Sino ang Nagtulot sa Kanyang Makalakad nang Basta-basta Palabas ng Ilang Papuntang Canaan

Marso 19, 2019

Cheng Yi

Isang gabi, napakasaya ko na nakita ko ang Kapatid na Liu na nasa Skype. Naalala ko na ang Kapatid na Liu ay naniniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon at sa nakaraan siya ay palaging nagsasagawa ng gawaing paglilingkod sa iglesia. Ngunit sa nakaraang ilang taon ay patuloy na tumamlay at ang pananampalataya ng mga kapatid ay nanlamig. Siya ay walang kibo at nanghina, inabala na lamang ang sarili niya sa kanyang mga proyektong inhinyeria, at inalala na lamang ang kanyang sarili. Hindi siya nagpunta sa iglesia sa loob ng mahabang panahon. Bihirang mangyari ang makita siya sa araw na iyon, kaya agad kaming nagkuwentuhan …

Hindi sinasadyang napunta ang aming usapan tungkol sa aming kani-kanyang kasalukuyang kalagayang espirituwal. Sasabihin ko sana sa kanya kagaya ng aking nakagawian na kung paanong ang aking espiritu ay tuyo at madilim, ngunit ang isang bagay na ibinahagi sa akin ng Kapatid na Liu ang aking ikinabigla. Mayroon siyang isang kakaibang paliwanag kung bakit ang iglesia ay tumamlay, at ang sinabi niya ay puno ng liwanag. Hindi pa ako nakarinig ng kagaya nito noon. Hangang-hanga akong makita kung gaano karami ang kanyang natutuhan sa loob ng maigsing panahon.

Nang makitang nabigla ako, nagkusa ang Kapatid na Liu na magsalita tungkol sa naranasan niya sa panahong iyon. Sinabi niya: “Dati, nakita kong palala nang palala ang sitwasyon ng iglesia, ang pananampalataya ng mga kapatid ay nanlamig at nanghina, at ang karamihan sa mga tao ay sumusunod sa makamundong mga kalakaran, at mayroon pang ibang mga tao na iniwan ang Panginoon. Bilang isang tao na naglilingkod sa Panginoon, wala akong kapangyarihan at hindi magawang tulungan o alalayan ang aking mga kapatid. Kadalasang ako mismo ay nabubuhay pa sa paulit-ulit na pagkakasala at pagsisisi nang walang paraan upang mailabas ang sarili ditto. Ang aking espiritu ay naging madilim at mahina, at wala akong magawa. Naghanap na ako sa lahat ng dako, ngunit nakita na ang bawat sekta ay kasing tamlay lamang ng sumunod. Unti-unti rin akong nabitag sa makamundong mga alalahanin at naging abala sa trabaho araw-araw, at ni hindi na iniisip pa ang tungkol sa pagdalo sa mga pagtitipon…. Kinalaunan, mula sa iba’t-ibang mga tanda nakita ko na ang mga hula sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay sunud-sunod na natutupad. Lalo na ang pagpapakita ng apat na pulang buwan, malinaw na ang malalaking sakuna ay malapit nang dumating, gayunma’y hindi pa natin tinanggap ang Panginoon. Ang aking puso ay puno ng kabalisahan at kalituhan, bigla kong naalala kung ano ang sinasabi ng hula sa Biblia: ‘At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na: at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo(Amos 4:7). Naisip ko ang tungkol sa isang suliranin: ‘Sa nakaraang ilang taon, ang ating mga espiritu ay nagdilim at natuyo, walang ibang isinesermon ang mga pastor kundi ang lipas na mga katotohanan, at walang bagong liwanag. Maliwanag na ang iglesia ay naging matamlay na, at hindi lamang isang iglesia ang nasa ganitong kalagayan kundi ang bawat sekta. Ano kaya ang tunay na dahilan para dito? Wala akong magawa kundi maalala ang katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Hindi magawa ng mga taong itaguyod ang kautusan at lumihis mula sa daan ni Jehovah. Para sa ikaliligtas ng sangkatauhan, inilunsad ng Panginoong Jesus ang Kanyang bagong gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, pagkatapos ay naging matamlay ang templo, nawala ang gawain ng Banal na Espiritu, at naging lungga ng mga magnanakaw. Maaari kayang ang kasiraan ngayon na lumilitaw sa mga iglesia ay ang pag-iwan sa atin ng Diyos upang simulan ang Kanyang bagong gawain?’ Agad akong nag-online para makita ang eksaktong dako ng pagpapakita ng Panginoon upang gawin ang bagong gawain. Hindi sinasadya, natuklasan ko na sa buong mundo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lamang ang sumasaksi na nagbalik na ang Panginoon at hayagang ipinamamahagi sa internet ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Mayroon sila ng lahat ng uri ng mga panoorin, mga pelikula, mga awit ng pagpupuri, at iba pang mga pamamaraan ng pagpapalaganap at pagsaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nakita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagtataglay ng kapangyarihan, awtoridad, at ang mga ito ay talagang nakaaantig ng puso. Ang pagdaraos ng mga debate sa lahat ng mga pelikula na gawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay matitindi at ibinahabahagi nila ang tungkol sa katotohanan sa isang pagpapalinaw na paraan upang bigyan ang mga tao ng malaking pakinabang. Taglay talaga nila ang paggabay at gawain ng Banal na Espiritu! Pagkakita na ang pagtustos ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para sa mga buhay ng mga tao ay napakasagana at napakalawak, gayunma’y para tayong nabubuhay sa kadiliman na mayroong lantang mga espiritu, nadama ko kung gaano kalawak ang nakapagitan sa atin! Sa gayon ay naalala ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: ‘Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan(Mateo 7:7). Sinasabi ng Panginoon na maghangad tayo sa lahat ng mga bagay na kapag tayo ay naghangad liliwanagan tayo ng Panginoon. Naalala ko kung gaano kataimtim akong nanalangin sa Panginoon nitong nakaraan lang, at ginabayan Niya ako papunta sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Makikita kaya ang kalooban ng Diyos dito? Pinaninindigan ko kung gayon na aktibong hahangarin at susuriin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos alinsunod sa salita ng Panginoon.”

Nang marinig ko ang ibinahagi ng Kapatid na Liu, nadama ko na nagmula ito sa paggabay at pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Hiniling ko sa kanya na ibahagi kaagad-agad ang isang pamamaraan para sa pagsusuri sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Sinabi ng Kapatid na Liu na nang unang pagkakataong nakaharap niya ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, wala siyang pagkaunawa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Gayunpaman, isang bagay ang umantig sa kanyang puso at nahimok siya na basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos upang hindi makawala ang pagkakataon na tanggapin ang Panginoon. Ngunit pagkatapos noon, ang isang proyekto na pinangungunahan ng Kapatid na Liu ay halos magsisimula na, at kailangan niyang bumiyahe papuntang ibang lugar upang pangasiwaan ang dako ng gawain. Siya ay lubhang abala sa araw-araw, napakarami ng mga tao kung saan siya tumitigil, ang koneksyon ng internet ay hindi gumagana, at ni hindi niya magamit ang kanyang kompyuter, kaya hindi mabasa ng Kapatid na Liu ang salita ng Diyos. Sa gitna ng pagkabalisang nadarama ni Kapatid na Liu tungkol dito, inirekomenda ng mga kapatid ang mobile app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nalaman niya na makagagamit siya ng app upang mabasa ang salita ng Diyos sa online, makinig sa mga awitin ng pagpupuri sa Diyos at mga pagbigkas ng salita ng Diyos, at ma-download ang mga materyales para magamit sa offline. Tuwang-tuwa siyang marinig ito, kaya mabilis niyang na-download at naikabit ito. Mula noon, kapag nagkakaroon ng bakanteng oras ang Kapatid na Liu ay hahanap siya ng lugar upang makinig sa mga pagbigkas ng salita ni Cristo sa mga huling araw, at tinatamasa ang pagdidilig at panustos ng nabubuhay na tubig ng buhay. Sa loob ng maigsing panahon, naunawaan ng Kapatid na Liu ang maraming katotohanan at mga misteryo mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi malinaw sa kanya noong una. Naunawaan niya ang mga bagay kagaya ng dahilan ng pagtamlay ng iglesia, ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, kung paanong ipinatutupad ng Diyos ang gawaing paghatol at pagdalisay sa mga huling araw, ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan, ang kagandahan ng Kanyang kaharian, atbp. Habang paulit-ulit siyang nakikinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kalituhan at mga kahirapan na kanyang hinarap sa maraming taon ay nalutas lahat at ang kanyang tigang na espiritu ay naginhawaan…

Nagsalita ang Kapatid na Liu nang buong galak, at nadama ko na ang kanyang kalagayang espirituwal ay ganap na kaiba kaysa sa dati. Dahil noong una ang pananampalataya ni Liu ay naging mahina at siya ay naging abala sa trabaho at abala sa makamundong bagay, hindi niya mabata ang mga tukso ni Satanas at manonood na lamang palagi ng telebisyon, minsan hanggang hatinggabi, at ang kanyang kaugnayan sa Panginoon ay lumayo nang lumayo. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa gayong kaigsing panahon naunawaan ng Kapatid na Liu ang napakaraming katotohanan na naging mailap sa kanya noong una. Nabawi niyang muli ang kanyang pananampalataya at naging malakas sa espiritu. Naiinggit ako sa lahat ng nakamit ng Kapatid na Liu.

