Masama ba Talaga na Dumanas ng Sakuna?

Hulyo 31, 2024

Ni Zheng Xin, Tsina

Isang araw noong Hulyo 2023, nabalitaan ko na isang brother mula sa aming iglesia, si Wang Hao, ay naaksidente at malubhang nasugatan. Dinala siya sa ospital habang na-comatose. Nang marinig ko ang balitang ito, bigla akong nabahala. Tinalikuran ng brother na ito ang lahat at sumunod sa Diyos sa loob ng maraming taon. Nang magkasakit siya ng malubhang leukemia habang ginagawa ang kanyang tungkulin, hindi niya sinisi ang Diyos, nagpapagamot siya habang ginagawa ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya. Paanong nangyari sa kanya ang gayong bagay? Bakit hindi siya pinrotektahan ng Diyos? Kung ikamatay niya ang aksidenteng ito, hindi ba’t ibig sabihin niyon ay walang magandang hantungan para sa kanya? Pagkatapos nito, palagi na akong nababahala tungkol sa bagay na ito. Madalas itong pumapasok sa aking isipan kahit habang ginagawa ko ang tungkulin ko. Umaasa ako na poprotektahan ng Diyos ang brother na ito at ilalayo siya sa kamatayan, nang sa gayon ay makikita ko na binigyan ng Diyos ng espesyal na biyaya at pagpapala ang mga tumalikod sa lahat at sumunod sa Kanya. Makalipas ang ilang araw, nabalitaan ko na kritikal pa rin ang kondisyon ni Wang Hao. Na-comatose siya at nagdedeliryo pa nga. Nang mabalitaan ko ito, agad na bumigat ang loob ko. Kung mamamatay ang brother na ito, hindi ba’t mangangahulugan iyon na wala siyang magandang hantungan? Kung gayon, hindi ba’t masasayang lang ang kanyang pagtalikod sa mga bagay-bagay at paggugol ng kanyang sarili nitong mga nakaraang taon? Mukhang hindi naggagarantiya ng magandang hantungan ang pagtalikod sa lahat ng bagay at paggawa ng tungkulin. Habang iniisip ito, umusbong ang isang hindi maipaliwanag na pagkabalisa sa puso ko. Hindi ko maiwasang mag-alala tungkol sa aking kalalabasan at hantungan sa hinaharap, iniisip ko na, “Tinalikuran ko rin ang aking pamilya, binitiwan ang aking propesyon, at ginampanan ko ang aking tungkulin sa loob ng maraming taon. Kung makakaranas ako ng kalamidad at mamamatay sa hinaharap, hindi ba’t hindi rin ako magtatamo ng anumang pagpapala?” Habang nag-iisip hanggang sa puntong iyon, naramdaman ko na parang may malaking batong nakadagan sa puso ko; napakabigat nito. Sa maraming sunod-sunod na araw, hindi ako makaipon ng anumang lakas kapag ginagawa ko ang aking tungkulin. Pinlano kong pag-aralan ang mga nauugnay na prinsipyo para matugunan ang aking mga pagkukulang sa gawain, pero ayaw ko nang gawin ito. Isinantabi ko rin ang gawain ko ng pagtetraining sa mga tagapagpalaganap ng ebanghelyo at ayaw ko nang problemahin iyon. Dahil hindi ko agad naitama ang ilang paglihis, naapektuhan ang gawain ng ebanghelyo.

Noong mga araw na iyon, palagi akong napapabuntong-hininga at masyado akong nanlulumo. Nagkaroon ako ng mga kuru-kuro sa Diyos, at naisip ko na kahit magsikap ako at igugol ang sarili ko, hindi naman siguradong makakatanggap ako ng magandang kalalabasan at hantungan. Bagamat ginagawa ko ang tungkulin ko sa panlabas, may pader sa pagitan namin ng Diyos sa puso ko. Kapag nananalangin ako, wala akong maisip na sabihin sa Kanya. Hindi nagtagal, nabalitaan ko na mabilis na gumaling si Wang Hao at malapit na siyang makabalik sa paggawa ng kanyang tungkulin. Sobrang saya ko nang mabalitaan ito. Sa wakas ay nawala na ang malaking bato na nakabara sa puso ko, at biglang naglaho ang aking panlulumo. Nang makita ko kung paano pinrotektahan ng Diyos ang brother na ito, muli akong nagkaroon ng pananalig sa Kanya. Naisip ko, “Binibiyayaan at pinagpapala pa rin ng Diyos ang mga taos-pusong gumugugol ng kanilang sarili para sa Kanya. Makikita ang katunayang ito kay Wang Hao.” Nanumbalik ang pag-asa ko na magkaroon ng magandang hantungan, at naging maluwag ang pakiramdam ko at masayahin ako, at masigla ako kapag ginagawa ang aking tungkulin.

Pagkatapos, pinagnilayan ko ang aking sarili, iniisip ko, “Bakit ba sobrang pabago-bago ang kalagayan ko sa mga panahong ito?” Sa aking pagninilay-nilay, naisip ko ang ilang salita ng Diyos na nabasa ko noon at kaya hinanap ko ang mga ito para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ang ilang tao ay nakakita ng isang taong nakararanas ng mga paghihirap, agad silang nag-iingat sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang sarili sa posisyon ng taong iyon. Sa tuwing nakakakita sila ng isang taong nahaharap sa isang uri ng pagdadalamhati, karamdaman, kapighatian, o kapahamakan, agad nilang inaalala ang kanilang sarili at iniisip na, ‘Kung mangyari ito sa akin, ano ang gagawin ko? Maaari palang maharap pa rin sa mga bagay na ito at magdusa ng mga paghihirap na ito ang mga mananampalataya. Kaya’t ano bang uri mismo ng Diyos Siya? Kung ang Diyos ay lubos na walang konsiderasyon sa mga nararamdaman ng taong iyon, ganoon din ba Niya ako tatratuhin? Ipinapakita nito na hindi maaasahan ang Diyos. Sa anumang lugar at anumang oras, nagsasaayos Siya ng isang hindi inaasahang kapaligiran para sa mga tao, at maaari Niya silang patuloy na ilagay sa mga nakakahiyang sitwasyon, at sa anumang sirkumstansiya.’ Natatakot sila na kung hindi sila mananampalataya, hindi sila magkakamit ng mga pagpapala, ngunit kung patuloy silang mananampalataya, makatatagpo sila ng kapahamakan. Sa ganitong paraan, kapag nananalangin ang mga tao sa harap ng Diyos, basta lang nilang sinasabing, ‘Diyos ko, nakikiusap ako na pagpalain Mo ako,’ at hindi sila naglalakas-loob na sabihing, ‘Diyos ko, hinihiling ko na subukin Mo ako, disiplinahin Mo ako, at gawin Mo ang Iyong kalooban, handa po akong tanggapin ito’—hindi sila naglalakas-loob na manalangin nang ganito. Matapos makaranas ng ilang dagok at kabiguan, nababawasan ang determinasyon at katapangan ng mga tao, at nagkakaroon sila ng ibang ‘pagkaunawa’ sa matuwid na disposisyon ng Diyos, sa Kanyang pagkastigo at paghatol, at sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at nakararamdam din sila ng pagiging maingat sa Diyos. Sa ganitong paraan, mayroong isang harang, isang pagkakalayo, sa pagitan ng mga tao at ng Diyos. Ayos lang ba na magkaroon ang mga tao ng mga ganitong kalagayan? (Hindi.) Kaya, may tendensiya bang mabuo sa loob ninyo ang ganitong mga kalagayan? Minsan ba ay namumuhay kayo sa mga ganitong kalagayan? (Oo.) Paano dapat lutasin ang gayong mga problema? Ayos lang bang hindi hanapin ang katotohanan? Kung hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan at wala kayong pananalig, magiging mahirap para sa inyo na sundin ang Diyos hanggang sa huli, at madadapa kayo sa tuwing makatatagpo kayo ng mga sakuna at kapahamakan, natural man ito o gawa ng tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 11). “Ang lahat ng sumasampalataya sa Diyos ay handa lamang na tanggapin ang biyaya, mga pagpapala, at mga pangako ng Diyos, at handa lamang tanggapin ang Kanyang kabaitan at habag. Ngunit walang naghihintay o naghahanda na tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ang Kanyang mga pagsubok at pagpipino, o ang Kanyang pagkakait, at walang ni isang tao ang naghahandang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang Kanyang pagkakait, o ang Kanyang mga sumpa. Normal ba o hindi normal ang relasyong ito sa pagitan ng mga tao at ng Diyos? (Hindi normal.) Bakit mo nasabing hindi normal ito? Ano ang kulang dito? Ang kulang dito ay hindi taglay ng mga tao ang katotohanan. Ito ay dahil napakaraming kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, palagi silang nagkakamali ng pagkaunawa sa Diyos, at hindi nila inaayos ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan—kaya’t malaki ang posibilidad na magkakaroon ng mga problema. Sa partikular, nananampalataya lamang ang mga tao sa Diyos para sila ay pagpalain. Nais lamang nilang makipagkasundo sa Diyos, at humingi ng mga bagay mula sa Kanya, ngunit hindi nila hinahangad ang katotohanan. Napakamapanganib nito. Sa sandaling makatagpo sila ng isang bagay na salungat sa kanilang mga kuru-kuro, agad silang magkakaroon ng mga haka-haka, hinaing, at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, na maaari pa ngang umabot sa pagtataksil sa Kanya. Malubha ba ang mga kahihinatnan nito? Anong landas ang tinatahak ng karamihan ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos? Bagamat maaaring nakapakinig na kayo sa napakaraming sermon at pakiramdam ninyo ay marami na kayong naunawaan na katotohanan, ang totoo ay tinatahak pa rin ninyo ang landas ng pananampalataya sa Diyos para lamang makinabang hangga’t maaari. Kung handa na ang iyong isipan para tumanggap ng paghatol at pagkastigo, mga pagsubok at pagpipino, at hinanda mo na rin ang isipan mo na dumanas ng sakuna, at kung, gaano man kalaki ang ginugugol mo para sa Diyos at gaano man kalaki ang isinasakripisyo mo sa pagganap ng iyong tungkulin, ay talagang mahaharap ka sa mga pagsubok ni Job, at ipagkakait sa iyo ng Diyos ang lahat ng iyong ari-arian, maging sa puntong malapit nang matapos ang buhay mo, ano ang gagawin mo kung gayon? Paano mo haharapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Paano mo dapat harapin ang iyong tungkulin? Paano mo dapat harapin ang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos? Mayroon ka bang tamang pag-unawa at tamang saloobin? Madali bang sagutin ang mga katanungang