Paano ang Dapat na Paghahanda sa Pagdating ng Panginoon?

Marso 17, 2019

Ni Xiao Fei

Matapos kong magsimulang maniwala sa Panginoon, ang mga kapatid ay gustong kantahin ang isang himno na pinamagatang “Ang Ating Minamahal ay Kumakatok sa Pintuan” na nagsasabing: “Ang ating minamahal ay kumakatok sa pintuan, ang Kanyang buhok ay basa ng hamog; tayo’y magmadaling tumayo at buksan ang pinto, at huwag hayaan ang ating minamahal na tumalikod at lumisan. …” Sa tuwing sisimulan naming kantahin ang himnong ito, ang aming mga puso ay lubos na naaantig at napupukaw. Nais naming lahat na sabihin sa aming minamahal na magpalipas ng gabi, at sa sandaling Siya ay dumating at kumatok sa pintuan, nais namin na kami ang unang makarinig sa Kanyang tinig at sumalubong sa Panginoon. Masasabi niyo na lahat kaming nananampalataya sa Panginoon ay nagpapanatili ng ganitong pag-asam. Subalit kapag ang Panginoon ay dumating, paano Siya kakatok sa pintuan? Kapag ang Panginoon ay kumatok, ano ang dapat nating gawin upang salubungin Siya? Ito ay isang bagay na dapat pagnilayang mabuti ng mga nananampalataya sa Panginoon.

Nang pumarito ang Panginoong Jesus upang gawin ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, ang balita ng mga ginawang himala ng Panginoon at ang salita ng Panginoon ay kumalat sa buong lupain ng Judea. Ganoon din ang Kanyang pangalan na nagdulot ng matinding pagpukaw sa lahat ng mga lupain ng Judio at, para sa mga tao noong panahon na iyon, ang pangunguna ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga disipulo upang mangaral ng ebanghelyo ng makalangit na kaharian saanman sila pumunta ay ang pagkatok ng Panginoon sa kanilang pintuan. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Umaasa ang Panginoon na ang mga tao ay lalapit sa Kanyang harapan upang magsisi at magtapat ng kanilang mga kasalanan. Sa paggawa nito, ang kanilang mga kasalanan ay mapapawalang-sala, at ang tao ay makakawala mula sa sumpa at pagkondena ng kautusan at matutubos ng Diyos. Sa oras na iyon, maraming Judio ang nakasaksi sa mga himalang ginawa ng Panginoong Jesus. Napansin din nila ang awtoridad at kapangyarihan ng salita ng Panginoon, gaya ng ang Panginoong Jesus ay napakain ang 5,000 katao ng limang tinapay at dalawang isda. Gamit ang isang salita, ang Panginoong Jesus ay nagawang pakalmahin ang hangin at dagat, gayundin ay nagawang mapabangon si Lazarus mula sa kanyang libingan pagkatapos mamatay sa loob ng apat na araw…. Anuman ang bigkasin ng Panginoong Jesus ay nangyari at naisakatuparan, at pinapahintulutan tayo nitong makita ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Panginoon. Ang mga salitang ginamit ng Panginoong Jesus upang turuan ang mga tao at ang mga salitang ginamit Niya upang sawayin ang mga Fariseo ay ang mga katotohanan at hindi mga salita na makakaya nating mga tao na bigkasin. Ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus at ang mga bagay na Kanyang ginawa ay nagpahayag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon ang Diyos at ano Siya. Nagpahayag ang mga ito ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos at nagdulot na mayanig ang mga puso ng tao. Masasabing ang mga Judio noong panahon na iyon ay talagang narinig ang tunog ng pagkatok ng Panginoon, subalit paano nila itrinato ang Panginoon?

Ang mga saserdoteng Judio, eskriba at Fariseo sa panahong iyon ay malinaw na nalaman na ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus at ang mga himalang isinagawa Niya ay nagmula sa Diyos, ngunit hindi man lamang talaga sila nagkaroon ng mga pusong may takot sa Diyos. Hindi sila nagsaliksik o nagsiyasat sa gawain ng Panginoong Jesus, ngunit sa halip ay basta na lang pikit-matang kumapit sa mga salita ng mga biblikal na propesiya, naniniwala na ang isa na paparating ay tatawaging Emmanuel o Mesiyas, at ipapanganak sa isang birhen. Nang makita nilang mayroong asawa si Maria, nagpasya sila na ang Panginoong Jesus ay hindi ang dalisay na paglilihi ng Banal na Espiritu, at na Siya ay hindi ipinanganak sa isang birhen. Gumawa rin sila ng mga di-makatwirang mga paghuhusga at sinabing ang Panginoong Jesus ay ang anak ng isang karpintero at ganap na karaniwang tao lamang. Ginamit nila ang mga paghuhusga upang itanggi at kondenahin ang Panginoong Jesus. Humantong pa sila hanggang sa paglapastangan sa Panginoong Jesus at sinabing Siya ay umaasa kay Beelzebub, ang namumuno sa mga demonyo, upang magpalayas ng mga demonyo. Sa huli, nakipagsabwatan sila sa gobyernong Romano upang ipako Siya. Karamihan sa mga Judio ay naniniwala na ang Panginoong Jesus ay dapat ipinanganak sa isang palasyo, at na Siya ay magiging kanilang hari at pangungunahan silang pabagsakin ang pamumuno ng Romano. Nang ang mga Fariseo ay nagpapakalat ng mga alingawngaw at sinisiraan at kinokondena ang Panginoong Jesus, sila ay pikit-matang naging masunurin na walang kahit anumang pagkilala. Sa pagitan ng kaligtasan ng Panginoong Jesus at ang mapanirang mga salita ng mga Fariseo, pinili nilang makinig sa mga kabulaanan at direktang kasinungalingan ng mga Fariseo, at tinanggihan ang daan na ipinangaral ng Panginoong Jesus. Nang ang Panginoon ay kumatok sa kanilang pintuan, sinarado nila ang kanilang mga puso sa Panginoon. Ito ay tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi, Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mamamalas: Sapagka’t kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila’y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik loob, At sila’y Aking pagalingin” (Mateo 13:14–15). Sapagkat sila’y tumangging makinig sa tinig ng Panginoon at hindi tinanggap ang gawaing pagtubos ng Panginoon, ang mga Judiong ito ay napalampas ang kanilang pagkakataon upang sundan ang Panginoong Jesus. Bilang resulta ng paglaban sa Diyos, nakatagpo nila ang kaparusahan ng Diyos, humantong sa dalawang milenyo ng pambansang paglupig sa Israel. Sa kabilang banda, ang mga disipulo na sumunod sa Panginoong Jesus sa oras na iyon, tulad nila Pedro, Juan, Santiago, at Natanael ay mayroong pusong nagmamahal sa katotohanan. Hindi sila umasa sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon sa kung paano nila ituturing ang salita at gawain ng Panginoong Jesus, subalit maingat na nagsaliksik, pinag-aralan ang mga ito nang mabuti at natamo ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Narinig nila ang tinig ng Diyos at nakilala na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na dumating, at sa gayon, sila’y sumabay sa mga yapak ng Panginoon at natanggap ang Kanyang kaligtasan. Makikita natin na ang kabiguan ng mga Fariseo at Judio ay nakasalalay sa katunayan na umasa lamang sila sa literal na kahulugan ng mga biblikal na propesiya upang maunawaan at makilala ang pagpapahayag at gawain ng Diyos. Ito ay nagawa silang mga taong naniniwala sa Diyos subalit nilalabanan ang Diyos. Mula rito, makikita na, kung ang mga taong nananampalataya sa Diyos, ay itinuturing ang bagong gawain ng Diyos sa saligan ng kanilang sariling kuru-kuro at imahinasyon, hindi lamang nila hindi magagawang salubungin ang pagdating ng Diyos, subalit magiging napakadali sa kanilang maging mga taong naniniwala sa Diyos at gayon din ay lumalaban sa Kanya. Gaano magiging kalunos-lunos iyon? Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. … Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin(Mateo 5:3,6). Makikita natin dito na masasalubong lamang natin ang pagbabalik ng Panginoon kung tayo ay magiging mga taong tulad nina Pedro at Juan, mayroong puso na nauuhaw at nananabik sa katuwiran sa sandaling marinig natin ang tinig ng Panginoon, at aktibong saliksikin at siyasatin ito.

Ngayon, ang mga propesiya ng ikalawang pagparito ng Panginoon sa mga huling araw ay talagang natupad na. Sa pagbabalik muli ng Panginoon sa mga huling araw, dapat tayong mas higit na maging mapagmatyag at handa, makinig mabuti sa tinig ng Diyos, at magkaroon ng mga pusong nagsasaliksik at nauuhaw sa katuwiran upang hintayin ang pagkatok ng Panginoon sa ating pintuan, na maaaring dumating anumang oras. Sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang ikalawang pagparito ng Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13).At sa kabanata 2 at 3 ng Pahayag, ipinropesiya nang maraming beses na: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Makikita natin sa Biblia na sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, magpapahayag Siya ng Kanyang salita at gagawa ng bagong gawain. Ito ang pagkatok ng Panginoon sa ating pintuan, at ito ay ang Panginoon na ginagamit ang Kanyang salita upang kumatok sa mga pintuan ng ating mga puso. Ang lahat ng nakarinig sa mga salitang binigkas ng Panginoon at aktibong nagsaliksik at nakinig nang mabuti sa tinig ng Panginoon ay matatalinong dalaga. Sa sandaling makilala nila ang tinig ng Panginoon, magagawa nilang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon at tanggapin ang pagdidilig at panustos ng salita ng Diyos. Tinutupad nito ang salita ng Diyos na: “At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos Ko sa mga araw na yaon ang Aking Espiritu(Joel 2:29). Matapat ang Panginoon at siguradong pahihintulutan Niya ang lahat ng mga nananabik at nagsasaliksik sa Kanya upang marinig ang Kanyang tinig sa panahong ito. Gayunpaman, ang karunungan ng Diyos ay mahirap para sa mga tao na mawari, at ang paraan ng pagkatok ng Panginoon sa pintuan sa Kanyang pagbabalik ay hindi magiging tulad ng ating mga kuru-kuro at imahinasyon. Maaaring ito ay isang tao na tumatawag sa atin na “ang Panginoon ay nagbalik!”, tulad ng babala ng Panginoong Jesus sa atin: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Maaari rin nating marinig ang tinig ng Diyos mula sa mga iglesia na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, o mula sa Internet, radyo, Facebook, o kung saanman at makita na ang Diyos ay nagsasalita sa lahat ng iglesia. Gayunpaman, kahit ano pa ang paraan ng pagkatok ng Panginoon sa ating pintuan, hindi natin talaga dapat ituring ang pagkatok ng Panginoon sa ating pintuan tulad ng ginawa ng mga Judio. Hindi natin dapat tanggihan na saliksikin o siyasatin ang Kanyang pagkatok batay sa ating mga kuru-kuro at imahinasyon, lalo na ang pikit-matang makinig at maniwala sa kasinungalingan at alingawngaw. Sa paggawa nito, matatanggihan natin ang tawag ng Panginoon at mapapalampas ang ating pagkakataon na masalubong ang Panginoon at madala sa makalangit na kaharian. Ipinropesiya sa Pahayag: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Sabi ng Panginoong Jesus: “Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Mateo 7:7). Ang kalooban ng Panginoon ay upang tayong lahat ay maging matatalinong dalaga at laging maging mapagbantay sa pakikinig sa tinig ng Panginoon. Kapag narinig natin ang tinig ng Panginoon, dapat natin ito tingnan nang mayroong bukas na mga isipan at masidhing siyasatin ito, at kapag nakilala natin ang tinig ng Diyos, dapat tayong magmadaling lumabas upang salubungin ang Panginoon. Hangga’t tayo ay may pusong nagsasaliksik, ang Diyos ay tiyak na bubuksan ang ating mga espirituwal na mata. Sa ganitong paraan, maaari tayong madala sa harapan ng trono ng Diyos at makadalo sa piging ng Cordero!

Ang lahat ng kaluwalhatian ay sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman