Mga Karumihan sa Aking Mga Sakripisyo para sa Diyos

Enero 24, 2022

Ni Jiang Ping, Tsina

Isang araw noong nakaraang Abril, bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa kanang bahagi ng aking likod. Inisip kong baka naipitan ako ng ugat kaya hindi ko ito masyadong inintindi, inisip kong puwede akong maglagay ng gamot panapal at magiging ayos na ako. Pero walang naitulong ang gamot panapal. Lumala lang ang sakit ng likod ko. Para itong tinutusok ng karayom—isang tumatagos na kirot mula dibdib hanggang sa likod ko. Kapag malala ito, parang may kumakalmot sa aking mga buto’t laman. Napakatindi ng sakit, hindi ko talaga ito mailarawan. Sa sobrang sakit, ilang gabi akong hindi nakatulog. Pakiramdam ko hindi ko na kaya at gusto ko nang magpunta sa doktor, pero katatapos ko pa lang magtakda ng pagpupulong para magbahagi ng ebanghelyo sa ilang tao. Tiyak na maaantala iyon kapag nagpa-check-up ako. Naisip ko na pupunta na lang ako ilang araw matapos makipagpulong sa kanila, at bukod doon, nasa kamay ng Diyos ang lahat. Kailangan ko lang magpatuloy na gawin ang aking tungkulin, at baka bumuti ang pakiramdam ko makalipas ang ilang araw. Tiniis ko ang sakit, at nagpunta sa ospital pagkatapos ng pagpupulong na iyon. Napakaseryosong sinabi ng doktor sa akin, “Bakit ka naghintay nang matagal bago nagpatingin? Hindi ito maliit na bagay. Ito ay shingles na dala ng isang virus, at ito’y shingles sa loob ng katawan. Nakikita na ito ngayon sa balat mo. Kung hindi ka mabibigyan ng agarang lunas at pumasok ang virus sa iyong bone marrow, maaari pa itong maging nakamamatay.” Talagang natigilan ako. Wala sa hinagap ko na napakalubha nito, at maaari ko pa itong ikamatay. Naisip ko, “Masigasig kong ibinabahagi ang ebanghelyo at ginagawa ang aking tungkulin sa nakalipas na ilang taon, kaya paano ito nangyari sa akin? Iniwan ko rin ang aking tahanan at karera para gawin ang tungkulin ko, at ako’y nagdusa’t nagbayad ng halaga. Hindi ako kailanman nagtaksil sa Diyos, kahit nang ako’y inaresto at brutal na pinahirapan ng Partido Komunista. Patuloy kong ginawa ang aking tungkulin matapos makulong. Bakit hindi ako pinoprotektahan ng Diyos?” Lalong sumama ang loob ko habang iniisip ko ito. Pinipigilan kong maluha at nakaramdam ako ng kahungkagan sa aking puso. Isa itong kondisyon na matagal gumaling, kaya ang tanging paraan para kontrolin ito ay ang pag-inom ng gamot. Medyo abala rin sa iglesia, kaya patuloy kong ginagawa ang aking tungkulin habang nagpapagamot. Kapag ako’y nagbibisekleta, anumang lubak sa daan ay magbibigay sa akin ng napakatinding sakit. Minsan bigla akong pagpapawisan, at may mga pagkakataong aatakihin ako ng matinding sakit at ni hindi ako mapirmi ng upo. Humihiga ako pagkauwi ng bahay galing sa aking tungkulin, na pakiramdam ko’y wala ako ni gapatak na lakas at ni hindi makapagsalita.

Alam ko na nangyayari ito sa akin nang may pahintulot ng Diyos. Nananalangin ako at naghahanap, at nagninilay sa maaaring nagagawa ko na hindi naaayon sa kalooban ng Diyos, pero kumakapit pa rin ako sa kapirasong pag-asa na basta’t nakita ko ang aking pagkakamali at nagpatuloy sa paggawa ng aking tungkulin, baka pagalingin ako ng Diyos. Pero dalawang buwan ang mabilis na lumipas, at hindi ako gumagaling. Nag-aalala ako. Ang tagal ko nang may sakit—ano ang gagawin ko kung hindi na ako gumaling? Dagdag dito, hindi ako tumigil sa paggawa ng aking tungkulin. Patuloy akong nagbabahagi ng ebanghelyo kahit na may sakit ako, kaya bakit hindi ako pinapagaling ng Diyos? Lalo kong naramdaman na ginawan ako ng mali at sumama ang loob ko habang iniisip ito. Kung hindi na ako gagaling, maaaring dumating ang araw na ni hindi na ’ko makagagawa ng tungkulin. Hindi na ako makagagawa ng mabubuting gawa, kaya paano pa ako maliligtas? Naisip ko kung mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng ibinigay ko sa loob ng maraming taon. Naisip kong dapat kong ipunin na lang ang lakas ko para sa aking kalusugan at tingnan kung ano ang mangyayari. Hindi ko na masyadong inilagay ang puso ko sa tungkulin ko mula noon. Sa mga pagtitipon ng aming grupo, mapagwalang-bahala lang akong nagtatanong tungkol sa mga posibleng target ng ebanghelyo, at kung walang nangangailangan ng tulong ko, umuuwi ako at nagpapahinga. Takot talaga akong mapagod nang sobra at lalong magkasakit. Nang panahong iyon, totoong okupado ako sa aking karamdaman, at talagang nasa isang nalulumbay na kalagayan. Wala akong nakakamit na liwanag mula sa mga salita ng Diyos, at ang pagbabahagi ko sa mga pagtitipon ay talagang matamlay. Pakiramdam ko’y napakalayo ko sa Diyos. Sa aking pasakit, nanalangin ako sa Diyos, “Oh Diyos! Napakamiserable ko at nanlulupaypay. Wala akong gana sa aking tungkulin, at naghihinanakit pa ako sa Iyo. Pakiusap, gabayan Mo akong maunawaan ang kalooban Mo. Nais kong magpasakop, magnilay sa aking sarili, at matuto ng aral.”

Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos sa aking paghahanap: “Una, kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, sino sa kanila ang walang sariling mga layunin, panghikayat, at ambisyon? Kahit na may isang bahagi sa kanila na naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at nakakita sa pag-iral ng Diyos, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay naglalaman pa rin ng ganoong mga panghikayat, at ang kanilang pangunahing layunin sa paniniwala sa Diyos ay ang pagtanggap ng Kanyang mga pagpapala at ng mga bagay na gusto nila. … Ang bawat tao ay madalas na gumagawa ng ganitong mga pagkalkula sa loob ng kanilang puso, at humihingi sila sa Diyos ng kapalit upang itaguyod ang mga bagay na nakahikayat sa kanila, mga ambisyon, at pag-iisip nang ayon sa isang kasunduan. Ibig sabihin, sa kanyang puso, ang tao ay patuloy na sinusubukan ang Diyos, patuloy na gumagawa ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na nangangatwiran sa Diyos para sa kanyang sariling katapusan, at sinusubukang makakuha ng pahayag mula sa Diyos, tinitingnan kung maaaring ibigay o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng paghahangad sa Diyos, hindi itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Palagi niyang sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, walang hinto sa paghingi sa Kanya, at pinipilit pa Siya sa bawat hakbang, sinusubukang makakuha ng isang milya matapos mabigyan ng isang pulgada. Kasabay ng pagsisikap na makipagtawaran sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Kanya, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumarating na mga pagsubok sa kanila o kaya ay nalagay sila mismo sa ilang sitwasyon, madalas na sila ay nagiging mahina, walang kibo, at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Magmula noong ang tao ay magsimulang maniwala sa Diyos, itinuturing ng tao ang Diyos na isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang makakuha ng mga pagpapala at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang ang responsibilidad ng Diyos ay ang ingatan at pangalagaan ang tao at magbigay ng pangtustos sa kanya. Ganito ang pangunahing pagkaunawa sa ‘paniniwala sa Diyos,’ ng lahat ng taong naniniwala sa Diyos, at ito ang kanilang pinakamalalim na pagkaunawa sa konsepto ng paniniwala sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Nakonsiyensiya talaga ako nang pagbulayan ko ang mga salita ng Diyos. Hindi ko talaga tinatrato na Diyos ang Diyos sa aking pananampalataya, kundi gusto ko lang ng mga pagpapala mula sa Kanya. Tinatrato ko ang Diyos na tulad ng isang Swiss Army knife, tulad ng isang sisidlan ng kasaganahan mula nang maging mananampalataya ako, iniisip ko na basta’t patuloy kong ginugugol ang sarili ko para sa Diyos, tiyak na pananatilihin Niya akong ligtas at walang pinsala, na hindi ako kailanman mahaharap sa karamdaman o trahedya, at matatakasan ko ang lahat ng uri ng sakuna. Hahantong akong ligtas, na may magandang destinasyon. Inalis ko ang atensiyon ko sa aking pamilya at karera para gawin ang tungkulin ko sa loob ng maraming taon, nagdusa ako’t nagbigay nang malaki, at hindi ako umatras kailanman, kahit noong inaresto at pinahirapan ako ng CCP. Pero nang nagkasakit ako, lalo na nang nakita kong nagtatagal ang aking mga problemang pangkalusugan, sinisi ko ang Diyos at sinubukang mangatwiran sa Kanya. Kinakalkula ko ang lahat ng paghihirap ko, iniisip na nasayang ang lahat ng ibinigay ko, at nagsimula akong magpabaya sa aking tungkulin. Nakita ko na lahat ng taon ng aking pananampalataya ay hindi para makamit ang katotohanan at sundin ang Diyos, kundi para ipalit ang paghihirap at pagsisikap ko sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Gusto kong gamitan ng transaksiyonal na pananaw ng tao ang Diyos. Hindi ba’t pandaraya at paggamit lang iyon sa Diyos? Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Inisip ko kung paanong inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan. Binigyan Niya tayo ng napakaraming salita upang tustusan tayo, at nagsaayos pa Siya ng lahat ng uri ng sitwasyon upang maranasan natin ang Kanyang gawain upang maalis natin ang ating katiwalian at maligtas. Pero hindi ko alam na kailangan kong suklian ang pag-ibig ng Diyos. Sa halip, ginamit ko lang ang Diyos at palaging tuso. Nang hindi Niya ginawa ang gusto ko, nagsimula akong mawalan ng sigla sa paggawa ng aking tungkulin, at hindi nagmamalasakit. Hindi talaga ako naging totoo sa Diyos. Wala talaga akong konsiyensya o katwiran! Lumapit ako sa harap ng Diyos at nanalangin, “Diyos ko, ginagamit at dinadaya Kita sa aking pananampalataya. Napakamakasarili at napakababa ko. Halos hindi na ako tao! Diyos ko, gusto ko pong magsisi sa Iyo. Pakiusap, gabayan Mo po ako.”

Binasa ko ang isang sipi mula sa “Nagmumula ang Landas sa Madalas na Pagninilay-Nilay sa Katotohanan”: “Sa maraming pagkakataon, ang mga pagsubok ng Diyos ay mga pasaning ibinibigay Niya sa mga tao. Gaano man kabigat ang pasaning ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, iyon ang bigat ng pasaning dapat mong isagawa, sapagkat nauunawaan ka ng Diyos, at alam Niya na kakayanin mo iyon. Ang pasaning bigay sa iyo ng Diyos ay hindi hihigit sa iyong tayog o sa mga limitasyon ng iyong pagtitiis, kaya walang duda na makakayanan mong tiisin iyon. Anumang uri ng pasanin ang ibinibigay sa iyo ng Diyos, anumang uri ng pagsubok, tandaan mo ang isang bagay: Nauunawaan mo man o hindi ang kalooban ng Diyos at binibigyang-liwanag at tinatanglawan ka man o hindi ng Banal na Espiritu pagkatapos mong manalangin, dinidisiplina o binabalaan ka man ng Diyos sa pagsubok na ito o hindi, hindi mahalaga kung hindi mo ito nauunawaan. Basta’t hindi ka tumitigil sa pagganap sa tungkuling dapat mong gampanan at tapat mong natutupad ang iyong tungkulin, malulugod ang Diyos, at maninindigan ka sa iyong patotoo. … Kung, sa iyong pananampalataya sa Diyos at paghahanap sa katotohanan, nasasabi mong, ‘Anumang karamdaman o kasuklam-suklam na pangyayari ang itulot ng Diyos na sumapit sa akin—anuman ang gawin ng Diyos—kailangan kong sumunod, at manatili sa aking lugar bilang isang nilalang. Bago ang lahat, kailangan kong isagawa ang aspetong ito ng katotohanan—ang pagsunod—ipinatutupad ko ito, at isinasabuhay ang realidad ng pagsunod sa Diyos. Bukod pa rito, hindi ko dapat isantabi ang inatas sa akin ng Diyos at ang tungkuling dapat kong gampanan. Kahit sa aking huling hininga, kailangan kong manatiling tapat sa aking tungkulin.’ Hindi ba ito pagpapatotoo? Kapag mayroon kang ganitong uri ng pagpapasiya at ganitong uri ng kalagayan, nagagawa mo pa bang magreklamo tungkol sa Diyos? Hindi, hindi mo nagagawa(Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang Kanyang kalooban. Hindi mahalaga kung anong uri ng paghihirap ang aking makaharap—lahat ito’y pinahintulutan ng Diyos, at binibigyan Niya ako ng bigat na papasanin na dapat kong tanggapin at sundin, at dapat akong tumayong saksi. Naisip ko si Pedro, na nagawang sumunod sa Diyos anuman ang nangyari. Nagdusa siya sa karamdaman at namuhay sa kasalatan, pero palagi siyang tapat sa Diyos at hindi nagreklamo kailanman. Kailangan kong pumuwesto sa lugar ng isang nilikha kagaya ni Pedro, magpasakop sa kung anuman ang isinasaayos ng Diyos at talagang matuto ng leksyon. Patuloy ang pag-inom ko ng gamot habang ginagawa rin ang aking tungkulin, at hindi ko na ramdam na napipigilan ako ng aking kalusugan. Makalipas ang ilang buwan ng unti-unting paggaling, nawala na ang kondisyon ko. Lubos akong nagpasalamat sa Diyos.

Noong Setyembre. Isang araw, umuwi ako mula sa pagbabahagi ng ebanghelyo, at ang hitsura niya’y parang may bumabagabag sa kanya. Sinabi niya sa akin na nagpa-regular checkup siya nang nagdaang araw, at sinabihan siya ng doktor na bumalik kinabukasan para sa MRI. Nabahala talaga ako nang marinig ito, dahil hindi pangkaraniwan ang pagpapa-MRI. Napaisip ako kung may seryoso siyang karamdaman. Pabiling-biling ako nang gabing iyon. Hindi ako nakatulog. Sinubukan kong aluin ang sarili ko, iniisip na hindi naman siguro ito malaking bagay. Mananampalataya rin siya, at gumagawa ako ng tungkulin na kailangan kong lumabas ng bahay, kaya dapat siyang protektahan ng Diyos. Sinamahan ko siya sa ospital kinabukasan. Nakakagulat, lumabas na meron siyang pancreatic cancer. Labis akong natulala nang narinig ko ang balita. Nabigla ako na ito ay cancer, at pancreatic cancer pa. Narinig kong napakahirap nitong gamutin at napakabilis lumala. Mataas din ang bilang ng namamatay dahil dito, at ang ilang tao na meron nito ay hindi man lang tumatagal ng ilang buwan. Mukha siyang puno ng buhay, pero maaaring ilang buwan na lang ang nalalabi sa kanya. Pakiramdam ko’y bumabagsak ang langit. Naisip ko, “Halos kagagaling ko pa lang at ngayon ang asawa ko’y may cancer. Bakit hindi kami pinoprotektahan ng Diyos?” Sa tuwing naiisip ko ang tungkol sa cancer ng asawa ko, umiiyak lang ako nang umiiyak. Nanalangin ako sa Diyos sa aking pasakit, hinihiling sa Kanya na bantayan ang aking puso, at gabayan akong maintindihan ang Kanyang kalooban.

May nabasa akong sipi ng mga salita ng Diyos pagkatapos no’n, “Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangarin at inaasahan, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa alinmang mga aspeto na hindi ka nadalisay, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa’yo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon ay malaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan mas gugustuhin mong mamatay at isuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa, at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Samakatuwid, kung ang mga tao ay walang ilang taon ng pagpipino at kung hindi sila nagtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila maaalis sa sarili nila ang pagkaalipin ng katiwalian ng laman sa kanilang mga saloobin at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspeto na ikaw ay sakop pa rin ng pang-aalipin ni Satanas, at sa alinmang aspeto na mayroon ka pa ring sarili mong mga ninanasa at hinihingi, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang magdusa. Sa pagdurusa lamang natututunan ang mga aral, ibig sabihin ay nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng masasakit na pagsubok. Walang nakakaunawa sa kalooban ng Diyos, walang nakakakilala sa pagkamakapangyarihan at sa karunungan ng Diyos, o walang nagpapahalaga sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaan na kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Magiging imposible iyan!(“Paano Ang Isa ay Dapat Magbigay-kasiyahan sa Diyos sa Gitna ng Mga Pagsubok” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nagnilay ako sa aking sarili batay rito. Nang ako’y may sakit, sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita Diyos, napagtanto kong mali ang aking pananaw, na naghahangad ako ng mga pagpapala, at handa akong magpasakop gumaling man ako o hindi. Akala ko nabitawan ko na ang pagnanasa kong maghangad ng mga pagpapala, pero nang magka-cancer ang asawa ko, hindi ko napigilang sisihin at hindi maunawaan ang Diyos. Pakiramdam ko dapat kaming protektahan ng Diyos dahil kami’y mga mananampalataya. Nakita ko kung gaano kalalim ang motibasyon ko para sa mga pagpapala. Hindi ko iyon mapagtatanto kailanman kung hindi ako inilantad ng Diyos sa ganoong paraan. Tapos napagtanto ko na may aral akong kailangang matutunan mula sa karamdaman ng asawa ko, at kailangan kong itigil ang paninisi sa Diyos. Mahinahon akong nagnilay sa kung bakit hindi ko mapigilang magreklamo at mamali ng pag-unawa sa Diyos nang magka-cancer ang asawa ko, kung bakit naghahangad pa rin ako ng mga pagpapala at biyaya.

Kalaunan, may nakita akong video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa mata ng mga anticristo, sa kanilang isipan at kung paano nila nakikita ang mga bagay-bagay, dapat ay may ilang pakinabang sa pagsunod sa Diyos, hindi sila mag-aabalang kumilos nang walang insentibo. Kung walang katanyagan, pakinabang, o katayuan na matatamasa, walang saysay ang maniwala sa Diyos. Ang mga unang pakinabang na kailangang makamit ng isang tao ay ang mga pangako at pagpapalang binanggit sa mga salita ng Diyos, at kailangan din nilang matamasa ang katanyagan, pakinabang, at katayuan sa loob ng iglesia. Ang mga mananampalataya sa Diyos ay kailangang namumukod-tangi sa iba, at kailangan nilang maging espesyal. Hindi dapat matanggap ng mga hindi mananampalataya ang mga bagay na ito, at kailangang matamasa ng mga mananampalataya ang mga ito; kung hindi, may ilang pagdududa kung ang Diyos bang ito ay Diyos. Hindi ba ginagawang totoo ng lohika ng mga anticristo ang mga salitang ‘Kailangang tamasahin ng mga naniniwala sa Diyos ang mga pagpapala at biyaya ng Diyos’? (Oo.) Katotohanan ba ang mga salitang ito? Hindi katotohanan ang mga salitang ito, kamalian ang mga ito, ang mga ito ang lohika ni Satanas, at walang kaugnayan ang mga ito sa katotohanan. Sinabi na ba ng Diyos kailanman na, ‘Kung naniniwala sa Akin ang mga tao, tiyak na sila ay pagpapalain; ito ang katotohanan’? Hindi pa ito kailanman sinabi o ginawa ng Diyos.

Pagdating sa mga pagpapala at paghihirap, may katotohanang maaaring hanapin. Anong matatalinong salita ang dapat sundin ng mga tao? Sinabi ni Job, ‘Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?’ (Job 2:10). Katotohanan ba ang mga salitang ito? Mga salita ito ng isang tao; hindi dapat itaas ang mga ito sa tugatog ng katotohanan, bagama’t bahagi ng mga ito ay umaayon sa katotohanan. Aling bahagi ng mga ito ang umaayon sa katotohanan? Kung pagpapalain o daranas ng paghihirap ang mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos, lahat ng ito ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ito ang totoo. Ito ba ang pinaniniwalaan ng mga anticristo? (Hindi.) Bakit hindi sila naniniwala rito, bakit hindi nila ito kinikilala? Bilang mga mananampalataya sa Diyos, nais ng mga anticristo na mapagpala, at maiwasan ang paghihirap. Kapag nakakita sila ng isang taong pinagpala, na nakinabang, na nabiyayaan, na malalaki ang kinita, at na nakatanggap ng mas maraming materyal na kaginhawaan, nabibigyan ng mas magandang pagtrato pagdating sa aspetong materyal, naniniwala sila na ang Diyos ang gumawa nito; kung hindi, hindi ito ang mga gawa ng Diyos. Ang pahiwatig ay, ‘Kung Ikaw ang Diyos, maaari Mo lamang pagpalain ang mga tao; hindi Mo maaaring pasapitin sa kanila ang kalamidad o pagdurusa. Doon lamang magkakaroon ng halaga at saysay ang paniniwala ng mga tao sa Iyo. Kung, pagkatapos sumunod sa Iyo, nababagabag pa rin ng paghihirap ang mga tao, kung nagdurusa pa rin sila, bakit sila dapat maniwala sa Iyo?’ Hindi nila inaamin na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, na ang Diyos ang nag-uutos sa lahat. At bakit hindi nila ito inaamin? Dahil ang mga anticristo ay takot sa paghihirap. Gusto lamang nilang makinabang, mapaburan, mapagpala; ayaw nilang tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan o mga pagsasaayos ng Diyos, at sa halip ay gusto lamang makatanggap ng mga pakinabang mula sa Diyos. Ito ang kanilang makasarili at kasuklam-suklam na pananaw(“Ikalawang Ekskorsus: Kung Paano Nakinig sina Noe at Abraham sa mga Salita ng Diyos at Sumunod sa Kanya (Unang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; tinatalikuran nila ang mga bagay-bagay, ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Kanya, at tapat sa Kanya, nguni’t ang lahat ng mga bagay na ito ay ginagawa pa rin nila para sa kanilang sariling mga kapakanan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa layuning magkamit ng mga pagpapala para sa kanilang mga sarili. Sa lipunan, ang lahat ay ginagawa para sa pansariling pakinabang; ang paniniwala sa Diyos ay ginagawa para lamang magkamit ng mga pagpapala. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikuran ng mga tao ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa. Ang lahat ng ito ay katibayang batay sa karanasan ukol sa tiwaling kalikasan ng tao(“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang pananaw ng mga anticristo sa mga pagpapala at kasawian. Naghahabol sila ng mga pagpapala sa kanilang pananampalataya, at iniisip na dapat silang pagpalain dahil sa kanilang pananampalataya. Kapag hindi nangyari ’yon, iniisip nila na walang kabuluhan ang pagkakaroon ng pananampalataya, at maaari pang pagtaksilan ang Diyos at iwan Siya anumang sandali. Napagtanto ko na ganun din ang pananaw ko sa pananampalataya. Naisip ko na dahil ginawa ko ang lahat ng pagsasakripisyong iyon, dapat akong pagpalain ng Diyos at pati ang aking pamilya ng kapayapaan at mabuting kalusugan. Kaya kung ako man o ang asawa ko ang nagkakasakit, sinisi ko at hindi naunawaan ang Diyos. Humingi pa ako ng mga hindi makatwirang bagay sa Kanya, gustong pagalingin Niya ang virus ko at ang cancer ng asawa ko. Sa sandaling gumawa ang Diyos ng isang bagay na hindi ko nagustuhan, ayoko nang masigasig na gawin ang tungkulin ko. Napagtanto ko kung gaano kawala sa katwiran ang naging pananaw ko sa pananampalataya. Ang totoo’y hindi kailanman sinabi ng Diyos na walang mangyayaring masasamang bagay sa mga mananampalataya. Pinaghaharian Niya ang lahat ng bagay—ang kapanganakan, kamatayan, karamdaman at kalusugan ay nasa mga kamay Niya lahat, at hindi eksepsiyon ang mga mananampalataya. Hindi lang pagpapala ang tinatanggap natin mula sa Diyos, kundi pati kasawian. Ang paggawa ng tungkulin ang pinakapangunahing dapat gawin ng isang nilalang at wala itong kinalaman sa pagiging pinagpala o hindi. Pero lubos akong nagawang tiwali ni Satanas na ang mga bagay na gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” at “Wag tumulong kung walang kapalit” ay mga satanikong lason na aking ipinamuhay. Lagi ko lang iniisip ang pansarili kong interes, at nakikita ang Diyos bilang isang bagay na maaari kong gamitin. Gusto kong mangikil ng pagpapala mula sa Diyos kapalit ng aking pagdurusa at pagsisikap. Kapag may ginawa ang Diyos na nakakompromiso sa mga personal kong interes, puno ako ng reklamo at maling pagkaintindi sa Kanya, at nangangatwiran pa at lumalaban sa Kanya. Anong klaseng mananampalataya ako? Isa akong walang pananampalataya, isang taong makasarili, mababa at makitid ang pag-iisip! Talagang natakot ako nang mapagtanto ko ito. Nakita kong hindi ako nakatuon sa paghahanap sa katotohanan sa aking pananampalataya, kundi sa paghahanap lang ng biyaya at mga pagpapala. Nasa landas ako na laban sa Diyos. Hindi ko kailanman makakamit ang katotohanan sa ganoong paraan at hindi mababago ang tiwali kong disposiyon. Hahantong lang akong naalis! Tapos nakita ko talaga na ginagamit ng Diyos ang sitwasyong iyon para hatulan ako at ilantad ako. Kung hindi ako inilantad ng Diyos sa ganoong paraan, hindi ko makikita ang aking katiwalian at may dungis na pananampalataya. Wala sanang paraan na ako’y nalinis at nabago. Taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos sa Kanyang pagliligtas.

May isa pang sipi akong nabasa kalaunan, sa ikalimang talata ng “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino.” “Maaari mong isipin na ang paniniwala sa Diyos ay tungkol sa pagdurusa, o paggawa ng lahat ng bagay para sa Kanya; maaari mong isipin na ang layunin ng paniniwala sa Diyos ay para mapayapa ang iyong laman, o upang maging maayos ang lahat sa buhay mo, o upang maging komportable at magaan ang lahat sa iyo. Gayunman, wala sa mga ito ang mga layuning dapat iugnay ng mga tao sa kanilang paniniwala sa Diyos. Kung naniniwala ka dahil sa mga layuning ito, mali ang iyong pananaw, at imposible ka talagang magawang perpekto. Ang mga kilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, Kanyang mga salita, at Kanyang pagiging kamangha-mangha at di-maarok ay pawang mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Dahil sa pagkaunawang ito, dapat mong gamitin ito upang alisin sa puso mo ang lahat ng personal mong kahilingan, pag-asa, at kuru-kuro. Kapag inalis mo ang mga ito, saka mo lamang matutugunan ang mga kundisyong hinihiling ng Diyos, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ka magkakaroon ng buhay at mapapalugod ang Diyos. Ang layunin ng paniniwala sa Diyos ay upang mapalugod Siya at maisabuhay ang disposisyon na Kanyang hinihingi, upang maipamalas ang Kanyang mga kilos at kaluwalhatian sa pamamagitan ng grupong ito ng hindi karapat-dapat na mga tao. Ito ang tamang pananaw para sa paniniwala sa Diyos, at ito rin ang layuning dapat mong hangarin(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos kung ano ang dapat kong hinahanap. Hindi ako dapat naghahabol sa mga pagpapala o anumang uri ng pakinabang sa aking pananampalataya, kundi dapat kong hangarin na makilala at mapalugod ang Diyos, na maging tulad ni Job na walang anumang hinihiling o hinihingi sa Diyos. Naniniwala si Job na ang lahat ng meron siya ay ibinigay ng Diyos, kaya kung magbigay man o manguha ang Diyos, kung may pagpapala man siya o kasawian, sumunod siya sa Diyos nang walang kondisyon at pinuri ang Kanyang pagiging matuwid. Kaya nang sinubok ni Satanas si Job, ang lahat ng kanyang ari-arian ay ninakaw at namatay ang kanyang mga anak, napuno siya ng mga pigsa at naupo sa tumpok ng abo habang kinakayod ng tisa ang kanyang katawan. Hindi siya kailanman nagreklamo tungkol sa Diyos, kundi patuloy na pinapurihan ang Kanyang pangalan. Anuman ang gawin ng Diyos, nanatili si Job sa lugar ng isang nilalang, nagpapasakop sa Diyos at sumasamba sa Kanya. Kaya karapat-dapat sa papuri ng Diyos ang pananampalataya ni Job. Ang pagkaunawang ito ay nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Gumaling man o hindi ang asawa ko, kailangan kong magpasakop sa Diyos nang hindi nagrereklamo.

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos kalaunan: “Lubos nang naiplano ng Diyos ang simula, pagdating, haba ng buhay, ang katapusan ng lahat ng nilalang ng Diyos, gayundin ang kanilang misyon sa buhay at ang tungkuling ginagampanan nila sa buong sangkatauhan. Walang sinumang maaaring bumago sa mga bagay na ito; ito ang awtoridad ng Lumikha. Ang pagdating ng bawat nilalang, kung gaano katagal sila mabubuhay, ang kanilang misyon sa buhay—lahat ng batas na ito, bawat isa sa mga ito, ay inorden ng Diyos, tulad nang iorden ng Diyos ang orbit ng bawat bagay na selestiyal; aling orbit ang sinusundan ng mga bagay na ito, ilang taon, paano nag-oorbit ang mga ito, anong mga batas ang sinusunod ng mga ito—lahat ng ito ay inorden ng Diyos noong unang panahon, hindi nagbago sa loob ng libu-libo at sampu-sampung libong taon. Ito ay inorden ng Diyos, at ito ang Kanyang awtoridad(“Sa Paghahanap Lamang ng Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na ang ating tadhana, haba ng buhay, at kahihinatnan ay nasa kamay lahat ng Lumikha. Itinatakda ng Diyos kung kailan tayo mamamatay, at wala sa ating makakatakas doon. Bago dumating ang oras na iyon, kahit pa tayo ay magka-cancer, hindi pa rin tayo mamamatay. Ito ang awtoridad ng Diyos at walang sinuman ang makakapagpabago dito. Ang maunawaan iyon ay nakapagpakalma sa akin nang kaunti. Alam ko na ang kalusugan ng asawa ko ay nasa mga kamay ng Diyos, at ang magagawa ko lang ay ang sumunod sa isinaayos ng Diyos at gawin ang aking tungkulin. Sandali siyang sumailalim sa chemotheraphy sa ospital, at nakakagulat na walang cancer cells sa kanyang dugo. Normal lahat ng mga indicator. Nawala rin ang kalahati ng tumor. Sinabi ng doktor na napakabihirang makakita ng kasong tulad ng sa kanya, na napakakontrolado. Sabi ng anak naming lalaki na ang tatay ng kaklase niya ay nagkaroon ng kaparehong cancer. Minsan siyang sumailalim sa chemo at hindi ito kinaya, kaya namatay makalipas ang ilang buwan. Lubos akong nagpasalamat sa Diyos nang marinig ang lahat ng ito. Ang pinakanagpasaya sa akin ay na ang asawa ko’y dating mananampalataya lang sa pangalan, at palaging naghahabol sa pera, pero matapos magka-cancer, nagkaroon siya ng kaunting pagkaunawa sa pagiging makapangyarihan at sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ibinahagi niya ang kanyang patotoo sa mga gawa ng Diyos sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak Nakita ko kung gaano kapraktikal ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Ang pagdanas sa lahat ng ito ay talagang masakit ng panahong iyon, pero may natutuhan akong aral at tungkol sa aking sarili, at naitama ko ang aking paghahanap sa pananampalataya. Ito ang pag-ibig at pagpapala ng Diyos! May bigla akong naisip na isang himno ng mga salita ng Diyos, “Dapat Mong Hangaring Magkaroon ng Tunay na Pagmamahal sa Diyos.” “Ngayon, upang maniwala sa praktikal na Diyos, kailangan mong tumapak sa tamang landas. Kung naniniwala ka sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, kundi mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang kaliwanagan at ng iyong sariling paghahanap, makakain at maiinom mo ang Kanyang salita, makabubuo ka ng isang tunay na pagkaunawa sa Diyos, at magkakaroon ka ng isang tunay na pag-ibig para sa Diyos na nanggagaling sa kaibuturan ng iyong puso. Sa madaling salita, kapag ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay na tunay, at walang sinumang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya, ikaw kung gayon ay nasa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagka’t ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon ay hindi ka na maaangkin ng iba pa(Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman