Humahalimuyak mula sa Pagdurusa ang Bango ng Pag-ibig

Disyembre 13, 2019

Xiaokai, Probinsya ng Jiangxi

Isa akong ordinaryong babaeng taga-probinsya, dahil sa pyudalistikong ideya ng pagpapahalaga lamang sa mga batang lalaki, hindi ko nagawang itaas ang aking ulo sa harap ng iba pa dahil sa kahihiyan ng di pagkakaroon ng anak na lalaki. Nang naghihirap na ako nang sobra, pinili ako ng Panginoong Jesus at, pagkaraan ng dalawang taon, tinanggap ko ang kaligtasan ng Makapangyarihang Diyos. Bukod dito, naunawaan ko ang maraming katotohanan mula sa loob ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakamit ng aking puso ang tunay na paglaya. Gayunpaman, habang ginagawa ko ang aking tungkulin upang suklian ang pag-ibig ng Diyos, dalawang beses akong inaresto ng gobyerno ng CCP at dumanas ako ng brutal na pagpapahirap at dusa sa mga kamay ng kampon ng CCP. Nang malapit na akong mamatay, ginabayan ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nagdulot sa akin na magpatotoo sa gitna ng malupit na kapahamakan ni Satanas, sa gayon ay nagpapatibay sa aking determinasyon na sundin ang Diyos at ibigin ang Diyos sa buong buhay ko.

Mga alas-5 ng hapon, noong Mayo 2003, papunta na ako upang isagawa ang aking tungkulin nang biglang sumakay sa motorsiklo ang kalihim ng Partido ng nayon at hinarangan ang aking daanan. Nagsisigaw siya ng utos sa akin, sinasabing: “Huminto ka! Anong ginagawa mo? Sumama ka sa akin!” Nagulat ako, at nalaman kong nasundan pala ako. Naisip ko kaagad ang pager, ang mga resibo ng salapi ng iglesia at iba pang mga bagay na mayroon ako sa aking bag at, kapag napasakamay niya ang mga bagay na ito, magdudulot ito ng malaking kawalan para sa gawain ng iglesia. Kaya tumakbo ako nang mabilis hangga’t kaya ko, umaasang makakahanap ng pagkakataong itapon ang mga bagay sa aking bag, ngunit hindi ako masyadong nakalayo at nahuli niya ako. Hindi nagtagal, pumarada ang isang itim na kotse at bumaba mula rito ang lima o anim na mukhang malulupit na pulis na agad akong pinalibutan. Tumawa sila nang malisosyo at sinabing: “Sa pagkakataong ito ay nakuha ka na namin, ang lider. Sa tingin mo ay makakatakbo ka pa rin? Huwag kang umasa!” Pinalipit nila pagkatapos ang aking mga kamay sa aking likuran, isinakay ako sa kotse ng pulis at dinala ako sa lokal na istasyon ng pulis.

Nang dumating ako sa istasyon ng pulis, itinulak ako ng masasamang pulis sa isang maliit, madilim, at mabahong silid, at nagsimula silang pumalahaw nang malakas sa akin: “Kumanta ka na! Anong pangalan mo? Taga saan ka? Anong ginagawa mo rito? Magsalita ka!” Pumipintig ang aking puso, nakita ko ang kanilang pagbabanta, at natakot akong mahulog sa kanilang mga kamay ang mga bagay sa aking bag, at natatakot din akong pahihirapan nila ako nang malupit. Habang nangyayari ang lahat ng ito, desperado akong humingi ng tawag sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, ngayon ako ay nahulog sa mga kamay ng mga diyablo at nangyari ito sa pamamagitan ng Iyong pahintulot. Anuman ang gawin nila sa akin, nais ko lamang manindigan sa tabi Mo. Nagdasal ko para sa karunungan at pananampalataya upang magpatotoo.” Sa sandaling iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi ka dapat matakot sa ganito at ganyan; gaano man karaming hirap at panganib ang maaari mong harapin, kaya mong manatiling hindi natitinag sa Aking harapan…. Huwag matakot; sa suporta Ko, sino ang makakahadlang sa daan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Oo, tunay ngang natatangi ang Diyos. Pinangangasiwaan niya ang lahat ng bagay at pinangungunahan ang lahat, hindi ba’t higit pang bahagi ng mga kaayusan ng Diyos ang ilan sa masasamang pulis na ito? Dahil kasama ko at kakampi ko ang Diyos, ano pa ang dapat ikatakot? Nagdulot sa akin ang mga salita ng Diyos na magkaroon ako ng pananampalataya at napuno ang buo kong katawan ng lakas, hindi na kailanman matatakot kay Satanas. Ngunit sa oras na iyon, nag-aalala pa rin ako sa mga bagay sa aking bag, at patuloy na sumigaw ang aking puso sa Diyos para sa proteksyon. Pinasalamatan ko ang Diyos sa pakikinig sa aking panalangin, at ang grupo ng mga masasamang pulis na ito ay nagtanong lamang sa akin at hindi hinanap ang aking bag. Nang dumating ang oras ng kanilang pagpapalit rilyebo, umalis silang lahat sa silid, at dali-dali kong kinuha ang mga resibo ng accounting at mga materyal na nasa aking bag at itinapon ang mga ito sa bintana, at binasag ko ang pager sa sahig at itinapon ito sa basurahan, at doon lamang nakahinga nang maluwag ang aking puso. Katatapos ko lamang gawin ito nang ang bagong rilyebo ng masasamang pulis ay pumasok sa silid. Tiningnan nila ako nang masama, at dali-dali nilang tiningnan ang aking bag, ngunit walang nahanap. Nakita ko sa aking mga sariling mata ang kapangyarihan at soberanya ng Diyos, at lalong nadagdagan ang aking pananampalataya. Dahil wala silang nakuhang anumang bagay, galit na galit akong tinanong ng mga masasamang pulis, tinatanong kung sino talaga ang aking kaugnayan, sino ang mga matataas na antas na pinuno, at iba pa. Natatakot akong baka may masabi ako at mahulog sa kanilang patibong, kaya wala akong sinabing kahit ano. Sa pagkakita nito, sabay-sabay akong binugbog at sinipa ng lima o anim na masasamang pulis, isinusumpa ako habang sinasabi nilang: “Kung hindi mo sasabihin sa amin, bubugbugin ka namin hanggang sa mamatay ka!” Pinalo ako nang sobrang lakas na bumaluktot ako na parang bola, pabalik-balik na umiikot sa lupa. Marahas akong sinabunutan ng isang masamang pulis at malupit akong tinakot: “Talagang matigas ka pa rin. Hindi ka magsasalita? Mayroon kaming mga paraan, kaya makikita mo kung paano ka namin papahirapan mamayang gabi!” Alam kong kasama ko ang Diyos, kaya hinarap ko ang parating na pagpapahirap na may mahinahong puso.