ito o hindi? Isa itong malaking hadlang na inilagay sa harapan ninyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 11). Ang sinabi ng mga salita ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Tinalikuran ni Wang Hao ang lahat at ginugol niya ang kanyang sarili para sa Diyos sa loob ng maraming taon, at mayroon din siyang pagpapahalaga sa pasanin sa kanyang tungkulin, pero nang dumanas siya ng malaking sakuna at nalagay sa bingit ng kamatayan, agad kong naisip ang sarili ko. Tinalikuran ko rin ang mga bagay-bagay at ginugol ko ang sarili ko sa loob ng maraming taon, at kung magiging kapareho ng kay Wang Hao ang kapalaran ko sa aking pananalig sa Diyos, nagdurusa sa sakuna sa halip na nagtatamo ng mga pagpapala, ano ang gagawin ko kung gayon? Sa puso ko, nagrereklamo ako laban sa Diyos, iniisip ko, “Bakit hindi ginagantimpalaan ng Diyos ang mga tao na tumatalikod at gumugugol ng sarili at sa halip ay walang pusong dinudulutan sila ng sakuna?” Ang sigasig na iginugol ko para sa Diyos noon ay naglaho sa isang iglap. Ayaw ko nang hanapin ang katotohanan para lutasin ang aking mga paglihis at pagkukulang sa aking tungkulin, at hindi ko na inaalala ang aking gawain ng paglilinang sa mga tao. Sinalungat at kinalaban ko ang Diyos sa puso ko. Nagreklamo ako tungkol sa Diyos noong dumanas ng kalamidad si Wang Hao dahil simula nang manampalataya ako sa Diyos, ginagawa ko ito upang makatanggap ng mga pagpapala at biyaya. Ngayon, sa sandaling nakita ko na dumanas ng kalamidad si Wang Hao sa halip na tumanggap ng mga bagay na itopagpapala at biyaya pagkatapos niyang talikuran at igugol ang kanyang sarili, ayaw ko na agad gawin ang tungkulin ko. Umiwas ako sa Diyos at binantayan ko ang sarili ko laban sa Kanya, sinasalungat at kinakalaban Siya. Ang pananampalataya ko sa Diyos ay katulad lang ng sa mga tao sa relihiyon; ito ay para maghanap ng tinapay at mapawi ang gutom, at hindi para hangarin ang katotohanan, tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, o palugurin ang Diyos. Wala rin akong tunay na pananalig o pagpapasakop sa Diyos, at hindi ko kayang kusang-loob na ipagkatiwala ang lahat ng mayroon ako sa mga kamay ng Diyos at hayaan Siyang mamatnugot at magsaayos. Ang pagdanas ni Wang Hao ng mga sitwasyong ito ay nagbunyag sa aking mga intensiyon na magkamit ng mga pagpapala at sa mga maling pananaw sa aking paghahangad. Kung hindi ko lulutasin ang mga problemang ito, kung daranas ako ng kalamidad at mahaharap sa kamatayan isang araw, magrereklamo ako at gagawa ng mga bagay na lumalaban at sumasalungat sa Diyos. Kung sumobra ang gagawin kong ito hanggang sa puntong hindi na ito mapapatawad, kung gayon ay dapat akong parusahan. Habang naiisip ito, medyo natakot ako. Gusto kong hanapin ang katotohanan at lutasin ang aking mga problema sa lalong madaling panahon.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Naniniwala ka na naiiba ka, na espesyal kang pinapaboran ng Diyos, at na kung may ititiwalag o tatalikuran ang Diyos, hindi ikaw iyon. Tama ba ang mga kaisipang ito? (Hindi.) Bakit hindi tama ang mga ito? (Hindi obhetibo ang mag-isip nang ganito.) Katumbas ba ng mga salitang ito ang tunay na kaalaman sa Diyos? O ito ba ay pawang personal na pagtingin at ispekulasyon lamang? Ang mga taong may ganitong mga kaisipan ay mga tao ba na naghahangad sa katotohanan? (Hindi.) Kaya, tunay ba silang makapagpapasakop sa Diyos? (Hindi.) Handa na ba silang tanggapin ang pagkastigo, paghatol, mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, at maging ang Kanyang mga sumpa? (Hindi.) Ano ang gagawin nila kapag talagang nangyari sa kanila ang pagkastigo at paghatol, mga pagsubok at pagpipino ng Diyos? Magkakaroon ba sila ng mga kuru-kuro o reklamo tungkol sa Diyos? Matatanggap ba nila ang mga ito bilang mga bagay na mula sa Diyos at tunay ba silang makapagpapasakop? (Hindi.) Magiging mahirap itong makamit, sa totoo lang. Ito ay dahil nananampalataya sila sa Diyos para lamang humingi ng biyaya o makinabang hangga’t maaari. Hindi nila alam na ang Diyos ay maharlika at napopoot din, at na hindi nalalabag ang disposisyon ng Diyos. Tinatrato ng Diyos ang lahat nang patas, at pagdating sa sinumang nilikha, ang disposisyon ng Diyos ay pagkahabag at pagmamahal, ngunit naroon din ang pagkamaharlika at pagkapoot. Sa pakikitungo ng Diyos sa bawat tao, ang pagkahabag, pagmamahal, pagkamaharlika, at pagkapoot sa Kanyang matuwid na disposisyon ay hinding-hindi nagbabago. Ang Diyos ay hindi kailanman magpapakita ng pagkahabag at pagmamahal para lamang sa ilang tao, at pagkamaharlika at pagkapoot para lamang sa iba. Hinding-hindi ito gagawin ng Diyos, dahil Siya ay isang matuwid na Diyos, at Siya ay patas sa lahat. Ang pagkahabag, pagmamahal, pagkamaharlika, at pagkapoot ng Diyos ay umiiral para sa sinumang tao. Maaari Siyang magkaloob ng biyaya at mga pagpapala sa mga tao, at magbigay sa kanila ng proteksyon. Kasabay nito, maaari ding hatulan at parusahan ng Diyos ang mga tao, sumpain sila, at alisin ang lahat ng ibinigay Niya sa kanila. Maaaring magbigay ang Diyos sa mga tao, ngunit maaari din Niyang alisin ang lahat sa kanila. Ito ang disposisyon ng Diyos, at ito ang dapat Niyang gawin sa bawat tao. Samakatuwid, kung iniisip mo na, ‘Mahalaga ako sa mga mata ng Diyos, ako ang Kanyang kinagigiliwan. Tiyak na hindi Niya matitiis na parusahan at hatulan ako, at tiyak na hindi kakayanin ng puso Niya na kuhain ang lahat ng ibinigay Niya sa akin, upang hindi sumama ang loob ko at hindi ako mabalisa,’ hindi ba’t mali ang ganitong pag-iisip? Hindi ba’t isa itong kuru-kuro tungkol sa Diyos? (Oo.) Kaya, bago mo maunawaan ang mga katotohanang ito, hindi ba’t iniisip mo lang ang magtamasa ng biyaya, habag, at pagmamahal ng Diyos? Bilang resulta, palagi mong nakakalimutan na ang Diyos ay mayroon ding pagkamaharlika at pagkapoot. Bagamat binibigkas ng iyong mga labi na ang Diyos ay matuwid, at nagagawa mong magpasalamat at magpuri sa Diyos kapag nagpakita Siya sa iyo ng pagkahabag at pagmamahal, labis na sumasama ang loob mo sa tuwing nagpapakita ang Diyos ng pagkamaharlika at pagkapoot sa pagkastigo at paghatol sa iyo. Iniisip mo na ‘Kung hindi lang sana umiral ang gayong Diyos.’ ‘Kung hindi lang sana ang Diyos ang gumawa nito, kung hindi lang sana ako pinupuntirya ng Diyos, kung hindi lang sana ito ang layunin ng Diyos, kung sana ay ginawa na lang ang mga bagay na ito sa iba. Dahil mabait akong tao, at wala akong ginawang masama, at nagbayad ako ng malaking halaga para sa pananampalataya ko sa Diyos sa loob ng maraming taon, hindi dapat maging masyadong walang awa ang Diyos. Dapat akong maging karapat-dapat at kuwalipikadong magtamasa sa habag at pagmamahal ng Diyos, gayundin sa saganang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Hindi ako hahatulan o parurusahan ng Diyos, at hindi rin kakayanin ng puso Niya na gawin ito.’ Pangangarap lamang ba ito nang gising at maling pag-iisip? (Oo.) Paano ito naging mali? Ang mali rito ay hindi mo itinuturing ang sarili mo bilang isang nilikha, bilang isang miyembro ng nilikhang sangkatauhan. Nagkamali ka nang ihiwalay mo ang iyong sarili sa nilikhang sangkatauhan at ituring ang iyong sarili bilang kabilang sa isang espesyal na grupo o uri ng nilikha, nagbibigay ng espesyal na katayuan sa sarili mo. Hindi ba’t mayabang at mapagmagaling ito? Hindi ba’t hindi ito makatwiran? Ito ba ay isang taong tunay na nagpapasakop sa Diyos? (Hindi.) Talagang hindi(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 11). Nagnilay ako sa aking sarili. Ang aking kuru-kuro ay na dapat magpakita ng awa at pagmamahal ang Diyos sa mga tunay na nananampalataya sa Kanya at sa mga handang tumalikod at gumugol ng kanilang sarili, na dapat Niyang gantimpalaan ang mga taong ito ng biyaya at mga pagpapala. Samantala, pagdating sa masasamang tao at mga anticristong iyon, gayundin sa mga hindi mananampalataya at mga diyablo na lumaban at lumapastangan sa Kanya, dapat na mahigpit silang hatulan at sumpain ng Diyos at patawan ng matinding kaparusahan. Kaya, nang mabalitaan ko na dumanas ng kalamidad si Wang Hao at hindi tiyak kung makakaligtas siya, nagkaroon ng mga kuru-kuro ang puso ko at naniwala ako na hindi matuwid ang Diyos, iniisip ko na, “Tinalikuran at ginugol ni Wang Hao ang sarili niya para sa Diyos sa loob ng maraming taon, palagi siyang gumagawa ng mahahalagang tungkulin sa iglesia, at mayroon siyang pagpapahalaga sa pasanin; hindi dapat hayaan ng Diyos na dumanas ng kalamidad ang gayong tao.” Napakayabang ko at wala akong katwiran! Naalala ko si Job, na perpekto sa mga mata ng Diyos. Pinahintulutan ng Diyos si Satanas na pahirapan si Job, at nawala kay Job ang lahat, natakpan ng mga sugat ang buong katawan niya. Gayunpaman, sa gitna ng sakuna at pasakit na ito, pinanghawakan pa rin ni Job ang kanyang pananalig at pagpapasakop sa Diyos. Matatag siya sa kanyang pananalig na ang lahat ng pag-aari ng tao ay nagmumula sa Diyos. Kayang gantimpalaan ng Diyos ang tao at pagkaitan din ito; ang pangalan ng Diyos ay nararapat purihin. Kahit na ang nangyari kay Job ay isang kalamidad sa mga mata ng tao, ginamit ng Diyos ang sakunang ito para gawing perpekto ang pananalig at pagpapasakop ni Job, ibinubunyag ang Kanyang pagiging matuwid at karunungan. Ang pagdanas ni Wang Hao ng kalamidad ay isa ring pagsubok para sa kanya at sa kanyang pamilya. Noong nasa sitwasyon siya na nakamamatay, nagtiwala ang kanyang mga magulang na ang sakunang ito ay pinahintulutan ng Diyos, at nagawa nilang magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos nang walang reklamo. Kalaunan, noong siya ay walang malay sa loob ng mahigit 20 araw matapos ang pinsalang natamo niya, siya ay himalang nagising. Nakita ko na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi katulad ng aking inakala, na patuloy na pumoprotekta sa mga taong taos-pusong nananampalataya sa Kanya at hindi sila hinahayaang magdusa ng anumang sakuna o pasakit. Ginagamit ng Diyos ang mga sakuna at pagsubok para gawing perpekto ang pananalig at pagpapasakop ng mga tao sa Kanya. Ginagamit din Niya ang mga bagay na ito para iparanas at ipaunawa sa mga tao ang Kanyang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan. Ito ay isang espesyal na biyaya at pagpapala na ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao. Gayunpaman, ako ay bulag at hindi ko naunawaan ang gawain ng Diyos. Hiningi ko pa nga na huwag hayaan ng Diyos na magdusa si Wang Hao sa kalamidad, kung hindi ay magrereklamo ako na hindi Siya matuwid. Talagang masyado akong mayabang at mangmang. Batay sa ganitong pagkaunawa, kung daranas ako ng sakuna, magrereklamo ako laban sa Diyos, huhusgahan Siya, lalabanan Siya, at sasalungatin ang Kanyang disposisyon. Napagtanto ko na napakalubha ng problema ko, at na kailangan ko talagang hanapin ang katotohanan para malutas ito.