Hindi nagtagal, sinabi ng Kapatid na Liu kalakip ang dalisay na damdamin na, dahil ikinabit niya ang app galing sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ang pinakamagandang bagay na kanyang naranasan ay ang pagbawi niyang muli sa kanyang karaniwang espirituwal na buhay. Ang kanyang espiritu ay hindi na madilim at lanta, at nabawi niyang muli ang pakiramdam ng pagiging nasa presensya ng Diyos. Sinabi niya na kadalasan kapag nakasasagupa siya ng ilang mga kahirapan o mga tukso sa kanyang buhay o trabaho, at hindi alam kung ano ang gagawin, binubuksan niya ang app upang mabasa ang salita ng Makapangyarihang Diyos o ang mga karanasan at mga patotoo na ibinabahagi ng mga kapatid. Kapag ginagawa niya ang gayon, nagkakamit siya ng isang agarang pananaw at nagagawang makabangon mula sa anumang pagkalito at paghihirap na hinaharap niya. Sa kanyang puso, tinitiyak niya na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na malulutas nito ang praktikal na mga suliranin ng sangkatauhan. Ang app sa gayon ay naging isang kasangkapan para sa espirituwal na panata na hindi niya kayang mawala. Nadama niya kung gaano kadali at kabilis gamitin ang app, at habang lalo niyang ginagamit ito lalong mas maraming pakinabang ang kanyang nakita. Ang kanyang kaluluwa ay naging panatag, ang kanyang isip ay payapa, at siya ay masigla sa kanyang gawain. Ang natuklasan ni Kapatid na Liu na mas nakakaaliw ay ang sa pamamagitan ng maigsing panahon ng pagsisiyasat at ang pagbabahagi at ang patotoo ng mga kapatid, ganap siyang naging tiyak na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Banal na Espiritu. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nakaagapay siya sa mga yapak ng Kordero at natamo ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Ngumingiti, sinabi niya na ang app talaga ang tumulong sa kanya nang lubos. Kung hindi sa pagkakabit nito, hindi niya kailanman mababasa ang napakarami sa salita ng Makapangyarihang Diyos o mapatutunayang totoo ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Palagi nang ginagamit ngayon ng Kapatid na Liu ang app kailanman at saanman upang maikinig sa mga pagbigkas ng mga salita ng Diyos at mga awitin, at upang panoorin ang lahat ng mga uri ng mga programang panoorin na pang-ebanghelyo kagaya ng mga pelikula at panooring musikal na A Cappella. Masaya talaga ang Kapatid na Liu nang sabihin niya sa akin na ang app na galing sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mayroong isang pinakatampok na pagpaplano para sa panatang espirituwal, kaya hindi niya kailangang maghirap sa paghahanap ng ilang mabuting nilalaman kapag oras na para sa panatang espirituwal. Ang pinagaang tampok sa pagpapalano sa panatang espirituwal ay sagana sa mga klasikong mga pagpipilian mula sa salita ng Diyos na iniuukol sa mga aspeto ng katotohanan na dapat maunawaan sa paniniwala sa Diyos. Mayroon din itong mga pelikula, mga pagbigkas ng mga salita ng Diyos, at mga panoorin ng mga awit ng pagpupuri, at ang mga karanasan at mga patotoo ng mga kapatid ay tagos sa puso at nakaaantig ng damdamin. Pangunahing inilalarawan ng mga ito kung paano nila naranasan ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, kung paano nila dahan-dahang naunawaan ang katotohanan at nakilala ang kanilang mga sarili, kung paano nila itinapon ang kanilang masamang disposisyon at nakapasok sa daan ng kaligtasan, at iba pa. Itinulot ng paglalaan ng katotohanang ito na magkamit ang Kapatid na Liu ng napakaraming pagliliwanag at pagpapalinaw sa kanyang panatang espirituwal, isang bagay na hindi maaaring matamo at hindi makikita sa relihiyosong mundo. Ikinagalak ng Kapatid na Liu na magawa niyang salubungin ang ikalawang pagparito ng Panginoon sa paggamit sa app. Sa kanyang bagong buhay iglesia, tinamasa niya ang salita ng Makapangyarihang Diyos at natamo ang panustos nang tuwiran. Para kay Kapatid Liu, ang bawat araw ngayon ay makabuluhan. Habang ang kanyang pagkaunawa sa katotohanan ay dahan-dahang nadaragdagan, ang kanyang kaugnayan sa Diyos ay lalong nagiging normal, ang espiritu ay lumalakas, at, ang pinakamahalaga sa lahat, nakaagapay siya sa bagong gawain ng Banal na Espiritu. Nagtamo siya ng panustos at paggabay mula sa Diyos Mismo at nasa tamang landas ng pagkakamit ng kaligtasan. Sa kanyang puso at espiritu, siya ay lalong nagiging malaya.

Nang mapakinggan ko ang ibinahagi ng Kapatid na Liu, ako ay naaliw nang husto, at ninais ko ring matamo ang masaganang panustos na ito.

Papunta ako ng trabaho kinaumagahan, inilabas ko ang aking telepono, at isinuot ang aking headphone, binuksan ang app na galing sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pumili ng isang awitin, at habang naglalakad ako nakikinig ako ng musika sa pagpupuri sa Maylikha na may walang kapantay na tamis at galak na damdamin sa aking puso …

Inaanyayahan namin ang mga nauuhaw sa katotohanan at naghahangad sa pagpapakita ng Diyos na i-download ang aming App!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman