Inilantad ng Pitong Taon ng mga Pagsubok ang Aking mga Tunay na Kulay

Setyembre 30, 2019

Ni Chen Hui, Lalawigan ng Heilongjiang

Noong 1994, kasama ang aking ina, tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nang malaman ko kung paanong nagpakitang muli sa laman ang Diyos upang gumawa ng gawain ng kaligtasan, natuwa ako, at lalong pinarangalan na maging tagapagmana ng kaligtasan ng Diyos. Sa sumunod na panahon, madalas akong dumalo sa mga pagtitipon, umawit ng mga himno sa pagpupuri sa Diyos, nagbabasa ako ng salita ng Diyos, at matapos akong magkamit ng ilang pag-unawa ng Kanyang mga intensyon, hinati ko ang oras ko sa pagitan ng gawain at pagtupad ng aking mga tungkulin sa loob ng iglesia sa abot ng aking makakaya. Minsan pagkatapos noon, narinig kong malapit nang matapos ang gawain ng Diyos. Labis na nasasabik, naisip ko sa sarili ko, “Dapat mas magsikap pa ako sa aking paghahanap ng katotohanan at gumawa ng mas maraming mabuting gawa bago matapos ang gawain ng Diyos. Hindi ko dapat palampasin ang pagkakataong ito na isang beses lang sa buong buhay nangyayari.” Dahil doon, gumawa ako ng matatag na desisyon na huminto sa trabaho ko at lubos na ipuhunan ang aking sarili sa gawain ng pagkakalat ng ebanghelyo ng kaharian. Nagpasya akong lubos na ilaan ang buong buhay ko sa Diyos, sa paniniwalang sa paggawa lang no’n ko matatanggap ang Kanyang parangal at pagpapala. Nung panahong iyon, araw-araw, patuloy akong naging abala mula umaga hanggang gabi sa kabila ng hangin o ulan. Kahit pa kinailangan kong magbisikleta nang ilang dosenang kilometro, hindi ako nakaramdam ng pagod o sobrang trabaho. May mga sandaling nakaramdam ako ng sakit at kahinaan nang maharap sa paninirang-puri ng mga makamundong tao o pagpapabaya ng mga mahal sa buhay, nguni’t hangga’t pumapasok sa akin ang kaisipang hindi lang ako maliligtas pag dumating sa mundo ang malalaking sakuna at magkakamit ng buhay na walang hanggan, nguni’t magtatamasa rin ng saganang materyal na pagpapala ng Diyos, ako ay nakakadama ng pagpaparangal, at pakiramdam na kapaki-pakinabang ang lahat ng aking pagsisikap. Sa paraang ito, kompyansa ako na kung maigugugol ko ang lahat para sa Diyos, nangangahulugan itong isa akong taong nagmahal sa Diyos at karapat-dapat sa Kanyang mga biyaya, at tiyak na may lugar sa akin sa kaharian. Simula noon, kahit patuloy akong gumugugol at nag-aambag, hindi ako mapakaling naghihintay sa araw kung kailan matatapos ang gawain ng Diyos upang maangkin ko na ang aking masayang lote sa kaharian sa lalong madaling panahon.