Kalaunan, sa aking mga espirituwal na debosyon, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Hindi tinatrato ng mga anticristo ang mga salita ng Diyos nang may saloobin ng pagtanggap at pagpapasakop, kaya, siyempre ay hindi nila magawang tratuhin ang hinihingi sa Kanyang mga salita na gawin ng sangkatauhan ang kanilang tungkulin bilang mga nilkha na may saloobin ng pagtanggap sa katotohanan. … Kung gayon, paano nila ginagawa ang kanilang tungkulin? Dapat ay may talaan nito sa puso ng bawat isa, at dapat ay may ilang partikular na kuwento sa loob ng talaang ito. Kung gayon, ano ang hitsura ng talaang ito sa puso ng isang anticristo? Gumagawa sila ng mga napakadetalyado, napakatumpak, napakatiyak, at napakamasusing kalkulasyon, kaya, hindi ito isang magulong talaan. Kapag nagpasya silang gawin ang kanilang tungkulin, kinakalkula muna nila: ‘Kung gagawin ko ang tungkulin ko ngayon, kakailanganin kong isakripisyo ang kasiyahan na makasama ang pamilya ko, at kakailanganin kong isakripisyo ang trabaho at ang aking mga makamundong pangarap. Kung iiwan ko ang mga bagay na ito para gawin ang aking tungkulin, ano ang makakamit ko? Sinasabi ng mga salita ng Diyos na, sa huling kapanahunang ito, ang mga nakakatagpo sa Diyos, na nakakagawa ng kanilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, at na nakapananatili hanggang sa huli ay ang mga nakakapagkamit ng mga dakilang pagpapala. Dahil iyon ang mga sinasabi ng mga salita ng Diyos, sa palagay ko ay magagawa at maisasakatuparan ito ng Diyos ayon sa mga salitang ito. Bukod pa rito, maraming ipinapangako ang Diyos sa mga taong ito na nakakagawa ng kanilang tungkulin at kayang gumugol ng kanilang sarili para sa Kanya!’ Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga salita ng Diyos, pinipili nila ang maraming pangako ng Diyos sa huling yugto sa mga taong gumagawa ng kanilang tungkulin, at ito, dagdag pa sa kanilang mga personal na imahinasyon at lahat ng kuru-kurong nilikha ng kanilang sariling pagsusuri at pag-aaral sa mga salitang ito, ay lumilikha ng malalim na interes at udyok sa paggawa ng kanilang tungkulin. Pagkatapos, lumalapit sila sa Diyos para manalangin, nangangako at nanunumpa nang taimtim, at nagpapasya na handa silang talikuran at igugol ang lahat para sa Diyos, na ialay ang buhay na ito sa Kanya at bitiwan ang lahat ng kasiyahan at pangarap ng laman. Bagamat nananalangin sila sa ganitong paraan at tila tama ang kanilang mga salita, ang iniisip nila sa kaibuturan ay sila lang ang nakakaalam at ang Diyos. Tila dalisay ang kanilang mga panalangin at ang kanilang kapasyahan, at tila ginagawa lang nila ito para tuparin ang atas ng Diyos, upang gawin ang kanilang tungkulin at tugunan ang mga layunin ng Diyos, pero sa kaibuturan ng kanilang puso, kinakalkula nila kung paano nila makakamtan ang mga pagpapala at matatamo ang mga bagay na nais nila sa pamamagitan ng paggawa ng kanilang mga tungkulin, at kung ano ang maaari nilang gawin para makita ng Diyos ang lahat ng kanilang isinakripisyo at upang lubos Siyang mapahanga sa kanilang ibinayad at sa kanilang nagawa, upang gugunitain Niya ang kanilang nagawa at sa huli ay pagkakalooban sila ng lahat ng mga pangarap at pagpapala na nais nila. … Ano ang layunin ng mga anticristo sa paggampan sa kanilang tungkulin? Ito ay upang makipagkasundo, para makipagpalitan. Masasabi na ito ang mga kondisyon na itinatakda nila para sa paggampan ng tungkulin: ‘Kung gagawin ko ang aking tungkulin, dapat akong magtamo ng mga pagpapala at magkaroon ng magandang hantungan. Dapat kong makamit ang lahat ng pagpapala at pakinabang na sinabi ng Diyos na inihanda para sa sangkatauhan. Kung hindi ko makakamit ang mga ito, hindi ko gagawin ang tungkuling ito.’ Pumapasok sila sa sambahayan ng Diyos para gampanan ang kanilang tungkulin nang may mga gayong layunin, ambisyon, at pagnanais. Tila mayroon silang kaunting sinseridad, at siyempre, para sa mga bagong mananampalataya at sa mga kakasimula pa lang na gumampan sa kanilang tungkulin, maaari din itong tawagin na kasigasigan. Ngunit walang tunay na pananalig o katapatan dito; mayroon lamang antas ng kasigasigan. Hindi ito matatawag na sinseridad. Kung titingnan ang saloobing ito ng mga anticristo sa paggampan sa kanilang tungkulin, ito ay ganap na transaksyunal at puno ng kanilang mga pagnanais sa mga pakinabang tulad ng pagtanggap sa mga pagpapala, pagpasok sa kaharian ng langit, pagkakamit ng korona, at pagtanggap ng mga gantimpala(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Inilantad ng Diyos na anuman ang ginagawa ng mga anticristo, palagi nila itong iniuugnay sa pagkamit ng mga pagpapala at sa kanilang mga pangarap at kapalaran. Ganito rin ang kalagayan ko. Matapos magsimulang manampalataya sa Diyos, nagawa kong talikuran at igugol ang sarili ko nang kaunti dahil nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na sa mga huling araw, ililigtas ng Diyos ang mga tao at dadalhin sila sa isang magandang hantungan. Inisip ko na hindi ko pwedeng palampasin ang ganito kagandang pagkakataon, kaya aktibo kong ginampanan ang aking tungkulin, naghahanda ng mabubuting gawa para magkamit ng mga pagpapala sa hinaharap. Kalaunan, inusig ako ng aking mister at hinadlangan niya ako sa aking pananampalataya sa Diyos. Habang pumipili sa pagitan ng Diyos at ng aking buhay may-asawa at pamilya, iniisip ko, “Kung pipiliin ko ang pamilya, bagamat magtatamasa ako ng isang maginhawang buhay, ang mga kasiyahan ng laman ay pansamantala lamang. Samantala, ang mga taong taos-pusong gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos ay maaaring magkamit ng mas malalaking pagpapala mula sa Kanya. Ang mga pagpapalang ito ay walang hanggan, at kung palalampasin ko ang pagkakataong ito, hindi ako makakatanggap ng mga ito.” Matapos itong pag-isipan, sa huli, determinado kong pinili na sumunod sa Diyos at gawin ang aking tungkulin. Lalo na noong pandemya ng coronavirus nitong mga nakaraang taon, maraming tao ang namatay sa gitna ng kalamidad. Ang mga hindi nananampalataya sa Diyos at lumalaban sa Kanya ay maaaring mapuksa ng malaking kalamidad anumang oras. Samantala, abala ako sa paggawa ng aking tungkulin araw-araw, at sa kabila ng malawak na pagkalat ng coronavirus, hindi ako nahawa. Nang makita kong pinoprotektahan ako ng Diyos, mas naging masigla ako sa paggawa ng aking tungkulin, at kahit gaano kapagod ang katawan ko, nagpatuloy ako. Inisip ko na ang pagsisikap nang ganito ay nangangahulugan na ako ay tapat sa Diyos, at na tiyak na makakatanggap ako ng Kanyang mga pagpapala sa hinaharap. Gayunpaman, hindi umayon sa aking mga kuru-kuro ang aksidenteng nangyari kay Wang Hao, at inilantad nito ang aking mga intensiyon. Naniwala ako na dahil tinalikuran at ginugol ni Wang Hao ang kanyang sarili para sa Diyos, hindi siya dapat hayaan ng Diyos na magdusa ng mga sakuna. Kahit na magdusa siya, dapat siguraduhin ng Diyos na mananatili siyang ligtas at maayos, para makita ng lahat na poprotektahan at pagpapalain Niya ang mga taos-pusong gumugugol ng kanilang sarili para sa Kanya. Sa ganitong paraan, makakasiguro ako na makakatanggap ako ng mga pagpapala kung tatalikuran at igugugol ko ang aking sarili sa loob ng maraming taon. Pero pagkalipas ng maraming araw, nang mabalitaan kong naka-coma pa rin si Wang Hao, nagsimula akong madismaya sa Diyos. Bukod sa sinisi ko ang Diyos, nagreklamo rin ako sa puso ko na hindi ito makatarungan para kay Wang Hao. Pinagsisihan ko pa nga ang pagtalikod at paggugol ng sarili ko, at nawalan ako ng gana na gawin ang tungkulin ko. Sa pagtalikod at paggugol ng aking sarili, hindi ko tinutupad ang responsabilidad at obligasyon ng isang nilikha, kundi nakikipagpalitan ako sa Diyos para magkamit ng biyaya at mga pagpapala. Naisip ko kung paanong ang pagtalikod at paggugol ni Pablo ng kanyang sarili ay para magkamit ng mga gantimpala at isang korona. Kaya, sa huli ay sinabi niya tulad ng inaasahan na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Ngayon, nakita ko na ang mga pananaw ko sa aking paghahangad habang nananampalataya sa Diyos ay katulad ng kay Pablo. Hindi ako nananampalataya para hangarin ang katotohanan, tuparin ang aking tungkulin, o palugurin ang Diyos. Sa halip, ginagamit ko ang pagtalikod at paggugol ng aking sarili para humingi ng magagandang pagpapala mula sa Diyos. Puno ito ng mga interes at transaksiyon. Ang ganitong paraan ng paggugol ng aking sarili ay hindi taos-puso at tapat sa Diyos, kundi isa itong paraan ng pandaraya at paggamit sa Kanya. Talagang masyado akong mapanlinlang, masyadong buktot! Ngayon, palaki nang palaki ang kalamidad. Kung hindi ko hahangarin nang maayos ang katotohanan, itutuwid ang aking mga maling paghahangad, at lulutasin ang aking tiwaling disposisyon, lalabanan at ipagkakanulo ko ang Diyos kapag nahaharap ako sa mga bagay-bagay na hindi naaayon sa aking mga kuru-kuro sa hinaharap, at sa huli, maliligaw lang ako sa gitna ng malaking kalamidad at maparurusahan.

Kalaunan, madalas kong iniisip, “Paano ako dapat magsagawa nang sa gayon ay ginagawa ko ang aking tungkulin bilang isang nilikha?” Isang araw, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Sabi ng Diyos: “Anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang tao, ito ang pinakanararapat na bagay na magagawa nila, ang pinakamaganda at pinakamakatarungang bagay sa gitna ng sangkatauhan. Bilang mga nilikha, dapat gampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin, at saka lamang sila makatatanggap ng pagsang-ayon ng Lumikha. Namumuhay ang mga nilalang sa ilalim ng kapangyarihan ng Lumikha, at tinatanggap nila ang lahat ng ibinibigay ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsibilidad at obligasyon. Ito ay ganap na natural at may katwiran, at inorden ng Diyos. Mula rito ay makikita na, ang paggampan ng mga tao sa tungkulin ng isang nilikha ay mas makatarungan, maganda, at marangal kaysa sa anumang iba pang bagay na nagawa habang namumuhay sa lupa; wala sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang nagdudulot ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilikhang tao, kaysa sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa lupa, tanging ang grupo ng mga taong tunay at taos-pusong gumaganap ng tungkulin ng isang nilikha ang siyang mga nagpapasakop sa Lumikha. Hindi sumusunod sa mga makamundong kalakaran ang grupong ito; nagpapasakop sila sa pamumuno at pagpatnubay ng Diyos, nakikinig lamang sa mga salita ng Lumikha, tumatanggap sa mga katotohanang ipinapahayag ng Lumikha, at namumuhay ayon sa mga salita ng Lumikha. Ito ang pinakatunay, pinakamatunog na patotoo, at ito ang pinakamagandang patotoo ng pananampalataya sa Diyos. Ang magampanan ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap bilang isang kuwento na pupuriin ng lahat ng tao. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng kayang gumampan sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat sa pagpaparangal—ito ay isang positibong bagay. … Bilang isang nilikha, kapag humarap ang isang tao sa Lumikha, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin. Ito ay isang bagay na talagang nararapat gawin, at dapat niyang tuparin ang responsabilidad na ito. Sa batayan na ginagampanan ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, nakagawa ang Lumikha ng mas higit na dakilang gawain sa sangkatauhan, at isinakatuparan Niya ang isang karagdagang yugto ng gawain sa mga tao. At anong gawain iyon? Tinutustusan Niya ang sangkatauhan ng katotohanan, na tinutulutan silang makamit ang katotohanan mula sa Kanya habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at sa ganoong paraan ay naiwawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nadadalisay sila. Kaya, natutugunan nila ang mga layunin ng Diyos at tumatahak na sila sa tamang landas sa buhay, at, sa huli, nagagawa nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, magtamo ng ganap na kaligtasan, at hindi na mapasailalim sa mga pagpapahirap ni Satanas. Ito ang epektong gusto ng Diyos na makamtan ng sangkatauhan sa huli sa pamamagitan ng paggampan nila sa kanilang tungkulin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa tungkol sa tungkulin at responsabilidad ng isang nilikha. Sa panahon kung kailan ang buong sangkatauhan ay naghahanap lang ng kasiyahan sa paghahangad ng mga makamundong uso, ang magkaroon ako ng pagkakataon na marinig ang tinig ng Diyos, matanggap ang pagdidilig at pagtustos ng Kanyang mga salita, at maunawaan ang maraming katotohanan na hindi ko maunawaan noon ay isang biyaya at espesyal na pabor ng Diyos para sa akin. Ganap na natural at makatwiran lang na gawin ko ang tungkulin ko sa harap ng Lumikha, gaya ng isang anak na tumutupad sa kanyang responsabilidad sa harap ng kanyang mga magulang. Ang magawa kong tuparin ang aking responsabilidad ayon sa mga hinihingi ng Diyos ay isang bagay na sinasang-ayunan ng Diyos at ito ang pinakamakabuluhang bagay. Gaya ng pagbuo ni Noah ng arka ayon sa mga hinihingi ng Diyos ay pagsasaalang-alang sa layunin ng Diyos, pagtatapos sa Kanyang atas, at pagtitiyak na makakasulong nang maayos ang Kanyang gawain. Gayunpaman, sobra akong makasarili at kasuklam-suklam. Hinayaan kong makaapekto sa akin ang pagnanais ko ng mga pagpapala, gustong makipagtransaksiyon sa Diyos sa sandaling talikuran at igugol ko ang aking sarili nang kaunti, at gustong magkaroon ng magandang hantungan at mga gantimpala mula sa langit kapalit ng mga nagawa ko. Ang ganitong paraan ng paggugol ng aking sarili ay puno ng mga interes at pakikipagtransaksiyon, at kinasusuklaman at kinokondena ito ng Diyos. Kung ganito ako mananampalataya hanggang sa huli, hinding-hindi ko matatanggap ang pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos. Nang maunawaan ko ito, nagsisi ako at sinaway ko ang aking sarili. Kinamuhian at kinasuklaman ko rin ang sarili ko sa pagkakaroon ng mga gayong hangarin. Isa lamang akong nilikha, at ang paggugol ng sarili ko ay isang bagay na nararapat kong gawin; ito ay responsabilidad ko. Sa anong paraan ba ako karapat-dapat humingi ng mga pagpapala at gantimpala mula sa Diyos? Mula noon, handa na akong hangarin nang tama ang katotohanan, at tumuon sa paghahangad ng pagbabago sa disposisyon sa paggampan ko sa aking tungkulin. Magkamit man ako ng mga pagpapala o magdusa ng kasawian, ipagkakatiwala ko ang lahat sa mga kamay ng Diyos, magtitiwala ako sa Kanyang pamamatnugot at mga pagsasaayos, at tutuparin ko ang aking tungkulin ayon sa Kanyang mga hinihingi. Ito ang pundasyon at kahalagahan ng pamumuhay. Matapos maunawaan ito, hindi na ako nababahala o nangangamba tungkol sa aking kalalabasan at kahahantungan sa hinaharap. Naging mas magaan at malaya ang pakiramdam ng puso ko.

Noon, lagi akong natatakot na dumanas ng kalamidad at mga pagsubok at kapighatian. Akala ko ay masamang bagay ito. Ngayon, nauunawaan ko na kung kaya ng isang tao na magkaroon ng tunay na pananalig at pagpapasakop sa Diyos kapag siya ay dumaranas ng sakuna at kumapit sa kanyang katapatan at magpatotoo sa harap ng Diyos, gagawin siya nitong perpekto at bibigyan ng mga pagpapala sa pamamagitan ng sakuna. Katulad ni Job, sa gitna ng mga pagsubok at sakuna, kumapit siya sa kanyang pananalig at pagpapasakop sa Diyos, kaya tumanggap siya ng pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos. Hindi lamang dumoble ang dami ng lahat ng materyal na bagay, ipinakita rin ng Diyos ang Kanyang sarili kay Job, kaya mapalad si Job na mamalas ang Diyos. Sa panlabas, lumitaw na dumanas ng sakuna si Job noon, isang walang-awang pagkakait, pero sa katunayan, ito ang pagpapala ng Diyos sa kanya. Samantala, iba ang asawa ni Job. Nang dumanas si Job ng sakuna at mga pagsubok, sinabi niya kay Job na itatwa at tanggihan ang Diyos, at siya ay naging tanda ng kahihiyan. Mula rito, makikita na kapag nahaharap sa sakuna, ang mga taong taos-pusong nananampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan ay pineperpekto, samantalang ang mga hindi naghahangad sa katotohanan at nagnanais lang na magkamit ng mga pagpapala ay nabubunyag, nakokondena, at natitiwalag. Ang ilang tao ay kontrolado ng mga intensiyong magkamit ng mga pagpapala; sa panlabas, kaya nilang talikuran at gugulin ang kanilang sarili nang kaunti at umako ng mahalagang gampanin sa sambahayan ng Diyos, ngunit kapag sila ay inaaresto at inuusig ng Partido Komunista at nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at mga interes, itinatatwa at ipinagkakanulo nila ang Diyos at nagiging Hudas, ganap na nawawala ang kanilang pagkakataon na maligtas. Samantala, dumaranas din ang ibang kapatid ng mga pag-aresto at pagpapahirap ng Partido Komunista, at kumakapit pa rin sila sa kanilang pananalig at pagpapasakop sa Diyos. Nangangako sila na ibibigay ang kanilang buhay bago sila maging Hudas at ipagkanulo ang Diyos. Ang mga gayong tao ay may patotoo at nagkamit sila ng mga pagpapala sa pamamagitan ng sakuna. Pagkatapos kong maunawaan ito, sa tuwing nauugnay ang paggampan ko sa aking tungkulin sa aking mga pangarap at hantungan, nagagawa kong sadyang bitiwan ang aking intensiyon na magkamit ng mga pagpapala at nais ko lamang tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha at magpasakop sa pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos. Ibinunyag ako ng pagdanas ni Wang Hao ng sakuna, pero pagliligtas at proteksiyon din ito sa akin ng Diyos. Binigyan ako nito ng pagkakataong masangkapan ang aking sarili ng aspektong ito ng katotohanan nang maaga para malabong mabigo ako at bumagsak kapag naharap sa mga pagsubok. Nakita ko na napakapraktikal ng pagliligtas ng Diyos sa tao. Ngayon, mayroon na akong kaunting pagkaunawa sa aking mga intensiyon at karumihan sa paggawa ng aking tungkulin sa mga panahong ito. Nauunawaan ko rin na ang paghahangad at pagkakamit ng katotohanan ay may mas malaking halaga kaysa sa anumang dami ng biyaya. Sa kasalukuyan, ang pinakamahalaga ay ang pagtuunan ko ang paghahangad sa katotohanan at pagbabago sa aking tiwaling disposisyon sa paggampan ng aking tungkulin. Kung makakamit ko man ang mga pagpapala sa huli, ang Diyos na ang bahalang mamatnugot niyon.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply