Ang Pagpapatotoo sa Diyos ay Tunay na Paggawa ng Tungkulin

Hulyo 9, 2022

Ni Judy, Timog Korea

Kamakailan, napanood ko ang ilang video ng mga patotoong batay sa karanasan ng mga baguhan, at naantig talaga ako. Kahit na dalawa o tatlong taon pa lang silang nananalig, nakakapagbahagi na sila ng kanilang mga patotoong batay sa karanasan. Hiyang-hiya talaga ako, at nagsimula akong magnilay kung bakit kahit na maraming taon na akong nananalig, hindi pa rin ako makapagpatotoo sa Diyos. Isang araw, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang naranasan at nakita ninyo ay higit pa sa mga santo at propeta mula sa lahat ng kapanahunan, ngunit kaya ba ninyong magbigay ng patotoo na higit pa sa mga salita ng mga dating santo at propetang ito? Ang ipinagkaloob Ko sa inyo ngayon ay higit pa kay Moises at higit pa kay David, kung kaya’t hinihiling Ko na ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang inyong mga salita ay maging higit pa kay David. Sandaang beses ang Aking ibinibigay sa inyo—kaya’t hinihiling Ko rin sa inyo na katumbas noon ang ibalik sa Akin. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ang inyong tungkulin na Aking ipinapadala sa inyo at nararapat ninyong gawin para sa Akin. Ipinagkaloob Ko na sa inyo ang lahat ng Aking kaluwalhatian, ipinagkaloob Ko sa inyo ang buhay na hindi kailanman natanggap ng hinirang na bayan, ang mga Israelita. Kung tutuusin, dapat kayong magpatotoo sa Akin at italaga ang inyong kabataan at ialay ang inyong buhay sa Akin. Ang sinumang pagkalooban Ko ng Aking kaluwalhatian ay dapat na magpatotoo sa Akin at mag-alay ng kanilang buhay para sa Akin. Matagal Ko na itong naitadhana. Mapalad kayo na ipinagkakaloob Ko ang Aking kaluwalhatian sa inyo, at ang inyong tungkulin ay magpatotoo sa Aking kaluwalhatian. Kung maniniwala kayo sa Akin upang magtamo lamang ng mga pagpapala, walang gaanong magiging kabuluhan ang Aking gawain, at hindi ninyo maisasakatuparan ang inyong tungkulin. … Ang natanggap ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, at ang Aking buhay, kundi isang pangitain at pahayag na higit pa kaysa kay Juan. Naunawaan ninyo ang higit na maraming misteryo, at nasaksihan na rin ang Aking tunay na mukha; higit pa ang natanggap ninyo sa Aking paghatol at higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking matuwid na disposisyon. Kung kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, ang inyong pang-unawa ay sa nauna at nakalipas, at naranasan na rin ninyo ang mga bagay sa kasalukuyan, at ang lahat ng ito ay personal Kong ginawa. Hindi labis ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat napakarami Ko nang naibigay sa inyo, at marami na ang nakita ninyo sa Akin. Samakatuwid, hinihiling Ko sa inyong magpatotoo para sa Akin sa mga banal ng mga nagdaang kapanahunan, at ito lamang ang nais ng Aking puso(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). Matapos mabasa ang salita ng Diyos, labis akong natuwa, pero nakonsensya rin talaga ako. Natuwa ako dahil masuwerte ako na maranasan ang gawain ng Diyos at matamasa ang pagtutustos ng mga salita ng Diyos, pero nakonsensya ako dahil kahit na maraming taon na akong nananalig sa Diyos at labis ko nang natamasa ang biyaya ng Diyos, wala akong patotoo sa Diyos. Naisip ko kung paanong sa mga huling araw, malayang ibinigay ng Diyos sa atin ang maraming katotohanan, ibinubunyag at hinahatulan ang ating katiwalian, pinaaalalahanan tayo, hinihikayat tayo, pinalalakas ang loob natin, at pinagiginhawa tayo, pero dahil hindi natin hinahanap ang katotohanan, at mahina ang kakayahan nating makaintindi, ang Diyos ay detalyadong nagbabahagi sa atin tungkol sa lahat ng aspeto ng katotohanan, nagbibigay sa atin ng mga halimbawa at analohiya, at ipinapaliwanag ito sa atin nang masinsinan para matiyak na mauunawaan natin ito. Labis nang nagsikap at nagbayad ng halaga ang Diyos para sa atin, at ginagawa Niya ito dahil gusto Niyang maunawaan natin ang katotohanan at makilala natin Siya, maalis natin sa ating sarili ang ating tiwaling disposisyon, at magbago at magsisi talaga tayo. Ito ang patotoong gusto ng Diyos. Tatlumpung taon na mula nang sinimulan Niya ang Kanyang gawain. Napakarami na Niyang ginawa at ipinahayag na katotohanan, at gusto Niyang makita ang ating patotoo. Kahit pa mababaw ito, tinatanggap Niya ito kung totoo ito. Umaasa ang Diyos na maibabahagi natin ang mga pakinabang at kaalaman na naranasan natin sa Kanyang gawain at makapagsusulat tayo ng mga artikulo ng patotoo dahil ito ang bunga ng gawain ng Diyos at ang sagisag ng Kanyang pagsisikap. Tapos, naisip ko ang sarili ko. Kahit na napakarami nang ibinigay ng Diyos sa akin, hindi ko sinubukang isipin kung aling mga aspeto ng katotohanan ang nauunawaan ko at kung aling katotohanang realidad ang napasok ko na, dahil sa doktrinal ko lang nauunawaan ang karamihan sa salita ng Diyos, pero hindi ko ito seryosong pinagnilayan, isinagawa, o naranasan. Kaya, pagdating sa pagpapatotoo sa Diyos at pagsusulat ng mga artikulo ng patotoo, natakot ako at nahiya, at napakaliit lang ng ginawa ko para dito. Ang maisip na kahit maraming taon na akong nananalig, ay hindi pa rin ako makapagsulat ng tungkol sa karanasan ko, at na wala akong patotoo, ay nagpabalisa sa akin nang husto.