Makalipas ang alas 8 ng gabing iyon nang ang dalawang masasamang pulis ay pinosasan ako at hinatid ako sa munisipal ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad. Nang pumasok sa silid ng interogasyon, nagsimulang umarte na mabuting pulis ang isa sa masasamang pulis na nasa apatnapung taong gulang, sinisikap akong buyuin at hikayatin: “Bata ka pa at maganda. Ano itong lahat tungkol sa paniniwala sa Diyos? Makipagtulungan ka sa aming gawain. Basta’t sasabihin mo sa amin kung sino ang mga matataas na antas na pinuno, kukuha ako ng isang tao upang iuwi ka agad sa bahay. Matutulungan kita sa anumang kahirapang mayroon ka. Bakit kailangan pang maghirap dito? …” Dahil sa proteksyon ng Diyos, alam kong ito ang tusong pakana ni Satanas, at hindi ko binigyang-pansin ang kanyang sinabi. Nakita ng masamang pulis na hindi tumalab ang kanyang pakana, kaya agad niyang ipinakita ang kanyang tunay na kulay. Sinabunutan niya ako at idinikdik ako sa sahig, malupit na pinagsisipa ang aking ulo hanggang sa nahilo ako at naramdamang umiikot ang buong lugar. Sa pamamagitan niyon, tinadyakan niya ang aking ulo at malupit na sinabing: “Hindi ka magsasalita? Gagawin ko ang lahat ng paraan upang pahirapan ka ngayon, at hihilingin mong hindi ka na sana ipinanganak. Sasabihin mo ba sa amin ang gusto naming malaman?” Nang makita niyang wala pa rin akong sinasabi, tumawag siya ng ilan pang masasamang pulis na kinaladkad ang aking mga paa at sinimulang sampalin ang aking mukha nang paulit-ulit, hanggang sa sobrang sakit na ng mukha ko na parang sinusunog ng apoy. Ngunit kahit gaano pa nila ako bugbugin, patuloy at tahimik akong nanalangin sa Diyos, at tinigasan ko ang aking mga ngipin at walang sinabing isang salita. Nakitang hindi pa rin ako sumusuko, kinaladkad nila ako sa isa pang silid, habang dumudura sa galit. Kumuha ang isang masamang pulis ng de-kuryenteng gabilyo at malisyoso akong tinawanan, sinasabing: “Hindi mahalaga na nagmamatigas ka. May mga paraan kami! Tingnan natin kung sino ang matitirang matibay—ikaw o ang de-kuryenteng gabilya namin!” At walang awa niya akong pinagsusundot. Sa isang sandali, pinasok ang buo kong katawan ng malakas na daloy ng kuryente at nangisay ako nang di sinasadya. Parang binubugbog ng di mabilang na insekto ang aking katawan, at hindi ko mapigilang maglabas ng mga pagbugsu-bugsong sigaw. Nang hindi ako hinihintay na mahabol ang aking hininga, kumuha ng salansan ng makakapal na magasin ang isa pang masamang pulis at sinimulang pukpukin ang aking ulo nang kanyang buong lakas, at sinabunutan niya ako pagkatapos at malupit na hinampas ang aking ulo sa dingding. Nagdilim ang lahat at bumulagta ako sa sahig. Pumalahaw sa akin ang masasamang pulis, “Nagpapanggap na patay!” Kinaladkad nila ako mula sa sahig at inutusang lumuhod, ngunit sobrang hina ko na nagawa ko lamang lumuhod nang ilang sandali bago muling bumagsak sa sahig. Sa puntong iyon, talagang naramdaman kong hindi ko na kaya, hindi ko mapigilan ang manghina, at naisip ko: “Tunay na napakabrutal ng mga diyablong ito, at mamamatay talaga ako ngayon sa kanilang mga kamay….” Sa sakit at kawalan ng kakayahan, nanalangin ako sa Diyos nang ganap na taimtim, hinihiling na gabayan ako ng Diyos, at lakas upang talunin si Satanas. Sa sandaling iyon, biglang sumagi sa aking isipan ang mga salita ng Diyos: “Ang Makapangyarihang Diyos, ang Pinuno ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang luklukan. Namumuno Siya sa sansinukob at sa lahat ng bagay, at ginagabayan Niya tayo sa buong daigdig. Maging malapit tayo sa Kanya sa bawat sandali…. Hangga’t may natitira kang hininga, hindi ka hahayaan ng Diyos na mamatay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na ang aking buhay ay nasa mga kamay ng Diyos at, hangga’t hindi ipinagkakaloob ng Diyos ang Kanyang pahintulot, hindi mangangahas na kunin ng mga diyablong ito ang aking buhay. Naisip ko kung gaano ko na katagal sinunod ang Diyos, kung paano ako pinrotektahan ng Diyos hanggang sa huli, kung paano ako nasiyahan nang sobra at nang marami sa pag-ibig ng Diyos, at naisip ko kung bakit nangyayari ang suliraning ito ngayon ay dahil oras na ng pagsubok ng Diyos sa aking katapatan at pag-ibig, at iyon din ang oras upang suklian ko ang pag-ibig ng Diyos. Pinahihirapan ako nang gayon ng mga diyablo na may kasuklam-suklam na layuning ipagkanulo ko ang Diyos; ngunit isa akong taong hindi sumusuko, isang taong may determinasyon at, kahit pa pahirapan ako hanggang kamatayan, hindi pa rin ako susuko kay Satanas. Walang paraan upang maging Judas ako para lamang mamuhay ako nang walang dangal—hindi ko hahayaang magtagumpay ang balak ni Satanas, ganap akong magpapatotoo sa Diyos at hahayaang aliwin ang puso ng Diyos. Pinahiraman ako ng di nauubos na lakas ng mga salita ng Diyos, nakalimutan ko ang sakit na sumira sa buo kong katawan, at nagkaroon ako pagkatapos ng pananampalataya at lakas ng loob na patuloy na labanan ang mga diyablong ito.

Pagkatapos, upang mapaamin ako, nagpalitan ng pagbabantay sa akin ang masasamang pulis at binawalan akong matulog, paulit-ulit akong tinatanong: “Sino ang mga matataas na antas na pinuno sa iyong iglesia? Saan sila nakatira? Sino pa ang miyembro? …” Nakita akong nananatiling tahimik, maya’t maya nila akong sinasabunutan at sinisipa. Ipinipikit ko lamang ang aking mga mata at binubugbog at sinisipa nila ako gamit ang mga toe cap ng kanilang katad na sapatos upang tapakan at dikdikin ang aking mga kamao ng kanilang buong lakas. Isang nakapagpapatirapang sakit ang nagdulot sa akin ng masyadong pagdurusa, at patuloy lamang ako sa pagsigaw. Pinagsisipa nila ako na parang isang football…. Nang nalalapit na ang umaga, sobra akong pinahirapan na nabalot ng di mabilang na pasa ang aking katawan at balot ako ng di matiis na sakit. Habang iniisip ko na hindi ako kailanman dumanas ng gayong mga paghihirap, at iniisip ang pinsala at pagdurusa na dinaranas ko ngayon sa mga kamay ng masasamang pulis ng CCP dahil sa aking paniniwala sa Diyos, walang magawa ang aking puso kundi ang magdalamhati at manghina. Sa puntong iyon, ang lahat ay madilim sa loob ko, at lumaki nang lumaki ang aking takot, hindi alam kung anong susunod na mga uri ng malulupit na pahirap ang mayroon sila para sa akin. Habang nakahandusay ako sa sakit, tahimik akong nanalangin sa Diyos: “O, Makapangyarihang Diyos, hinihiling ko sa Iyo na liwanagan Mo ako at patnubayan ako upang maunawaan ang Iyong kalooban sa aking kalagayan, upang hindi ko mawala ang aking patotoo.” Habang nagdarasal ako, naisip ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos: “Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. … Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. … Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa nag-iisang katotohanan, at hindi mo dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan(“Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Ginising ng mga salita ng Diyos ang aking puso at ipinaunawa sa akin na ang sakit ng pag-uusig na naranasan ko ngayon dahil sa aking paniniwala sa Diyos ay ang lubos na halaga at sukdulang kahulugan. Naunawaan ko na ginagamit ng Diyos ang suliraning ito ng pagdurusa upang maipakita sa akin nang malinaw ang kakanyahan ni Satanas na may pagkamuhi sa Diyos, upang talikuran ko ito nang lubos at sa gayon ay maibalik ang aking puso sa Diyos at makamit ang tunay na pag-ibig sa Diyos. Tiniis na ng Diyos ang lahat ng sakit upang iligtas ako, kaya hindi ba dapat magdusa nang higit pa ang isang tiwaling taong tulad ko alang-alang sa pagkamit ng tunay na pagbabago sa disposisyon ng aking buhay? Isang bagay ang paghihirap na ito na dapat kong tiisin sa aking hangaring makamit ang kaligtasan, at kailangan ko ang ganitong uri ng kalagayan upang masukaran ako at tumibay; ito ang kailangan ng aking buhay at nais kong tanggapin ang dakilang pag-ibig ng Diyos. Ngayon, nagdurusa ako sa tabi ni Cristo at kapwa ako nagbabahagi sa kaharian ni Cristo at sa Kanyang mga kapighatian—ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng pagtataas ng Diyos, ito ang pinakadakilang pag-ibig at pagpapala ng Diyos sa akin, at dapat akong maging masaya. Sa pag-iisip nito, nadama ko ang lubos na kaginhawahan, at hindi na ako naniniwala na ang pagkakaroon ng ganitong suliranin ay isang bagay na masakit, ngunit sa kabaligtaran naramdaman kong ito ang espesyal na pagpapala ng Diyos na nangyari sa akin. Tahimik akong naghandog ng panalangin sa Diyos: “O, Makapangyarihang Diyos! Nagpapasalamat ako sa Iyo para sa pagliliwanag sa akin upang maunawaan ko ang Iyong kalooban. Kahit gaano pa ako pahirapan ni Satanas, hindi ako lubos na magkokompromiso o susuko rito. Mabuhay man ako o mamatay, nais kong magpasuko sa Iyong mga pagsasaayos, italaga ang buo kong sarili sa Iyo, at mahalin Ka hanggang sa mamatay ako!” Dalawang gabi at isang araw akong pinahirapan ng masasamang pulis at wala silang nakuha sa akin. Sa huli, ang nasabi lang nila ay “Nagpaka-Diyos,” na ako at dinala ako sa detention house.

Sa sandaling dumating ako sa selda sa detention house, ang pinuno ng bloke ng selda, na inudyukan ng masasamang pulis, ay nagsimulang bantaan ako: “Halika, umamin ka! Kung hindi ay mahihirapan ka!” Nang makitang hindi ako sumusuko, nakipagsabwatan siya sa iba pang mga bilanggo upang parusahan ako sa lahat ng posibleng paraan: Hindi nila ako binigyan ng makakain, hindi ako binigyan ng mainit na tubig, pinatulog nila ako sa nagyeyelong sahig na simento bawat gabi, at pinuwersa akong gawin ang marumi’t nakakapagod na trabaho. Kung hindi ko iyon natapos, kinailangan kong maglaan ng overtime, at kung hindi ko iyon nagawa nang mabuti, verbal akong inaabuso at pinapatayo bilang parusa…. Araw-araw kinailangan kong harapin ang panlilibak, pagpapahiya, diskriminasyon, pambubugbog at verbal na pang-aabuso ng iba pang mga bilanggo. Bukod dito, kinumpiska ng masamang pulis ang aking pera, ni isang kusing ay wala ako, hindi ko man mabili ang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Wala akong ideya kung kailan matatapos ang mga araw na ito at sobrang nahabag ako sa aking kalooban, sobrang lungkot at sobrang nasasaktan, laging ninanais na makalabas sa lugar ng demonyong iyon sa lalong madaling panahon. Ngunit habang mas gusto kong umalis sa kapaligirang iyon, mas nagdilim at nabagabag ang aking puso, at di ko namamalayang tumulo ang luha sa aking mga mata. Dahil wala akong kakayahan, paulit-ulit ko lamang sinasabi sa Diyos ang aking sakit, masigasig na umaasa na muli akong patnubayan ng Diyos at mapasunod ako sa Kanyang mga pagsasaayos at plano. Ang Diyos ang aking tulong at suporta sa lahat ng oras, at muli Niya akong inakay na isipin ang siping ito ng Kanyang mga salita: “Paano man gumawa ang Diyos, at anuman ang iyong sitwasyon, nagagawa mong hangarin ang buhay at hanapin ang katotohanan, at hangaring malaman ang tungkol sa gawain ng Diyos, at magkaroon ng pag-unawa sa Kanyang mga kilos, at nagagawa mong kumilos alinsunod sa katotohanan. Ang paggawa nito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tunay na pananampalataya, at ang paggawa nito ay nagpapakita na hindi ka nawalan ng pananampalataya sa Diyos. Magkakaroon ka lamang ng tunay na pananampalataya sa Diyos kung nagagawa mong piliting hangarin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpipino, kung nagagawa mong tunay na mahalin ang Diyos at hindi ka nagkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa Kanya, kung isinasagawa mo pa rin ang katotohanan anuman ang gawin Niya upang mapalugod Siya, at kung nagagawa mong hangarin nang taos-puso ang Kanyang kalooban at isaalang-alang ang Kanyang kalooban. Noong araw, nang sinabi ng Diyos na mamumuno ka bilang isang hari, minahal mo Siya, at nang hayagan Siyang magpakita sa iyo, sinundan mo Siya. Ngunit ngayon nakatago ang Diyos, hindi mo Siya nakikita, at nagkaroon ka ng mga problema—nawawalan ka na ba ng pag-asa sa Diyos? Kaya nga, kailangan mong hangarin ang buhay at hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos sa lahat ng oras. Ang tawag dito ay tunay na pananampalataya, at ito ang pinakatunay at pinakamagandang uri ng pagmamahal(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Ang mga salita ng Diyos ay tulad ng inang mapagmahal na pinapawi ang pagkabagabag ng anak, at binigyan ako ng gayong ginhawa at lakas ng loob ng mga ito. Naramdaman kong nasa tabi ko ang Diyos na nagbabantay sa akin at naghihintay sa akin upang mapanatili ang aking tunay na pananampalataya sa Diyos sa harap ni Satanas, sa gayon ay magtamo ng kakayahang ibigin at pasiyahin ang Diyos at tumayong saksi para sa Diyos sa gitna ng masakit na kapaligiran at kapag pinaligiran ng mga puwersa ng kadiliman, ito ang pinakamakapangyarihang patotoo na naglalagay kay Satanas sa kahihiyan. Kahit na nahuli ako sa lungga ng diyablong ito, laging nasa akin ang pag-ibig ng Diyos. Nang dinanas ko ang malupit na pagpapahirap at naramdaman ko ang panghihina, at nang natagalan ko ang mga pag-atake ni Satanas at naramdaman ang sakit at bagabag, lagi kong nakikita ang probisyon ng Diyos sa aking buhay, naramdaman ko ang kaaliwan ng pag-ibig ng Diyos, at nakikita kong binubuksan ng kamay ng Diyos ang landas para sa akin. Laging nasa tabi ko ang Diyos, naisip ko, na binabantayan ako at kasama ko. Napakalalim ng pag-ibig sa akin ng Diyos, paano ko kailanman mabibigo ang Kanyang kalooban? Hindi ko dapat isaalang-alang ang aking laman at mas lalong hindi ko dapat takasan ang mga suliraning inayos ng Diyos para sa akin. Dapat kong alalahanin ang pananampalataya ko noon, italaga ang tunay kong pag-ibig sa Diyos at sumaksi sa Diyos sa harap ni Satanas. Habang iniisip ang mga bagay na ito, natunaw ang sakit sa aking puso, at napagpasiyahan kong ibigin at pasiyahin ang Diyos kahit na pagdusahan ko pa ang lahat ng paghihirap. Hindi ko kayang hindi kumanta ng isang himno ng iglesia: “Sa puso at espiritu ko, bakit hindi ko kayang mahalin ang Diyos? Diyos ang suporta ko, ano ang sukat ikatakot? Dapat kong labanan si Satanas hanggang dulo. Binubuhat tayo ng Diyos at kailangan nating iwanan ang lahat at bumahagi sa pagdurusa ni Cristo. Ihahanda ko ang aking pag-ibig at iaalay lahat ito sa Diyos, at tatagpuin ang Diyos sa luwalhati” (“Ang Kaharian” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Nang pinalakas ko ang aking pananampalataya at pagnanais na pasiyahan ang Diyos, muli kong naranasan ang matamis na pag-ibig ng Diyos para sa akin. Ginamit ng Diyos ang isang opisyal ng bilangguan upang bigyan ako ng maraming bagay para sa aking pang-araw araw na paggamit. Sobrang naantig ang aking puso at nagpasalamat ako sa Diyos mula sa ilalim ng aking puso. Pagkaraan ng 40 araw, nakita ng masasamang pulis na wala silang paraan upang makuha ang anumang bagay mula sa akin, kaya napilitan silang kasuhan ako bilang isang “miyembro ng xie jiao,” at sinabihan ang aking pamilyang magbayad ng ilang libong yuan bago ako palayain.

Ang akala ko’y makukuha ko nang muli ang aking kalayaan sa oras na makauwi ako, ngunit hindi tumigil sa pagbabantay sa akin pulis ng CCP at hinigpitan pa rin nila ang aking personal na kalayaan. Pinagbawalan nila akong umalis ng aking bahay, inutusan akong laging maging available sa kanila, at nagpadala ng isang tao upang matiyagan ako. Binalaan pa nila ang aking pamilya nang halos kada ilang araw, ninanais nilang bantayan ako nang malapitan. Sa labas, parang pinalaya na ako, ngunit ako ay inilagay sa ilalim ng pagkaaresto sa bahay ng masasamang pulis. Samakatuwid, hindi ako nangahas na makipag-ugnay sa aking mga kapatiran sa iglesia, ni hindi ko rin magawa ang aking tungkulin, at namighati at nasaktan ang aking puso. Ang bagay na higit na nagpagalit sa akin ay ang panlilinlang ng masasamang pulis sa mga tao sa nayon gamit ang kanilang masamang pagsisinungaling, sinasabi sa kanilang nabaliw ako dahil sa aking paniniwala sa Diyos, na ako ay may tama sa ulo at walang kakayahang gumawa ng anumang bagay…. Sa harap ng naturang kasuklam-suklam na pag-uugali tulad ng kanilang bulung-bulungan at paninirang-puri, hindi ko iyon napigilan sa paglagablab ng apoy ng aking galit. Hindi ako maaaring kontrolin ng mga diyablo sa ganitong paraan, at dapat akong lumaban sa pagpapalaya sa aking sarili sa kanilang mala-demonyong paghawak at suklian ang pag-ibig ng Diyos. At sa gayon, upang maiwasan ang pagsubaybay ng masasamang pulis, wala na akong nagawa kundi ang iwanan ang aking tirahan at gawin ang aking tungkulin.

Sa isang kisap mata lumipas ang tatlong taon. Naisip kong hindi na ako susubaybayan pa ng pulis ng CCP, kaya umuwi ako upang gawin ang aking tungkulin. Gayunpaman, walang kamalay-malay na dumating na parang kidlat noong isang umaga ng Agosto 2006, bago pa man ako makauwi mga ilang araw na lang, binisita ako ng mga masasamang pulis. Nang umagang iyon, isang sumisigaw na boses ang gumising sa aking pagkakatulog: “Bilisan mo at buksan mo ang pinto, kung hindi, wawasakin namin ito!” Kabubukas lamang ng aking asawa sa pintuan nang pumasok na parang mga bandido ang pito o walang masasamang pulis at, walang pali-paliwanag ay dinukot ako at hinatak sa kanilang kotse. Dahil pinoprotektahan ako ng Diyos, hindi ako natakot. Nagdasal lamang ako nang nagdasal: “O, Makapangyarihang Diyos! Bumagsak akong muli ngayon sa mga kamay ng mga diyablong ito. Protektahan mo nawa ang aking puso, bigyan mo ako ng lakas, at nang makapagpatotoo akong muli para sa Iyo.” Nang makarating kami sa istasyon ng pulis, pilit na kinuha ng masasamang pulis ang aking larawan at ang aking mga fingerprint. Pagkatapos ay kinuha nila ang isang listahan ng mga pangalan at sinimulan akong tanungin: “Kilala mo ba ang mga taong ito? Sino ang iyong mga kasamahan?” Nang makita ko ang pamilyar na mga pangalan ng ilan sa aking mga kapatirang babae sa listahan, mahinahon akong sumagot: “Hindi ko sila kilala, at wala akong mga kasamahan!” Hindi pa ako natatapos magsalita nang biglang inungulan ako ng isa sa kanila, “Nawala ka nang maraming taon, nasaan ka noon? May mga kasamahan ka. Naniniwala ka pa rin ba sa Makapangyarihang Diyos? Kumanta ka na.” Agad akong nalungkot at nagalit sa mga salita ng masamang pulis, at hindi maipaliwanag ang aking galit: Ang pinaniniwalaan ko ngayon ay ang tunay na Diyos na lumikha sa langit at lupa at lahat ng bagay, ang hinahanap ko ay ang katotohanan, ang daang tinatahak ko ay ang tamang daan sa buhay, at ang lahat ng mga bagay na ito ay maliwanag at makatarungan. Gayunpaman, ang mga diyablong itong lubos na walang budhi, ay patuloy akong sinundan, pinuwersa akong palabasin sa aking tahanan, hiniwalay ako sa aking pamilya at pinipilit akong ipagkanulo ang Diyos. Ano ang mali sa paniniwala sa Diyos at pagnanais na maging isang mabuting tao? Bakit hindi nila ako pinahihintulutang sundin ang Makapangyarihang Diyos at tahakin ang tamang daan sa buhay? Ang grupo ng mga diyablong bumubuo sa gobyerno ng CCP ay talagang mga tampalasan at walang Diyos; mga kaaway sila na di mapagkakasundo sa Diyos at lalong higit pang mga kaaway na hindi ko kayang mamuhay nang kasama. Sa aking kalungkutan at sama ng loob, hindi ko maiwasang maisip ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya…. Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Ang libu-libong taon ng poot ay naiipon sa puso, nakaukit sa puso ang libu-libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito pupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway, huwag nang hayaan pa itong patuloy na magwala, at huwag na itong hayaang magsimula pa ng problema hangga’t gusto nito! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang pagsisikap at binayaran ang bawat halaga para dito, upang punitin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at tulutan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na bumangon mula sa kanilang pasakit at talikuran ang masama at matandang diyablong ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Mula sa mga salitang ito ng Diyos naunawaan ko ang Kanyang kalooban, at doon ay lumabas sa akin ang mapait na galit sa mga diyablong ito. Nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay at ibinangon Niya ang sangkatauhan; tinatangkilik ng sangkatauhan ang masaganang biyaya ng Diyos, laging batas ng Langit at prinsipyo ng lupa ang paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Diyos. Gayunpaman ginagawa ng gobyerno ng CCP ang lahat upang brutal na pigilan yaong mga naniniwala sa Makapangyarihang Diyos; mabangis silang hinuhuli, pinapahirapan at pinagdurusa nang malupit, ikinukulong sila sa mga labor camp at iniinsulto at hinihiya sila, walang kabuluhang umaasa na mapupuksa nila ang lahat ng naniniwala sa Diyos at wakasan ang gawain ng Diyos upang iligtas ang tao sa mga huling araw—talagang napakasama at kasuklam-suklam nito! Sa paglipas ng mga taon, kung hindi dahil sa proteksyon at pangangalaga sa akin ng Makapangyarihang Diyos, matagal na akong malupit na nalagay sa kamatayan ng diyablong si Satanas. Sa harap ng espirituwal na labanang ito ng buhay at kamatayan, nakapagpasiya na ako: Dapat akong manindigan sa katotohanan at dapat ko pa ring mahalin ang Diyos kahit na ako ay naghihirap sa labis na sakit, at ipinangako ko ang aking buhay upang maging saksi sa Diyos!

Nakikita akong nandidilat sa kanila nang walang sinasabing salita, nagwala sa galit sa akin ang masasamang pulis: “Hindi ka magsasalita, ha? Hintayin mong dumating ang aming mga amo upang sila mismo ang magsiyasat sa iyo, at titingnan natin kung mananatili pang nakatikom ang bibig mo!” Nang marinig kong sisiyasatin ako ng sila mismong mga hepe ng masasamang pulis, hindi ko napigilang kabahan nang kaunti. Ngunit naisip ko kung gaano ko tunay na naranasan sa loob ng kahirapan ang soberanya ng Diyos sa kabuuan at ang Kanyang pangangasiwa sa lahat ng mga bagay, at kung paanong may nag-iisang awtoridad at makapangyarihang sigla ang mga salita ng Diyos, at agad na lumitaw sa akin ang pananampalataya at lakas ng loob upang manaig sa mga puwersa ng kadiliman ni Satanas. Kahit na sobrang lupit at walang awa ang mga masasamang pulis na ito, mga papel na tigre lamang sila—mukha silang malakas sa labas ngunit sa mahina sa loob—at minamanipula rin sila ng mga kamay ng Lumikha. Sa aking puso, itinakda na ang aking pasiya sa Diyos: Oh, Diyos, gaano man ako pahirapan ng mga diyablo, hinihiling ko lamang na panatilihin Mo ang aking pananampalataya, palakasin ang aking pusong umiibig sa Iyo, at gawin akong Iyong matagumpay na patotoo kahit pa ang kapalit ay ang aking sariling buhay. Lumipas na malamang ang alas-10 ng umaga nang dumating ang dalawang lalaki na tinatawag ang sarili nila bilang mga kinatawan ng direktor ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad. Tiningnan nila ako nang walang sinasabing salita, pagkatapos ay sinabunutan ako ng isa sa kanila at walang humpay akong tinanong: “Naniniwala ka pa ba sa Makapangyarihang Diyos?” Nakita akong nanatiling tahimik, mabangis na nagsisigaw ang isa pang hepe ng masasamang pulis: “Kung hindi ka magsasalita, patitikman ka namin ng sakit ngayon!” Sa pagsabi niya rito na parang isang mabangis na hayop na tumatahol, hinawakan niya ang aking buhok at inihagis ako sa sahig, at lumagapak ako nang matindi na hindi na ako makabangong muli. Kinaladkad nila ako sa aking buhok at binugbog at sinipa ako, sumisigaw habang ako ay binubugbog: “Magsasalita ka na ba?” Sabay-sabay ang lahat, nasunog sa sakit ang aking mukha at di ko makayanan ang sakit ng aking anit na para bang napunit. Ang dalawang hayop na itong nagdamit tao ay tila mga kagalang-galang na ginoo sa labas, ngunit sa loob ay malulupit at walang awa tulad ng mga mababangis na hayop. Lalong higit pa nilang ipinakita sa akin na ang masamang pulitikal na partidong ito—ang CCP—ay ang diwa ni Satanas, at ang mga kampon nito ay grupo ng mga demonyo at masasamang espiritu! Matatagpuan nila sa huli ang sumpa ng Diyos! Nakita ng dalawang amo ng masasamang pulis na ito na hindi ako sumusuko sa kanilang despotikong kapangyarihan, kaya sinabunutan nila ako at idinikdik ako sa lupa na parang nabaliw sila, parehong gamit ang kanilang mga paa sa walang kabuluhang pagsipa at pagtapak sa akin. Pagkatapos ay kinaladkad nila ako pataas at malupit na pinag-aapakan ang likuran ng aking mga binti, sinisipa ako nang sobra kaya bumagsak ako nang paluhod sa lupa, at mabangis nilang sinabi: “Lumuhod ka at huwag gumalaw! Makakatayo ka lang kung mangungumpisal ka. Kung hindi ka magsasalita, huwag mo nang pangarapin pa iyon!” Kung gumalaw man ako nang bahagya, marahas nila akong sasabunutan at bubugbugin at sisipain nila ako. Lumuhod ako sa loob ng tatlo o apat na oras, sa panahong iyon hindi ko na mabilang kung ilang beses nila akong binugbog dahil hindi ko mapanatiling nakatayo ang aking sarili. Sa huli ay walang malay akong bumagsak sa lupa, at sinaway nila ako sa pagkukunwaring patay, at walang humpay at marahas nilang sinabunutan ang aking buhok kaya sumakit ang aking anit na para itong napunit. Sa sandaling iyon, parang pira-pirasong nahulog ang buo kong katawan—ni isang kalamnan ay wala akong maigalaw at di ko matiis ang sobrang sakit. Parang magagawang huminto ng aking puso anumang sandali. Patuloy kong tinatawag ang Diyos upang bigyan ako ng lakas, at ang mga payo ng Diyos at mga salita ng pampalakas-loob ay sumagi sa aking isipan: “Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay ipako sa krus at hinarap ang kanyang kamatayan, minahal pa rin niya ang Diyos; hindi niya inisip ang sarili niyang mga inaasam o hinangad ang magagandang pag-asa o maluluhong saloobin, at hinangad lamang niyang mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng plano ng Diyos. Iyan ang batayan na kailangan mong makamtan bago ka maituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na nagawang perpekto matapos na malupig(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 2). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas: Oo! Ipinako nang patiwarik sa krus si Pedro para sa Diyos at nagawa pa rin niyang mahalin nang lubos ang Diyos kahit pa dumaranas ang laman niya ng di-matiis na sakit. Napagtagumpayan niya ang laman, natalo si Satanas, at tanging ang ganitong uri ng patotoo lamang ang maalingawngaw at kayang aliwin ang puso ng Diyos. Gusto kong tularan si Pedro, upang maging luwalhati sa akin ang Diyos. Kahit na ang aking laman ay nasa matinding sakit, wala pa rin ito kumpara sa kung ano ang dinanas ni Pedro na ipinako nang patiwarik sa krus. Nais ni Satanas na ipagkanulo ko ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahirap sa aking laman, ngunit ginamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing perpekto ang tunay kong pag-ibig sa Kanya. Ngayon, talagang hindi ako susuko kay Satanas at hindi hahayaang magtagumpay ang kanyang balak. Nais kong mabuhay para sa pag-ibig ng Diyos! Kaagad, hindi na ako natatakot sa kamatayan; naging determinado akong isuko ang aking buong sarili sa Diyos at sumumpa ako sa aking buhay na magiging tapat ako sa Diyos! Pagkatapos, nanalangin ako sa Diyos: “O, Makapangyarihang Diyos, isa akong nilikhang nilalang na sumasamba sa Iyo at sumusunod sa Iyo na nararapat lang. Ibinibigay ko sa Iyo ang aking buhay, at kung ako man ay mabuhay o mamatay, naniniwala ako sa Iyo at iniibig Ka!” Agad kong nadama ang malaking pagkawala ng sakit sa aking katawan, at ang buo kong katawan at isip ay nagkaroon ng pakiramdam ng paggaan at paglaya. Sa oras na ito, hindi ko kayang hindi humuni sa aking puso ng isang himno ng iglesia: “Ngayo’y tinatanggap ko ang paghatol at pagdadalisay ng Diyos, bukas ay tatanggapin ko ang Kanyang mga pagpapala. Handa akong ibigay ang aking kabataan at ialay ang aking buhay upang makita ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Ah, naakit ng pag-ibig ng Diyos ang puso ko. Ginagawa at ipinapahayag Niya ang katotohanan, pinagkakalooban ako ng bagong buhay. Handa akong uminom mula sa mapait na saro at magdusa upang matamo ang katotohanan. Titiisin ko ang kahihiyan nang hindi dumaraing, nais kong gugulin ang buhay ko sa pagganti sa kabaitan ng Diyos” (“Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Pagud na pagod ang mga amo ng masasamang pulis sa pagpuwersa ng pahirap sa akin, at tumayo sila roon nang matagal nang walang sinasabing anumang bagay. Sa huli, hindi na alam ang gagawin, galit na galit na naubos ang pasensya nila sa akin: “Maghintay ka lang!” Umalis sila pagkatapos. Naiwang nakatayo ang ilang masasamang pulis na magkakasamang nag-uusap: “Sobrang tigas ng babaeng ito, wala tayong magawa sa kanya. Mas matigas siya kaysa kay Liu Hulan….” Sa puntong iyon, napukaw ako nang labis na hindi ko napigilang tumulo ang aking mga luha. Nagtagumpay ang Diyos! Kung hindi dahil sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagpoprotekta sa akin nang paulit-ulit, at kung hindi dahil sa pagpapalakas sa akin nang palihim ng Diyos, talagang hindi ko magagawang manindigan. Lahat ng luwalhati at papuri sa Makapangyarihang Diyos! Sa huli, ikinulong ako ng masasamang pulis sa isang detention house.

Sa detention house, hindi pa rin handang magpalaya ang mga masasamang pulis, at tinanong nila ako isang beses kada ilang araw. Sa tuwing tatanungin nila ako, pinapa-upo nila ako sa silid ng interogasyon sa tapat ng bintanang may metal na rehas sa harapan nito, at sa oras na hindi sila nasiyahan sa aking sagot, aabutin nila ako at marahas na ihahampas ang aking mukha o sasabunutan ako at ihahampas ang aking ulo sa mga rehas. Nakikita nilang wala pa rin silang napapala, sumiklab sila sa galit. Sa huli, napagtanto nila na walang kuwenta ang pagmamatigas sa akin, kaya lumipat sila sa malalambot na taktika at sinubukan akong buyuin at hikayatin, sinasabing: “Hinihintay ka ng iyong asawa’t mga anak sa bahay! At naki-usap sa amin ang iyong asawa alang-alang sa iyo. Magsabi ka sa amin at makakasama mo na sila sa lalong madaling panahon.” Nandiri ako sa mga huwad na salitang ito at napoot ako sa kanila nang labis na sinabi ko sa aking puso na isumpa sila ng Diyos. Kinamumuhian ko ang grupong ito na mga walang kahihiyang masasamang pulis. Kahit anu pang taktika ang kanilang laruin, ni isang pulgada ay hindi ako gagalaw! Sa buhay na ito, walang sinuman ang makakayanig sa aking determinasyon na sundin ang Makapangyarihang Diyos! Sa huli, nagamit na ng masasamang pulis ang lahat ng kanilang baraha, pinanatili nila akong nakakulong sa loob ng 40 araw, pinagmulta ako ng 2,000 yuan at pagkatapos ay pinalaya ako.

Sa kabuuan ng aking mga karanasan hanggang ngayon, sa tagal ng panahon, napagtanto ko ang isang malalim na pagkaunawa na ang isang katulad ko—isang ordinaryong babaeng taga-probinsya, na dating walang pananaw o lakas ng loob—sa gitna ng ilang mga pagsubok ng pagpapahirap upang mangumpisal at malupit na pagdurusa at pamiminsala ng pulis ng CCP ay nagawang magtagumpay, malinaw na nakita ang kakanyahang reaksyon ng gobyernong CCP na matigas na sinasalungat ang Diyos at sukdulang sinasaktan ang mga napiling tao ng Diyos, malinaw na nakita ang nakapandidiring kilos na lumilinlang sa publiko upang i-endorso ang sarili nitong reputasyon at itinatago ang masasama nitong paraan, at ito ay sa pamamagitan ng ganap na nakamamanghang mga gawain at kapangyarihan ng Diyos. Sa aking praktikal na karanasan, talagang ikinalugod ko na ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos ay napakalaki, na walang hanggan ang siglang ipinagkakaloob ng Diyos sa tao at kaya nitong talunin ang lahat ng masasamang puwersa ni Satanas! Sa paghihirap, nalaman ko na ang pag-ibig ng Diyos ang umaliw at nagpalakas ng loob ko, at pinigilan ako nitong mawala sa aking landas. Saanman ako naroroon o anumang sitwasyon ang aking matagpuan, lagi akong binabantayan ng Diyos, at laging nasa akin ang Kanyang pag-ibig. Karangalan ko ang kakayahang sundin ang praktikal at tunay na Diyos na ito, at nagawa kong danasin ang ganitong uri ng pag-uusig at kahirapan at natikman ang kamanghaan ng Diyos, higit pang aking suwerte ang Kanyang karunungan at ang Kanyang pagkamakapangyarihan. Simula sa araw na ito, nawa’y magawa ko ang lahat upang mahanap ang katotohanan at makamit ang tunay na kaalaman sa Diyos, mahalin ang Diyos hanggang sa huli, at maging matatag sa aking katapatan!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply