Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos

Marso 28, 2022

Ni Mathieu, France

Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. Sa totoo lang, mas marami akong nakamit kaysa sa nakamit ko sa mahigit isang dekada kong pagiging isang Kristiyano. Hindi ako naniniwala sa malabong Diyos ng imahinasyon ko gaya noon, ngunit sa praktikal na Diyos sa katawang-tao, na naglalakad at gumagawa sa gitna ng sangkatauhan, na kayang magpahayag ng katotohanan sa anumang oras at anumang lugar. Narinig ko ang tinig ng Diyos at natamasa ang panustos ng Kanyang mga salita. Talagang bumaling na ako sa panig ng Panginoon.

Mathieu ang pangalan ko, at ipinanganak ako sa isang pamilya ng mga Katoliko sa Lyon, France. Nagkaro’n ako ng isang tradisyunal na Katolikong kabataan. Bininyagan ako, dumalo ako ng Misa, pinatungan ako ng kamay, at naglakbay ako sa banal na lugar ng Lourdes. Paglaki ko, natanto kong palaging ang pareho at lumang mga doktrina ang pinangangaral ng mga paring Katoliko at wala nang iba. Naramdaman kong para ’yong isang malamig, walang-buhay na kapaligiran at parang nawalan na ng sigla ang pananalig ng marami sa ibang mga mananampalataya. Nakakapanghina ito ng loob para sa’kin. Nag-asam akong makahanap ng isang iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu kung saan mararamdaman ko ang presensya ng Panginoon. Nagpasya akong pumunta sa labas ng simbahang Katolika para maghanap ng isa pa. Napunta ako sa Geneva matapos ’yon, kung saan pumasok ako sa university at sumali sa isang lokal na Christian evangelical church. Pero nakita kong mga literal na doktrina lang ang pinapangaral ng pastor, sumisigaw ng ilang slogan, at nagsasalita tungkol sa teolohiya at espirituwal na biyayang malayo sa realidad. Walang kahit anong umantig sa’kin o tumulong sa’kin na makilala ang Panginoon. Isa pang bagay na napansin ko ay ang pagsamba sa mga diyus-diyusan. Napansin ko na katabi ng pulpito ang larawan ng punong pastor at kapag may isang baguhan na sumali sa simbahan, inuutusan sila ng lokal na pastor na sumaludo sa larawan ng punong pastor. Araw-araw na ipinapadala ng pastor sa mga mananampalataya ang sarili niyang mga interpretasyon ng Kasulatan at tinuturing ’yon ng mga kapatid bilang kanilang pang-araw-araw na pagkain, na para bang nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos. Isinagawa nila ’yon na parang mga salita ’yon ng Diyos. Talagang hindi ako naging komportable dahil dito. Parang hindi ’yon tama para sa’kin. Nakikita kong wala ang Panginoon sa simbahang ’yon, na talagang wala ro’n ang Panginoon. Tinanong ko ang sarili ko, “Nasa’n ba talaga ang Panginoon?” ’Yon talaga ang hinahanap ko. Iniwan ko rin ang simbahang ’yon matapos ’yon. Talagang hungkag ang espiritu ko nung puntong ’yon at inisip ko kung binalewala na ba ako ng Panginoon.

