Ang Mga Kayamanan ng Buhay

Setyembre 16, 2019

Wang Jun Lalawigan ng Shandong

Sa paglipas ng mga taon mula nang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang aking asawa at ako ay magkasamang nakaranas sa ilalim ng pang-aapi ng malaking pulang dragon. Sa mga panahong ito, kahit mayroon akong mga kahinaan, sakit, at mga luha, pakiramdam ko ay nakakuha ako ng malaking bahagi mula sa pagdanas ng pang-aaping ito. Itong mapapait na karanasan ay hindi lang malinaw na nagpakita sa akin ng reaksyonaryo, masamang kalikasan at ang pangit na mukha ng malaking pulang dragon, kundi nakilala ko rin ang aking sariling masamang diwa. Ipinaranas din nito sa akin ng pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Tunay kong naranasan at nakilala ang aktuwal na kahalagahan ng Diyos, ginagamit ang malaking pulang dragon bilang palara, mula kung saan ang aking kumpiyansa sa pagsunod sa Diyos ay tumatag nang tumatag.

Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, dahil sa mga biyaya ng Diyos, ang aking asawa at ako ay tinupad ang aming tungkulin sa pamamagitan ng pagbibigay ng matutuluyan sa aming tahanan. Sa mga panahong iyon, may mga kapatid na naninirahan sa amin araw-araw at madalas labas-pasok ang mga tao. Kaya, relatibong kilalang-kilala kami sa lugar na naniniwala sa Diyos. Sa taglamig ng 2003, ang pang-aapi ng malaking pulang dragon ay lalong humigpit nang humigpit. Isang araw, sinabi sa amin ng lider namin: “Nakamatyag ang mga pulis sa inyo. Hindi na kayo maaaring manatili pa rito—dapat na ninyong iimpake ang inyong mga gamit at lumabas para gampanan ang inyong tungkulin.” Sa harap ng huling pagsasaayos na ito, ako’y nagulat. Akala ko: Itong baldosang bubong na bahay na pinaghirapan ko nang todo para itayo, na tinirhan namin ng wala pang isang taon—hindi ako handa na iwan ito nang ganoon lang! O Diyos, kung hahayaan Mo kaming manirahan dito nang mga ilang taon bago kami kailangang umalis, ayos na iyon. Ang paninirahan sa ibang lugar ay hindi kasing dali, kasing kumportable tulad ng paninirahan sa tahanan. Ngunit sa sandaling naisip ko ang pang-aapi ng malaking pulang dragon, nagpasya pa rin ako na matapos ang pagbenta sa bahay, dapat naming iwan ang tahanan para tuparin ang aming tungkulin. Habang tinitingnan ko ang paligid ng aming bagong-tayong bahay, nakaramdam ako ng alon ng pighati at sakit. Hindi ko talaga maisip na iwan ito; pakiramdam ko na ang pagbenta nito sa panahong iyon ay napakamalas. Habang isinasaalang-alang ko ang mga pakinabang at pagkawala ng laman at hindi pa makapagpasya, narinig ko ang mga salita ng Diyos na tumutunog sa aking mga tainga: “Inialay ni Abraham si Isaac—ano na ang naialay ninyo? Inialay ni Job ang lahat-lahat—ano na ang naialay ninyo? Napakarami nang taong nag-alay ng kanilang buhay, nagyuko ng kanilang ulo, nagpadanak ng kanilang dugo upang hanapin ang tunay na daan. Nagawa na ba ninyo ang sakripisyong iyan? Kung ikukumpara, ni hindi man lang kayo nararapat na magtamasa ng gayon kalaking biyaya(“Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inapo ni Moab” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Bumaon ang mga salita ng Diyos sa kaibuturan ng aking puso na parang espada na dalawa ang talim. Nahiya ako nang todo. Totoo nga ito! Para matugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, handa si Abraham na makaranas ng matinding sakit para iwan kung ano ang minahal niya, para gawing sinunog na handog sa Diyos ang kanyang tanging anak na lalaki. Noong nagpustahan si Satanas at ang Diyos, kahit na nawala kay Job ang lahat ng kanyang pag-aari at kanyang sampung anak, kaya pa rin niyang purihin at dakilain ang pangalan ni Jehovah. Kahit sa huli nang nagdusa siya sa mga pahirap ng pag-iwan ng kanyang mga kaibigan at pamilya at nang tinamaan siya ng sakit, sa halip ay mas isusumpa pa niya ang araw ng kanyang kapanganakan kaysa sisihin ang Diyos. Gumawa siya ng matindi at malakas na patotoo para sa Diyos at dumanas si Satanas ng lubos at nakakahiyang pagkatalo. Mayroon din yaong mga santo at propeta sa loob ng mahabang panahon—para isagawa ang kalooban ng Diyos, ang ilan sa kanila ay isinuko ang kanilang kabataan at kanilang mga pag-aasawa, ang ilan sa kanila ay isinuko ang kanilang mga pamilya at kamag-anak at ang kayamanan ng mundo. Ang ilan ay isinakripisyo pa ang kanilang sariling mga buhay at ibinuhos ang kanilang dugo para sa gawain ng Diyos. … Ngunit nang tinitingnan ang aking sarili, kahit na tinatamasa ko ang bihirang biyaya ng kaligtasan na hindi kailanman tinamasa ng mga henerasyon ng mga santo at ang masasaganang salita para sa buhay na ibinigay ng Diyos, ano ba ang isinuko ko para sa Diyos? Ano ba ang ihinandog ko para sa Diyos? Pinaalis ako ng iglesia sa aking tahanan dahil sa pang-aapi at paghahabol ng malaking pulang dragon, para hindi ako mahulog sa mga kuko nito at magdusa sa malupit nitong pag-uusig. Ito ang dakilang pagmamahal at pagprotekta ng Diyos sa atin, ngunit hindi ko alam ang mabuti sa masama, ni nag-alala man ako tungkol sa mga tunay na intensyon ng Diyos. Hindi ko man lang inisip ang aking sariling kaligtasan, inisip ko lang ang kasabikan ko para sa bagong baldosang bubong na bahay at ang mga kasiyahan ng laman. Hindi ako handang sundin ang pagsasaayos ng Diyos—talagang punong-puno ako ng kasakiman, at mas iniintindi ko pa ang pera kaysa sa mismong buhay! Ngayon, hindi ako handang iwan ang aking tahanan kahit pa para sa aking kaligtasan. Kung kailangan kong talikuran ang aking sariling personal na interes bilang isang handog sa Diyos, o kung kailangan kong isuko ang aking buhay o ibuhos ang aking dugo para sa gawain ng Diyos, paano na ang isang katulad ko—isang makitid ang isip, makasarili at kasuklam-suklam na tao na minamahal ang pera tulad ng mismong buhay—ay handang gawin ang sakripisyong ito para sa Diyos? Hindi ba’t ako’y tatakbo lang bago pa ang puntong iyon? Madalas kong iniisip ang sarili ko na nagyayabang, sinasabing: Handa akong sundin ang halimbawa ni Pedro at manguna sa pagmamahal sa Diyos. Handa akong isuko ang lahat, gugulin ang lahat nang hindi isinasaalang-alang ang aking sariling personal na kapakanan, ang aking kawalan o pakinabang. Gusto ko lang masiyahan ang Diyos. Ngunit kapag humarap sa aktuwal na sitwasyon, walang bahagi sa akin na nakatuon sa Diyos. Inisip ko lang ang aking agarang sariling interes, at talagang sinubukan kong makipagkasundo sa Diyos para sa mga kasiyahan ng laman. Pagkatapos, tinanong ko sa aking sarili: Maaari kaya na ito ang pagmamahal na kailangan kong ibalik sa Diyos? Sinabi ng Diyos: “Kung nagmamahal ka, malugod mong itatalaga ang iyong sarili, malugod na magtitiis ng paghihirap, magiging kasundo ka sa Akin, tatalikuran mo ang lahat ng iyo para sa Akin…. Kung hindi, ang iyong pag-ibig ay hindi talagang pag-ibig, bagkus ay panlilinlang at pagkakanulo! Anong uri ng pag-ibig ang sa iyo? Ito ba ay tunay na pag-ibig? O huwad? Gaano ba ang iyong naisuko? Gaano ba ang iyong naisakripisyo? Gaano ba ang pag-ibig na natanggap Ko mula sa iyo? Alam mo ba? Ang inyong puso ay puno ng kasamaan, pagkakanulo, at panlilinlang …(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang). Sumumpa ako sa harapan ng Diyos ngunit hindi ko ito tinupad. Hindi ba’t sinusubukan nitong malinlang ang Diyos, para lokohin Siya? Noong naisip ko iyon, hindi ko mapigilan kundi ibaba ang aking sarili sa harapan Niya at magdasal: “O Makapangyarihang Diyos, lagi akong naniniwala na ako’y handang tumanggap ng anumang bilang ng mga kapatid nang hindi kailanman magrereklamo tungkol sa anumang paghihirap, at ito’y pagpapahayag ng aking pagmamahal sa Iyo. Ngunit ngayon ko lang nakita sa pamamagitan ng paghahayag ng mga katunayan na ang aking tinatawag na pagmamahal ay may kondisyon at namimili. Nakabatay ito lahat sa kung ano ang gusto ko, at nasa akin lang ito sa isang kumportableng paligid. Ngunit nang kinailangan Mo akong magtiis sa mga paghihirap ng laman at ikompromiso ang aking sariling interes, ang aking ‘pagmamahal’ ay naglaho lang. Mula roon, nakita ko na hindi talaga Kita mahal at hindi ko talaga tinutupad ang aking tungkulin para suklian ang Iyong pagmamahal ngunit ito’y upang gamitin ang maliit na halaga na aking binayaran para ipalit sa malalaking pagpapala. Oportunista talaga ako sa loob at labas, isa akong tao na makasarili at kasuklam-suklam na makitid ang isip. Hindi ako nababagay na mamuhay sa Iyong harapan, at mas hindi ako nababagay na tumanggap ng lahat ng bagay na Iyong ibinibigay sa aking buhay! O Diyos, hindi na ako handang linlangin Ka at magrebelde laban sa Iyo, para saktan Ka. Handa akong tuparin ang aking pangako, para isantabi ang aking sariling personal na kapakanan, at para sundin ang Iyong mga pagsasaayos.”

Matapos iyon, ibinuhos ko ang aking lakas sa pagbebenta ng bagong bahay na iyon, at bumili ako ng dalawang kuwartong paupahan sa isang di-kakilang lugar. Kahit na hindi ito maikukumpara sa dati naming bahay, may telepono at pampainit, at napakadali ng transportasyon. Masayang-masaya ako rito, at ipinagpatuloy namin doon ang mga tungkulin namin sa pagtanggap ng mga kapatid. Sa kisap-mata lang, tagsibol na ng 2004 at ang pulis ng Partido Komunista ay muli na namang nagduda sa amin. Nagpadala sila ng dalawang espiya na nagkukunwaring mga manghuhula para makakuha ng ilang impormasyon. Salamat sa kaliwanagan at pamumuno mula sa Diyos, nakita namin ang kanilang balak, at ang pagtitiwala sa karunungan mula sa Diyos, napalabas namin sila. Matapos itong malaman ng iglesia, nasuspendi ang aming mga tungkulin. Pinaghanap nila kami ng ilang gawain para mapangalagaan ang aming kapaligiran. Mula sa panahong iyon, halos wala kaming ugnayan sa aming mga kapatid. Lumipas ang anim na buwan at lalong tumindi ang lokal na sitwasyon. Isang araw bigla kaming nakatanggap ng abiso mula sa iglesia na nagsasabi na isang Judas ang nagkanulo sa amin at kailangan naming lumipat nang mabilis hangga’t posible para maiwasang bumagsak sa mga kamay ng malaking pulang dragon. Nakaharap sa pagsasaayos na ito mula sa tahanan ng Diyos, pinili ko sa pagkakataong ito na sumunod, at nagsimula sa aking puso ang poot sa malaking pulang dragon. Naalala ko ang nakaraan nang narinig ko ang mga salitang ipinapahayag ng malaking pulang dragon: “Ang mga mamamayan ay may kalayaan sa relihiyon, at ang kanilang lehitimong mga karapatan at interes ay protektado,” at nakita ko na itinatayo ang mga iglesia kahit saan. Sinamba ko at minahal ito; pakiramdam ko na napukaw nito ang mga puso ng mga tao. Ngunit ngayon, sa harap ng realidad, sa wakas ay talagang malinaw na nakita ko ang pangit na mukha ng malaking pulang dragon, nakita ko sa mga pakana nito, at alam ko na ang mga proklamasyon nito at ang mabababaw na pagkilos ay pawang kasinungalingan at panlilinlang lahat, ang lahat ay pagpapanggap. Ito’y kasuklam-suklam na mga pamamaraan lahat, maruruming panlilinlang para lituhin at bulagin ang mga tao. Ito’y nakakabahala at walang-awa, tuso at mapanlinlang, paurong, laban sa Diyos, at talagang reaksyonaryo. Nang biglang ang mga salitang ito ng Diyos ay pumasok sa aking isipan: “Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinutugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, nakita ko nang malinaw ang pangit na mukha ng malaking pulang dragon, para makita nang malinaw ang katotohanan ng pagtutol nito at pag-usig sa Diyos gayon din ang pinsala at pagpigil nito sa mga tao. Naisip ko kung gaano karaming mga kapatid, na nasa ilalim ng pang-aapi at paghahabol nito, ang hindi makauuwi sa bahay at humantong ang mga buhay bilang lagalag, sa pagiging walang-tahanan. Naisip ko kung gaano karaming mga kapatid ang nagdusa sa pagkawasak ng hindi makataong pagpapahirap, kung gaano karaming mga kapatid ang naikulong sa mga maling paratang at nagdaan sa napakaraming madidilim na araw, humahantong sa pamumuhay sa bartolina na hindi karapat-dapat sa isang aso o baboy, dahil lamang sa naniwala sila sa Diyos at ginampanan ang kanilang tungkulin. Naisip ko rin kung gaano karaming mga kapatid ang wala talagang kalayaan sa ilalim ng pagmamatyag nito; wala silang paraan para gampanan ang kanilang tungkulin at hindi sila makapamuhay ng normal sa iglesia. Ngayon, ang paniniwala sa Diyos at pag-aalok ng matutuluyan ay pagganap lamang ng aming mga tungkulin bilang mga nilikha. Tinutupad lang namin ang aming mga responsibilidad, at talagang hindi sumalungat sa mga batas o regulasyon ng CCP, ngunit napailalim pa rin kami sa walang-batayang paghihigpit at pang-aapi. Maaari lang naming alisin ang aming mga sarili at pumunta sa iba na namang lugar para matupad ang aming tungkulin. Sa kabila nito, hindi nagdahan-dahan ang pulis sa kanilang paghahabol sa amin, ngunit sa katunayan itinago nila ang kanilang mga sarili bilang mga manghuhula para kumuha ng impormasyon, iniisip na makakakuha sila ng ilang mga ebidensya para bitagin kami at kami’y usigin. Ang malaking pulang dragon ay tunay na hindi masukat na nakababahala, mapagkanulo, kasuklam-suklam, at buktot! Sa sandaling ito, nakita ko na ang malaking pulang dragon ay nakakabahala at walang-awa, tuso at mapanlinlang, masama, laban sa Langit at talagang reaksyonaryo. Ito ay isang demonyong nanlalapa at nagdadala ng kapahamakan sa mga tao! Dumating ang nagkatawang-taong Diyos sa mundo para iligtas ang Kanyang nilikha, ang sangkatauhan. Ito ay pag-ibig ng Diyos sa tao; isa itong napakalaki, maluwalhating bagay, ngunit hindi hahayaan ng malaking pulang dragon ang Diyos na dumating sa kalagitnaan ng sangkatauhan, hindi hahayaan ang mga tao na sambahin ang Diyos at maglakad sa tamang landas ng kanilang mga buhay. Ginawa nito ang lahat ng makakaya nito para desperadong hanapin si Cristo, malupit nitong inusig ang mga taong hinirang ng Diyos, at sinubukang guluhin at sirain ang gawain ng Diyos. Sinubukan nitong patayin ang mga taong hinirang ng Diyos, at wasakin ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ito’y tunay na talagang reaksyonaryo at hindi matiis ng Langit! Sa ganoong kaisipan, mas naramdaman ko ang mas matuwid na galit at napuno ng matinding pagkapoot para sa malaking pulang dragon. Salamat sa Diyos! Ito ang praktikal na gawain ng Diyos at mga salitang lubos na nagtanggal sa maskara ng malaking pulang dragon at lubos na inilantad ang kapangitan ng pagkukunwari nito na may anyo ng dignidad. Nabuksan nito sa wakas ang aking mga mata na nabulag. Nagising ang aking espiritu, at nakita ko ang kalinawan ng katotohanan na nabubuo ang pangalan ng malaking pulang dragon sa pamamagitan ng paglilinlang sa publiko at ang katotohanan ng panloloko nito at paninira. Kaya nagkaroon ako ng kumpiyansa at determinasyon para matatag itong talikuran, para ito’y itakwil. Dagdag pa rito, kumpara sa kasuklam-suklam na kasamaan at madilim na karumihan ng malaking pulang dragon, natamo ko ang mas malaki pang kaunawaan sa katuwiran, kabanalan, liwanag, at kabutihan ng Diyos. Nakita ko ang Kanyang dakilang pagliligtas at pangangalaga para sa ating masasamang tao; nakita ko na kahit gaano pa kalupit ang kapaligiran, kahit anong uri pa ng pagtutol at pang-aapi ang mayroon mula sa malaking pulang dragon, hindi kailanman isinuko ng Diyos ang Kanyang pagliligtas sa atin. Tinitiis pa rin Niya ang lahat ng pagdurusa para isagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin. Dito sa marumi, masamang mundo, maaari lang tayong umasa sa Diyos—Siya ang ating pinakadakilang pag-ibig at ang ating pinakadakilang kaligtasan kung saan galing ang ating mga adhikain at kagustuhan para sa isang habang-buhay na paghahangad ng katotothanan, at pagsunod kay Cristo. Salamat sa Diyos sa paghahanda ng naturang piging para makabahagi ako, na sa kalagitnaan ng dalamhati, maaari kong makamit ang pagka-unawa at kabatiran. Mula ngayon, isinusumpa ko sa aking buhay na ganap akong kakalas sa malaking pulang dragon. Ako ang magiging sinumpaang kaaway nito. Kahit gaano pa ako usigin o habulin nito, hindi ako matatakot sa pang-aalipin nito. Susundin ko lang nang mabuti ang Diyos, magtitiwala sa Kanyang pamumuno, kakawala sa pang-aapi ng lahat ng puwersa ng kadiliman, at tutuparin ang aking tungkulin para masuklian ang biyaya ng pagliligtas ng Diyos.

Dahil sa matitinding kondisyon na hindi nagpanatili sa amin doon nang matagal, muli kaming nagmadali na lumipat sa isa pang di-kakilalang lugar. Pagkadating, isang kapatid mula sa tahanan ng Diyos ang nagsabi na ito’y isang lugar ng maliit na grupo ng etniko at ang malaking pulang dragon ay hindi masyadong mahigpit. Ang kapaligiran ay relatibong katanggap-tanggap. Ngunit ang aking puso ay hindi mapakali. Naisip ko: Ito na ngayon ang paghahari ng malaking pulang dragon at ito’y animong ang madidilim na ulap ay pababa sa lungsod. Hindi nito pahihintulutan na maniwala tayo sa Diyos nang tahimik. Tiyak nga, nang kami ay naroon na ng mga 20 araw, ang mga espiya ng malaking pulang dragon ay dumating sa aming tahanan na nagkukunwaring nangongolekta ng bayad sa sanitasyon at nagsimulang maghanap ng mga tao sa loob at labas ng aming tahanan, walang habas na tinatanong ang aking asawa kung taga saan siya, saan siya rehistradong residente, at bakit siya naparito. Ang isa sa kanila ay tinanong siya kung ganito ba ang hitsura ng kanyang asawa. Sinabi niya, “Oo,” at sa oras na kanilang narinig iyon ay nagtinginan sila. Doon lamang napagtanto ng aking asawa na alam nila kung ano ang hitsura ko kahit hindi pa nakikita ang aking mukha. Ito’y dahil marahil sa Judas na nagkanulo sa akin, na siyang naglarawan pa ng aking hitsura sa kanila. Matapos silang umalis, sila’y pumunta sa bahay ng mga kapitbahay sa likod lang namin. Doon lamang namin napagtanto na ang aming mga kapitbahay ay nakikipagtulungan sa kanila at minamatyagan nila kami. Agad namin itong iniulat sa iglesia. Hindi nagtagal, isang kapatid mula sa iglesia ang nagsulat sa amin ng liham na nagsabi: “Ang lokal na pulis ay nakipag-ugnayan sa mga pulis mula sa inyong bayang pinagmulan. Determinado silang ikulong kayong mga isinumbong. Gusto muna nilang obserbahan ang sitwasyon nang may sorpresang pagbisita at mahawakan kayo, at kapag dumating ang tamang panahon, huhulihin nila kayong lahat. Mapanganib ang inyong sitwasyon, dapat kayong bumalik sa Shandong na inyong baying pinagmulan at magtago. Lumakad na kayo agad—mas maaga mas mabuti—kapag nagtagal pa kayo, maaaring hindi na kayo makalabas!” Matapos makita ang liham na ito, hindi na kami nangahas na balewalain ito. Nagpasya kaming umalis sa susunod na araw. Nang gabing iyon, paikot-ikot ako at talagang hindi makatulog. Hindi lang ako galit na galit sa hangal na pag-uusig ng malaking pulang dragon, ngunit naguluhan din ako at mapanglaw tungkol sa pag-alis. Oh! Noong una, akala ko na ang paniniwala sa Diyos ay simple, na ang kinakailangan ko lamang gawin ay kilalanin ang Diyos sa aking mga salita, maniwala sa Kanya sa aking puso, at gawin ang aking makakaya para magampanan ang aking mga tungkulin at matatanggap ko ang papuri ng Diyos. Hindi ko kailanman naisip na mas magiging mahirap ang daan na ito habang ito’y aking nilalakaran. Habang ako’y nakakaramdam ng pag-aalala at nalulungkot dahil sa aking nakapapagod na paglalakbay sa paniniwala sa Diyos, naliwanagan ako ng Kanyang mga salita: “Hindi sineseryoso ng mga tao ang kanilang paniniwala sa Diyos, at ito ay dahil lamang sa masyado silang hindi pamilyar sa paniniwala sa Diyos, masyado itong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihiling ng Diyos. Sa madaling salita, kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos at hindi alam ang Kanyang gawain, hindi sila akmang kasangkapanin ng Diyos, at lalong hindi nila magagawang palugurin ang Kanyang kalooban. Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Bukod pa riyan, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na paniniwala sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Umupo ako nang tahimik, sinusubukang arukin ang kahulugan ng Kanyang mga salita. Sa loob, dahan-dahan akong lumiwanag: Oo, ito ay ang katotohanan na ang tunay na pananalig sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas ng Kanyang mga salita at gawa batay sa paniniwala na hawak Niya ang kataastaasang kapangyarihan sa lahat ng mga bagay, upang tayo ay mapalaya sa ating masasamang disposisyon, maisagawa ang naisin ng Diyos, at makilala Siya. Tanging sa pamamagitan ng naturang paglalakbay maaari nating masabi na naniniwala sa Diyos. Talagang hindi ito ganoon kasimple na tulad ng aking pinaniwalaan, na kailangan ko lang kilalanin Siya sa aking mga salita, patuloy na makipagkita sa iba, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at gampanan ang aking tungkulin. Ang ganitong uri ng paniniwala ko ay isa lamang malabong relihiyosong paniniwala at ito’y hindi naglaman ng diwa ng paniniwala sa Diyos. Kahit pa ako’y sumunod hanggang sa katapusan, hindi ko posibleng mapunan ang kalooban ng Diyos, ni hindi ko kayang matamo ang Kanyang papuri. Naisip ko si Pedro; sa kanyang paniniwala sa Diyos, idiniin niya ang pagkuha ng salita ng Diyos sa kanyang araw-araw na buhay para maranasan ito. Kahit ano pa man ang mangyari, nagsumikap siyang mapunan ang kalooban at mga kinakailangan ng Diyos. Ito’y maging sa paghatol man o sa pagkastigo, mga pagsubok at kadalisayan, o kahirapan at pagdurusa gayon din sa pagdidisiplina, kaya niyang tanggapin ito at sumunod. Mula roon, hinanap niya ang katotohanan, hinangad ang kaalaman sa kanyang sarili at kaalaman sa Diyos. Ang kanyang paghahangad ng maraming taon ay hindi lang nagresulta sa pagbabago sa kanyang sariling disposisyon, ngunit nagkaroon din siya ng mas malaking kaalaman sa Diyos kaysa sa sinuman sa buong kapanahunan. Ang pananalig ni Pedro ay ang pinakanaaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ay ang pinakamalapit na pamantayan. Ngunit masyadong simple ang aking tingin sa paniniwala sa Diyos. Akala ko na kailangan ko lang magpatuloy na makipagkita sa iba, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at gampanan ang aking tungkulin at makakaya ko nang matanggap ang Kanyang papuri. Anong kaibahan ang mayroon sa pagitan ng aking mga ideya at yaong sa mga hindi mananampalataya at mga relihiyosong tao? Sa huli, hindi ba’t ang lahat ay mapupunta pa rin sa wala? Doon ko lamang nakita na ang lahat ng aking mga taon sa paniniwala sa Diyos ay nalubog sa kaguluhan. Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Diyos. Kung hindi lang sa mga praktikal na paghahayag ng Diyos at paggabay at kaliwanagan ng Kanyang mga salita, susundin ko pa rin ang Diyos habang nabubuhay sa aking sariling mga pagkaunawa at imahinasyon. Hindi ko pa rin makikita na ako’y tunay na relihiyosong mananampalataya na sinusunod lang ang kanyang sariling paraan. Hindi ko maiiwasan na matakot nang kaunti noon. Napagtanto ko na kung ipagpapatuloy ko itong magulong paraan ng pagsunod sa Diyos nang hindi nakatuon sa pagdanas ng Kanyang gawain, o pagtuon sa paghahangad ng katotohanan o pagbabago ng disposisyon, sa huli, ako’y tiyak na tatanggalin ng Diyos. Nang makita ko ang aking mapanganib na kalagayan, agad akong nagdasal sa Diyos: “Oh Diyos! Salamat sa Iyong mga paghahayag at sa Iyong kaliwanagan kung saan hinayaan akong maintindihan ang katotohanan at makita ang mga kamalian sa aking paniniwala sa Diyos. O Diyos! Handa akong sundin ang mga halimbawa ng mga pagsasagawa ni Pedro, upang sundan ang daan na kanyang tinahak. Dahil pinili ko ngayon ang landas na ito, handa akong sumulong nang may kumpiyansa kahit gaano pa mapanlinlang ang daan o gaano pa karaming panganib ang nakaabang sa akin. Handa akong magkaroon ng kusa na maghirap, upang sundin ang Iyong mga disenyo at pagsasaayos, at para tunay na maranasan ang Iyong mga salita at gawain ayon sa Iyong mga kinakailangan sa akin upang ako’y maging isang nilikha Mo na tunay na naniniwala sa Iyo at sumasamba sa iyo.” Naginhawaan ako nang lubos matapos manalangin at nagkaroon ako ng tiwala na maranasan ang gawain ng Diyos.

Nang sumunod na araw, sumakay kami ng tren papuntang Shandong. Matapos magtago nang ilang panahon sa aming bayang pinagmulan sa Shandong gayon din ang ilang mga balakid, sa ilalim ng paggabay ng Banal na Espiritu, sa wakas ay nagkaroon kami ng kontak sa iglesia, at nagpatuloy ang aming buhay sa iglesia. Ngunit hindi nagpahinga ang malaking pulang dragon sa pang-aapi nito sa amin. Kahit saan pa kami magpunta, lagi kaming sumasailalim sa paghihigpit at pagpigil nito. Madalas na dumadaan ang pulis para inspeksyunin ang mga permiso namin para manirahan—minsan darating sila dalawang beses sa isang araw at talagang ipipilit na magrehistro kami para sa pansamantalang permiso sa paninirahan, kung hindi paaalisin nila kami. Kaya, ang paglilipat ng bahay ay naging karaniwan para sa amin. Kalaunan, lumipat kami sa isang mas malaking paupahan kung saan ang anak na lalaki ng nakatatandang kapatid sa iglesia ay umupa ng isang lugar, kaya kinupkop kami doon ng kapatid na ito. Ngunit doon, hindi lang namin kailangang magrehistro para sa pansamantalang permiso sa paninirahan, ngunit kailangan mayroon kaming permiso para makapasok at makalabas o kung hindi ay hindi kami makakaparoo’t parito, mas lalong hindi kami makakalipat. Kinailangan naming magtago sa loob ng bahay at hindi kami makalabas. Gayon pa man, hindi pa rin sumuko ang pulis. Madalas pa rin silang magbabahay-bahay na nagsasagawa ng mga inspeksyon. Mula rito, nakita namin na dito sa diktador, walang pananalig na bansa na pinamunuan ng isang partidong ateista, ang paniniwala sa Diyos ay pinipigilan at inaapi sa lahat ng aspeto. Talagang nagdulot ito ng tagong hinanakit. Lalo na noong 2008 Olympics, ang sitwasyon ay napakatindi, napakalupit. Gumawa ng mga bitag ang malaking pulang dragon at ang pulis ay nakatayong nagbabantay kahit saan. Gayon pa man, sa ilalim ng mga pangyayaring ito, nakita namin ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos at ang Kanyang kawanga-hangang gawain, na ang Diyos ang nagdidisenyo ng lahat ng bagay. Sa tuwing gustuhin ng mga opisyal na magsagawa ng inspeksyon, sa pamamagitan ng disenyo ng Diyos ang tao na nagbabantay sa pangunahing entrada ay pupunta para sabihin sa aming nakatatandang kapatid nang agad kaming makapaghanda at makapagtago nang mas maaga. May isang beses pa na nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang pulis habang kami’y nasa kalagitnaan ng pulong. Narinig namin ang mga aso sa labas na tahol nang tahol. Nagpumilit na pumasok ang mga taong nagsasagawa ng inspeksyon sa patyo at sa ilalim ng pagkukunwari na tumitingin ng mga metro ng kuryente, kung saan-saan sila pumupunta, tumitingin-tingin, naghahanap, nagtatanong, at tinatakot ang nakatatanda naming kapatid, na gumamit ng karunungan ng Diyos para mapaalis sila. Natakot kaming lahat matapos silang umalis. Sa kabutihang-palad nakapagtago kami agad—kung nakita nila kami o ang mga libro ng mga salita ng Diyos, hindi maiisip ang kahihinatnan nito. Habang may takot na namamayani sa aking puso, naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Huwag pahintulutan ang pagkontrol ng sinumang tao, anumang pangyayari o bagay; hangga’t ito ay umaayon sa Aking kalooban, isagawa lang ito nang naaayon sa Aking mga salita. Huwag matakot, sapagka’t ang Aking mga kamay ay umaalalay sa iyo, at ilalayo kita mula sa lahat ng masasama(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 28). “Kumilos nang may-katapangan! Itingala lamang ninyo ang inyong mga ulo! Huwag matakot: Ako—ang inyong Ama—ay narito para alalayan kayo, at hindi kayo magdurusa. Hangga’t nananalangin kayo at nagsusumamo sa Akin nang malimit, ipagkakaloob Ko sa inyo ang buong pananampalataya. Yaong mga nasa kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa panlabas, nguni’t huwag matakot, sapagka’t ito ay dahil sa may mahina kayong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang anumang magiging napakahirap. Magsaya at tumalon hangga’t nais ng inyong mga puso! Ang lahat ay nasa ilalim ng inyong paa at Aking hawak. Hindi ba’t ang katuparan o pagkawasak ay ipinapasya ng isang salita Ko lamang?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 75). Ang mga salita ng Diyos ay nagawa akong makadama ng pagkahiya. Totoo nga ito. Hindi ba’t ang lahat ng tao, pangyayari, at bagay sa mundong ito ay nasa loob ng mga disenyo at pagsasaayos ng Diyos? Hindi ba’t silang lahat ay umiikot, nagpapanibago, at nagbabago ayon sa Kanyang mga kaisipan? Ang malaking pulang dragon ay isang nilikha rin sa mga kamay ng Diyos. Kahit gaano pa ito kabangis, hindi nito matatakasan ang Kanyang pamamahala. Kung gusto Niya itong wasakin, hindi ba’t kailangan lang Niyang magsalita? Hindi ito winasak ng Diyos, ngunit hinayaan Niya ang kabangisan nito sa loob ng isang panahon. Para mabigyan tayo nito ng kumpiyansa at tapang, at para hayaan tayo na makilala ang karunungan, walang-hanggang kapangyarihan, at kahanga-hangang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga karanasan. Para hayaan din tayo na mas makilala ang kasamaan, reaksyonaryong kalikasan gayon din ang pangit na mukha ng malaking pulang dragon sa pang-aapi nito, para maaari nating kapootan ito, itakwil ito, ipagkanulo ito, at isumpa ito mula sa kaibutaran ng ating mga puso. Sa ilalim ng paggabay at pamumuno ng mga salita ng Diyos, hindi lang ako naging hindi na nangingimi at natatakot, ngunit punong-puno ako ng pasasalamat sa Diyos. Handa na akong maging masunurin sa loob ng kapaligirang ito at makipaglaban sa malaking pulang dragon, para matanggap ang sariling pagsasanay at pagkaperpekto ng Diyos, para hangaring maintindihan at makamit ang higit pang katotohanan. Sa mga sumunod na ilang buwan, ang lokal na pulis ay magsasagawa ng dalawa o tatlong sorpresang pagbisita kada buwan, kaya hindi kami makapaghanda para sa kanila. Ngunit sa ilalim nitong mga teribleng kondisyon na kami’y nakakatakas sa kanilang paningin, paulit-ulit sa ilalim ng pangangalaga at pagprotekta ng Diyos. Laging muntik-muntikan, at ang mga bagay ay nagiging maayos naman. Matapos ang mga karanasang ito, hindi ko mapigilan kundi makaramdam ng tunay na pasasalamat at papuri sa Diyos sa loob ng aking puso. Naisip ko: “O Makapangyarihang Diyos! Talagang Ikaw ang Panginoon ng sansinuklob na may kontrol ng lahat ng bagay. Ang kahanga-hanga Mong gawain ay nasa lahat ng dako at sa pamamagitan ng aking aktuwal na mga karanasan, hindi lang ako nakatikim ng Iyong walang-hanggang kapangyarihan at karunungan, ngunit nakita ko na Ikaw ang aking pinakamalakas na tagasuporta, Ikaw ang aking sandigan at nakita ko na ang malaking pulang dragon ay walang kwenta kundi isang papel na tigre lamang. Kapag tinitingnan mula sa labas, ang lahat ng ito ay mga kuko at ngipin at teribleng nakapangingibabaw, ngunit kapag hinarap Ka nito, ito’y napakahina at walang kapangyarihan—hindi nito kaya ang isang hampas. Maaari lang nitong sundin ang mga itinakda at disenyo Mo. Basta’t may kumpiyansa ako, kaya kong magtagumpay sa lahat ng puwersa ng kadiliman. O Diyos! Kahit ako ngayo’y nasa bansang kontrolado ng demonyo, hindi ako sasailalim sa pagpipigil ng anumang tao, pangyayari, o bagay. Ako’y aangat lang mula sa pang-aapi ng kadiliman, tatayo mula rito sa lugar ng karumihan para kumilos bilang patunay sa Iyong tagumpay.”

Sa ilalim ng mga teribleng kalagayan ng paghahabol ng malaking pulang dragon, mayroon akong malalim na karanasan na ito’y mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nag-aakay sa akin sa kabila ng sunod-sunod na pagsubok, tinutulungan akong magtagumpay sa bawat panahon ng mga pagsubok ni Satanas. Ito’y ang dakilang biyaya at pagprotekta ng Diyos na nagdala sa akin dito ngayon. Habang iniisip ang landas na aking dinaanan, nagdusa ako sa pang-aapi at paghahabol ng malaking pulang dragon, hindi na ako makabalik ng bahay at nabago ang aking kinalalagyan, namuhay ako bilang isang palaboy, at hindi pa nagkaroon ng “maayos na tirahan” tulad ng ginagawa ng mga makamundong tao ni hindi naging magaan ang puso ko tulad nila o humantong sa naturang maluwag na buhay. At dahil sa pang-aapi ng malaking pulang dragon, ang aking puso ay nakaranas ng malaking paghihirap at sakit. Gayon pa man, dahil naranasan ko itong mapapait na sitwasyon, nakakuha ako ng mga kayamanan sa buhay. Sa pagdanas ng pang-aapi ng malaking pulang dragon, nakilala ko ang aking sariling kalikasan na makasarili at kasuklam-suklam. Nakita ko na hindi ako tunay na naniniwala o nagmamahal sa Diyos. Sa pamamagitan ng aking karanasan sa pang-aapi mula sa malaking pulang dragon, nakilala ko ang mapagkanulo, kasuklam-suklam at masamang kalikasan nito. Sa likod ng eksenang iyon, nagkaroon ako ng mas malaking kaunawaan sa diwa ng pagkamakatuwiran, pagkamatapat, liwanag, at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng karanasan sa pang-aapi ng malaking pulang dragon, nalaman ko ang aking sariling pananalig na malabo at hindi tiyak at naintindihan ko ang tunay na kahulugan at halaga ng paniniwala sa Diyos. Sa pamamagitan ng pang-aaping iyon, natamo ko rin ang mas malaking kaunawaan sa karunungan at pagkamakapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang kahanga-hangang gawain, at nakita ko sa malaking pulang dragon ang marahas, masama at reaksyonaryong diwa na salungat sa Diyos. Malinaw kong nakita kung paano nito pinasasama ang mga tao, dinadaya sila, at pinipinsala sila. Mula roon, nagkaroon ako ng malalim na pagkapoot dito, at handa ako na magtiwala sa mga salita ng Diyos para itaboy ang masamang disposisyon ni Satanas, para ganap na talikuran ang malaking pulang dragon, para mamuhay bilang tunay na tao at mapasaya ang puso ng Diyos. Ito’y sa praktikal na gawain ng Diyos na nagpatikim sa akin nang personal sa naturang masaganang piging ng buhay. Hindi lang nito ginising ang aking puso na kung saan matagal nang nabulag ng malaking pulang dragon, ngunit hinayaan ako nito na makamtan ang napakaraming matitinding kayamanan ng buhay, at bago ko ito malaman, nakahakbang na ako sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Ibinibigay ko ang taos-pusong pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagtakas sa Pangil ng Kamatayan

Ni Wang Cheng, Tsina Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan Siyang kasama ng...