Isang araw patungo sa pagtatapos ng 1999, habang kompyansa akong naghahanda na makapasok sa kaharian at tamasahin ang malalaking biyaya nito, sinabi sa akin ng isang kapatid, “Ibinahagi ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na kung nais nating makatanggap ng kaligtasan at maging perpekto, dapat muna tayong sumailalim sa pitong taon ng mga pagsubok.” Nang marinig ko ito, halos hindi ako makapaniwala. Para masigurong hindi ako nagkamali ng dinig, hiniling ko sa kapatid na ulitin ang sinabi niya. Nang makumpirma kong ‘yon nga talaga ang sinabi niya, umikot ang paningin at bigla akong walang nasabi. Kahit anong pilit ko, hindi ko matanggap sa sarili ko na isang katotohanan ang sinabi niya. Biglang nagsimulang tumakbo sa utak ko ang mga saloobin: “Bakit kailangan kop pang dumaan sa pitong taon ng mga pagsubok? Nang sinabi nilang matatapos na ang gawain ng Diyos sa susunod na dalawang taon, tinalikdan ko ang lahat; papaano ako magpapatuloy, ngayong may pitong taon pang natitira? Dapat ba akong maghanap ng trabaho para kumita ng pera? Sa loon ng pitong taon, tatlumpung taon na ako; paano naman ang tungkol sa pag-aasawa? …” Una kong inakala na malapit na malapit na akong makapasok sa kaharian ng Diyos, at malapit nang matapos ang lahat ng aking mga paghihirap ng laman. Gayon pa man, nakikita ngayong hindi ako hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos, kailangan ko ring sumailalim sa pitong taon ng mga pagsubok at pagpipino. Nang maisip ko ang tungkol dito, pinanghinaan ako ng loob, at isang hindi maipahayag na kalungkutan ang nabuo sa loob ko. Sinimulan kong sisihin ang Diyos nang hindi ko namamalayan, naisip ko, “Diyos ko! Bakit hindi Niyo sinabi sa ‘kin nang mas maaga na kailangan ko pang sumailalim sa pitong taon ng pagpipino? Inakala ko sa simula na maging gaano man kahirap ang mga bagay, matatapos din ang lahat sa loob ng dalawa o tatlong taon, at makakapasok na ako noon sa kaharian at magtatamasa ng kamangha-manghang mga biyaya magpakailanman. Gayon man, ngayon, may pitong taon ng mga pagsubok at pagpipino pa akong kakaharapin. Papaano ko malalagpasan ang mga iyon?” Habang lalo kong iniisip, lalo akong nagiging negatibo. Nagsimula akong magsisi sa mga desisyong ginawa ko, at pinag-isipan ko pang bumalik sa makamundong daigdig para maghanap ng trabaho at kumita ng pera, at lumahok lang sa buhay-iglesia kapag may oras. Dahil dito, nabuhay ako nang miserable, at palaging malungkot: Natutulog sa mga pagtitipon, at walang siglang tinutupad ang aking tungkulin. Ramdam kong hindi na kagaya ng enerhiya ko ngayon ang enerhiya ko noon, nguni’t hindi ko rin tinatangkang umatras; talagang hirap akong mamili sa sitwasyon ko. Nung panahong iyon, may ilang mga taong, hindi nakatiis sa mga paghihirap ng pitong taon ng mga pagsubok, ang tumalikod sa Diyos at nawalan ng kanilang pananampalataya. Nang marinig ko ang balitang ito, nabigka ako, at para bang isang alarma ang tumutunog sa ulo ko. Habang tinitingnan ang kasalukuyan kong sitwasyon, natanto kong kapag hindi ako gumawa ng anumang bagay para baligtarin ang sitwasyon ko, malalagay din ako sa malaking panganib—nguni’t, paano ko babaguhin ang kasalukuyan kong kalagayan upang makaahon sa pagiging negatibo na kinasadlakan ko?

Hindi nagtagal pagkatapos no’n, nakita ko ang sumusunod na sipi ng mga salita ng Diyos: “Tuwing binabanggit ang pitong taon ng mga pagsubok, marami-raming tao ang mas nababalisa at nalulungkot, at may ilang nagrereklamo, at naroon ang lahat ng klase ng reaksyon. Malinaw sa mga reaksyong ito na kailangan na ngayon ng mga tao ang ganitong mga pagsubok; kailangan nila ang ganitong klaseng paghihirap at pagpipino. Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangad at pag-asa, subali’t ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa anumang aspeto na hindi kayo dinadalisay, ito ang mga aspeto kung saan dapat kayong mapino—ito ay pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa’yo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon nalalaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa dakong huli, nararating mo ang isang punto kung saan mas gusto mong mamatay at isuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos(“Paano Ang Isa ay Dapat Magbigay-kasiyahan sa Diyos sa Gitna ng Mga Pagsubok” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay isang perpektong paglalahad ng kasalukuyan kong suliranin. Pagkarinig ko na kailangan ko pang sumailalim sa pitong taon ng mga pagsubok, nahulog ako sa hukay ng pagiging negatibo at, puno ng mga hinaing, ay naghimagsik laban sa Diyos. Dati inakala kong dahil itinigal ko na ang trabaho ko at tinalikdan ang aking buhay-pamilya, namuhunan nang higit sa mga karaniwang tagasunod, ako samakatuwid ang mas nagmahal sa Diyos kesa kanino man, at ang pinaka-karapat-dapat sa Kanyang mga biyaya. Doon ko lang napagtantong marumi ang aking paghahanap. Sinusuri ng Diyos ang mga puso’t isipan ng mga tao, at ginamit Niya ang mga pagsubok at pagpipino upang ilantad na ang paniniwala ko sa Kanya ay nakabase talaga sa pagnanasa para sa mga biyaya. Tinulutan Niya akong magkamit ng tunay na pag-unawa ng maling pananaw ng aking paghahanap at alisin ang aking pagnanasa para sa mga biyaya. Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi ba’t nagkukunwari pa rin kayo para linlangin Ako alang-alang sa inyong hantungan, upang ang inyong hantungan ay maging lubos na maganda at ayon sa lahat ng inyong hinahangad? Batid Kong panandalian lamang ang inyong pamimintuho, gayundin ang inyong katapatan. Hindi ba’t ang inyong paninindigan at ang halagang ibinabayad ninyo ay para lamang sa ngayon at hindi para sa hinaharap? Nais lamang ninyong magbuhos ng huling pagsisikap para matiyak ang isang magandang hantungan, na ang tanging layunin ay makipagpalitan. Hindi ninyo ginagawa ang pagsisikap na ito upang maiwasan ang pagkakautang sa katotohanan, at lalong hindi upang bayaran Ako sa halagang pinagbayaran Ko. Sa madaling salita, handa lamang kayong gumamit ng mga tusong pakana upang makamit ang inyong gusto, pero hindi ang ipaglaban ito. Hindi ba’t ito ang pinakaninanais ng inyong puso? Hindi kayo dapat magbalatkayo, o magpagod sa pag-iisip tungkol sa inyong hantungan hanggang sa puntong hindi na kayo makakain o makatulog. Hindi ba totoo na ang kahihinatnan ninyo ay naitakda na sa huli?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan). Ang paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Diyos ang naging dahilan para mapahiya ako at pagnilayan ang aking mga saloobin at mga kilos, natatantong kapareho iyon ng mga inilantad ng Diyos. Inalala ko noong una akong pumasok sa iglesia at nagtatrabaho pa habang tumutupad sa aking mga tungkulin. Nang marinig ko na malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, naisip ko sa sarili ko na para magkaroon ng Kanyang mga biyaya at magkamit ng mga gantimpala, kailangan ko lang lubos na ilaan ang aking sarili sa paggugol para sa Kanya sa pansamantalang panahon. Para masigurong makakapasok ako sa kaharian kapag natapos na ang gawain ng Diyos, tinalikdan ko ang lahat ng pisikal na kasiyahan at nagmadaling tuparin ang aking mga tungkulin. Gayunpaman, nang marinig kong kailangan ko pa ring sumailalim sa pitong taon ng mga pagsubok, pakiramdam ko ay nakatagpo ako ng isang dagok kung saan hindi na ako makakabawi, at naging napakanegatibo ko na nawalan na ako ng gana na tumupad ng aking mga tungkulin. Napuno ng paninisi at paglaban sa Diyos ang puso ko. Nakaramdam ako ng panghihinayang sa lahat ng mga tinalikdan ko at lahat ng pagsisikap na ginawa ko; pinag-isipan ko ring pagtaksilan ang Diyos at talikuran Siya. Naging ibang tao ako sa kung ano ako noon! Sa pamamagitan lang ng paghahayag ng pagsubok ko napagtantong hindi ko talaga sinamba ang Diyos bilang ang Lumikha ng lahat ng nilikha. Napagtanto ko ring hindi ko ginugol ang sarili ko o tinalikdan ang mga makamundong bagay para tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha para maipagpatuloy ang aking pagmamahal sa Diyos at mapasiya ang Diyos. Sa halip, ginawa ko ang lahat ng mga pagsisikap na ito para lang sa aking sariling patutunguhan sa hinaharap. Lahat ng ginawa ko ay para makipagtawaran sa Diyos; gaya ng, panlilinlang at panggagamit ko sa Kanya upang makamit ang aking tunay na layunin na makapasok sa kaharian upang tumanggap ng masaganang mga biyaya. Naging napakamakasarili, kasuklam-suklam, at masama ako! Gaya nga ako ng inilantad ng mga salita ng Diyos: “Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; ngunit para sa mga taong walang Diyos sa kanilang puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang pagnanais na gumugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang uring ito ng mga hamak na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi sila karapat-dapat sa kahit na anong awa. Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o may pakinabang na matatamo, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, ngunit sa sandaling ang kanilang ninanais ay nalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, ay agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan. Kung ang mga demonyong ito ay hindi napalayas, ang mga demonyong ito na papatay nang walang kurap, hindi ba sila magiging isang tagong panganib?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos maliwanag na ang mga makasarili at taksil na tao ay walang kabaitan at nabubuhay lang para sa kapakinabangan, nagtataksil sa katapatan at pagtitiwala para sa sariling pakinabang. Ang mga nabubuhay alinsunod sa kalikasan ni Satanas ay imposibleng maging katugma ng Diyos; ang mga gano’ng tao ay palaging lumalaban at nagtataksil sa Diyos, at tinuturing pa ang Diyos bilang kanilang kaaway. Kinapopootan at kinasusuklaman ng Diyos ang mga taong ito, at kung patuloy nilang tatanggihan ang paghahanap sa katotohanan, tatanggalin sila sa huli. Inisip ko kung paanong, sa dalawang pagkakataong pumunta sa lupa ang nagkatawang-taong Diyos upang gumawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, nagtiis siya ng hindi kapani-paniwalang kahihiyan at nagsakripisyo upang agawin tayo sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas—nguni’t, ni minsan ay wala siyang hiniling sa ating anuman. Salungat do’n, hindi ko lang hindi nakilala ang pagmamahal ng Diyos o nagpasalamat kahit kaunti o tunay na naging tapat sa Kanya, nguni’t iniukol ko lang ang aking sarili sa kung paano ako makakakuha ng mga biyaya. Kapag hindi umaayon ang gawain ng Diyos sa aking mga pagkaunawa at imahinasyon o hindi ko napapakinabangan nang pisikal, agad akong tumalikod sa Kanya, pinanghihinayangan pa ang lahat ng aking mga pagsisikap at lahat ng aking tinalikdan at ninanais na lubos nang hayaan ang Diyos. Nakikita kong hindi ko taglay ang kahit katiting na kabaitan; ang likas na pagkatao ko ay lumaban at nagtaksil sa Diyos, at ang ganitong paghihimagsik ay karapat-dapat lang sa mga sumpa ng Diyos. Nang matanto ko ang lahat ng ito, napuno ako ng pagkakasala at paninisi ng sarili, at nangakong hindi na ako kailanman magiging walang prinsipyo. Alam kong, sa lalong madaling panahon, dapat akong magsisi, magsikap na hanapin ang katotohanan at pasiyahin ang Diyos.

Kalaunan, nabasa ko ang sumusunod na mga pangaral: “Ngayon maraming ang mga puso ay nagpapasimula ng mga hinaing at kumikilos nang may masamang pag-iisip na kawalan ng pananalig kapag nahaharap sa pitong taon ng mga pagsubok. Ito ay lubhang nakakagulat, at naging dahilan upang matanto kong ang mga nasa pamilya ng Diyos ay walang kaibahan sa mga Israelita ng nakaraan. Masasabing ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay ang pinakaangkop, at pinakakinakailangan, ng naging tiwaling sangkatauhan. Kung hindi kumilos ang Diyos sa ganitong paraan, hindi Siya makikilala ng sangkatauhan, magtatamo ng tunay na pananalig, o tunay na pupurihin Siya. Ang mga tao ngayon ay nahihirapan, ubod ng sama at bulag. Wala silang tunay na kaalaman sa Diyos. Bago magsimula ang mga pagsubok, ang likas na paghihimagsik ng maraming tao, paglaban, at pagtataksil sa Diyos ay nalantad para makita ng lahat. Paano maaasahan ng mga gano’ng tao na makakapasok sila sa kaharian? Paano sila maituturing na karapat-dapat para tumanggap sa mga pangako ng Diyos? Kung talagang nauunawaan ng tao ang sarili niyang mga pagkukulang, kahirapan, at kasamaan—kung nakikita niya kung paano naghihimagsik at lumalaban sa Diyos ang likas niyang pagkatao—kung gayon ay sasailalim siya sa iba-ibang paghihirap at pagdadalisay na inayos ng Diyos, at magiging handa at payag na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at sa lahat ng Kanyang gawain. Tanging ang mga mayabang, matapos na magbasa ng ilang sipi ng salita ng Diyos, ay magpapalagay na naunawaan na nila ang katotohanan, nagtataglay ng kabaitan, hindi na nangangailangang sumailalim sa mga pagsubok at pagpipino, at dapat ay direkta nang iakyat sa ikatlong langit. Ang sino mang may karanasan sa buhay ay matatantong kung binabasa lang ng isang tao ang salita ng Diyos nguni’t hindi sumasailalim sa mga pagdadalisay ng lahat ng uri ng mga pagsubok at paghihirap, ang taong iyon ay hindi magtatamo ng pagbabago sa disposisyon. Dahil lang sa nakaunawa ang isang tao ng maraming doktrina at hindi nangangahulugang nagtataglay sila ng tunay na tayog. Kaya, sa hinaharap, dapat dumaan sa maraming pagsubok ang tao: Ito ang biyaya at kadalikaan ng Diyos, at higit pa ay ang kaligtasan ng Diyos, at dapat pasalamatan at purihin ng lahat ang Diyos para ro’n” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Matapos mabasa ang pangaral na ito, nakakuha ako ng mas malaking pag-unawa sa mga intensyon ng Diyos. Ang makatagpo ng gayong mga pagsubokat pagpipino ay ang kailangan ko sa buhay ko; kung hindi nalantad sa akin ang ganitong paraan, hindi ko kailanman susuriin ang masasamang intensyon na nag-udyok sa aking pananalig o makikilala ang aking makasarili at kasuklam-suklam na napakasamang kalikasan. Inakala ko pa na mayroon akong tunay na pananalig sa Diyos, at kinoronahan ang aking sarili bilang isang tunay na nagmahal sa Diyos. Dinaya at nilinlang ko ang aking sarili. Lubusan akong nilantad ng kamangha-manghang gawain ng Diyos, tinutulutan akong malinaw na makita ang tunay na mga kulay ng aking paglaban sa Kanya, at makita ang aking kasamaan at kapangitan. Ipinakita nito sa akin na isa akong mapagsamantala at isang nabubuhay, at humihingang inapo ni Satanas. Ang aking pananalig sa Diyos ay ganap na marumi at minarkahan ng mga transaksyon. Kung pinagpatuloy kong isagawa ang aking pananalig sa gano’ng paraan, hindi ko kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos, at magtatapos bilang isang talunan. Ang pagdanas ng paghatol at pagkastigo ang tumulong sa aking matanto na hindi kasing-simple ng naisip ko ang pananalig sa Diyos; hindi agad matatanggap ng isang tao ang mga biyaya ng Diyos matapos manampalataya sa Kanya, at hindi rin kusang darating sa isang masayang patutunguhan dahil lang sa gumawa siya at naglaan ng oras at lakas. Kung hindi nalinis at nabago ang aking napakasamang kalikasan, maaari akong magsagawa ng pananampalataya sa Diyos sa loob ng isandaang taon at hindi pa rin makakuha ng kaligtasan. Ito ay natutukoy ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at walang makakabago no’n. Natanto ko ring ang pagsailalim sa mga pagsubok at pagpipino ay isang mahalagang hakbang sa landas ng pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos. Hindi ko na ngayon sinisisi o minamali ang Diyos, sa halip ay masayang nagpapasakop sa Kanyang gawain. Nagpasya akong magsimula nang panibago, at magsikap sa aking paghahanap ng katotohanan, upang balang-araw nawa ay makamit ko ang pagbabago ng disposisyon at pagkakatugma sa Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Aking Pinili

Ni Baiyun, Tsina Noong Marso 2012, ibinahagi ng mama ko sa akin ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sinimulan ko...

Leave a Reply