Simula no’n, mag-isa kong binasa ang Biblia sa bahay. Maraming beses kong binasa ang ikatlong kabanata ng Pahayag at ang bahagi na nagsasalita tungkol sa iglesia sa Philadelphia ang nag-iwan ng isang malalim na impresyon sa akin. “Sapagka’t tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon(Pahayag 3:10–12). Nakakasabik at talagang tumama sa’kin ang mga bersikulong ito. Puno ’yon ng misteryo at mga pangako. Nakita kong napakalinaw na sinabi ng Panginoon na isa lang ang iglesia na sasang-ayunan ng Panginoon, at ’yon ay ang iglesia sa Philadelphia. Nagsimula ’yong maging parang sinasabi sa’kin ng Panginoon, “Narito Ako sa iglesiang ito.” Isang tanong ang nabuo sa’kin dahil do’n: Nasaan ang iglesiang ito? Sa pagbabasa, nakita ko ito: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Sabik na sabik ako nang mabasa ko na malinaw na sinabi ng Panginoon na kakatok Siya sa pinto. Inisip ko kung papaano Siya kakatok at kung nangangahulugan ’yon na malapit nang bumalik ang Panginoon. Labis ’yong nakapagpaliwanag sa akin, at hinimok nito ang aking pagnanasa na patuloy na maghanap. Noong Mayo 1, 2018, matapos akong magdaan sa isang madilim na panahon, nanalangin uli ako sa Diyos nang buong puso ko at kaluluwa. Gusto ko talagang maunawaan ang lahat na hindi ko kailanman naunawaan noon. Sabi ko, “O Diyos ko, paliwanagan Mo ako. Alam kong malapit Ka nang dumating. Hayaan Mong maunawaan ko ang Iyong kalooban.” Natulog ako matapos manalangin.

Kinabukasan, nagtrabaho ako gaya ng dati. Pumunta ako sa Lake Geneva para sa lunch break ko at naupo sa isang bangko at lumapit sa Diyos upang manalangin. Tapos natanto ko na may iba pang nandoon, kaya nilapitan ko siya at ibinahagi sa kanya ang ebanghelyo. Sumalungat siya, sinasabing, “Kapatid, alam mo ba? Nagbalik na ang Panginoon at nagpahayag ng milyun-milyong salita.” Nagulat ako nang marinig ko ’yon at naisip ko, “Bakit sinabi ’yon ng kapatid na ito? Talaga bang nagbalik na ang Panginoon?” Nabigla ako. Habang ipinagpapatuloy namin ang aming fellowship, isa-isang nagsulputan sa akin ang mga tanong: Talaga bang nagbalik na ang Panginoon? Paano? Nang patapos na kami sa aming pagbabahagi, ibinigay niya sa akin ang address ng website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinabing, “Mas masisiyasat mo iyon dito.”

Binuksan ko agad ang site na ’yon pagkabalik ko sa opisina. Naaalala ko na ang pinakaunang bagay na nakita ko ay ang “Nagpakita na sa Tsina ang Cristo ng mga Huling Araw.” Hindi ko natanto ’yon. Talagang nagulat ako nang makita ’yon. Ang mas nakakagulat pa ay mayroon do’ng lahat ng uri ng libro, pati na ang dalawa na talagang nakagawa ng impresyon sa akin: Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at Mga Pagbigkas ng Cristo ng mga Huling Araw. Talagang gusto kong malaman ang tungkol do’n, kaya i-clinick ko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at nakita ko ang isang sipi. Talagang nag-iiwan ’yon ng hindi napapawing impresyon. “Lahat ng Aking tao na naglilingkod sa Aking harapan ay dapat gunitain ang nakaraan: Nabahiran ba ng dumi ang inyong pagmamahal sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Totoo ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano kalaki ang puwang Ko sa inyong puso? Napuno Ko ba ang buong puso ninyo? Gaano karami ang naisagawa ng Aking mga salita sa inyong kalooban? Huwag ninyo Akong ituring na isang hangal! Napakalinaw ng mga bagay na ito sa Akin! Ngayon, habang binibigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, naragdagan ba ang inyong pagmamahal sa Akin? Naging dalisay ba ang bahagi ng inyong katapatan sa Akin? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ng matibay na pundasyon ang papuring inialay noong araw para sa inyong kaalaman ngayon? Gaano kalaking bahagi ninyo ang okupado ng Aking Espiritu? Gaano kalaking puwang ang sakop ng Aking larawan sa inyong kalooban? Tumagos ba sa puso ninyo ang Aking mga pagbigkas? Nadarama ba ninyo talaga na wala kayong mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Naniniwala ba kayo talaga na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking mga tao? Kung kayo ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, nagpapakita ito na mapanganib ang iyong sitwasyon, na nariyan ka lamang para dumami ang mga dumadalo, at sa panahong Aking itinalaga, tiyak na aalisin ka at itatapon sa walang-hanggang kalaliman sa ikalawang pagkakataon. Ito ang Aking mga salita ng babala, at ang sinumang nagbabalewala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay daranas ng kalamidad. Hindi nga ba ganito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 4). Tila napakamaawtoridad sa akin ng mga salitang ito, na para bang ang Diyos Mismo ang nakikipag-usap sa akin nang harapan. Pakiramdam ko ay tinatanong ako ng Diyos: Mayroon ka bang totoong pagmamahal para sa Akin? Tunay ba ang iyong pagpapasakop sa Akin? Medyo hindi ako mapalagay nung oras na ’yon dahil, sa totoo lang, nakikita ko na naglingkod ako sa Diyos na parang isa ’yong tungkulin, hindi galing sa isang lugar ng pagmamahal. Mayroong mas pagpupumilit sa aking mga panalangin. Palagi akong humihingi ng mga bagay mula sa Panginoon, sinasabing, “Diyos ko, gusto ko ng kotse, gusto ko ng ganitong uri ng bahay, gusto ko ng ganitong uri ng trabaho, gusto ko ng ganitong uri ng asawa, at gano’ng uri ng suweldo.” Napagtanto kong hindi makatwiran ang lahat ng ’yon. Mas malala, kung hindi tinupad ng Panginoon ang aking mga labis-labis na hangarin, sisisihin ko Siya at magrerebelde laban sa Kanya. Hiyang-hiya ako tungkol dito at gusto ko pa ngang maghanap ng lugar na tataguan dahil labis akong nalantad. Tapos nagkaroon ako ng pakiramdam, na para akong isang batang nakaharap sa kanyang mga magulang na pinagagalitan siya dahil sa masamang asal. Nakakaintriga ’yon para sa’kin, at talagang nakaramdam ako ng saya dahil naramdaman kong parang harapan akong kinakausap ng Diyos. Naramdaman ko na tinig ito ng Diyos, dahil ang Diyos lang ang nakakakita sa mga puso ng tao. Nag-iwan ito sa akin ng malalim na impresyon. Wala akong nasabi, walang anumang naidahilan. Nakatiyak din ako na ito ang tinig ng Diyos, kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Marami akong binasa. Naramdaman kong kinakausap ako ng Diyos nang may kapangyarihan at awtoridad. Hindi ko magawang ilayo ro’n ang sarili ko.

Naaalala ko ang sipi na talagang nag-iwan ng impresyon sa’kin. “Minamasdan Ko ang lahat ng bagay sa ibaba mula sa itaas, at gumagamit Ako ng kapangyarihan sa lahat ng bagay mula sa itaas. Sa gayon ding paraan, nailagay Ko na sa lugar ang Aking pagliligtas sa ibabaw ng mundo. Walang kahit isang saglit na hindi Ko minamasdan, mula sa Aking sikretong lugar, ang bawat galaw ng sangkatauhan at lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa. Alam Ko ang iniisip at nadarama ng mga tao: nakikita at kilala Ko silang lahat. Ang sikretong lugar ay Aking tirahan, at ang buong kalangitan ang kamang Aking hinihimlayan. Hindi Ako kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas, sapagkat nag-uumapaw ang Aking kamahalan, katuwiran, at paghatol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 5). Naramdaman kong parang puno ng awtoridad ng Diyos ang mga salitang ito. Sino pa bukod sa Diyos ang nakakakita sa ating mga puso? Sino pa bukod sa Diyos ang kayang kumausap sa’tin nang direkta nang may gano’ng kapangyarihan at awtoridad? Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at ang Diyos lang ang nakakakita sa mga bagay na tinatago natin sa kaibuturan ng ating mga puso. Nakatiyak ako na mula sa Diyos ang mga salitang ito at talagang nasabik ako. Isa ’yong pakiramdam na ’di ko pa naramdaman noon. Naalala kong marami akong binasa nung araw na ’yon at nahuli ako sa pag-uwi ng tatlong oras. Talagang espesyal ’yon, at isang sandaling wala talagang kapantay. Sa biyahe pauwi, paulit-ulit kong sinasabi, “Diyos ko, talagang pinasasalamatan Kita! Narinig ko ang tinig Mo at alam kong nagbalik Ka na. Nasaksihan ko ang Iyong awtoridad. Sa Iyo nawa ang lahat ng kaluwalhatian!” Talagang napakasaya ko, sabik na sabik. Naalala ko ang panalangin ko nung nakaraang gabi. Naalala kong nanalangin ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na tulungan akong unawain ang kalooban Niya sa Kanyang pagbabalik. Nung sandaling ’yon, napagtanto kong dininig ng Diyos ang panalangin ko. Ang mas kahanga-hanga pa, sinagot Niya ang panalangin ko. Isang bagay na hindi kapani-paniwala, talagang kahanga-hanga! Pero napuno rin ako ng mga katanungan, gaya ng: Dahil nagbalik na ang Panginoon, paano Siya nagbalik? Anong gawain ang ginagawa Niya? May mga katanungan akong walang sagot kaya nakipag-ugnayan ako sa mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Sinabi nila sa’kin na naging tao ang Panginoon bilang ang Anak ng tao, na palihim Siyang dumating. Siya ang Makapangyarihang Diyos, at nagpahayag Siya ng mga katotohanan at gumagawa ng bagong gawain. Ito ang paghatol ng mga huling araw na nagsisimula sa bahay ng Diyos na iprinopesiya sa Biblia na ganap na lilinis at magliligtas sa sangkatauhan. Lubos akong natigilan. Nagbahagi sila sa’kin sa fellowship na talagang nakakapagpaliwanag sa ilang bersikulo sa Biblia gaya ng Pahayag 16:15, “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Nandiyan din ang Lucas 12:40, “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.” Nakita kong sinabi ng mga bersikulong ito na magiging tao ang Panginoon at darating nang palihim bilang ang Anak ng tao. Malinaw na hindi tinutukoy ng “Anak ng tao” ang isang espirito o isang espirituwal na katawan, kundi ang pagkasilang mula sa tao at pagkakaroon ng normal na katauhan at ng diwa ng Diyos. Gaya rin ’yon ng Panginoong Jesus dalawang libong taon na ang nakakaraan. Mukha Siyang isang karaniwang tao, pero Diyos Siya sa diwa. Matapos ’yon, nagbahagi kami sa Pahayag 3:20, na bumabanggit sa pagkatok ng Panginoon sa pinto. Nalaman ko na ang “pagkatok” ay tumutukoy sa pagpapahayag ng Panginoon ng mga bagong salita sa mga huling araw para kumatok sa mga pinto ng puso ng mga tao. Kapag naririnig ng mga tunay na mananampalataya ang mga salita ng Panginoon, nakikilala nila ’yon bilang ang tinig ng Diyos, at sila ang matatalinong birhen na dinadala sa harap ng Diyos at sumasalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Tinutupad din nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Naisip kong hindi ’yon kapani-paniwala. Naisip ko kung paanong ito na ang pangalawang beses na dumating sa lupa sa katawang-tao ang Diyos para gumawa at ’yon ay kung kailan buhay ako sa mundo, humihinga ng parehong hangin, at kamukha lang Siya ng sinumang karaniwang tao. Naisip kong hindi ’yon kapani-paniwala! Palagi kong inaakala na nasa langit ang Diyos. Hindi ko kailanman naisip na sa mga huling araw, darating ang Diyos sa lupa sa katawang-tao para magsalita at gumawa ng bagong gawain.

Tapos sina Sister Lisa at Brother David ay nagbasa sa akin ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol sa mga pagkakatawang-tao ng Diyos. “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). Matapos kong basahin ang mga siping ito ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang nagkatawang-taong Diyos ay ang Espiritu ng Diyos na may katawan at dumating sa lupa para magsalita at gumawa para iligtas ang sangkatauhan. Si Cristo ay mukhang isang karaniwang tao sa panlabas, kumakain, nananamit, natutulog gaya ninuman, pero meron Siyang banal na diwa. Kaya Niyang kausapin ang lahat ng sangkatauhan bilang ang Diyos Mismo at kaya Niyang ipahayag ang mga katotohanan na hindi kailanman magagawa ng tao. Kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at isakatuparan ang kalooban ng Diyos. Sa panlabas, gaya rin lang ng kahit sino si Cristo at hindi natin masasabi na Siya ang Diyos. Pero ’pag narinig natin Siyang magsalita, masasabi natin na hindi nagmumula sa mundong ito ang mga salita Niya. Kaya Niyang magpaliwanag ng mga katotohanan at misteryo na hindi pa nakikita o naririnig ninuman. Kaya Niyang ihayag ang katiwalian natin sa kaibuturan. Ang ipinapahayag Niya ay ang ipinapahayag ng Diyos Mismo. Doon natin nakikita na Siya ay Diyos. Sa gano’ng paraan bumalik noon ang Panginoong Jesus. Mukha Siyang isang karaniwang tao sa panlabas, pero kaya Niyang maging alay sa kasalanan para sa buong sangkatauhan, para patawarin ang mga kasalanan natin, Kaya Niya tayong bigyan ng kapayapaan at kagalakan, at masaganang biyaya. Wala nang iba bukod sa Kanya ang makakagawa ng gawaing ito dahil mga tao lang ang mga tao, at hindi nagtataglay ng diwa ng Diyos. Ibinahagi rin ng mga kapatid na gaya rin lang ng Panginoong Jesus ang Makapangyarihang Diyos. Mukha Siyang isang karaniwang tao, pero sa Diyos ang Kanyang diwa, dahil kaya Niyang gawin ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, ipahayag ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan, at lutasin ang mga misteryong walang tao na makakalutas kailanman. Lalo na ang mga bagay gaya ng mga katotohanan tungkol sa planong pamamahala ng Diyos, paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, at ang paghahayag Niya ng satanikong kalikasan ng mga tao—walang sinuman bukod sa Diyos ang makakapagpahayag ng mga katotohanang ito. Walang taong makakagawa no’n. Pinatutunayan nito na may banal na diwa ang Makapangyarihang Diyos, na Siya ang Cristo ng mga huling araw.

Ang pagkarinig sa lahat ng ito ang tumulong sa’king maunawaan ang ilang katotohanan ng pagkakatawang-tao at nakita kong may parehong normal na katauhan at isang banal na diwa si Cristo. Nalinaw ang ilan sa malabo kong haka-haka at mga pagkaunawa tungkol sa Diyos. Talagang nakapagpapalaya ito para sa’kin. Nakikita at nahahawakan ang Diyos na nagkatawang-tao at kaya Niyang makipag-usap sa mga tao nang harapan. Ang pag-iisip na nagiging tao ang Diyos sa mga huling araw, personal na nagpapahayag ng mga salita para iligtas ang lahat ng sangkatauhan ay talagang kapana-panabik, talagang nakakaantig para sa’kin. Pero nang marinig ko na nagkatawang-tao ang Diyos sa pangalawang pagkakataon para gumawa ng gawain ng paghatol, medyo nangamba ako, medyo natakot. dahil nabubuhay ako sa kasalanan. Inisip ko kung ikokondena at parurusahan ba ako sa paghatol ng Panginoon. Dahil do’n kaya ako nag-alala. Pero matapos makipag-fellowship sa mga kapatid, nalaman ko na ang gawain ng paghatol ay hindi para ikondena at parusahan tayo, kundi ito’y para linisin at iligtas tayo. Isa itong praktikal na kaligtasan. Sa katunayan, isang bahagi lang ng gawain ng pagliligtas ang ginawa ng Panginoong Jesus. Pinatawad Niya lang ang mga kasalanan natin. Pero hindi pa napupuksa ang ugat ng ating pagiging makasalanan. Bagama’t maaaring igugol ng mga mananampalatayang gaya natin ang kanilang sarili para sa Diyos at gumawa ng ilang mabubuting gawain, puno ng mga satanikong disposisyon ang kalikasan natin gaya ng kayabangan, panlilinlang, at katigasan. Naiinggit tayo sa mga taong kaya tayong lampasan at lahat ng gawin natin sa mga buhay natin ay para sa’ting mga sarili. Labis tayong makasarili. Tayo’y pawang kontrolado at pinaghaharian ng ating mga satanikong disposisyon at wala tayong ideya kung paano makakawala sa mga gapos ng kasalanan. Isa itong katotohanan, at isa ’tong bagay na araw-araw nating nakikita. Naisip ko ang isang bersikulo sa Biblia dahil do’n: Sinabi ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:45). Malinaw na ’pinapakita sa’tin ng bersikulo na hindi pa tayo karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit dahil walang ni isa sa’tin ang banal. Kaya ang Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, ay gumagawa ng gawain ng paghatol para linisin at iligtas tayo sa mga huling araw, para lubusan tayong makalaya mula sa mga gapos ng kasalanan at maging mga taong natatakot at nagpapasakop sa Diyos, na hindi na nagkakasala at lumalaban sa Diyos. Iyon ang layunin ng gawaing ito. Tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus: “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo(Juan 8:32).

Matapos ipaliwanag ’yon, nagbasa sila ng dalawang sipi na talagang malinaw na nagpapaliwanag sa gawain ng paghatol. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Tapos sinabi ni Brother Leo na sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan para hatulan at linisin ang sangkatauhan at naghahayag ng napakaraming misteryo at katotohanan ang Kanyang mga salita gaya ng mga misteryo ng anim na libong taong planong pamamahala ng Diyos, ang tatlong yugto ng gawain Niya, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan at paano tayo inililigtas ng Diyos, sino ang maaaring maligtas at makapasok sa kaharian, at sino ang parurusahan at aalisin, ang mga kalalabasan at hantungan ng bawat uri ng tao, at marami pa. Ibinubunyag at hinahatulan din ng Makapangyarihang Diyos ang ating satanikong kalikasan at ang katotohanan ng ating katiwalian. Nilulutas Niya ang ating katiwalian at likas na pagkamakasalanan sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino kaya malinaw nating nakikita kung gaano tayo ginawang tiwali ni Satanas, kaya nakikita natin ang kayabangan, kabuktutan at panlilinlang sa ating likas na katauhan, at nakikita natin ang kaugnayan natin sa Diyos, na labis na nakakalungkot. Maaaring naniniwala tayo sa Diyos at gumugugol ng sarili para sa Kanya, at gumagawa ng ilang mabubuting bagay, pero ginagawa lang natin ’yon para mapagpala at magantimpalaan. Nakikipagtawaran tayo sa Diyos. Hindi ’yon dahil sa pagmamahal o pagpapasakop sa Diyos. Sa sandaling hindi sumang-ayon ang gawain ng Diyos sa ating mga iniisip at pagkaunawa, itinatanggi at inaayawan natin ang Diyos, gaya ng ginawa ng mga Fariseo. Kahit lubos na alam na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tinig ng Diyos, na mula ’yon sa Diyos, pinipigil pa rin tayo ng mga pinuno ng mga relihiyon at tinatanggihan natin ang tunay na daan. Sinisisi natin ang Diyos sa harap ng mga pagsubok at kahirapan at nabubuhay tayo sa loob ng tiwali nating mga disposisyon. Ipinakikita nito na nabubuhay pa rin tayo sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, na lubos tayong pag-aari ni Satanas. Paano makakapasok sa kaharian ng langit ang gano’ng uri ng tao? Ipinapakita sa’tin ng paghatol at mga pahayag ng Diyos ang tunay nating kalagayan, ipinakikita ang katotohanan ng ating katiwalian, na wala tayong kakayahang sumunod sa kalooban ng Diyos at palugurin Siya. Tapos napupuno tayo ng pagsisisi at nagiging handang magsisi sa harap ng Diyos. Sa pagsailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakikita natin na hindi lang binubuo ng pagmamahal at awa ang disposisyon ng Diyos, pero mayroon ding katuwiran, kamahalan, poot, at sumpa. Nagsisimula tayong matakot sa Diyos at sadyang tinatalikdan ang laman at isinasagawa ang mga salita ng Diyos. Nagkakaro’n tayo ng pagsunod sa Diyos at nagsisimulang magbago ang ating buhay-disposisyon. Tunay nating dinaranas na ang paghatol ng Diyos, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ay ang Kanyang pinakamalaking pagliligtas at pinakamalaking pag-ibig sa atin.

Nang marinig ito mula kay Brother Leo, nararamdaman ko kung gaano kalalim ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi daranasin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi natin kailanman mauunawaan ang katotohanan ng ating katiwalian o magawang lumapit sa harap ng Diyos nang may tunay na pagsisisi. Ako naman, araw-araw akong nananalangin at nangungumpisal sa Panginoon, tapos lalabas ako at magagawa uli ang parehong mga kasalanan. Nagsisi ako pero hindi kailanman nagbago, at patuloy akong nabubuhay sa kasalanan. Nakita kong lubos akong kontrolado ng aking likas na katiwalian, at sa kalagayang gaya no’n, paano ako makakapasok sa langit at magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos? Imposible ’yon. Akala ko hangga’t nagpapakita ako ng maayos na pag-uugali, sasang-ayunan ako ng Diyos. Pero napagtanto ko na hindi ang panlabas na mga pagbabago ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang pagbabago ng nasa loob. Doon ko napagtanto kung gaano kaimportante ang gawain ng paghatol para sa atin, na kung wala ang yugto ng gawaing ’yon, walang maliligtas. Kaya ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Para ’yon linisin ang ating mga tiwaling disposisyon para maging kaayon tayo ng Diyos at makapasok sa Kanyang kaharian. Napakatunay ng pagmamahal ng Diyos, napakapraktikal!

Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos araw-araw, Ganap kong nasigurado na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Siya ang Cristo ng mga huling araw. Walang anino ng pagdududa. Simula no’n, sa pamamagitan ng paglahok sa buhay-iglesia araw-araw at pagbabahagi kasama ang mga kapatid, natutunan kong kilalanin ang Diyos at magbilad sa mayamang pagdidilig at panustos ng mga salita ng Diyos. Hindi ako naniniwala sa malabong Diyos ng imahinasyon ko gaya noon, ngunit sa praktikal na Diyos sa katawang-tao, na naglalakad at gumagawa sa gitna ng sangkatauhan, na kayang magpahayag ng katotohanan sa anumang oras at anumang lugar. Narinig ko ang tinig ng Diyos at natamasa ang panustos ng Kanyang mga salita. Natikman ko na ang gawain ng Banal na Espiritu. Ito ang pinapangarap ng bawat Kristiyano. Talagang napunta na ako sa panig ng Panginoon at nagpapasalamat ako sa pagliligtas sa’kin ng Makapangyarihang Diyos! Isa itong hindi kapani-paniwalang biyaya para sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.