Minsan, tinanong ako ng isang sister kung gusto kong isagawa ang pagsusulat ng mga patotoong batay sa karanasan. Sumang-ayon ako noong panahong iyon, pero nagsulat lang ako nang kaunti at pagkatapos ay isinantabi ito. Kahit na hindi ako namahala ng maraming gawain, pakiramdam ko palagi ay napakaabala ko at wala akong oras na magsulat. Kaya, bawat araw ay ipinagpapaliban ko ang pagsusulat ng mga artikulo. Kalaunan, gumawa ako ng iskedyul ng pagsusulat, pero kapag dumarating ang oras, abala pa rin ako sa ibang mga bagay sa tungkulin ko, kaya hindi ko mapakalma ang sarili ko para magsulat. Nagkaroon ako ng iba’t ibang dahilan at palusot. Minsan, sinasabi ko na mababa lang ang pinag-aralan ko, o na hindi mahusay ang kakayahan ko, kaya hindi ako magaling magsulat. Sa ibang pagkakataon, sinasabi kong abala ako at walang panahon, kaya saka ko na ito gagawin. Minsan, ang tingin ko pa nga ay hindi naman masyadong mahalaga ang pagsusulat ng mga artikulo, at ang pinakamahalaga ay ang pag-aasikaso ng pang-araw-araw na gawain ko, dahil kapag ipinagpaliban ko ito, tatabasan ako at iwawasto, o, tatanggalin ako kung malala ito. Wala namang pumuna sa akin sa hindi ko pagsusulat ng mga patotoong batay sa karanasan. Nang isipin ko ito nang ganito, lalo kong hindi sineryoso ang pagsusulat ng mga artikulo, at hindi ko ito itinuring na isang mahalagang bahagi ng tungkulin ko. Sa ganitong paraan, nakulong ako sa kalagayang ito na pagiging mapagmatigas at suwail, at naging napakapasibo sa usapin ng pagsusulat ng mga patotoong batay sa karanasan.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagbago nang kaunti ang pananaw ko. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka naniniwala sa Akin? Alam mo na ba talaga ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo na ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo na ba talaga ang Aking patotoo? Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit walang bakas ng Aking kaluwalhatian o patotoo sa iyo, matagal na kitang inalis kung gayon. Para sa mga nakakaalam ng lahat ng bagay, sila’y lalo pang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking tahanan, mga hadlang lamang sila sa Aking daan, sila ay mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip palayo sa Aking gawain, wala silang silbi, wala silang halaga, at matagal Ko na silang kinasusuklaman. Madalas bumabagsak ang Aking poot sa lahat ng walang patotoo, at hindi kailanman lumilihis sa kanila ang Aking pamalo. Matagal Ko na silang ibinigay sa mga kamay ng masama; at wala na sa kanila ang Aking mga pagpapala. Kapag dumating ang araw, ang kanilang pagkastigo ay magiging mas mabigat pa kaysa sa pagkastigo sa mga hangal na babae. Ngayon, ginagampanan Ko lang ang gawaing tungkulin Kong gampanan; pagbubungkus-bungkusin ko ang mga trigo, kasama ng mga panirang damo. Ito ang Aking gawain ngayon. Itatahip ang mga panirang damo sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip na ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang maging alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, iyon ay, upang ganap na lupigin sila. Saka Ko sisimulan ang magtahip upang ibunyag ang katapusan ng lahat ng tao. Kung kaya’t dapat mo nang malaman kung paano mo Ako dapat bigyang-kaluguran ngayon, at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin. Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin ngayon, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nasa katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging masunurin hanggang sa huli(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). Malinaw na ipinahayag sa sipi na ang mga nananalig sa Diyos ay dapat magpatotoo sa Diyos at na ito ay tungkulin ng isang tao. Kapag hindi makapagpatotoo ang mga nananalig sa Diyos, kamumuhian sila ng Diyos. Nadama ko ang poot ng Diyos nang mabasa ko ang mga linyang ito ng salita ng Diyos: “Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit walang bakas ng Aking kaluwalhatian o patotoo sa iyo, matagal na kitang inalis kung gayon. Para sa mga nakakaalam ng lahat ng bagay, sila’y lalo pang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking tahanan, mga hadlang lamang sila sa Aking daan, sila ay mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip palayo sa Aking gawain,” at “Madalas bumabagsak ang Aking poot sa lahat ng walang patotoo, at hindi kailanman lumilihis sa kanila ang Aking pamalo. Matagal Ko na silang ibinigay sa mga kamay ng masama; at wala na sa kanila ang Aking mga pagpapala. Kapag dumating ang araw, ang kanilang pagkastigo ay magiging mas mabigat pa kaysa sa pagkastigo sa mga hangal na babae.” Matapos manalig sa Diyos sa loob ng maraming taon, matapos mabasa ang napakaraming salita ng Diyos, mapakinggan ang hindi mabilang na mga sermon at pagbabahagi, maranasan ang pagtatabas, pagwawasto, mga dagok, at kabiguan, at maranasan ang pagbibigay-liwanag, paggabay, at pagdidisiplina ng Banal na Espiritu, hindi pa rin ako makapagpatotoo sa Diyos. Mayroon akong kaunting karanasan at kaalaman, pero ayaw kong magsikap sa pagsusulat. Buong araw akong nag-aasikaso ng mga panlabas na bagay, pero hindi ako nagtuon sa paghahanap sa katotohanan para malutas ang mga tiwali kong disposisyon, at hindi ako naghangad na umunlad sa katotohanan. Mula sa karaniwan kong nararanasan, nagtamo ako ng kaunting kaalaman at liwanag, pero hindi ako nagnilay at nagtamo ng kalinawan para makapagtamo ako ng tunay na pagkaunawa, at paglipas ng panahon, nawala sa akin ang natamo ko, at nabaon ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Ginunita ko noong isinasagawa ko ang pagdidilig ng mga baguhan noon. Ni hindi ako makapagbahagi nang maayos tungkol sa katotohanan ng pagpapatotoo sa gawain ng Diyos. Medyo mababaw ang mga bagay na ibinahagi ko, at hindi ko maunawaan ang mga pangunahing punto. Kalaunan, noong nangangaral ako ng ebanghelyo, hindi ko rin maunawaan ang mga pangunahing punto para masuri ang mga kuru-kurong panrelihiyon o mga kamalian ng mga anticristo nang malinaw o sa nakakakumbinsing paraan. Sa bawat aspeto ng katotohanan, bahagya lang ang nauunawaan ko, at hindi ako makapagbahagi nang malinaw. Sa mga pagtitipon, kapag nagbabahagi tungkol sa mga problema sa pagpasok sa buhay, madalas na nahihikayat ko lamang ang mga tao gamit ang mabababaw na kasabihan, o nagbibigay ako ng ilang walang kabuluhang teorya at mabababaw na pagkaunawa. Hindi ko malutas ang ugat ng mga problema, at hindi epektibo ang patotoo ko sa Diyos. Ang pagkaunawa ko sa anumang aspeto ng katotohanan ay mga titik at doktrina lamang, nang walang mga katotohanang realidad. Nakita ko na maraming taon na akong nananalig sa Diyos pero hindi ako makapagpatotoo sa Diyos. Medyo nagsikap lang ako at gumawa ng ilang gawain, pero hindi ko talaga tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at hindi rin ako nagkaroon ng anumang patotoo sa pagkaunawa ko sa katotohanan at pagbabago ng aking disposisyon sa buhay. Naalala ko nang sinabi ng Diyos na ang ganitong mga tao ay “tinik sa Kanyang mata,” “mga hadlang,” at “mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip.” Hindi humuhupa ang poot ng Diyos sa ganitong mga tao. Nang maisip ko ito ay naging miserable ako. Maraming taon na akong nananalig sa Diyos pero wala akong natutunan. Pakiramdam ko ay wala akong silbi, at isang malaking kahihiyan. Ang Diyos ay partikular na namumuhi sa ganitong mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti, at galit na galit Siya sa kanila. Kahit na ginagawa ng ganitong mga tao ang mga tungkulin nila, dahil hindi nila hinahanap ang katotohanan, hindi sila makatatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu, at sa huli, wala silang patotoo ng pagbabago ng disposisyon, at hindi maliligtas ng Diyos. Nang makita ko ang saloobin ng Diyos sa ganitong mga tao, lubos na napabulaanan ang aking mga kuru-kuro. Inisip ko noon na kung ginawa ko ang gawaing ipinagkatiwala sa akin ng iglesia, kung hindi ako gagawa ng masama, hindi gagawa ng malalaking pagkakamali sa tungkulin ko, at hindi gagawa ng matitinding paglabag, at hindi ako aalisin, ito ay tila ba ligtas na ako, at may pag-asa na akong maligtas. Nakita ko ngayon na hindi ito tugma sa mga hinihingi ng Diyos. Ito ay sarili ko lang na kuru-kuro at pangangarap nang gising. Ang pananalig sa Diyos ay hindi lamang pagtatrabaho nang husto sa tungkulin mo, pagsunod sa ilang patakaran, at hindi paggawa ng hayagang kasamaan. Kung maraming taon ka nang nananalig sa Diyos pero wala ka pa ring patotoo, papalayasin ka sa huli. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung dumating ang isang araw na hindi mo mapatotohanan ang lahat ng nakita mo ngayon, nawalan ka na ng silbi bilang isang nilalang, at mawawalan na ng anumang kahulugan ang iyong buhay. Hindi ka magiging karapat-dapat na maging tao. Masasabi pa na hindi ka magiging tao! Napakalaki ng nagawa Kong gawain sa inyo, ngunit dahil wala kang natututuhan sa kasalukuyan, wala kang kamalayan sa anuman, at hindi ka epektibo sa iyong mga pagsusumikap, kapag panahon na para palawakin Ko ang Aking gawain, tititig ka lamang sa kawalan, walang imik at lubos na walang-silbi. Hindi ka ba nito gagawing makasalanan habampanahon? Pagdating ng panahong iyon, hindi mo ba madarama ang pinakamatinding pagsisisi?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?). Nahiya ako dahil sa mga salita ng Diyos, at kasabay nito ay lubos akong nabalisa. Pakiramdam ko ay hindi ako pwedeng magpatuloy nang ganoon, at kailangan kong isagawa ang pagsusulat ng mga artikulo upang magpatotoo sa Diyos.

Nang magsulat na talaga ako, mayroon pa ring ilang paghihirap at balakid. Noong una, hindi ko maiayos ang karanasan ko, at hindi ko alam kung saan magsisimula, saka may iba pang gawain na mas apurahan, kaya ibang mga bagay ang inasikaso ko. Pagkatapos noon, binigyan ko pa rin ng mga palusot ang sarili ko. Naisip ko na kaya ng iba na magsulat ng isang buong artikulo ng patotoo sa loob ng kalahating araw, pero hindi ko ito kaya kung walang tahimik na kapaligiran at sapat na oras, at na tila hindi sapat ang kakayahan ko upang magsulat ng mga artikulo, kaya tumigil ako ulit sa pagsusulat. Nagsimula akong mag-isip-isip tungkol dito pagkatapos niyon. Bakit ba napakapasibo ko pagdating sa pagsusulat ng mga artikulo ng patotoo? Bakit ako sumang-ayon na sumulat, pero hindi ako gumawa ng kahit na ano? Isang araw, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko. Sabi ng Diyos: “Paano mo malalaman at makikilala ang isang satanikong disposisyon? Batay sa mga bagay na hilig gawin ni Satanas, pati na rin sa mga pamamaraan at panlilinlang na ginagamit nito sa paggawa ng mga bagay-bagay, makikita ng isang tao na hindi nito kailanman gusto ang mga positibong bagay, na kasamaan ang gusto nito, at na palagi nitong iniisip na may kakayahan ito at na nakokontrol nito ang lahat ng bagay. Ito ang mapagmataas na kalikasan ni Satanas. Iyon ang dahilan kung bakit walang-prinsipyong itinatatwa, nilalabanan, at sinasalungat ni Satanas ang Diyos. Si Satanas ang kinatawan at pinagmumulan ng lahat ng negatibong bagay at lahat ng masasamang bagay. Kung malinaw mo itong nakikita, mayroon kang pagkakilala sa mga satanikong disposisyon. Hindi isang simpleng bagay para sa mga tao na tanggapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan, dahil silang lahat ay may mga satanikong disposisyon, at lahat sila ay napipigilan at nagagapos ng kanilang mga satanikong disposisyon. Halimbawa, kinikilala ng ilang tao na mabuting maging isang matapat na tao, at naiinggit sila at nagseselos kapag nakikita nilang ang iba ay matapat, nagsasabi ng totoo, at nagsasalita nang simple at bukas ang puso, ngunit kung hihilingin mo sa kanila na sila mismo ay maging matatapat na tao, nahihirapan sila. Sadyang wala silang kakayahang magsalita ng mga tapat na salita at gumawa ng mga tapat na bagay. Hindi ba’t isa itong satanikong disposisyon? Nagsasabi sila ng mga bagay na masarap pakinggan, pero hindi naman nila isinasagawa ang mga ito. Ito ay pagkayamot sa katotohanan. Ang mga nayayamot sa katotohanan ay nahihirapang tanggapin ang katotohanan at wala silang paraan para makapasok sa mga katotohanang realidad. Ang pinakanakikitang kalagayan ng mga taong nayayamot sa katotohanan ay na hindi sila interesado sa katotohanan at sa mga positibong bagay, nasusuklam at namumuhi pa nga sila sa mga ito, at gustong-gusto nilang sumunod sa mga kalakaran. Hindi nila tinatanggap sa kanilang puso ang mga bagay na minamahal ng Diyos at ang mga hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao. Sa halip, wala silang pakialam at wala silang interes sa mga ito, at madalas pa ngang kinamumuhian ng ilang tao ang mga pamantayan at prinsipyong hinihingi ng Diyos sa mga tao. Ayaw nila sa mga positibong bagay, at palagi silang nakadarama sa puso nila ng paglaban, pagtutol, at labis na pagkasuklam sa mga ito. Ito ang pangunahing pagpapamalas ng pagkayamot sa katotohanan. Sa buhay-iglesia, ang pagbabasa ng salita ng Diyos, pagdarasal, pagbabahaginan sa katotohanan, pagganap sa mga tungkulin, at paglutas ng mga problema gamit ang katotohanan ay pawang mga positibong bagay. Kasiya-siya ang mga ito para sa Diyos, pero ang ilang tao ay nasusuklam sa mga positibong bagay na ito, walang pakialam sa mga ito, at walang interes sa mga ito. Ang pinakanakapopoot na bahagi ay na may mapangutya silang saloobin sa mga positibong tao, gaya ng matatapat na tao, mga naghahangad sa katotohanan, mga matapat na gumaganap ng kanilang mga tungkulin, at mga pumoprotekta sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Palagi nilang sinusubukang batikusin at ibukod ang mga taong ito. Kung matuklasan nilang may mga pagkukulang o paghahayag ng katiwalian ang mga ito, sinusunggaban nila ito, gumagawa sila ng malaking gulo tungkol dito, at palagi nilang hinahamak ang mga ito dahil dito. Anong uri ng disposisyon ito? Bakit sila galit na galit sa mga positibong tao? Bakit nila labis na kinagigiliwan at pinagbibigyan ang masasamang tao, ang mga walang pananampalataya, at ang mga anticristo, at bakit sila madalas na nagloloko kasama ang gayong mga tao? Pagdating sa mga may kinalaman sa mga negatibo at masasamang bagay, nasasabik at natutuwa sila, pero pagdating sa mga positibong bagay, nagsisimulang lumitaw sa kanilang saloobin ang paglaban; sa partikular, kapag naririnig nilang nagbabahagi ng katotohanan ang mga tao o lumulutas ng mga problema gamit ang katotohanan, may pagkainip at kawalang-kasiyahan sa kanilang puso, at naglalabas sila ng mga hinanakit. Hindi ba’t pagkayamot sa katotohanan ang disposisyong ito? Hindi ba’t paghahayag ito ng isang tiwaling disposisyon? Maraming taong nananalig sa Diyos ang gustong gumawa ng gawain para sa Kanya at masiglang magpakaabala para sa Kanya, at pagdating sa paggamit ng kanilang mga kaloob at kalakasan, pagbibigay-layaw sa kanilang mga kagustuhan at pagpapakitang-gilas, hindi sila nauubusan ng enerhiya. Pero kung hihilingin mo sa kanila na isagawa ang katotohanan at kumilos nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, nawawalan sila ng enerhiya, at nawawalan sila ng sigla. Kapag hindi sila pinapayagang magpakitang-gilas, nawawalan sila ng gana at nasisiraan ng loob. Bakit sila may enerhiya para sa pagpapakitang-gilas? At bakit sila walang enerhiya para sa pagsasagawa ng katotohanan? Ano ang problema rito? Gusto ng lahat ng tao na maging natatangi; nagnanasa silang lahat ng hungkag na kaluwalhatian. Ang lahat ay may hindi maubos-ubos na enerhiya pagdating sa pananalig sa Diyos alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala at gantimpala, kaya bakit sila nawawalan ng gana, bakit sila nasisiraan ng loob pagdating sa pagsasagawa ng katotohanan at pagtalikod sa laman? Bakit ito nangyayari? Pinatutunayan nito na may karumihan ang puso ng mga tao. Nananalig sila sa Diyos para lang magtamo ng mga pagpapala—sa madaling salita, ginagawa nila ito para makapasok sa kaharian ng langit. Kapag walang hahangaring mga pagpapala o pakinabang, nawawalan ng gana at nasisiraan ng loob ang mga tao, at wala silang kasigla-sigla. Ang lahat ng ito ay bunga ng isang tiwaling disposisyon na nayayamot sa katotohanan. Kapag nakokontrol ng disposisyong ito, ayaw ng mga taong piliin ang landas ng paghahangad sa katotohanan, tinatahak nila ang sarili nilang daan, at pinipili nila ang maling landas—alam na alam naman nilang maling hangarin ang katanyagan, pakinabang, at katayuan pero hindi pa rin nila kayang mabuhay nang wala ang mga ito o na isantabi ang mga ito, at hinahangad pa rin nila ang mga ito, tinatahak ang landas ni Satanas. Sa ganitong sitwasyon, hindi ang Diyos ang sinusunod nila, kundi si Satanas. Ang lahat ng ginagawa nila ay pagseserbisyo kay Satanas, at sila ay mga alipin ni Satanas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Noon, hindi ako nagsisikap na magsulat ng mga artikulo. Medyo nakonsensya lang ako pansamantala rito at walang masyadong pakialam tungkol dito. Hindi ko inisip na malaki itong problema. Sa pamamagitan lamang ng paghahayag ng salita ng Diyos ko nakita na pagkayamot ito sa katotohanan, isang uri ng satanikong disposisyon. Ang pagsusulat ng mga artikulo ay nangangailangan ng karanasan at kaalaman, at kailangan din ng oras para mag-isip. Dapat nating pakalmahin ang ating sarili, pagnilayan ang salita ng Diyos, hanapin ang katotohanan, at pagnilayan ang ating sarili. Kaya noong hiningi sa akin na hanapin ang katotohanan, pagnilayan ang salita ng Diyos, at sumulat ng mga artikulo, tumanggi ako at lumaban ako sa puso ko. Marami nang ibinahagi ang Diyos kung paano magpatotoo sa Kanya, at lahat ng kapatid ay isinasagawa ang pagsusulat ng pagpapatotoo batay sa karanasan, pero wala akong pakialam, at nagpalusot pa ako para maiwasan ito. Masyado akong mapagmatigas! Tinanggihan at inayawan ko ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa katotohanan, at hindi ako handang pagsikapan ang mga ito. Sa mga panlabas na bagay, sa mga gawain na walang kinalaman sa katotohanan, masigasig na masigasig ako at handa. Ito ay dahil ang paggawa ng mga bagay na iyon ay isang personal kong kalakasan; madaling gawin iyon para sa akin, at pagkatapos ay malinaw na nakikita ng mga kapatid ang mga bunga ng aking pagsisikap. Hindi ako pupungusan o iwawasto, o tatanggalin. Mapapanatili ko ang aking reputasyon. Ang ugali kong iyon talaga ay ang pagiging sawa na sa katotohanan—ito ay isang satanikong disposisyon. Ang totoo, ang proseso ng pagsusulat ng artikulo ay proseso ng paghahanap ng katotohanan. Ang paghahanap ng katotohanan para malutas ang mga problema ang pinakamakapagbubunyag ng saloobin ng mga tao sa katotohanan. Maraming taon na akong nananalig sa Diyos, kaya kong talikdan ang mga bagay-bagay at gumugol para magampanan ang tungkulin ko, at kaya kong magsabi ng maraming salita at doktrina, ngunit hindi ako interesado sa katotohanan at hindi ko ito hinangad o pinahalagahan, at wala rin akong tunay na pagsunod sa Diyos. Namumuhay pa rin ako ayon sa aking satanikong disposisyon at nilalabanan ko pa rin ang Diyos. Nang mapagnilayan ko ito, natanto ko na malala ang problema ko. Pagkaraan ng maraming taon ng pananalig sa Diyos, walang naging tunay na pagbabago sa saloobin ko sa Diyos at sa katotohanan. Nabibilang pa rin ako kay Satanas, nayayamot sa katotohanan, nilalabanan ang Diyos, at hindi talaga nagbago ang disposisyon ko. Kung magpapatuloy ito, kahit pa gaano katagal na akong nananalig o gaano na ako nagsikap, hindi ko kailanman mauunawaan ang katotohanan o malulutas ang aking mga tiwaling disposisyon. Kahit pa maniwala ako hanggang sa wakas, hindi ako kailanman maliligtas. Sa sandaling ito, medyo natakot ako, kaya nagdasal ako sa Diyos para magsisi: “Diyos ko, hindi ko po minamahal ang katotohanan, at nayayamot ako rito. Nasisiyahan lang akong magsikap at gumawa sa aking tungkulin. Nakikita ko na po ngayon kung gaano ako kalunus-lunos sa aking pananalig. Ayaw ko na pong magpatuloy nang ganito. Gusto ko na po sanang bumaling sa Iyo, at magsikap na hanapin ang katotohanan.”

Kalaunan, bilang tugon sa mga reklamo ko na mababa ang aking pinag-aralan at hindi mahusay ang aking kakayahan, nagpadala ang isang sister ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na kapaki-pakinabang talaga sa akin. Sabi ng Diyos: “Nagdudulot ng mga pakinabang at totoong karanasan ang pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos—kaya dapat kang magpatotoo sa Diyos. Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahin kang magsalita tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, at kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat din kayong magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibunyag sa inyong karanasan, kung gaano na kayo nagdusa, kung gaano karaming bagay ang ginawa ninyo upang labanan ang Diyos, at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos. Magsalita kung gaano karaming tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat magpatotoo para sa Diyos at suklian Siya para sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng diwa ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag pag-usapan ang mga walang kabuluhang teorya. Magsalita kayo nang mas praktikal; magsalita kayo nang mula sa puso. Ganito ninyo dapat danasin ang mga bagay-bagay. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at hungkag na teorya para magpakitang-gilas; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan, at mas magsalita nang mula sa puso; ito ay pinakakapaki-pakinabang sa iba, at pinakanararapat na makita nila. Dati, kayo ay mga taong labis na sumasalungat sa Diyos, mga pinakamalabong magpasakop sa Diyos, ngunit ngayon kayo ay nalupig—huwag ninyong kalilimutan iyan. Dapat pagbulay-bulayan at pag-isipan ang mga usaping ito nang higit pa. Sa sandaling maunawaan ng mga tao ang mga ito nang malinaw, malalaman nila kung paano magpatotoo, kung hindi, baka makagawa sila ng mga kilos na kahiya-hiya at walang-katuturan, na hindi nagpapatotoo para sa Diyos, kundi sa halip ay nagdadala ng kahihiyan sa Diyos. Kung walang tunay na mga karanasan at pagkaunawa sa katotohanan, imposible na makapagpatotoo para sa Diyos. Ang mga taong magulo at lito ang pananampalataya sa Diyos ay hindi kailanman makapagpapatotoo para sa Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang tunay na patotoo tungkol sa Diyos ay ang magpatotoo sa mga salita ng Diyos at sa gawain ng Diyos, magbahagi tungkol sa naranasan mong paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng salita ng Diyos, magbahagi tungkol sa katiwaliang ipinapakita mo, at magbahagi kung anong kaalaman ang natamo mo tungkol sa sarili mo sa pamamagitan ng kung ano ang inihahayag ng salita ng Diyos, at kung paano ka nagsagawa at pumasok dito, upang makita ng iba ang matuwid na disposisyon ng Diyos at malaman ang gawain ng Diyos at pagmamahal ng Diyos. Sa pagpapatotoo sa Diyos, hindi mahalaga kung gaano kahusay ang isang tao sa pagsasalita tungkol sa malalalim na teorya. Ang tanging mahalaga ay ang magsalita ka nang tapat at taos-puso. Nang matanto ko ito, tila naging mas maliwanag nang kaunti ang puso ko. Totoo rin ito sa pagsusulat ng mga patotoong batay sa karanasan. Hindi mahalaga ang taas ng pinag-aralan mo o estilo mo sa pagsusulat. Ang mahalaga ay kung kaya mong magsikap para hanapin ang katotohanan, kung hinahanap mo ang katotohanan para lutasin ang katiwalian at mga problema mo, kung nararanasan mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, sinusuri at kinikilala mo ang sarili mo batay sa salita ng Diyos, malinaw mong nakikita ang diwa ng mga problema, at tunay kang nagsisisi at nagbabago. Kapag mayroon ka ng mga bagay na ito, ang mga artikulong isusulat mo ay magiging maganda. Wala itong kinalaman sa taas ng pinag-aralan mo. Ang kailangan mo lang gawin ay isulat ang praktikal na karanasan at kaalaman sa wika ng pang-araw-araw na buhay. Kailangan mo lang isulat ang nararanasan at nauunawaan mo. Kung isinusulat mo ang tunay mong pagkaunawa at ang mga nadarama mo gamit ang sarili mong mga salita, kung ano man ang kapaki-pakinabang sa iba, may patotoo ka na. Dati, palagi kong iniisip na mababa ang pinag-aralan ko at hindi mahusay ang kakayahan ko, at ginamit ko ito na palusot para hindi sumulat ng mga artikulo, na para bang ang pagsusulat ng mga ito ay nangangailangan ng mataas na antas ng kaalaman o kakayahan, pero ngayon, nakikita ko nang mali ang pananaw na ito. Hindi ako dapat namuhay sa ganitong kalagayan. Dapat akong magtuon sa paghahanap sa katotohanan, pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos, at pagsusulat ng mga artikulo tungkol sa kung ano ang naranasan at natamo ko para mapatotohanan ang Diyos. Ito ay tungkulin ko.

Sa isang pagtitipon, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, na nakatulong sa akin na balikatin ang pasanin sa paghahanap sa katotohanan at pagsusulat ng mga artikulo ng pagpapatotoo. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang sanhi ng paglitaw ng kategorya ng mga tao na mga pinuno at manggagawa? Paano sila lumitaw? Sa malaking antas, kailangan sila para sa gawain ng Diyos; sa mas maliit na antas, kailangan sila para sa gawain ng iglesia, kailangan sila ng hinirang na mga tao ng Diyos. … Ang kaibahan sa pagitan ng mga lider at manggagawa at ng iba pang mga taong hinirang ng Diyos ay ang isang natatanging katangian lamang sa mga tungkuling ginagampanan nila. Pangunahing nakikita ang natatanging katangiang ito sa kanilang mga tungkulin ng pamumuno. Halimbawa, gaano man karami ang mga tao na nasa isang iglesia, ang lider ang pinuno. Ano ang ginagampanang papel ng lider na ito sa mga miyembro? Pinamumunuan niya ang lahat ng hinirang sa iglesia. Ano ang epekto niya sa buong iglesia? Kung tumahak ang lider na ito sa maling landas, susundan ng mga taong hinirang ng Diyos sa iglesia ang lider tungo sa maling landas, na magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang lahat. Halimbawa si Pablo. Pinamunuan niya ang marami sa mga iglesiang itinatag niya at ang mga taong hinirang ng Diyos. Noong naligaw si Pablo, naligaw rin ang mga iglesia at ang mga taong hinirang ng Diyos na pinamunuan niya. Kaya, kapag naliligaw ang mga lider, hindi lang sila ang naaapektuhan, kundi ang mga iglesia at ang mga taong hinirang ng Diyos na pinamumunuan nila ay naaapektuhan din. Kung ang isang lider ay isang tamang tao, na lumalakad sa tamang landas at hinahangad at isinasagawa ang katotohanan, ang mga taong pinamumunuan niya ay maayos na kakain at iinom ng mga salita ng Diyos at maayos na hahangarin ang katotohanan, at, kasabay nito, ang karanasan sa buhay at pagsulong ng lider ay makikita ng iba, at makakaapekto sa iba. Kaya, ano ang tamang landas na dapat lakaran ng isang lider? Ito ang kakayahang pangunahan ang iba tungo sa pagkaunawa ng katotohanan at sa pagpasok sa katotohanan, at akayin ang iba sa harapan ng Diyos. Ano ang maling landas? Ito ay ang paghahangad sa katayuan, kasikatan, at pakinabang, ang madalas na pagpapakitang-gilas ng sarili at pagpapatotoo sa sarili, hindi kailanman nagpapatotoo sa Diyos. Ano ang epekto nito sa mga taong hinirang ng Diyos? (Inihaharap ang mga ito sa kanilang sarili.) Maliligaw sila papalayo sa Diyos at hahantong sa ilalim ng kontrol ng lider na ito. Kung pinangungunahan mo ang mga tao upang lumapit sa harapan mo, kung gayon pinangungunahan mo sila upang lumapit sa harapan ng tiwaling sangkatauhan, at pinapangunahan mo sila upang lumapit sa harapan ni Satanas, hindi sa Diyos. Tanging ang pangunguna sa mga tao upang humarap sa katotohanan ang siyang pangunguna sa kanila upang lumapit sa harapan ng Diyos. Ang mga lider at manggagawa, kung tumatahak man sila sa tamang landas o sa maling landas, ay may direktang impluwensiya sa hinirang na mga tao ng Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naging mas malinaw sa akin ang mga responsibilidad at tungkulin ko. Kasabay nito, nadama ko na mayroon akong napakabigat na responsibilidad. Sinasabi sa atin ng Diyos na ang landas na nilalakaran ng mga lider at manggagawa at ang hinahangad nila ay hindi lamang nakaaapekto sa sarili nila, kundi pati sa mga kapatid na pinamumunuan nila. Kapag hinahanap ng mga lider at manggagawa ang katotohanan at sila ay mga tamang tao, patuloy silang makasusulong sa katotohanan, sa pang-araw-araw na buhay, kaya nilang pagnilayan kung anong mga maling pananaw ang mayroon sila o kung anong mga tiwaling disposisyon ang ipinamumuhay nila, uunawain nila ang diwa ng mga problema batay sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay malalaman nila kung anong mga prinsipyo ang papasukin nila. Kapag tumatahak sa tamang landas ang mga lider at manggagawa, babalikatin nila ang pasanin ng pagpasok sa buhay ng kanilang mga kapatid at magtutuon sila sa paghahanap ng katotohanan para malutas ang mga problema, para ang mga taong pinamumunuan nila ay makakapasok din sa direksyong ito. Kung ang mga lider at manggagawa ay pabaya, hindi naghahanap ng katotohanan, ginugugol ang buong oras nila para magtamo ng kasikatan at katayuan, at hindi interesado sa paghahanap ng katotohanan, at hindi makapagbahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga problema, at kung inaabala lang nila ang kanilang sarili sa mga panlabas na bagay sa kanilang tungkulin, o nagsasabi sila ng mga salita at doktrina para itaas at gawing katangi-tangi ang kanilang sarili, at hindi nila kayang magbahagi tungkol sa katotohanan upang magpatotoo sa Diyos, kung gayon ay tinatahak nila ang landas ng paglaban sa Diyos, at sa maling direksyon nila inaakay ang mga tao. Ang ganitong mga tao ay walang malay na tinatahak ang sarili nilang landas at inaakay ang iba papunta sa landas ng paggawa ng serbisyo, na landas ng paglaban sa Diyos ni Pablo. Salungat ito sa layunin ng Diyos na gumawa at iligtas ang mga tao. Binigyan ako ng iglesia ng pagkakataong isagawa ang pagiging isang lider hindi para magawa ko ang panlabas na gawain, hindi para makapaglingkod ako at makapagtrabaho, at hindi upang hangarin ko ang reputasyon at katayuan. Dapat kong gampanan ang papel ng isang lider, at akayin ang mga kapatid sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, paghahanap ng katotohanan para malutas ang mga problema sa kanilang tungkulin, at unti-unting magawang maunawaan ang katotohanan at makapasok sa mga realidad ng salita ng Diyos. Ito ang aking tungkulin. Kaya, nadama ko na mahalaga na magtuon sa paghahangad na matamo ang katotohanan at paglutas sa aking tiwaling disposisyon. Sa puntong ito, mayroon akong napakababaw na pagkaunawa sa katotohanan, at wala akong mga katotohanang realidad, kaya matututo lang ako kapag naranasan ko ito. Hangga’t tama ang aking puso at landas, matatanggap ko ang patnubay ng Diyos.

Sa sumunod na panahon, pinagnilayan ko kung anong mga problema ang nalutas ko sa pamamagitan ng tunay na paghahanap sa katotohanan sa loob ng mga taon ko ng pananalig sa Diyos at sa kung anong mga tiwaling disposisyon ang nalutas ko na. Sa paggawa nito, nalaman kong lito ako at hindi ko masyadong nauunawaan ang maraming tanong. Hindi ko tunay na nauunawaan ang katotohanan at nakikita ang diwa ng mga problema, o nahahanap ang mga prinsipyo sa pagsasagawa, at hindi ko rin kailanman epektibong nalutas ang mga problema. Pagkatapos noon, sinubukan kong sumulat tungkol sa mga karanasan na medyo mayroon akong mabuting pagkaunawa, at habang nagsusulat ako, nagnilay ako. Nagnilay ako sa tuwing may oras ako. Nang matapos ko sa wakas ang pagsusulat ng artikulo, nakadama ako ng labis na kasiyahan, katiyakan, at ginhawa. Sa proseso ng pagsusulat sa artikulo, sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, likas kong nasimulang makita nang mas malinaw ang kalagayan ko at ang diwa ng mga problema ko, naging mas praktikal at konkreto ang kaalaman ko sa katotohanan, at naging mas malinaw ang landas ko ng pagsasagawa. Nakita kong ang pagsusulat ng mga artikulo ng patotoo ay labis na nakakatulong sa pag-unawa ng sarili kong kalagayan at sa paghahanap sa katotohanan para malutas ang mga problema. Ito ay isang landas para sa pagpasok sa buhay, at ang pinakamagandang paraan para hanapin at maunawaan ang katotohanan.

Kalaunan, narinig ko na marami, kabilang pati ang mga lider at manggagawa, ang hindi nagtutuon sa pagsusulat ng mga artikulo, at hindi rin sila nagsisikap sa aspetong ito. Palaging sinasabi ng ilan na abala sila sa gawain at walang oras para magsulat ng mga artikulo. Naisip ko, “Hindi ba’t ito mismo ang kalagayan ko noon? Mali rin ang pananaw ko noon, at nagdadahilan ako para hindi sumulat. Kung makakaya kong gamitin ang sarili kong proseso kung paano ko nalutas ang kalagayan ko at kung paano ko nabago ang pananaw ko at susulat ako ng artikulo tungkol dito, hindi ba’t malulutas niyon ang mga problema ng ilan sa aking mga kapatid?” Nang matanto ko ito, nadama ko na mayroon na ako ngayong pasaning dapat balikatin, at nagpasyang magsulat ng isang artikulo tungkol dito. Bagama’t napakababaw at may pagkiling ang pagkaunawa ko, alam kong tungkulin kong isulat ang artikulong ito, kaya kailangan kong isagawa ang pagsusulat ng tungkol sa lahat ng nauunawaan ko. Karaniwan, kapag nakikipagkita o nakikipag-chat ako sa mga kapatid, nakikipagbahaginan ako sa kanila tungkol sa paksang ito, at iniisip ko ang paksang ito kapag may libre akong oras. Sa debosyonal ko sa umaga, kumakain at umiinom ako ng salita ng Diyos tungkol sa paksa. Makalipas ang kaunting panahon, nakikita ko na nang mas malinaw ang isyu, at noong nagsulat ako tungkol dito, naging labis na itong mas madali. Pagkatapos kong gumawa ng outline, ipinahayag ko ang bawat antas ng kahulugan ayon sa sarili kong pagkaunawa, at isinulat ko ang mga naiisip at karanasan ko gamit ang sarili kong mga salita. Hindi na ito ganoon kahirap, at habang pinagninilayan ko ang mga bagay-bagay habang nagsusulat ako, nakikita ko na nang mas malinaw ang problema, pati na ang mga kaugnay na aspeto ng katotohanan. Naramdaman ko talaga na habang mas sinisikap nating hanapin ang katotohanan at habang mas nagsusulat tayo ng mga artikulo, at ginagamit ang pagsusulat ng mga artikulo bilang paraan upang hanapin ang katotohanan at lutasin ang mga problema, mas nakatatanggap tayo ng kaliwanagan at patnubay ng Diyos at mas pinagpapala tayo. Naisip ko ang salita ng Diyos: “Kapag mas isinasaisip mo ang kalooban ng Diyos, mas bibigat ang iyong pasanin, at kapag mas mabigat ang iyong pasanin, mas yayaman ang iyong karanasan. Kapag isinasaisip mo ang kalooban ng Diyos, bibigyan ka ng Diyos ng isang pasanin, at pagkatapos ay liliwanagan ka tungkol sa mga gawaing naipagkatiwala Niya sa iyo. Kapag ibinigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, papansinin mo ang lahat ng nauugnay na katotohanan habang kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos. Kung mayroon kang pasanin na may kaugnayan sa kalagayan sa buhay ng iyong mga kapatid, ito ay isang pasanin na naipagkatiwala sa iyo ng Diyos, at palagi mong dadalhin ang pasaning ito sa iyong mga dalangin sa araw-araw. Ang ginagawa ng Diyos ay naipagkatiwala na sa iyo, at handa kang isakatuparan yaong nais gawin ng Diyos; ito ang ibig sabihin ng dalhin na parang iyo ang pasanin ng Diyos. Sa puntong ito, sa iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, magtutuon ka sa ganitong klase ng mga isyu, at iisipin mo, paano ko lulutasin ang mga problemang ito? Paano ko mabibigyan ng kakayahan ang aking mga kapatid na magkamit ng paglaya at makasumpong ng espirituwal na kasiyahan? Magtutuon ka rin sa paglutas ng mga problemang ito habang nakikibahagi, at habang kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, magtutuon ka sa pagkain at pag-inom ng mga salitang nauugnay sa mga isyung ito. Magdadala ka rin ng isang pasanin habang kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita. Kapag naunawaan mo na ang mga hinihingi ng Diyos, magkakaroon ka ng mas malinaw na ideya tungkol sa landas na tatahakin. Ito ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu na dulot ng iyong pasanin, at ito rin ang patnubay na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo. Bakit Ko sinasabi ito? Kung wala kang pasanin, hindi ka magbibigay-pansin habang kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos; kapag ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos habang nagdadala ng isang pasanin, mauunawaan mo ang diwa ng mga ito, mahahanap ang iyong daan, at isasaisip ang kalooban ng Diyos. Samakatuwid, sa iyong mga dalangin, dapat mong hilingin na dagdagan ng Diyos ang iyong mga pasanin at ipagkatiwala sa iyo ang mas mabibigat na gawain, para sa hinaharap, maaari kang magkaroon ng iba pang landas ng pagsasagawa; para ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay magkaroon ng mas matinding epekto; para maunawaan mo ang diwa ng Kanyang mga salita; at para mas makayanan mong maantig ng Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto). Ipinatanto sa akin ng salita ng Diyos na kapag binabalikat natin ang mga pasanin ng ating sariling pagpasok sa buhay at ang mga problema sa iglesia, nagagawa nating mas magsikap sa paghahanap sa katotohanan para malutas ang mga problema, matapat na kumain, uminom, at isagawa ang salita ng Diyos. Pagkatapos ay mas mabilis tayong makapapasok sa katotohanang realidad. Habang nasa prosesong ito, habang tayo ay nagdadala ng mga pasanin, naghahangad, at naghahanap, maaari nating matamo ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos, unti-unting mapalalim ang ating pagkaunawa sa katotohanan, makita ang mga bagay at tao nang mas malinaw at mas detalyado, at matamo ang mas konkreto at praktikal na pagkaunawa sa katotohanan. Kung hindi tayo magsisikap na hanapin ang katotohanan o isagawa ang pagsulat ng mga artikulo, kahit pa magtamo tayo ng kaunting kaliwanagan tungkol sa salita ng Diyos, mababaw at bahagya lang ito na pagkaunawa na palaging tila malabo, tulad ng mga hugis sa maulap na hamog, at ipinapakita nito na wala tayong tunay na kaalaman. Sa pamamagitan lamang ng pagsusulat ng ating kaalaman at karanasan, puspusang pagninilay at pag-unawa sa mga isyu batay sa salita ng Diyos, at pagtataas ng ating pandamang kaalaman para maging medyo tumpak, makatotohanan, at kongkreto, saka magbubunga sa wakas ang ating pagkaunawa. Ang pagsusulat ng mga artikulo ay isang proseso ng pagkakaroon ng kalinawan sa mga bagay-bagay, ng pag-unawa sa katotohanan at paglutas ng mga problema. Habang mas nagsusulat tayo, mas nagtatamo tayo.

Ngayon, hindi ko na inaayawan ang pagsusulat ng mga artikulo. Ito ay isang bagay na nasisiyahan akong gawin, dahil sa proseso ng pagsusulat, nakikita ko ang sarili kong mga tiwaling disposisyon nang mas malinaw, at ang mga pananaw at ideolohiya ko ay nagbabago rin habang mas nauunawaan ko ang salita ng Diyos. Ito ay isang tunay na pakinabang, at isang bagay na pinakamahalaga at makabuluhan. Dati, palagi kong nadarama na matrabaho at talagang mahirap ang pagsusulat ng mga artikulo, at mas pipiliin kong gumawa ng panlabas na gawain kaysa ang sumulat ng mga artikulo tungkol sa aking mga karanasan. Napakasuwail at napakamapagmatigas ko noon. Nadama ko pa nga na maaantala ng pagsusulat ng mga artikulo ang gawain ko, pero ang totoo ay maling-mali at kakatwa ang pananaw na ito. Hindi naaantala ng pagsusulat ng mga artikulo ang gawain ni paano man. Sa halip, nag-uudyok ito sa iyo na hanapin ang katotohanan para malutas ang mga problema at ginagawa kang mas may kakayahang maging epektibo sa tungkulin mo. Ngayon, sa tuwing may oras ako, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko at pag-isipan ang kalagayan ko. Handa rin akong magsikap na pagnilayan ang mga problemang hindi ko makita nang malinaw o malutas. Unti-unti akong nagsimulang bumalikat ng pasanin para sa pagpasok ko sa buhay. Nadama ko rin na marami akong kalagayan na kailangang malutas sa pamamagitan ng paghahanap ng katotohanan, at unti-unti akong nagkaroon ng pananabik sa salita ng Diyos. Lahat ng ito ay dahil sa biyaya ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman