito matatamo. Tinatrato ng Diyos ang bawat tao nang patas. Kung wala kang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan, kung wala kang saloobin ng pagsunod, kung hindi ka nagsisikap na matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, bahala ka nang maniwala paano mo man naisin; gayundin, kung mas gugustuhin mong umalis, maaari mo itong gawin kaagad. Kung hindi mo nais na gawin ang iyong tungkulin, hindi ka pipilitin ng sambahayan ng Diyos; maaari kang pumunta saan mo man gusto. Hindi hinihimok ng Diyos ang gayong mga tao na manatili. Iyon ang Kanyang ugali(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos (3)). Nang mabasa ang mga salita ng paglalantad ng Diyos, natakot ako, at nadama kong hindi nalalabag ang disposisyon ng Diyos. Hindi ko matanggap ang mga salita na totoo mula sa lider, kundi nagkaroon ng hindi makatwiran at mapagkumpitensyang mga saloobin, at naging pasibo at tamad sa gawain. Hindi ko tinatanggap ang katotohanan, nayayamot ako rito! Kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos ang aking saloobin sa katotohanan. Malinaw ang saloobin ng Diyos sa mga taong katulad ko: Isasantabi Niya sila. Ang totoo ay hamak ako, subalit mayroon akong napakataas na pagtingin sa sarili ko. Hindi malinaw sa akin ang tunay kong tayog, kakayahan, o abilidad sa gawain, at laging gustong sang-ayunan at purihin ng mga tao. Gusto ko ng katayuan sa paningin ng iba, at na isipin nilang espesyal ako. Napakayabang ko at hindi makatwiran! Pagkatapos kong malinaw na makita ang problema ko, nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, hindi ko po kayang aminin kung ano talaga ako, napakamanhid ko. Ayokong magpatuloy sa pagiging ganito kanegatibo. Pakiusap akayin Mo po ako para magampanan nang maayos ang tungkulin ko.”

Pagkatapos niyon, naghanap ako ng landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos, at nakita ko ang mga salitang ito: “Anuman ang mangyari, hindi dapat lunasan ang pagiging pasibo sa pamamagitan ng mga pamamaraang pasibo at negatibo. Iniisip ng ilang tao na dapat hindi nila pansinin kapag umuusbong sa kanila ang pagiging pasibo; kung maghihintay sila hanggang sa sila ay maging masaya, ang kanilang pagiging pasibo ay kusang magiging kagalakan. Pantasya ito. Kung hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi mawawala nang kusa ang kanilang pagiging pasibo. Kahit pa kalimutan mo ito, at hindi ito madama sa iyong puso, hindi pa rin ibig sabihin nito na nalutas na ang pagiging pasibo sa ugat nito; sa sandaling naharap ka sa tamang sitwasyon, aatake itong muli—napakadalas nitong mangyari. Kung matalino at may pag-unawa ang mga tao, dapat mabilis nilang hanapin ang katotohanan kapag lumilitaw ang pagiging pasibo, gamit ang pagtanggap sa katotohanan bilang pamamaraan para lunasan ito. Kapag ganito sila kumilos, maaayos nila ang problema ng pagiging pasibo mula sa ugat nito. Para sa lahat ng taong madalas na pasibo, dulot ito ng kawalan ng kakayahang tanggapin ang katotohanan. … Kung nalubog ka sa pagiging pasibo dahil sa iisang bagay, sa iisang pangungusap, o sa iisang ideya o opinyon, at umusbong ang mga hinaing sa iyong puso, pinatutunayan nito na ang kaalaman mo patungkol sa bagay na ito ay lihis, na mayroon kang mga kuru-kuro at mga imahinasyon, at ang pananaw mo ukol sa bagay na ito ay tiyak na hindi kaayon ng katotohanan. Sa ganitong mga panahon, kinakailangan mong hanapin ang katotohanan at harapin nang tama ang bagay na ito, pagsumikapang baguhin ang mga maling kuru-kuro at imahinasyon na ito nang maaga at sa lalong madaling panahon, huwag mong hayaan ang iyong sarili na matisod at mailigaw ng mga kuru-kurong ito, at mailubog sa kalagayan ng pagsuway, kawalang-kasiyahan, at paghihinanakit sa Diyos. Napakahalaga na agaran at lubusang malutas ang pagiging pasibo. Siyempre, anuman ang kaparaanan o sistema, ang pinakamainam na diskarte ay hanapin lamang ang katotohanan, magbasa pang lalo ng mga salita ng Diyos, at lumapit sa harap ng Diyos upang hangarin ang kaliwanagan ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). “Hindi madaling gampanan nang maayos ang tungkulin ng isang tao na bigyang-kasiyahan ang Diyos, at magkaroon ng takot sa Diyos at maiwasan ang kasamaan. Subalit sinasabi Ko sa inyo ang isang prinsipyo ng pagsasagawa: Kung may saloobin ka ng paghahanap at pagsunod sa harap ng mga bagay-bagay, poprotektahan ka nito. Ang pangunahing mithiin ay hindi ang maprotektahan ka. Ito ay ang maipaunawa sa iyo ang katotohanan, at makapasok sa realidad ng katotohanan, at matamo ang kaligtasan ng Diyos; ito ang pangunahing mithiin. Kung ganito ang pag-uugali mo sa lahat ng nararanasan mo, hindi mo na madarama na ang pagganap sa iyong tungkulin at pagtupad sa kalooban ng Diyos ay mga hungkag na salita at mga palasak na opinyon; hindi na ito parang napakahirap. Sa halip, bago mo pa matanto, mauunawaan mo na ang ilang katotohanan. Kung susubukan mo itong maranasan, tiyak na aani ka ng mga gantimpala. Hindi mahalaga kung sino ka, kung ilang taon ka na, kung gaano ka kaedukado, kung ilang taon ka nang naniniwala sa Diyos, o kung anong tungkulin ang ginagampanan mo. Basta’t mayroon kang saloobin ng paghahanap at pagsunod, basta’t ganito ang nararanasan mo, sa huli, tiyak na mauunawaan mo ang katotohanan at makakapasok ka sa realidad ng katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng isang landas ng pagsasagawa. Kapag nahaharap sa mga bagay na sumasalungat sa iyong mga pananaw o nagdudulot ng mga negatibong emosyon, dapat kang lumapit agad sa Diyos at manalangin at maghanap ng katotohanan, at magkaroon ng saloobin ng pagsunod. Kahit na pakiramdam mo ay naagrabyado ka o nalilito, magsimula ka sa pamamagitan ng hindi paglaban o pakikipagtalo, at magnilay kung anong mga problema ang mayroon ka, anong mga aspeto ang hindi mo nagawa nang maayos, at kung alin ang pwede mong mapabuti o magawa nang mas mahusay. Kahit na hindi mo ito makita kaagad, dapat kang maghanap ng mga nauugnay na salita mula sa Diyos para basahin, o makipagbahaginan sa isang taong nakakaunawa sa katotohanan. Sa ganitong saloobin ng pagtanggap sa katotohanan, madaling makamit ang kaliwanagan ng Diyos, makita ang iyong mga problema, at malaman kung aling mga prinsipyo ng katotohanan ang papasukin. Nang maunawaan ito, alam ko na sa hinaharap, hindi ko pwedeng gamitin ang negatibo, mapanlaban na saloobin sa pagharap sa mga sitwasyon; masasaktan lang ako nito. Kahit na maraming karanasan, hinding-hindi ko matututunan ang aral ko, o makakamit ang katotohanan. Hindi ako lalago o aani ng mga pakinabang.

Kalaunan, nang suriin ng lider ang gawain ko, napagtanto ko na ang aking pabaya, pasibo, at tamad na pag-uugali ay nakaapekto na sa gawain ng iglesia. Nailigaw na ng mga pastor ng relihiyon ang ilang baguhan, nagkaroon ng mga kuru-kuro sa mga isipan nila tungkol sa gawain ng Diyos, at iniwan ang grupo ng pagtitipon. Ang ilan ay naligaw ng mga sabi-sabing ipinakalat ng CCP, at tumigil sa pagdalo sa mga pagtitipon. Nang makita ko ang mga problemang ito, natakot talaga ako at kinamuhian ang sarili ko. Ano ang nagawa ko sa buong panahong ito? Wala akong nagawang praktikal na gawain, nalublob lamang sa sarili kong pagkanegatibo. Lagi kong iniisip noon na ang aking pagpasok sa buhay lamang ang nagdusa noong namuhay ako sa negatibong kalagayan. Ginawa ko ang lahat ng hinihingi ng tungkulin ko, at hindi naglabas ng aking pagkanegatibo, o sinadyang gambalain ang gawain ng iglesia. Kadalasan ay sinasaktan ko lang ang sarili ko. Pero ang totoo, ang pamumuhay sa pagkanegatibo ay nagdudulot ng mga kapuna-punang problema na hindi nalulutas, mga responsibilidad na hindi natutugunan, kawalang-katapatan sa tungkulin ko, at hinadlangan nito ang gawain ng iglesia. Sa isiping ito, pinagsisihan ko talaga ang nagawa ko. Bakit hindi ako nagmadaling lumapit sa Diyos at naghanap ng katotohanan sa sandaling nasadlak ako sa pagkanegatibo? Kung hinanap ko ang katotohanan at binago ang kalagayan ko sa tamang oras, kahit na mahina ang kakayahan ko at limitado ang mga problemang natanto ko, kahit papaano ay hindi sana humantong sa ganito kasama ang mga bagay-bagay. Sa isiping ito, napuno ang puso ko ng pagsisisi at pagkakonsensya. Nanalangin ako sa Diyos, sinasabing babawi ako rito gamit ang totoong pagkilos, at bigyan ng higit na importansiya ang paghahanap ng mga prinsipyo ng katotohanan sa aking tungkulin. Nang hindi na ako namuhay sa pagkanegatibo at ginawa ang lahat ng aking makakaya para gumawa ng praktikal na gawain, nakaramdam ako ng ginhawa at kapayapaan, at bumalik sa normal ang kalagayan ko. Nagawa kong matuto mula sa mga sitwasyon at umani ng mga pakinabang. Pagkatapos, kapag ginagawa ko ang tungkulin ko, minsan ay lumilitaw ang mga problema at paglihis sa gawain, at pinaaalalahanan at iwinawasto ako ng aking lider. Medyo nagiging negatibo pa rin ako, pero alam kong may matututunan ako rito, at tiyak na nasa akin ang problema; hindi ako gumagawa ayon sa prinsipyo. Hindi ako pwedeng magmatigas; kailangan kong hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang aking sarili. Sa ganitong saloobin, mabilis na nalulutas ang aking negatibong kalagayan, at sa bawat pagkakataon na pinaaalalahanan at iwinawasto ako ng lider, mas malinaw kong nakikita ang mga paglihis at pagkukulang sa tungkulin ko, at nauunawaan ang ilang prinsipyo ng katotohanan. Talagang itinatak sa akin ng lahat ng karanasang ito kung gaano kahalaga na tanggapin ang katotohanan. Ang pagtanggap sa katotohanan ay nagbibigay sa atin ng isang landas pasulong, at magiging mas lalong epektibo ang ating tungkulin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman