Pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa Aking Ama

Mayo 15, 2022

Ni Mikha, India

Bata pa ‘ko nang maging mananampalataya ako at naglingkod sa Panginoon. Tatlong taon akong pumasok sa divinity school kung sa’n tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos tanggapin ang ebanghelyo, gusto kong ibahagi agad kay papa ang magandang balita. Isa siyang diyakono sa isang lokal na iglesia, bihasa sa Biblia, matagal nang naglilingkod sa Panginoon, at mapagmahal sa iba. Isa siyang tapat na Kristiyano. Naisip kong masaya niyang tatanggapin ‘yon ‘pag narinig niyang nagbalik na ang Panginoon.

Pag-uwi ko nung gabing ‘yon, sinabi ko sa kanya, “Nagbalik na ang Panginoong Jesus na hinihintay natin. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumagawa ng paghatol. Dapat nating tanggapin ang gawain Niya sa mga huling araw para makapasok sa kaharian Niya.” Sa gulat ko, pinayuhan niya ako, “Inihula sa Biblia na lilinlangin ng mga huwad na Cristo ang mga tao, kaya mag-ingat ka’t maging mapagmatyag. May basehan ba sa Biblia ang sinasabi mong pagbabalik at paghatol ng Panginoon? Kung wala ka namang basehan, huwag kang maniniwala diyan!” Naglabas ako ng Biblia at sinabing, “Siyempre, may basehan ako. Higit 200 verse ang tungkol sa pagdating ng Panginoon para magsagawa ng paghatol Niya, gaya ng ‘Sapagka’t siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan’ (Psalm 98:9). At sinasabi rin sa Juan, ‘Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). At sa 1 Pedro, ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Nagiging tao ang Panginoon sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol.” Sumagot siya, “Nagiging tao? Nabasa ko lang sa Biblia na darating Siya sakay ng ulap. ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Wala pa ‘kong nabasa tungkol sa pagdating ng Panginoon sa katawang-tao. Imposibleng gumagawa Siya ng paghatol sa katawang-tao!” Ibinahagi ko ang pagbabahaging ito: “Maraming mga propesiya sa pagdating ng Panginoon, hindi lang tungkol sa pagdating Niya sa ulap, kundi pati pagkakatawang-tao Niya nang lihim. Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40). ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). At sinasabi sa Lucas 17:24-25, ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Maraming beses na binanggit ng Panginoong Jesus ang pagdating ng Anak ng tao, tinutukoy ang pagdating ng Panginoon sa katawang-tao. Kung lilimitahan natin ang pagdating Niya sa pagsakay sa ulap, pa’no matutupad ang mga propesiyang ‘yon ng pagdating Niya nang lihim? Dumarating ang Panginoon sa mga huling araw sa dalawang paraan. Una, nagkakatawang-tao Siya at dumarating nang lihim para gawin ang paghatol simula sa bahay ng Diyos, tapos, dumarating Siya sakay ng ulap at nagpapakita sa lahat ng tao. Kung hindi natin tinitingnan ang mga propesiya ng lihim Niyang pagdating kundi iyon lang tungkol sa pagdating Niya sakay ng ulap, hindi ‘yon patas at pwedeng mapalagpas natin ang pagkakataon nating salubungin ang Panginoon.”

Sumimangot lang ang papa ko at hindi na siya umimik pa, tapos galit niya akong pinatigil: “Bata pa ‘ko nabasa ko na ang Biblia. Hindi ba’t mas marami akong alam kesa sa’yo? Ano na bang alam mo sa tatlong taon mo sa divinity school?” Nakikita kong hindi niya magawang kumalma at hindi siya nakinig sa pagbabahagi ko. Bumalik na lang ako sa kuwarto ko. Ilang beses pa akong sumubok matapos ‘yon pero ayaw niya talaga at sinabi niya pang, “Sapat na ang pananampalataya sa Panginoon. Tumahimik ka o lumayas ka na lang dito!” Nabigla ako at masyadong sumama ang loob ko sa ginawa niyang ‘yon. Napakatagal na niyang naglingkod sa Panginoon at palagi siyang mapagmahal at mapagpakumbaba. Inasam niya ang pagdating ng Panginoon, pero ngayong nandito na Siya, kumapit pa rin siya sa literal na Biblia nang hindi naghahanap at nagalit pa siya. Talaga ngang matigas ang ulo ng papa ko. Nadismaya ako at nawalan ng kompyansa sa pagbabahagi ng ebanghelyo nang makita ko ang papa kong napakabihasa sa Biblia, pero nakakapit sa mga pagkaunawa niya.

Nang malaman ‘yon ng ilan sa mga kapatid, pinadala nila sa’kin ang mga salitang ito ng Diyos para palakasin ang loob ko: “Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong tungkulin, at ang iyong responsibilidad? Nasaan ang iyong diwa ng makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang sapat bilang isang panginoon sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang matinding diwa ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pagsulong ng susunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na maging pastol nila? Mabigat ba ang iyong gawain? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nalilito, dumaraing sa kadiliman—nasaan ang daan? Lubha silang nananabik sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at itaboy ang mga puwersa ng kadiliman na nang-api sa tao sa loob ng maraming taon. Sino ang makakaalam kung gaano sila sabik na umaasa, at gaano sila nananabik, araw at gabi, para dito? Kahit sa isang araw na nagdaraan ang kumikinang na liwanag, ang mga taong ito na labis na nagdurusa ay nananatiling nakakulong sa isang madilim na piitan nang walang pag-asang mapalaya; kailan sila titigil sa pagluha? Grabe ang kasawian ng marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan, at matagal nang patuloy na nakatali sa kalagayang ito ng walang-awang mga gapos at malamig na kasaysayan. At sino na ang nakarinig sa ingay ng kanilang pagdaing? Sino na ang nakakita sa kanilang kaawa-awang kalagayan? Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdaranas ng gayong paghihirap? Kunsabagay, ang sangkatauhan ang kapus-palad na mga biktimang nalason na. At bagama’t nanatiling buhay ang tao hanggang sa araw na ito, sino ang makakaalam na matagal nang nalason ng masamang nilalang ang sangkatauhan? Nalimutan mo na ba na isa ka sa mga biktima? Hindi ka ba handang patuloy na mabuhay, dala ng iyong pagmamahal sa Diyos, upang iligtas ang mga taong ito? Hindi ka ba handang ilaan ang lahat ng iyong lakas upang suklian ang Diyos, na nagmamahal sa sangkatauhan na parang sarili Niyang laman at dugo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?). Talagang nakakapagpasigla ang mga salita ng Diyos sa’kin. Maraming hindi nakakaalam sa gawain ng Diyos at nasasakal sila sa mga relihiyosong pagkaunawa kaya hindi nila sinisiyasat ang pagbabalik ng Panginoon. Hindi sila naaaruga ng mga salita ng Diyos. Mapalad akong marinig ang tinig ng Diyos at makasunod sa mga yapak ng Cordero kaya may responsibilidad akong ibahagi sa kanila ang ebanghelyo ng kaharian. Didinggin nila ang tinig ng Diyos, maiaakyat sa harap ng trono Niya, malilinis at maliligtas sa mga salita ng Diyos. Mapagsaalang-alang ‘yon sa kalooban ng Diyos. Tunay at matagal nang mananampalataya ang papa ko at matagal na niyang inaasam ang pagbabalik ng Panginoon. Mahigpit lang ang pagkakagapos niya sa mga relihiyosong pagkaunawa kaya siyempre, hindi niya ‘yon matanggap agad. Alam kong dapat akong umasa sa Diyos at ipagpatuloy ang pagbabahagi sa kanya para magawa ang tungkulin ko.

Lumambot nang kaunti ang ugali ng papa ko kaya patuloy akong nagbahagi ng patotoo ng gawain ng paghatol ng Diyos. Malungkot niyang sinabi na nasa Panginoong Jesus ang pananampalataya natin. Ang paniniwala’t pangungumpisal natin ay nangangahulugang ‘niligtas tayo ng pananampalataya. Hinarap na Niya ang mga kasalanan natin, kaya pagdating Niya, iaakyat Niya tayo sa kaharian Niya. Hindi na tayo kailangang hatulan ng Diyos. Sinabi ko sa pagbabahagi na pinatawad na tayo sa pamamagitan ng pananalig natin, pero nagkakasala at nangungumpisal pa rin tayo. Hindi tayo malaya sa kasalanan. “Pa, sinasabihan niyo ang mga tao na maging mapagpakumbaba’t matiyaga at maamo kayo pagdating sa iba, pero sa bahay natin, lagi kayong nakikipagtalo kay Mama. Hindi niyo mapanindigan ang mga aral ng Panginoon.” Galit niya akong pinahinto at ayaw niya na akong magsalita pa. Kaya kinabukasan, nakahanap ako ng isa pang pagkakataon para ibahagi ito sa kanya: “Pa, tinuturo ng Panginoon na mahalin ang ating mga kaaway. Hindi niyo ako kaaway, anak niyo ako. Sinasabi ko lang sa inyo ang mga katotohanan at bukod sa ayaw niyong hanapin ‘yon, nagagalit din kayo. Hindi ito pagpapaubaya. Alam ko namang ayaw niyong magalit. Dahil iyon sa hindi pa nalulutas ang ating makasalanang kalikasan kaya hindi natin mapigilang galit na manghiya ng mga tao. Sinasabi sa Biblia, ‘Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon’ (Mga Hebreo 12:14). Sabi rin ng Panginoong Jesus, ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman(Juan 8:34–35). Talagang napakalinaw nito. Banal ang Panginoon, at hindi Siya makikita ng mga hindi banal. Patuloy tayong nagkakasala, at ni hindi tayo bahagyang banal. Paano tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos? Maraming beses na iprinopesiya ng Panginoong Jesus ang Kanyang pagbabalik at magpapahayag Siya ng mga katotohanan at gagawa ng paghatol para linisin at iligtas ang sangkatauhan, at dalhin tayo sa kaharian Niya. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Nagbalik na ngayon ang Panginoon at bumigkas ng mga katotohanang naglilinis at nagliligtas. Ginagawa Niya ang paghatol para lutasin ang likas nating pagiging makasalanan. Makakapasok lang tayo sa kaharian ng Diyos sa paglilinis ng katiwalian natin sa pamamagitan ng paghatol. Pa, dapat nating hanapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Basahin niyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung tinig ‘yon ng Diyos. ‘Di niyo gugustuhing mapalagpas ang pagdating ng Panginoon!”

Gusto ko sanang ipanood sa kanya ang maikling dulang pang-ebanghelyo yun nga lang, ayaw niya ‘yong panoorin. Marami siyang alam tungkol sa Biblia at gumawa pa siya ng ilang mabubuting bagay. Nagbigay siya sa mahirap at tumulong minsan sa iba nang gipit sila sa pera, at pinapagamit niya nang libre sa iglesia ang pag-aari niya. Pero sa bagong gawain ng Diyos, mahigpit siyang kumapit sa mga pagkaunawa niya at ayaw niya ‘yong hanapin. Naalala ko tuloy doon ang tungkol sa mga Fariseo. Takot akong labanan ng papa ko ang Diyos gaya nila at mawalan ng pagliligtas ng Diyos. Binalaan ko siya nang maigi, sinasabing, “Alam ng mga Fariseo ang Biblia at mukhang tapat sila pero di nila kilala ang Panginoon. Hindi akma’ng gawain Niya sa pagkaunawa nila at hindi sila mapagkumbabang naghanap, kundi kumapit sa literal na Kasulatan, nilalabanan at kinokondena Siya. Ipinapako nila Siya sa krus at pinarusahan ng Diyos—” Sumabat siya sa’kin bago pa ako matapos. “Ako ba ang tinutukoy mo, ha? Tinatawag mo ba akong isang Fariseo?” Nagmamadali akong sumagot, “Hindi ko kayo tinatawag na Fariseo, Pa. Ayoko lang na tahakin niyo ang landas nila ng paglilingkod sa Diyos habang nilalabanan Siya. Maraming taon niyong hinintay ang pagbabalik ng Panginoon, pero ngayong nandito na Siya, ayaw niyong maghanap nang may kababaang-loob. Nakakapit kayo sa literal na Kasulatan at mga pagkaunawa niyo. Ayaw niyo ‘yong tanggapin. Kung sa gano’n natin titingnan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kokondenahin tayo ng Diyos gaya ng mga Fariseo at mawawala ang kaligtasan natin. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang huli’t pinakamahalagang hakbang ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Matatapos na ‘to sa lalong madaling panahon. Gumawa na Siya ng grupo ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna, na malapit nang dumating sa’ting lahat. Kung hindi natin tatanggapin ang paghatol at paglilinis Niya, kapag dumating ang mga sakuna, tatangis tayo at magngangalit ang ating ngipin.” Mas lalo lang itong ikinagalit ng papa ko. Tumayo siya at sinabing, “Desheng! Tumigil ka na! ‘Pag nagpatuloy ka pa sa pagsasalita, hindi na kita ituturing na anak ko simula ngayon. Lumayas ka sa bahay na ‘to ngayon din!”

Labis na nakakasama ng loob na marinig ito mula sa kanya. Kung tatanungin niyo, talagang malapit ako at ang papa ko noon. Mmm, nag-uusap kami nang masinsinan, nagbabasa ng Biblia, at hinahanap ang kalooban ng Diyos. Tinuruan niya akong maging matiyaga, mapagparaya, mapagpakumbaba, at masunurin. Hindi ko inakalang palalayasin niya ako’t tatratuhin na parang kaaway dahil sumaksi ako sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Dahil sa pagsunod sa kanya, naging malamig ang pakitungo ng iba kong kapamilya pagdating sa’kin. Nakaramdam ako ng lungkot at kahinaan. Nagpadala ako ng mensahe sa mga kapatid tungkol dito, at may sister na nagpadala sa’kin ng mga salita ng Diyos: “Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay tungkulin at obligasyon ng lahat. Anumang oras, anuman ang ating marinig, o makita, o anumang klase ang pagtrato sa atin, kailangang palagi tayong manindigan sa responsibilidad na ito na ipalaganap ang ebanghelyo. Anuman ang sitwasyon, hindi natin dapat isuko ang tungkuling ito dahil sa pagiging negatibo o sa kahinaan. Ang tungkuling ipalaganap ang ebanghelyo ay hindi maayos na pagsulong, kundi puno ng panganib. Kapag nagpalaganap ka ng ebanghelyo, hindi ka haharap sa mga anghel, o mga taga-ibang planeta, o mga robot. Haharap ka lamang sa masama at tiwaling sangkatauhan, sa buhay na mga demonyo, sa mga halimaw—lahat sila ay mga taong nabubuhay sa masamang kalawakang ito na lubhang nagawang tiwali ni Satanas at lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, sa proseso ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, tiyak na naroon ang lahat ng uri ng panganib, maliban pa sa walang-halagang paninirang-puri, panunuya, at di-pagkakaunawaan, at marami pang katulad nito. Kung ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay talagang itinuturing mong isang responsibilidad, isang obligasyon, at iyong tungkulin, magagawa mong ituring nang tama ang mga bagay na ito at mapamahalaan pa nang tama ang mga ito, at anumang oras ay hindi mo isusuko ang iyong responsibilidad at iyong obligasyon, ni hindi ka lilihis mula sa iyong orihinal na layunin na ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo tungkol sa Diyos dahil sa mga bagay na ito, sapagkat ito ang tungkulin mo. Paano dapat unawain ang tungkuling ito? Ang kahalagahan at pangunahing responsibilidad ng buhay na ito na iyong ipinamumuhay ay ipalaganap ang mabuting balita ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ipalaganap ang ebanghelyo ng gawain ng Diyos(“Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ay Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pinalakas ang loob ko ng mga salita ng Diyos. Nakita kong talagang karaniwan ang matanggihan kapag nagbabahagi ng ebanghelyo. Ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao at hindi nila mahal ang katotohanan. Mayabang sila’t nakakapit sa sarili nilang mga pagkaunawa. Hindi ko matatalikuran ang tungkulin ko’t responsibilidad sa harap ng mga paghihirap. Naisip ko si Pedro na naglalakbay kung saan-saan para ibahagi ang ebanghelyo kahit tutol ang mga magulang niya. Hinatulan siya, kinastigo, ilang beses sinubok, at ginawang perpekto ng Diyos. Isang makabuluhang buhay ang kanyang isinabuhay. Dapat akong maging gaya ni Pedro, gawin nang mabuti ang tungkulin ko at ipalaganap ang ebanghelyo mahirapan man ako o hindi maunawaan ng pamilya ko.

Nag-impake ako kinabukasan, naghahandang umalis. Sinabi ng papa ko, “Puwede ka pang manatili kung gusto mo, pero itigil mo na ang pangangaral ng landas ng Makapangyarihang Diyos.” Masigasig kong sinabi, “Pa, alam niyo guto ko laging maglingkod sa Panginoon. Pumasok ako sa divinity school para mas matuto sa Biblia at suklian ang pagmamahal ng Diyos, pero wala akong nakamit na katotohanan sa pagbabasa ko ng Biblia. Mas nagdilim at naging tigang ako sa espirituwal. Gumawa ako ng ilang mabubuting bagay at tumulong sa iba, pero ayokong magbigay sa mga kaklaseng tunay na nangangailangan. Tumayo ako sa harap sa mga pang-umaga’t pang-gabing serbisyo para makita. Nainggit ako sa mga kapatid na kayang tumugtog ng mga instrumento dahil ang kaya ko lang ay ang kumanta. Nainggit din ako sa mga taong mas magaling sa mga pagsusulit kesa sa akin. Hindi ko makontrol ang mga saloobing ito. Hindi ko matakasan ang kasalanan. Talagang masakit iyon. Sa wakas, nahanap ko ang sagot nang mabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Pinatawad ang mga kasalanan natin at hindi Niya tayo nakikita bilang makasalanan, pero hindi pa nalulutas ang ating makasalanang kalikasan. Ang pagtanggap lang sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang paraan para malinis at makapasok sa kaharian Niya. Narinig ko ang tinig ng Diyos at dumating na ang Panginoon. Bumaba na ang kaharian. May tungkulin akong ibahagi ang ebanghelyo ng kaharian sa mas maraming tao kaya hindi ko bibiguin ang Diyos.” Tila hindi na siya gaanong lumalaban matapos marinig ito. Medyo masama ang loob niya at sinabing, “Makakaalis ka na. Ipagdarasal na lang kita. Kung talagang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, tatanggapin ko Siya. Pero kung hindi naman yun totoo, kailangan mong bumalik ulit dito.”

Matapos ‘yon, tumira ako sa isang maliit na guesthouse, naghahanap-buhay habang ibinabahagi ang ebanghelyo. Lagi akong nananalangin, inilalagay sa mga kamay ng Diyos ang papa ko at ang buong pamilya ko. Bigla akong tinawagan ng papa ko matapos ang dalawang linggo at kinumusta ako. Sinabi niya sa’king pinagsisihan niya ang pagkagalit niya sa’kin dati. Palagi niya raw sinasabi sa mga tao na maging mapagkumbaba, pero nagalit siya sa’kin at hindi niya mapanindigan ang mga utos ng Panginoon. At sinabi niya, “Bumalik ka na. Gusto kong mas malaman ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.” Masyado akong nagulat at nasabik na marinig ‘yon mula sa kanya. Nung una palaban pa siya sa bagong gawain ng Diyos pero ngayon nakikipag-ugnayan na siya sa paghahanap. Alam kong dininig ng Diyos ang mga panalangin ko. Inialay ko sa Diyos ang aking pasasalamat at papuri. Pagbalik sa bahay, sinabi ng papa ko, “Hindi ako makatulog matapos kang umalis. Araw at gabing nasa isip ko ang lahat ng sinabi mo. Patuloy akong nanalangin at kinonsulta ang mga Kasulatan at sinasabi no’n na gagawa ang Diyos ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, na lihim na darating ang Panginoon sa hatinggabi bilang ang Anak ng tao. Kakatok Siya sa ating mga pinto, dinirinig ng mga tupa ng Diyos ang tinig Niya, at ang matatalinong birhen lang ang makakarinig sa tinig ng Diyos habang ang mga hangal na birhen ay hindi makakarinig. Sa tingin ko, tama ang mga sinabi mo. Ngayon ko lang ‘yon narinig, pero may basehan sa Biblia iyon at nagtutugma ang mga katotohanan. May kinalaman ito sa mga propesiya. Kung talagang nagbalik na ang Panginoong Jesus, isa itong mahalagang bagay. Kailangan ko itong hanapin. Nag-aalala akong naging Fariseo na ako at nawalan ng pagliligtas ng Diyos. Kailangan kong hanapin ang katotohanan sa gawain ng Diyos.” Pagkatapos ay nagtanong siya: “’Tinubos tayo ng Panginoong Jesus sa pagpapako sa Kanya at kinuha ang kasalanan natin kaya di Niya tayo nakikitang makasalanan, at pagdating Niya makakadiretso na tayo sa langit. Bakit kailangan Niyang gawin ang yugtong ito ng gawain ng paghatol?”

Napakasaya kong makita na may gano’ng uri ng pag-unawa at paghahanap ang papa ko. Para sagutin ito, nanood kami ng isang clip mula sa pelikulang mula sa pelikulang Awit ng Tagumpay na pinamagatang Bakit Bumabalik ang Panginoon Para Gumawa ng Gawain ng Paghatol sa Mga Huling Araw? Nagbasa ang sister dun ng dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon ng pagtiwali ni Satanas sa kanya, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay panlulupig at ang pangalawang yugto rin ng gawain ng pagliligtas. Ang tao ay nakakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; at sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang magpino, maghatol, at maglantad ganap na naibubunyag ang lahat ng karumihan, mga kuru-kuro, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Tapos ay ibinahagi niya ito: “Pinatawad lang ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang kasalanan ng tao, pero nananatili ang likas nating pagiging makasalanan. Ito ang sataniko nating kalikasan at satanikong mga disposisyon at ito’y malalim na nakaugat na mismo dito sa puso natin. Kaya naman hindi natin mapigilang magkasala’t lumaban sa Diyos. Ang ugat no’n ay ang ating satanikong kalikasan. Kayang patawarin ng Diyos ang mga kasalanan natin, pero natanim nang malalim sa’tin ang likas nating pagiging makasalanan. Hindi iyon mapapatawad. Kaya naman, kailangan tayong hatulan at kastiguhin ng Diyos para maligtas tayo sa mga gapos ng sataniko nating kalikasan. Ginagawa ng Diyos ang paghatol sa mga huling araw para sa satanikong kalikasan at disposisyon sa loob ng tiwaling sangkatauhan. Maaaring itanong ng ilan kung malulutas lang ba ito sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo. Kung magbabayad tayo ng halaga, at gagamit ng pagpipigil, malulutas ba natin ang ating satanikong kalikasan? Tiyak na hindi. Gaya ng sinabi ni Pablo, ‘Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala’ (Roma 7:18). Nagkaroon na tayo ng ganitong karanasan. Nagdusa tayo at sinupil ang mga katawan para takasan ang pagiging makasalanan at pangibabawan ang laman, pero sino na ang nagtagumpay kay Satanas at tunay na nagpasakop sa Diyos? Halos wala. Kung sa sarili lang natin, hindi natin malulutas ang satanikong kalikasan natin. Kailangan nating sumailalim sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok at pagpipino ng Diyos para makamit ang katotohanan at malutas ang satanikong kalikasan. Sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, sa mga huling araw, hinahatulan at kinakastigo ng Makapangyarihang Diyos ang tao, ipinapahayag ang katotohanang naglilinis at nagliligtas, at ibinubunyag ang misteryo ng gawaing pamamahala ng Diyos, gaya ng panloob na kwento ng gawain Niya sa Kapanahunan ng Kautusan, Biyaya, at Kaharian at anong natupad sa bawat isa no’n, ang halaga ng paghatol Niya sa mga huling araw at ng mga pangalan Niya, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, ang kuwento ng Biblia, pa’no Niya tinatapos ang kapanahunan, pa’no nagsisimulang umiral ang kaharian ni Cristo, at kalalabasan ng bawat uri ng tao. Inilalantad Niya rin ang ugat ng kasamaan at kadiliman sa mundo at ang paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan. Hinahatulan at inilalantad Niya ang sataniko nating kalikasan at disposisyong lumalaban sa Diyos. Sumailalim na tayo sa ilang taong paghatol at pagkastigo, naunawaan ang satanikong kalikasan natin kung anong mga satanikong lason at disposisyon ang nasa loob ng kalikasan natin, at nakita na natin kung pa’no tayo ginawang tiwali ni Satanas. Naunawaan na natin ang matuwid, di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos at nagpatirapa tayo sa harap Niya sa pagsisisi. Sinimulan na nating isagawa ang katotohanan at mamuhay sa mga salita ng Diyos. Ang mga tiwali nating disposisyon ay nagbabago at nalilinis. Bihira na tayong magsinungaling, magkasala at lumaban sa Diyos. Ang lahat ng ito’y mula sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ang kayang lubos na maglinis at magligtas ng mga tao. Isa itong katotohanan.”

Masigasig na pinanood ng papa ko ang buong palabas. Iilan lang ang mga salita niya, pero taos-puso niyang sinabi, “Nauunawaan ko na. Gusto kong siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.” Binigyan ko siya ng kopya ng librong Ang Mga Tupa ng Diyos ay Naririnig ang Tinig ng Diyos at binasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos tuwing umaga. Minsan, kinukumpara niya ‘yon laban sa Biblia, pero pagtagal, nakita niyang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos. Siya nga ang nagbalik na Panginoong Jesus at tinanggap ang gawain Niya sa mga huling araw.

Kalaunan, narinig ng dati naming pastor na tinanggap ng papa ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at dumating kasama ang misyonaryo at isa pang kasamahan para pigilan siya. Sumaksi ang papa ko sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at taimtim niyang sinabi, “Matagal na ‘kong naglilingkod sa Kanya. Alam ko ang Biblia, mukha akong relihiyoso’t matapat, pero hindi ko hinanap ang katotohanan o nagsiyasat nang marinig kong bumalik na ang Panginoon. Hindi ko pinansin ang mga propesiya sa Biblia sa pagbabalik ng Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw at pinalayas ko pa sa bahay ang anak ko nang ibahagi niya sa’kin ang ebanghelyo. Napakamapaghimagsik ko. Akala ko, naunawaan ko nang mabuti ang Biblia at walang makakakumbinsi sa’kin, pero naantig ako sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ngayon, nauunawaan ko na na ang mga naghahanap lang ng katotohanan ang makakarinig sa tinig Niya at magkakamit ng pagliligtas Niya.” Sa pakikinig sa pagbabahaging ito, at pag-iisip sa kung paano niya nilabanan ang bagong gawain ng Diyos, naluha ako sa pagkaantig. Pinasalamatan ko ang Diyos mula sa puso ko. Ang mga salita Niya ang katotohanan at kayang lupigin ang puso ng tao. Ga’no man katindi ang mga relihiyosong pagkaunawa ng isang tao o ga’no man kasuwail ang disposisyon nila, kung hahanapin at babasahin nila ang mga salita Niya, maririnig nila ang tinig Niya at makikita’ng pagpapakita Niya. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27).

Tinanggap na ngayon ng buong pamilya ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mas kompyansa na akong ibahagi ang ebanghelyo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman