Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi

Hunyo 22, 2018

Xiaowen Lungsod ng Chongqing

Ang ‘pagmamahal,’ ay tumutukoy sa isang damdaming dalisay at walang dungis, kung saan ginagamit mo ang iyong puso para magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pagmamahal walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang distansya. Sa pagmamahal walang paghihinala, walang panlilinlang, at walang katusuhan. Sa pagmamahal walang humihingi ng kapalit at walang karumihan(“Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Itong himno ng salita ng Diyos ay minsang tinulungan akong malampasan ang sakit ng matagal at hindi matapos-tapos na buhay sa kulungan na tumagal ng 7 taon at 4 na buwan. Kahit pa ipinagkait sa akin ng gobyerno ng CCP ang pinakamagagandang taon ng aking kabataan, nakuha ko ang pinakamahalaga at tunay na katotohanan mula sa Makapangyarihang Diyos at samakatuwid wala akong mga reklamo o pagsisisi.

Noong 1996 tinanggap ko ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagtitipon sa pagbabahagi, nalaman ko na ang lahat ng sinabi ng Diyos ay katotohanan, na ganap na kabaligtaran ng lahat ng kaalaman at mga teorya ng masamang mundong ito. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang pinakamataas na kasabihan para sa buhay. Ang mas nagpasabik pa sa akin ay maaari akong maging simple at bukas at malayang makipag-usap sa mga kapatid tungkol sa anumang bagay. Hindi ako nagkaroon ng kahit kaunting pangangailangan na protektahan ang aking sarili laban sa pamumuna o panlilinlang ng mga tao kapag nakisalamuha sa kanila. Nakaramdam ako ng kaginhawaan at kasiyahan na hindi ko kailanman naramdaman dati; talagang gusto ko ang pamilyang ito. Gayunpaman, hindi nagtagal bago ko narinig na hindi pinapahintulutan ng bansa ang mga tao na maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Ang bagay na ito ay nagparamdam sa akin na lubos na hindi ko alam ang aking gagawin, dahil hinayaan ng Kanyang salita ang mga tao na sambahin ang Diyos at tahakin ang tamang landas ng buhay; hinayaan nito ang mga tao na maging tapat. Kung ang lahat ng tao ay naniwala sa Makapangyarihang Diyos, ang buong mundo ay magiging payapa. Hindi ko talaga naintindihan: Ang paniniwala sa Diyos ay ang pinakamatuwid na gawain; bakit gusto ng gobyerno ng CCP na magmalupit at salungatin ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos hanggang sa punto na aarestuhin nila ang Kanyang mga mananampalataya? Inisip ko: Kahit gaano pa tayo pinapahirapan ng gobyerno ng CCP o gaano kalaki ang opinyon ng publiko sa lipunan, nalaman ko na ito ang tamang landas ng buhay at tiyak na tatahakin ko ito hanggang sa huli!

Matapos ito, sinimulan kong tuparin ang aking tungkulin sa iglesia na pamamahagi ng mga libro ng salita ng Diyos. Alam ko na ang pagtupad sa tungkuling ito sa bansang ito na tumututol sa Diyos ay lubhang mapanganib at maaari akong maaresto anumang oras. Ngunit alam ko rin na bilang bahagi ng lahat ng nilikha, misyon ko ito sa buhay na gugulin ang lahat ng bagay para sa Diyos at tuparin ang aking tungkulin; isa itong responsibilidad na hindi ko maaaring pabayaan. Habang ako’y nagsimulang makipagtulungan nang may kumpiyansa sa Diyos, isang araw ng Setyembre 2003, papunta ako para ibigay sa ilang mga kapatid ang mga libro ng salita ng Diyos nang naaresto ng mga tauhan mula sa Kawanihan ng Pambansang Seguridad ng lungsod.

Sa Kawanihan ng Pambansang Seguridad, paulit-ulit akong tinanong at hindi ko alam kung paano sumagot; agad akong umiyak sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, humihingi ako sa Iyo na bigyan Mo ako ng Iyong karunungan, at bigyan mo ako ng mga salita na dapat kong sambitin para hindi Kita ipagkakanulo at maaari akong magpatotoo para sa Iyo.” Sa panahong iyon, araw-araw akong umiyak sa Diyos; hindi ako nangahas na iwan ang Diyos, hiningi ko lang sa Diyos na bigyan ako ng katalinuhan at karunungan para makakaya kong harapin ang masamang kapulisan. Purihin ang Diyos sa pagbabantay at pagprotekta sa akin; sa bawat oras na ako’y tinanong, ako’y dumudura, o walang tigil na sinisinok at hindi makapagsasalita. Habang nakikita ang kamangha-manghang gawain ng Diyos, naging matatag ako: Walang pagpipigil! Maaari nilang putulin ang ulo ko, maaari nila akong patayin, ngunit talagang hindi nila magagawang ipagkanulo ko ngayon ang Diyos! Nang buo na ang aking kapasyahan na mas gugustuhin kong isugal ang aking buhay kaysa ipagkanulo ang Diyos gaya ni Judas, ibinigay ng Diyos ang “pagsang-ayon” nang buong-buo: Sa bawat oras na ako’y tinanong, poprotektahan ako ng Diyos at hahayaan akong payapang malampasan ang pagsubok. Kahit na wala akong anumang bagay na sinabi, inakusahan ako ng gobyerno ng CCP ng “paggamit ng organisasyon ng Xie Jiao para sirain ang pagpapatupad ng batas” at sinentensiyahan ako hanggang 9 na taon sa kulungan! Nang marinig ko ang pasya ng korte, hindi ako nalungkot, salamat sa pagprotekta ng Diyos, at hindi rin ako natakot sa kanila; sa halip, kinamuhian ko sila. Nang iginawad ng mga taong iyon ang sentensiya, sinabi ko sa mababang tinig: “Ito ang ebidensiya na ang gobyerno ng CCP ay sinasalungat ang Diyos!” Kinalaunan, dumating ang mga opisyal ng pampublikong seguridad para lang mag-espiya sa kung ano ang naging asal ko, at kalmado kong sinabi sa kanila: “Ano ang siyam na taon? Kapag dumating ang oras na makalaya ako, magiging miyembro pa rin ako ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; kung hindi kayo naniniwala sa akin, tignan ninyo at maghintay lang kayo! Ngunit kailangan ninyong tandaan, ang kasong ito ay minsang nasa inyong mga kamay!” Talagang nagulat sila sa aking asal; itinaas nila ang kanilang mga hinlalaki at paulit-ulit na sinabi: “Karapat-dapat kang purihin! Hinahangaan ka namin! Mas matibay ka kay Kapatid na Jiang! Magkita tayo pag labas mo, at ililibre ka namin!” Sa panahong iyon, pakiramdam kong natamo ng Diyos ang kaluwalhatian at nasiyahan ang aking puso. Nang masintensiyahan ako nang taong iyon, 31 taong gulang lang ako.

Ang mga kulungan sa Tsina ay impiyerno sa lupa, at ang pangmatagalang buhaykulungan ay lubusang nagpakita sa akin ng tunay na pagiging hindi makatao ni Satanas at ang malademonyo nitong diwa na naging kaaway ng Diyos. Ang pulis ng Tsina ay hindi sumusunod sa tuntunin ng batas, sa halip ay sumusunod sa tuntunin ng kasamaan. Sa kulungan, hindi personal na humaharap ang pulis sa mga tao, sa halip binubuyo nila ang mga preso sa karahasan para pangasiwaan ang ibang mga preso. Gumagamit din ang masamang kapulisan ng lahat ng uri ng paraan para pigilan ang mga kaisipan ng mga tao; halimbawa, ang bawat tao na pumapasok ay dapat isuot ang mga parehong uniporme ng preso na may espesyal na serial number, kailangan nilang gupitin ang kanilang buhok ayon sa mga kinakailangan ng preso, kailangan nilang magsuot ng mga sapatos na aprubado ng kulungan, kailangan nilang lakaran ang mga daan na pinahihintulutan ng kulungan na lakaran nila, at kailangan nilang magmartsa sa bilis na pinapahintulutan ng kulungan. Kahit pa ito’y tagsibol, tag-init, taglagas o taglamig, kahit na ito’y umulan o umaraw, o kahit na ito’y araw na napakalamig, kailangang gawin ng lahat ng mga preso kung ano ang iniuutos na gawin nila nang walang anumang pagpipilian. Sa bawat araw ay kailangan naming magtipon-tipon nang hindi bababa sa 15 beses para magbilang at kumanta ng mga papuri sa gobyerno ng CCP na hindi bababa sa limang beses; may mga politikal na gawain din kami, iyon ay, pinapaaral nila sa amin ang mga batas ng kulungan at ang konstitusyon, at pinapakuha kami ng pagsusulit kada anim na buwan. Ang layunin nito ay para baguhin ang aming paniniwala. Sapalaran ding susuriin ang aming kaalaman sa mga disiplina at patakaran ng kulungan. Ang pulis ng kulungan ay hindi lang kami pinahirapan sa kaisipan, pisikal din nila kaming winasak na talagang hindi makatao: Kinailangan kong magtrabaho nang matindi nang higit sa sampung oras kada araw, makipagsiksikan kasama ang ilang daang iba pang mga tao sa isang masikip na pagawaan na nagsasagawa ng mano-manong trabaho. Dahil napakaraming tao sa napakaliit na lugar, at dahil ang magulong ingay ng makinarya ay nasa lahat ng dako, kahit pa gaano kalusog ang tao, ang kanilang mga katawan ay magdurusa ng malubhang pinsala kapag nanatili sila doon sa loob ng ilang panahon. Sa likod ko ay isang makina na nagbubutas at araw-araw walang hinto itong nagbubutas. Hindi ko matiis ang dumadagundong na tunog nito at matapos ang ilang taon, nagdusa ako ng malubhang pagkawala ng pandinig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako gumaling. Ang mas nakapinsala pa sa mga tao ay ang alikabok at polusyon sa pagawaan. Matapos masuri, maraming mga tao ang nalaman na dinapuan ng tuberculosis at pharyngitis. At saka, dahil sa mahabang panahon ng pag-upo sa mano-manong paggawa, imposibleng makapaglakad-lakad at maraming tao ang dinapuan ng malubhang almuranas. Itinuring ng gobyerno ng CCP ang mga preso tulad ng makinarya na ginagamit para gumawa ng pera; wala sila ni kaunting pakialam kung nabuhay o namatay ang isang tao. Maagang-maaga nila pinagtrabaho ang mga tao hanggang sa ginabi. Madalas akong pagod na pagod na pisikal na akong hindi makapagpapatuloy. Hindi lang ito, kailangan ko ring harapin ang lahat ng uri ng paiba-ibang eksamin na dagdag sa aking lingguhang politikal na gawain, mano-manong paggawa, mga pampublikong gawain, atbp. Samakatuwid, araw-araw akong nasa kalagayan ng mataas na antas ng pagkabahala; patuloy na nababatak ang aking kalagayang pangkaisipan, at matindi ang aking nerbiyos na hindi ako makahahabol kung hindi ako mag-iingat kahit kaunti, at sa gayo’y paparusahan ng mga pulis ng kulungan. Sa ganoong uri ng kapaligiran, para malampasan ang isang araw nang ligtas at malusog ay isang bagay na hindi madaling gawin.

Noong nagsimula pa lang ako sa aking sentensiya, hindi ko kinaya ang ganitong uri ng malupit na pananalanta ng pulis ng kulungan. Ang lahat ng uri ng matinding mano-manong paggawa at ideyolohikal na pamimilit ay nagpahirap sa paghinga, bukod sa kailangan kong magkaroon ng lahat ng uri ng ugnayan sa mga preso. Kinailangan ko ring tiisin ang pagmamaltrato at mga insulto ng malademonyong pulis ng kulungan at ng mga preso…. lagi akong pinapahirapan at inilalagay sa mahirap na sitwasyon. Ilang beses akong nalugmok sa kawalan ng pag-asa, lalo na kapag naisip ko ang haba ng aking siyam na taong sentensiya, nakaramdam ako ng pagsilakbo ng mapanglaw na kahinaan at hindi ko alam kung ilang beses na akong umiyak—hanggang sa punto na inisip kong magpakamatay para pakawalan ang aking sarili mula sa sakit na aking kinapalooban. Sa bawat oras na nalugmok ako sa matinding pighati at hindi masusuportahan ang aking sarili, agad akong mananalangin at iiyak sa Diyos at liliwanagan at gagabayan ako ng Diyos: “Hindi ka pa maaaring mamatay. Itikom mo ang iyong mga kamao at matatag kang magpatuloy na mabuhay; dapat kang mamuhay para sa Diyos. Kapag ang mga tao ay may katotohanan sa kanilang loob saka sila nagkakaroon ng ganitong paninindigan at hindi na kailanman nagnanais na mamatay; kapag pinagbabantaan ka ng kamatayan, sasabihin mo, ‘O Diyos, hindi ko gustong mamatay; hindi pa rin Kita kilala. Hindi ko pa nasusuklian ang Iyong pag-ibig. Dapat lamang akong mamatay pagkatapos na makilala Ka nang mabuti.’ … Kung hindi mo nauunawaan ang intensiyon ng Diyos, at basta lamang nagmumuni-muni sa pagdurusa mo, kung gayon mas iniisip mo ang tungkol dito, mas nagdadalamhati ka, at sa gayon malalagay ka sa gulo at magsisimulang magdusa ng pagpapahirap ng kamatayan. Kung nauunawaan mo ang katotohanan, sasabihin mong, ‘Hindi ko pa natatamo ang katotohanan. Kailangan kong magpakahirap para sa Diyos. Dapat akong magpatotoo nang maganda ukol sa Diyos. Dapat kong suklian ang pag-ibig ng Diyos. Pagkatapos noon, hindi na mahalaga kung paano ako mamatay. Saka pa lang ako nakapamuhay ng isang kasiya-siyang buhay. Kung sino man ang namamatay pa, hindi ako mamamatay ngayon; dapat matatag akong magpatuloy na mabuhay’(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ang mga salita ng Diyos ay parang malambot at banayad na pagtanaw sa aking ina na nagpapakalma sa malungkot kong puso. Ang mga ito ay parang ama ko rin na ginagamit ang kanyang dalawang kamay para mainit at banayad na punasan ang mga luha mula sa aking mukha. Agad-agad, isang mainit na daloy ng kuryente at lakas ang rumagasa sa aking puso. Kahit na pisikal akong nagdurusa sa madilim na kulungan, ang pagtatangkang magpakamatay ay hindi kalooban ng Diyos. Hindi ako makapagpapatotoo sa Diyos at magiging katawa-tawa rin kay Satanas. Ito’y magiging isang patotoo kung ako’y maglalakad nang buhay palabas mula dito sa malademonyong kulungan matapos ang siyam na taon. Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng lakas para magpatuloy sa aking buhay at gumawa ako ng kapasyahan sa aking puso: Kahit anong mga problema pa ang nasa aking harapan, patuloy akong masigasig na mamumuhay; mamumuhay ako nang may tapang at lakas at talagang magpapatotoo na ikasisiya ng Diyos.

Taon-taon, ang sobrang pagtatrabaho ay nagdulot sa aking katawan na patuloy na humina. Matapos ang pag-upo nang mahabang panahon sa pagawaan, magsisimula akong magpawis nang todo at ang aking mga almuranas ay magdurugo kapag lumubha nang todo ang mga ito. Dahil sa aking malubhang anemya, madalas akong mahihilo. Ngunit sa kulungan, ang pagpapatingin sa doktor ay hindi madaling gawin; kung masaya ang mga pulis ng kulungan, bibigyan nila ako ng ilang mumurahing gamot. Kung hindi sila masaya, sasabihin nilang nagkunwari akong maysakit para hindi makapagtrabaho. Kinailangan kong tiisin ang pasakit nitong karamdaman at lunukin ang aking mga luha. Matapos ang isang araw ng trabaho, ako’y lubos na pagod na. Kinaladkad ko ang aking pagod na katawan sa aking selda at gustong makapagpahinga nang kaunti, ngunit wala akong lakas para makakuha ng kaunting diretsong tulog: Dahil tinawag ako ng pulis ng kulungan sa kalagitnaan ng gabi para gumawa ng isang bagay, o ginising ako sa dumadagundong na ingay na gawa ng pulis ng kulungan. … Madalas nila akong paglaruan at ako’y nagdusa nang hindi mailarawan. At saka, kinailangan kong magtiis sa hindi makataong turing ng mga pulis ng kulungan. Para akong takas na natutulog sa sahig o sa mga pasilyo, o sa tabi pa ng kubeta. Ang mga damit na aking nilabhan ay hindi tuyo, sa halip ay nagsiksikan kasama ang iba pang mga damit ng preso para matuyo. Ang paglalaba ng damit sa taglamig ay lalong nakakabigo, at maraming tao ang nagkaroon ng rayuma dahil sa pagsusuot ng mamasa-masang damit ng mahabang panahon. Sa kulungan, hindi nagtagal para sa malulusog na tao na maging matamlay at mapurol, pisikal na manghina o magkasakit. Madalas kaming kumain ng luma, natuyo na mga dahon ng gulay na napaglipasan ng panahon. Kung gusto mong kumain ng masarap-sarap, kailangan mong bumili ng mahal na pagkain sa kulungan. Kahit pa nag-aaral ng batas ang mga tao sa kulungan, walang batas doon; ang pulis ng kulungan ang batas at kung sino man ang nakitungo sa kanila sa maling paraan, maaari silang maghanap ng dahilan para parusahan ka—kahit sa puntong paparusahan ka nang walang kadahi-dahilan. Ang mas kasuklam-suklam pa ay itinuturing nila ang mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos na mga politikal na kriminal, sinasabing ang aming krimen ay mas masahol sa pagpatay at panununog. Samakatuwid, lalo nila akong kinapootan at mahigpit akong kinontrol, at pinahirapan ako nang may lubos na kalupitan. Itong uri ng masamang pagkilos ay matibay na patunay ng mapanikis na asal ng CCP, pagsasalungat sa Langit, at pagkamuhi sa Diyos! Natiis ang malupit na pasakit ng kulungan, ang aking puso ay madalas na napuno ng matuwid na pagkagalit: Anong batas ang nilalabag ng paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Diyos? Krimen ba ang pagsunod sa Diyos at pagtahak sa tamang landas ng buhay? Nilikha ang mga tao ng mga kamay ng Diyos at ang paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Diyos ay ang batas ng langit at lupa; anong dahilan mayroon ang gobyerno ng CCP para marahas na hadlangan at pahirapan ito? Malinaw na mapanikis na asal ito at pagsalungat sa Langit; paglaban ito sa Diyos sa bawat aspeto, ito’y naglalakip ng reaksyonaryong tatak sa mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos at matindi kaming pinagmamalupitan at winawasak. Sinusubukan nitong alisin ang lahat ng mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos sa isang mabilisang pagsalakay. Hindi ba ito pagpalit sa itim ng puti at pagiging lubos na reaksyonaryo? Desperado nitong tinututulan ang Langit at kontra sa Diyos; sa huli, dapat itong magdusa ng matuwid na kaparusahan ng Diyos! May katiwalian sa lahat ng dako, kailangang may paghatol; may kasalanan sa lahat ng dako, kailangang may kaparusahan. Ito ang naitadhana ng Diyos na batas ng langit, walang sinuman ang makatatakas dito. Ang masasamang krimen ng gobyerno ng CCP ay abot-langit na, at mararanasan nila ang pagwasak ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos: “Matagal nang kinasuklaman ng Diyos ang madilim na lipunang ito hanggang sa Kanya mismong mga buto. Nagngangalit ang Kanyang mga ngipin, sabik Siyang mariing tapakan ang masama at kasuklam-suklam na matandang ahas na ito, nang sa gayon hindi na ito maaaring bumangon pang muli, at hindi na kailanman muling aabusuhin ang tao; hindi Niya patatawarin ang mga kilos nito sa nakaraan, hindi Niya titiisin ang panlilinlang nito sa tao, at pagbabayarin Niya ito para sa bawat kasalanan nito sa mga nagdaang kapanahunan. Hindi hahayaan ng Diyos ni katiting na mawalan ng pananagutan ang pasimunong ito ng lahat ng kasamaan,[1] lubos Niya itong wawasakin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8).

Dito sa malademonyong kulungan, mas mababa pa ako sa ligaw na aso sa mga mata nitong masasamang pulis; hindi lang nila ako binugbog at pinagalitan, ngunit itong masasamang pulis ay madalas at biglang papasok at guguluhin ang aking kama at ikakalat ang mga personal na kagamitan. At saka, sa bawat pagkakataon na may uri ng mga kaguluhan na nangyayari sa mundo sa labas, hahanapin ako ng mga tao sa kulungan na namumuno sa mga politikal na bagay at sisiyasating mabuti ang aking mga opinyon sa mga pangyayaring ito at patuloy nila akong tutuligsain kung bakit ko tinahak ang landas ng paniniwala sa Diyos. Sa tuwing naharap ako sa ganitong uri ng pagtatanong, tatalon ang aking puso sa aking lalamunan, dahil hindi ko alam kung anong masamang plano ang nasa isip nila para sa akin. Ang aking puso ay laging mabilis na nagdasal sa Diyos at humingi ng tulong at gabay sa krisis na ito. Araw-araw, taon-taon, ang pang-aabuso, pananamantala, at panunupil ay nagbigay pasakit sa akin nang may hindi mabigkas na pagdurusa: Sa bawat araw ako’y napuno ng mano-manong paggawa at malabo, nakababagot na mga politikal na responsibilidad, binigyan din ako ng pasakit ng aking karamdaman at dagdag pa nito, mapanglaw ang aking kaisipan. Ito’y nagdulot sa akin ng muntik na pagguho. Lalo na noong nakita ko ang isang katamtaman ang edad na babaeng preso na nagbigti mula sa bintana sa kalagitnaan ng gabi dahil hindi niya natiis ang hindi makataong pasakit ng masasamang pulis, at isa pang matandang babaeng preso ang namatay dahil sa naantalang paggamot para sa kanyang karamdaman, nalugmok din ako sa parehong nakasasakal na kalunos-lunos na paghihirap at muling nagsimulang pag-isipang magpakamatay. Naramdaman ko na ang kamatayan ang pinakamagandang uri ng kaginhawaan. Ngunit alam ko na iyon ay pagkakanulo sa Diyos at hindi ko iyon magagawa. Wala akong ibang pagpipilian kundi tiisin ang lahat ng sakit at magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ngunit sa sandaling naisip ko ang tungkol sa aking mahabang sentensiya, at naisip kung gaano ako kalayo mula sa pagkamit ng kalayaan, naramdaman ko na walang mga salita ang maaaring makapaglalarawan sa aking sakit at kawalang pag-asa; naramdaman ko na hindi na ako maaaring magpatuloy na tinitiis ito at hindi ko alam kung gaano pa katagal ko ito kakayanin. Ilang beses na wala akong magagawa kundi takpan ang aking sarili ng aking kubrekama sa kalaliman ng gabi at umiiyak, nagdadasal at nagmamakaawa sa Makapangyarihang Diyos at sinasabi sa Kanya ang tungkol sa lahat ng sakit na nasa aking isipan. Sa oras ng aking matinding sakit at kahinaan, naisip ko: Nagdurusa ako ngayon para maihihiwalay ko ang aking sarili mula sa katiwalian at matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Itong mga paghihirap ay kung ano ang dapat kong pagdusahan, at kung ano ang kailangan kong pagdusahan. Sa sandaling inisip ko ang tungkol dito, hindi na ako nakaramdam ng pait; sa halip, pakiramdam ko na ako’y pinipuwersa sa kulungan dahil sa aking paniniwala sa Diyos, at ang pagdurusa ng mga paghihirap para hanapin ang kaligtasan ay ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; masyadong mahalaga ang pagdurusang ito! Walang kamalay-malay, ang pighati sa aking puso ay naging kagalakan at hindi ko napigilan ang aking mga emosyon; nagsimula akong humuni ng himno ng karanasan na pamilyar sa aking puso na tinawag na “Mapalad Tayong Makasalubong sa Pagdating ng Diyos”: “Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos, naririnig natin ang Kanyang tinig. Mapalad tayong makasalubong sa pagdating ng Diyos, dumadalo tayo sa piging ng Cordero. Kilala natin ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. nakikita natin mga gawa Niyang kahanga-hanga. Nauunawaan natin ang hiwaga ng buhay ng tao, mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamamahal. … Sino kaya ang mas mapalad? Sino kaya ang mas pinagpala? Ipinagkakaloob ng Diyos sa atin ang buhay at katotohanan, dapat tayong mabuhay para sa Diyos. Dapat tayong mabuhay para sa Diyos. Dapat tayong mabuhay para sa Diyos. Nakakamit natin ang katotohanan at magpapatotoo sa Diyos upang magantihan pag-ibig ng Diyos” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Inulit ko ang himno sa aking puso at habang mas kumanta ako sa aking puso, mas lalong lumakas ang aking loob; habang mas kumanta ako, mas lalo akong nakaramdam ng kapangyarihan at kagalakan. Hindi ko mapipigilan na mangako sa presensiya ng Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, nagpapasalamat ako sa Iyong ginhawa at pampalakas-loob na nagdulot sa akin na muling magkaroon ng pananalig at lakas ng loob para magpatuloy na mabuhay. Hinayaan mo akong maramdaman na Ikaw talaga ang Panginoon ng aking buhay at Ikaw ang kapangyarihan ng aking buhay. Kahit na ako’y ikinulong sa butas ng impiyernong ito, hindi ako nag-iisa, dahil kasama Kita lagi dito sa madidilim na araw; paulit-ulit mo akong binigyan ng pananalig at binigyan ako ng motibasyon para magpatuloy. O Diyos, kung makakalabas ako rito pagdating ng araw at mamuhay nang malaya, tutuparin ko ang aking mga tungkulin at hindi na susugatan ang Iyong puso ni hindi gagawa ng mga plano para sa aking sarili. O Diyos, kahit gaano pa kabigat o kahirap ang mga paparating na araw, handa akong magtiwala sa Iyo para magpatuloy na mabuhay nang may kalakasan!”

Sa kulungan, madalas kong naalala ang mga araw kasama ang mga kapatid; napakagandang oras ng mga iyon! Ang bawat isa ay masaya at tumatawa, at nagkaroon din kami ng mga pagtatalo, ngunit ang lahat ng ito ay naging masasayang alaala. Ngunit sa bawat oras na binalikan ko ang mga panahon na bara-bara kong tinupad ang aking mga nakaraang tungkulin, nakaramdam ako ng labis na pagkakonsensiya at utang na loob. Naisip ko ang tungkol sa mga naging pagtatalo ko sa aking mga kapatid dahil sa aking aroganteng disposisyon; pakiramdam ko na lalo akong naging hindi kumportable at nagsisisi. Sa tuwing nangyari ito, ako’y biglang iiyak at ako’y tahimik na kakanta ng isang pamilyar na himno sa aking puso: “Maraming taon na naniwala ako sa Diyos ngunit hindi ko nagampanan nang mabuti ang tungkulin ko, matinding panghihinayang ang nasa puso ko. Sobrang nasiyahan ako sa pag-ibig ng Diyos, ngunit hindi ko man lang ito nasuklian. Maraming pagkakataong ibinigay sa akin ang Diyos upang isagawa ito, ngunit nagpakita ako ng kawalang pagmamalasakit. at sa halip nakatuon lamang ang isipan sa paghangad ng katayuan, katanyagan at kayamanan at paggawa ng mga plano para sa kapalaran ko. Puno nang matinding mga pagnanasa, hindi man lang ako nahiya at sinayang ko ang napakaraming magandang panahon. … Labis akong nagsisisi—bakit hindi ko man lang pinansin na makatuwiran ang disposisyon ng Diyos? Hindi ko alam kung huli na ang aking pagbabalik-look, labis akong nagsisisi. Hindi ko alam kung bibigyan pa ako ng Diyos ng isang pagkakataon, labis akong nagsisisi” (“Napuno Ako ng Pagsisisi” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa aking sakit at paninisi sa sarili, madalas akong nanalangin sa Diyos sa aking puso: O Diyos! Tunay ngang masyado akong nagkulang sa Iyo; kung papayagan Mo ito, handa akong hangarin na mahalin ka. Pagkatapos kong makalabas ng kulungan, handa pa rin akong tuparin ang aking mga tungkulin at handang magsimulang muli! Babawi ako sa aking mga nakaraang pagkukulang! Sa aking oras sa kulungan, partikular akong nangulila sa mga kapatid na lagi kong kasama araw at gabi; talagang gusto ko silang makita, ngunit dito sa malademonyong kulungan kung saan ako’y naging bihag, ang kagustuhang ito ay isang imposibleng kahilingan. Gayon pa man, madalas kong makikita itong mga kapatid sa aking mga panaginip; napanaginipan ko na magkakasama kaming nagbabasa ng salita ng Diyos at magkakasamang nagsasabi ng katotohanan. Masaya kami at malugod.

Sa panahon ng matinding lindol sa Wenchuan noong 2008, niyanig ang kulungan kung saan kami nakapiit at ako ang huling tao na lumikas sa lugar noong oras na iyon. Sa mga araw na iyon, may mga tuloy-tuloy na pagyanig kasunod ng lindol. Ang mga preso at mga pulis ng kulungan ay masyadong naalarma at nabahala na hindi sila makapagpatuloy. Ngunit ang aking puso ay talagang napanatag at matatag, dahil alam ko na ito’y salita ng Diyos na natutupad; ito’y ang pagdating ng nagliliyab na galit ng Diyos. Sa panahon ng isa sa isang daang taong lindol na iyon, laging pinangalagaan ang aking puso ng salita ng Diyos; naniniwala ako na ang buhay at kamatayan ng tao ay lahat nasa mga kamay ng Diyos. Kahit paano pa ito gawin ng Diyos, handa akong magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos. Gayunpaman, ang tanging bagay na nagpalungkot sa akin ay kapag ako’y namatay, hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na tuparin ang aking mga tungkulin sa Panginoon ng mga nilikha, mawawalan na ako ng pagkakataon na suklian ang pagmamahal ng Diyos, at hindi ko na makikita ang aking mga kapatid.Subalit, sobra-sobra ang aking pagkabahala nang hindi kinakailangan; lagi kong kasama ang Diyos at ibinigay sa akin ang pinakamataas na pagprotekta, na pinahintulutan ako na makaligtas sa lindol at mabuhay nang mapayapa hanggang sa matapos ito!

Noong Enero ng 2011, napalaya ako nang maaga, na sa wakas natapos ang aking buhay ng pagkaalipin sa kulungan. Sa aking pagkakalaya, ang aking puso ay sabik na sabik: Maaari na akong makabalik sa iglesia! Maaari ko nang makasama ang aking mga kapatid! Hindi mailarawan ang emosyonal na kalagayan ng aking kaisipan. Ang hindi ko inakala matapos akong makabalik sa tahanan, hindi ako kilala ng aking anak na babae, at tiningnan ako ng aking mga kamag-anak at mga kaibigan nang may kakaibang pagtitig; inilayo nila ang kanilang mga sarili sa akin at ayaw makisalamuha sa akin. Hindi ako naintindihan ng mga tao sa paligid ko ni ayaw akong kupkupin. Sa oras na ito, kahit wala ako sa kulungan na inaabuso at binibigyang pasakit, ang malalamig nilang tingin, mga pangungutya, at pagpapabaya ay mahirap tiisin. Ako’y naging mahina at negatibo. Hindi ko mapipigilang magbalik-tanaw sa mga araw ng nakaraan: Noong nangyari ang insidente, tatlumpung taong gulang lang ako; nang makalabas ako sa kulungan, walong taglamig at pitong tag-init ang lumipas. Ilang beses sa aking pagkalungkot at kahinaan na nagsaayos ang Diyos ng mga tao, pangyayari at bagay para ako’y tulungan; ilang beses sa aking sakit at kawalan ng pag-asa ay pinaginhawa ako ng mga salita ng Diyos; ilang beses akong binigyan ng Diyos ng kapangyarihan para magkaroon ng lakas ng loob upang patuloy na mabuhay noong gusto kong magpakamatay. Sa mga taon na iyon na mahaba at masakit, ang Diyos ang siyang dahan-dahang umakay sa akin palabas ng lambak ng anino ng kamatayan para matibay na magpatuloy na mabuhay. Sa pagharap ngayon sa paghihirap na ito, ako’y naging negatibo at mahina at napalungkot ang Diyos. Ako’y naging tunay na duwag at hindi maaasahang tao na kumagat sa kamay ng nagpakain sa akin! Sa pag-iisip nito, ang aking puso ay matinding isinumpa; hindi ko mapipigilang isipin ang pangako na aking ginawa sa Diyos habang ako’y nasa kulungan: “Kapag ako’y nakalabas dito pagdating ng araw at malayang nabubuhay, tutuparin ko pa rin ang aking mga tungkulin. Hindi ako handang muling sugatan ang puso ng Diyos at hindi na ako gagawa ng mga plano para sa aking sarili!” Inisip ko nang mabuti ang pangakong ito at nagbalik-tanaw sa mga sitwasyon na aking kinapalooban noong ginawa ko ang pangako sa Diyos. Pinalabo ng mga luha ang aking paningin at dahan-dahan kong kinanta ang himno: “Ako mismo ay nakahandang hanapin ang Diyos at sundin Siya. Ngayon, kahit gusto akong iwanan ng Diyos, susundin ko pa rin Siya. Gusto man Niya ako o hindi, iibigin ko pa rin Siya, at sa huli, kailangan ko Siyang makamit. Iniaalay ko ang aking puso sa Diyos, at anuman ang Kanyang gawin, susundin ko Siya sa aking buong buhay. Anuman ang mangyari, kailangan kong ibigin ang Diyos at kailangan ko Siyang makamit; hindi ako titigil hangga’t hindi ko Siya nakakamit(“Determinado Akong Mahalin ang Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).

Matapos ang ilang panahon ng espirituwal na debosyon at pag-aayos, mabilis akong lumabas sa aking pagkanegatibo sa ilalim ng kaliwanagan ng Diyos at ibinalik ko ang aking sarili sa posisyon ng pagtupad sa aking mga tungkulin.

Kahit na ang pinakamagandang taon ng aking kabataan ay ginugol sa kulungan; sa panahon nitong pitong taon at apat na buwan na ako’y nagdusa ng mga paghihirap dahil sa aking paniniwala sa Diyos, wala akong mga reklamo at walang pagsisisi, dahil naiintindihan ko ang ilang katotohanan at naranasan ang pagmamahal ng Diyos. Pakiramdam ko na mayroong kahulugan at kahalagahan sa aking pagdurusa; ito ang eksepsiyon ng pagtataas at biyaya ng Diyos para sa akin; ito ang aking pagtatangi! Kahit pa hindi ako naiintindihan ng aking mga kamag-anak at kaibigan, at kahit hindi ako kilala ng aking anak na babae, walang tao, pangyayari o bagay ang makakapaghiwalay sa akin mula sa aking relasyon sa Diyos; kahit pa ako’y mamatay, hindi ko maaaring iwan ang Diyos.

Ang Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis ay ang himno na pinakagusto kong kinakanta sa kulungan; ngayon, gusto kong gamitin ang aking tunay na pagkilos para ialay ang pinakadalisay na pagmamahal sa Diyos!

Talababa:

1. Ang “pasimunong ito ng lahat ng kasamaan” ay tumutukoy sa matandang diyablo. Ang pariralang ito ay nagpapahayag ng sukdulang pagkamuhi.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Dalawang Dekada ng Paghihirap

Ni Wang Qiang, TsinaNaging Kristiyano ako noong 1991, at pagkatapos ng ilang taon, naging mangangaral ako ng iglesia. Noong 1995, dinakip...